"Why are you so rude?!" Sabay baltak ng braso ni Jeff. Parehas na silang nakadamit at palabas na ng hotel na iyon. Simula kasi ng matapos sila sa kanilang ginagawa ay hindi na muling kinibo ni Jeff ang dalaga.
Inalis ni Jeff ang kamay sa kanyang braso at hinarap si Trish. "I just like to be rude. Is there any problem with that?" Prenteng prente nitong sagot.
Medyo nagulat ang dalaga sa naging sagot nito sakanya pero agad ding tumawa, "So, eto ang trip mo ngayon? Ang maging sadista? Ganun?"
"Sort of.." Sabay talikod nito at nagsimula na muling maglakad palabas.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga at mariing sinundan si Jeff.
"Mag-taxi ka na lang papasok ng trabaho mo, magta-taxi na lang din ako. May meeting ako ngayon sa isang client ko about sa deal namin. And hopefully ay ma-close ko agad ang deal para hayahay ang buhay." Bahagyang natawa ang dalaga. "Sige, goodluck." Sabi nito at akmang hahalikan ang binata pero pinigilan siya nito.
"Baka may makakita pa sa'tin dito. Sige na, sumakay ka na." Sabi nito sabay pumara ng taxi.
Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang inutos nito sa kanya. Maya-maya lang din ay nakasakay na rin agad ng taxi si Jeff.
--
"Good afternoon, Mr. Balbueno. Nice to meet you." Sabay lahad ni Jeff ng kanyang kamay sa kaharap niyang isang businessman. Inabot naman nito ang kamay ni Jeff, "Nice to meet you too, Mr. Fetalvero. Have a seat." Sagot nito at sabay silang naupong pareho.
"So, where's your proposal?" Walang patumpik-tumpik nitong tinuran. Isa kasing napaka-busy na tao nitong si Mr. Balbueno. Ayaw na ayaw niya ang nasasayang ang kanyang oras.
"Oh, here it is, sir." Mabilis na sagot nito sabay kinuha ang laptop sa dala niyang bag. Binuksan niya ito at iniharap sa kausap niya. Ipinaliwanag niya ang mga nasa larawan at mukhang nagustuhan naman nito ang propopal na ipinakita niya.
"Awesome design! I like the ambiance that you used in that proposal! Very natural and has a class!" Pagpuri nito sa proposal ni Jeff. Isa itong 3 storey building na dinesenyo ni Jeff.
Napangiti ng napakalaki si Jeff sa narinig niya. "Thank you, sir at nagustuhan niyo po." Magalang nitong tugon.
"I didn't know that you're a good designer. Tama nga ang sabi nila sa'kin, isa kang magaling na designer. So, where's the papers? I have to sign it immediately." Nakangiti nitong sabi.
Hindi na nakasagot pa si Jeff at dali-daling kinuha ang mga papeles at pinapirmahan ito. "So it's a deal then." Napatayo silang pareho at sabay na nag shake hands.
"Thank you po ulit, sir hinding hindi po kayo magsisisi sa naging desisyon niyo. Thank you po talaga." Maluha-luha nitong sabi. "It's my pleasure to be your client. You're such a good designer! You should write more designs. Malay mo, next client mo, mga bigating pulitiko na." Sagot nito sabay tapik sa balikat ni Jeff bago umalis ng coffee shop na iyon.
Naiwang nakatulala si Jeff at napatingin sa papel na may pirma ng client niya, "Talaga bang pinirmahan niya ng ganung kadali ang proposal ko?" Tanong nito sa sarili. Sinampal-sampal pa niya ang kanyang pisngi bago tuluyang mapagtantong hindi nga siya nananaginip.
"Napa-pirma ko siya!!! YES! Woooooah!!" Sigaw nito dahilan para makuha ang lahat ng atensyon ng mga taong nandun sa café na iyon.
--
Masayang masaya na umuwi ng bahay si Jeff. Bitbit ang isang malaking balita.
"Good evening, hon laki ng ngiti natin, ah? May nangyaring maganda sa opisina mo, no?" Bungad sa kanya ni Kathy.
Nilapitan niya ito at niyakap. "Hulaan mo kung anong nangyari sa'kin ngayong araw, hon." Sabi nito sabay dampi ng isang halik.
"Hmm. Na-promote ka?"
Umiling ito. "Nope.."
"Eh, ano ba 'yun, hon? 'Wag mo na akong pag-isipin pa." Malambing nitong sabi.
Kumalas sa pagkakayakap si Jeff at kinuha ang papel sa bag niya. "Read this." Sabay abot niya ng mga papeles. Kinuha naman ito Kathy at binasa.
"Wow! Talaga, honey? Na-approved ang proposal mo? Congrats hon!!" Sabay yakap nito ng mahigpit. "Napaka-aga nitong regalo para sa kasal natin."
"Oo nga, hon. Hayaan mo, mas pagbubutihin ko pa ang trabaho ko para sa magiging pamilya natin. Bubuo tayo ng isang daan na anak!" Sigaw niya.
Bahagya siyang binatukan nito. "Grabe naman 'yung isang daan, hon! Malolosyang ako nun!" Reklamo nito pero agad ding tumawa ng mahina.
"Eh, di ba, gusto mo ng maraming anak? Edi gumawa tayo ng isang daan!" Seryoso nitong sagot pero sa loob-loob niya ay gustong gusto niya ng tumawa ng malakas.
"Seryoso ka dun, hon? Hindi ka nagbibiro?"
"Pfft! Hahaha! Naniwala ka namang gagawin talaga natin 'yon?" Tanong nito na hindi na makalayaw sa kakatawa.
"Eh, ang seryoso kaya ng itsura mo! Kainis ka!" Sabay palo sa braso ni Jeff.
Niyakap naman siya nito ng marahan. "Joke lang yun, hon pero kung gusto mo, pwede naman nating gawin yun, eh." Ngumisi ito at sinimulan nang halikan sa leeg si Kathy.
"Ano ba, hon! Meron ako!" Sigaw nito sabay tulak ng mahina kay Jeff.
"Meron ka? We? Patingin--"
"Hon! You're so gross!" Sabay talikod nito at sinimulan ng maglakad patungo sa kwarto nila.
Bahagyang natawa si Jeff sa pagka-pilyo niya. Tumingin sa relo bago sinundan si Kathy.
--
"Ano ba! Nasasaktan ako! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa opisina ko, ha!?" Nagpupumiglas ito sa pagkayakap sa kanya ng isang lalaki.
"Trish, I miss you and I need you badly." Sagot nito habang panay pa rin ang paghimas sa katawan ng dalaga.
"Stop it! Stooooop it!" Sigaw nito dahilan para mapatigil ang lalaki sa paghalay sa dalaga.
"Okay. I'll stop. But please, trish pretty please?! Para na 'kong mababaliw sa pagkamiss sa'yo."
Hindi makapaniwalang tinignan ni Trish ang lalaking nasa harapan niya ngayon. "You're unbelievable, Salcedo! Ganyan ka ba talaga kabaliw sa alindog ko, ha?"
"Hindi ko rin alam, Trish ang tanging alam ko lang ay hinahanap-hanap ko ang halik mo, ang paghimas ko sa bawat balat mo, ang mabangong simoy ng buhok mo. Lahat ng iyon at ang buong ikaw, hinahanap ng buong pagkatao ko." Mahabang paliwanag nito.
Nakatitig lang si Trish habang nagpapaliwanag ito sa kanya. Sumasakit ang ulo dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya sa lalaking ito.
Bumuntong hininga ito bago tuluyang nagsalita. "Okay. I'll call you later, after my office hours. Buy please Salcedo, don't you dare to call me, or either text me. I'm the one who can call you, okay?"
Tumungo ang lalaki na may malaking ngiti sa labi. "Okay. You may go." Sabi nito bago tuluyang pinagtabuyan palabas ng office niya ito.
"Hay nako! Stress!" Dagli itong napahawak sa sintido at minasahe.
"Bahala na si batman!" Sigaw nito bago tuluyang pinagpatuloy ang ginagawa.
Itutuloy...