Chapter 20

843 Words
Chapter 20 Third Person's POV "Kilala mo? Paanong nangyaring kilala mo ang kambal ni Kathy?" hindi makapaniwalang sambit nito. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Ilang saglit napatigil si Jeff. Hindi nito alam ang sasabihin..hindi nito alam kung paano ipapakilala ang anak nitong matagal nang nawalay sa kanya. "Jeff, sabihin mo sa akin..please. Matagal ko nang hinahanap ang anak kong si Trish.." -- "Hon?" tawag pansin ni Kathy. Nakahiga ito sa dibdib ni Jeff habang si Jeff nakahigang nakasandal sa ulunan ng kama nila. "Uhm?" "Totoo ba 'yung sinabi sa akin ni Papa?" Napabalikwas patayo si Jeff. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "A-anong sinabi sa'yo ni Papa?" nauutal na sagot nito. "Ayun nga. Kung natagpuan mo na daw ba 'yung kakambal ko. Matagal na naming hinahanap 'yon, eh. Ikaw lang pala ang solusyon kung paano mababalik sa amin ang kapatid ko." "H-ha? Oo, kilala ko ang kakambal mo. Pero.." Tumigil ito sa pagsasalita. Iniisip nito kung dapat na ba niyang ipakilala ang kambal nito o hindi. Alam kasi nito na mas lalong gugulo ang sitwasyon kapag nagkataon. Tumaas ang kilay ni Kathy nang mapansing biglang natulala si Jeff. "Pero ano?" "H-ha? Ano kasi..basta! Tsaka ko na sasabihin kapag okay na ang lahat." Biglang naguluhan si Kathy sa sinabing iyon ni Jeff. "Kapag okay na ang lahat? What do you mean? May problema ba sa kapatid ko?" "Hindi sa ganon hon. Basta, ipapakilala ko siya sa inyo. Pero hindi pa ngayon." Kumunot ang noo ni Kathy. "Okay.." -- Maagang nag-ayos ang mag-asawa upang magpacheck up ng lagay ng baby nila. Habang nasa byahe, hindi maiwasan tignan ni Kathy ang asawa dahil sa seryoso ito at hindi umiimik simula pa kanina. "Hon? May problema ba?" tanong nito sa asawa. Hindi sumagot si Jeff. Para lang itong walang narinig. Hinawakan ni Kathy ang braso ni Jeff upang makuha ang atensyon nito. Nagtagumpay naman ito. "Sabihin mo, may problema ba?" mahinahon nitong tanong. "Wala hon. Kulang lang siguro ako sa tulog." sagot nito. Hindi na nag-atubili na magsalita si Kathy at nanahimik na lang hanggang makarating sila sa ospital. Naunang bumaba si Jeff upang pagbuksan ng pinto ang asawa. Inalalayan niya itong bumaba ng sasakyan. "Bumibigat ka na honey, ha." biro nito sa asawa pagkalabas ng kotse. Ngumisi lang si Kathy sabay palo ng mahina sa braso ni Jeff. Nang makapasok sila ng ospital ay agad silang tumungo sa kwarto kung saan naroon ang kanilang doctor. Sinalubong sila nito na may ngiti sa mga labi. "Its nice to see again, Mr and Mrs Fetalvero. Have a seat." bungad sa kanila ng doctor. Umupo naman sila nang magkahanap. "Kumusta ang pagbubuntis?" tanong ng doktor. "Maayos naman doc. Medyo naninibago lang ako dahil siguro first time ko magbuntis." sagot ni Kathy sabay tawa ng bahagya. "Ganyan talaga. Pero wala ka namang kakaibang nararamdaman? Like pagkahilo, pagsusuka?" "Wala naman po. Minsan lang po nangangasim 'yung sikmura ko na para bang gusto kong kumain ng maasim na pagkain." "Normal lang 'yan misis. Naglilihi ka na ang ibigsabihin niyan." saad ng doktor sabay baling ng tingin kay Jeff. "Ikaw, dapat lahat ng hingin ng asawa mo ibibigay mo. Alalahanin mo maselan ang pagbubuntis niya." Nakaramdam naman ng kaba si Jeff sa sinabing iyon sa kanya. "O-opo doc, hindi ko po nakakalimutan." "Mabuti. By the way, kung hindi ako nagkakamali, may kakambal ka, di ba?" biglang tanong ng doktor kay Kathy. Nagulat naman ang mag-asawa dahil doon. "Paano niyo po nalaman, doc?" tanong ni Kathy. "Ako ang nagpaanak sa Mama niyo. Nakita ko lang sa record niyo dito sa ospital nung sinuri ko." saad ng doktor. "Ahh ganun po ba? Akala ko kilala niyo po ang kakambal ko, eh. Matagal na po kasi siyang nawawala." malungkot na sambit ni Kathy. "Oh sorry to hear that. Hindi ko sadya na banggitin iyon. Pasensya." hinging paumanhin ng doktor. "Nako, doc. Hindi niyo kailangan mag-sorry. Okay lang po iyon." "Ganun ba? Baka kasi ma-stress ka eh. Alam mo na." kumamot pa ito sa ulo. "Maiba po ako, kailan po namin pwedeng malaman ang gender ng baby namin?" pagiiba ni Jeff ng usapan. "Next check up niyo pwede na nating malaman." sagot ng doktor. "Ganun po ba? Sige po doc, salamat." Tumayo na ang mag-asawa at nagpaalam na. Pagkalabas nila ng kwartong iyon, sakto namang kakalabas lang rin sa katapat na kwarto ni Trish. Nagulat silang lahat sa tagpong iyon. "Small world.." mahinang bulong ni Trish. Hindi naman ito narinig ng mag-asawa. Lumapit si Trish kay Kathy sabay bumeso. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" tanong nito. "A-ah, eh..sinamahan ko lang si Kathy na magpacheck up." "Oh, bakit may sakit ba siya?" nag-kunwari itong walang alam. Tumingin ito kay Jeff sabay ngumisi. "Ano kasi--" "Buntis ako." pagpuputol ni Kathy kay Jeff. Kunwaring nagulat pa si Trish sa narinig nito mula kay Kathy. "Talaga? Congratulation!" ngumiti ito peke sabay niyakap si Kathy. Tinignan naman ni Jeff si Trish na para bang sinasabing, "Anong ginagawa mo?" "Salamat, Trish. Ikaw, ano palang ginagawa mo dito?" "Ako? Nagpacheck up rin.." sagot nito sabay tingin kay Jeff. "Buntis rin kasi ako." -- Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD