Chapter 19
Third Person's POV
"Maaari bang samahan mo ako kahit ngayon lang?" marahan na tanong ni Trish kay Jeff. Nasa loob silang dalawa ng kotse.
Napatingin si Jeff na may halong pagtataka.
"Saan naman? Kakaalis lang natin ah?"
"Basta. May mahalaga rin akong sasabihin sa'yo." sagot ni Trish. Napatingin saglit si Jeff sa mukha ni Trish bago kinabig muli ang kambyo.
Makalipas ang ilang minutong pagda-drive, nakarating sila sa isang liblib na lugar. Wala kang ibang makikita dito kundi mga lapida lamang.
"Bakit tayo dito pumunta?" kunot noong tanong ni Jeff.
Hindi sumagot si Trish. Binuksan nito ang pinto sabay bumaba. Bumaba na rin si Jeff at sinundan ang naglalakad nang si Trish.
Nang mahabol niya ito ay hinawakan niya ito sa kamay upang patigilin sa paglalakad.
"Sino bang--"
"My mom. She died 20 years ago." pagpuputol ni Trish kay Jeff. Naglakad na itong muli. Hindi na rin nagsalita pa si Jeff at sumunod na lang rin.
Maya-maya pa, tumigil si Trish sa isang lapida. Lumuhod ito upang punasan ang puro alikabok na lapida nang kanyang ina. Pinagmasdan lang ni Jeff ang ginagawa ni Trish.
Nang matapos siyang magpunas ay inilagay na rin niya ang dala niyang bulaklak at dalawang piraso ng kandila
"Alam mo, hindi ko man lang nakasama ng matagal ang Mama ko." paumpisang sambit ni Trish habang sinisindihan ang kandila.
Tinignan ni Trish si Jeff at sinenyasan na umupo sa kabilang side ng lapida. Ginawa naman niya ito.
"A-anong kinamatay niya?" may pagaalinlangang tanong ni Jeff.
"Hindi siya namatay..nagpakamatay siya." maikling sagot nito.
Nagulat si Jeff sa narinig. Tinignan niya si Trish na ngayon ay namumuo na ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Nagpakamatay siya nung nalaman niyang inilayo ng Papa ko ang dalawa kong kapatid. Bata palang ako non. Ni-hindi ko alam ang pangalan ng tatay ko at nang dalawa kong kapatid na babae. Inilayo niya ito sa amin sa kadahilanan na nahuli siya ni Mama na may ibang babae." patuloy na kwento nito.
Sandali siyang tumigil upang punasan ang luha sa mata niya. Bumuntong hininga ito bago nagsimula muling magkwento.
"I have a twins. Fraternal twins kami. Pero hindi ko siya nakasama ng matagal dahil nga inilayo siya sa akin ng Papa ko. Kwento sa akin ng tiyahin ko na kumupkop sa 'kin, bagamat kambal kami, magkaibang magkaiba daw ang aming itsura."
Natigil sa pagke-kwento si Trish. Tinignan niya si Jeff na ngayon ay titig na titig sa kanya. Kumunot ang noo nito nang mapagmasdan na hindi nito inaalis ang pagtitig sa kanya.
"Problema? May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito.
"Parang may kamukha ka kasi eh. Iyong mata mo, parang may kapareho eh..hindi lang maaninag ng utak ko kung sino."
Para namang biglang nahiya si Trish kaya lumingon ito pakaliwa. Hinawakan ni Jeff ang baba ni Trish upang ibalik ito paharap sa kanya.
Inilapit ni Jeff ang mukha niya upang mapagmasdan mabuti ang mga mata nito.
Nang may pumasok sa isip nito kung sino ang katulad ng mga mata ni Trish ay bigla siyang napatingin sa lapida na nasa gilid lamang niya.
Rosalyn C. Alegarme
--
"Oh Hijo, napadalaw ka?" bungad ng Papa ni Kathy kay Jeff. Pababa ito ng hagdan kaya sinalubong ito ni Jeff at inalalayan.
Nang makaupo silang dalawa ay wala man lang nagsalita niisa sa kanila. Bumuntong hininga ang kaharap ni Jeff bago nagpasyang magsalita.
"May sasabihin ka ba o wala?" kunot noong tanong nito.
"Papa, may itatanong sana ako." sa wakas naibuga na rin ni Jeff ang kanina pa niya kinikimkim.
"Ano ba 'yon at sinadya mo pa talaga ako dito?"
"Sino si Rosalyn Alegarme?" mabilis nitong tanong.
Nagulat si Mang Jose sa narinig nito mula kay Jeff. Iniayos nito ang pagkakaupo, lumunok bago nagsalita.
"Asawa ko siya.." tipid na sagot nito
"Nasaan na po siya? Bakit hindi ko po siya nakikita?" tanong nito kahit alam niyang patay na ito.
"Hindi ko alam kung nasaan na sila eh. Bata palang si Kathy nung naghiwalay kami ng Mommy niya."
"Totoo po bang may kambal si Kathy?"
"Pa-paano mo nala..man?" gulat na sambit nito. Tumayo si Jeff at tumalikod.
"Kilala ko ang kambal niya."
--
Itutuloy...