Chapter 18

947 Words
Chapter 18 Third Person's POV "Hon?!" sigaw nito nang makita si Kathy na hubo't hubad. Napatingin si Kathy sa may pintuan kung saan nakatayo si Jeff. Napatulala ito ng makita ang wangis ng asawa. Nilapitan siya ng kanyang asawa sabay mabilis na niyakap. Nang tanggalin ni Jeff ang kumot na nakatalukbong kay Kathy ay nanlaki ang mata nito. Duguan ang pang-ibabang katawan nito. "Hon, bakit duguan ka? Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong nito sa asawa. Wala siyang nakuhang sagot dito kundi ang pag-iyak lang. "Hindi ko alam..h-hindi ko alam na b-buntis pala ako." pagbubunyag nito. Nanlaki ang mga mata ni Jeff sa narinig. Mabilis niyang binuhat ang kanyang asawa at walang anu-ano'y binitbit papuntang kotse. Dadalhin niya ito sa ospital. Pagkarating na pagkarating nila ay agad ipinasok sa emergency room si Kathy. Nangingig naman na napasandal si Jeff habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. Maya-maya lamang ay nagdatingan ang lahat ng kaibigan niya pati na rin ang magulang ni Kathy. "Ano'ng nangyari, Jeff?" tanong ng Daddy ni Kathy. "Hindi ko rin po alam, Papa. Pagkarating ko kanina sa bahay naabutan ko na siyang duguan." sagot ni Jeff. "Ano daw sabi ng doctor? Napano daw siya?" tanong pa nito. "Hindi pa po sila lumalabas ng emergency room, Pa." saad ni Jeff. Nilapitan siya ni Zed at inakbayan. Dama nito ang paghihirap ng kaibigan. "Walang masamang mangyayari sa kanya..magtiwala ka lang sa itaas." saad ng nagmamalasakit niyang kaibigan. "Sana nga..dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa mag-ina ko." Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Jeff. Walang may alam niisa man sa kanila na nagdadalang tao na ang dilag. "Bu..buntis na si K-kathy?" mautal-utal na tanong ni Jerome. "Oo. Kanina ko lang rin nalaman nung nakita ko siyang duguan." "Pero paanong hindi man lang niya ito sinabi sa'yo?" singit ni Ace sa usapan. "Hindi ko rin alam. Gulong gulo na 'ko!!" sigaw ni Jeff sabay pinagsusuntok ang dingding ng ospital. Mabilis itong inawat ng mga kaibigan niya. "Tol, kumalma ka. Hindi makakatulong yan sa sitwasyon. Manalangin na lang tayo na walang masamang mangyari sa kanilang dalawa." saad ni Zed. Tumigil naman si Jeff nang marealized na tama ang tinuran ng kaibigan. Tumahimik silang lahat at mataimtim na nagdasal. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng E.R. Sinalubong nilang lahat ang doctor. "Kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor. Lumapit si jeff. "Ako doc. Asawa niya po ako. Ano pong lagay ng asawa ko?" sunod-sunod na sambit nito. Nakita nilang umiling ang doctor kaya nakaramdam sila ng kaba. "She's okay now..but the baby is.." pagpuputol ng doctor. Naghintay sila nang susunod na sasabihin ng doctor. "Okay also.." Napabuga sila pare-pareho ng hininga. Inakbayan ni Zed si Jeff at inalo ang likod. "Sabi naman sa'yo eh walang mangyayaring masama sa mag-ina mo." "Salamat. Maraming salamat po Doc." saad ni Jeff sa doctor. Nakahinga ito nang maluwag. "Pero.." napatingin ang lahat sa nagsalitang doctor. "Medyo maselan ang magiging pagbubuntis ng pasyente. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Ilang weeks palang ang baby niya kaya dapat sobrang alaga ang ibigay mo sa kanya." patuloy na sabi ng doctor. "Opo, doc..aalagaan ko ng mabuti ang mag-ina ko." "Mabuti. So, mauna na ako. Antayin nyo na lang siya sa kanyang room. Excuse me." tinapik na lang ng doctor ang balikat ni Jeff bago tuluyang umalis. Nilapitan ng Daddy ni Kathy si Jeff upang kausapin. "Narinig ko ang sinabi ng doctor, ah. Aasahan ko na dodoblehin mo ang pag-aalaga sa anak ko. At sa magiging apo ko." may otoridad sa boses nito. Nakaramdam ng kaba si Jeff. "Opo, 'pa. Aalagaan ko po ang anak at ang magiging apo niyo sa akin. Makakaasa po kayo." sagot ni Jeff na may paninindigan sa boses. -- Nasa kwarto na silang lahat maliban sa ibang kaibigan ni Jeff. Bumili ito ng pagkain sa labas. Napatingin silang lahat dahil gumalaw ang kamay ni Kathy. Tanda na magigising na ito. Mabilis na lumapit si Jeff sa asawa at hinawakan ang kamay. "Hon? Gising ka na ba?" tanong nito sa asawa. Dahan-dahang minulat ni Kathy ang kanyang mga mata. Nagulat ito nang makita ang lahat ng tao sa loob ng kwarto. "May masakit ba sa'yo hon? May nararamdaman ka bang kakaiba?" sunod-sunod na tanong ni Jeff. "Wala naman hon..nagugutom lang ako." sagot nito sa mababang boses. "Wait lang honey ah. Bumili pa ng pagkain sila Zed eh. Pero malapit ng dumating 'yon." alalang alalang sabi ni Jeff. Hindi mapukaw ang atensyon nito sa asawa. Labis itong nabahala sa sinabi sa kanya ng doctor. "Honey?" tawag ni Kathy. "Uhm?" "Kamusta si b-baby natin?" may pagkagaralgal sa boses nito. Alam nitong may masamang nangyari sa baby nila dahil sa sobrang daming dugo ang nakita niyang umaagos sa hita niya kanina. "Sshh. Don't cry honey. Our baby is safe. Walang masamang nangyari sa kanya. Malakas si baby, hon. Lumaban siya. Lumaban siya para sa atin." saad ni Jeff. Para namang nagningning ang mga mata ni Kathy sa narinig mula sa asawa. "Talaga? Totoo ba ang sinabi mo?" may galak sa boses nito. Tumango si Jeff bilang sagot. Doon na tumulo ang luha ni Kathy. Tears of joy. "Thank you and sorry hon. Sorry dahil naging pabaya ako. Hinayaan kong malagay sa peligro ang baby natin. Sorry talaga.." humagulgol na ito ng iyak. Tumayo at tumabi si Jeff sa asawa upang yakapin ito. "Tahan na. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Wala kang kasalanan. Walang may gusto sa nangyari. Magpasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama kay baby." Hindi na nakapagsalita si Kathy at yumakap na lang nang mahigpit kay Jeff. -- "So..buntis na pala siya? Ayos 'yan. Para dalawa na agad ang maging panganay niya.." -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD