CHAPTER 14 “ Saan ka Piper? ” Higit kalhating oras na ngunit hindi pa rin lumalabas si Father Atticus kaya't napag isipan ko muna na pumasok sa loob ng simbahan. “ Sa simbahan. Mangungumpisal wala pa naman si Father Atticus baka abala pa siya sa mga bata. ” Sagot ko. Hindi lang naman si Father Atticus ang pari dito sa amin. Kaya't paniguradong may tao sa kumpisalan. “ Huh? Ano naman ang ikukumpisal mo? May nagawa ka bang kasalanan kay Atlas o may bumabagabag sa isip mo? ” “ Pareho Nyx. Sige na mauna muna ako babalik din ako agad. ” Naguguluhan man ay tumango na lang ang dalawa. Tinungo ko ang silid kumpisalan at pumasok dito. “ Bless me Father, for I have sinned. It has been a year since my last confession." Panimula ko. “ It has been a year, matagal na rin pala. Anong bumabag

