CHAPTER 13 “ Mayor maaari ko ba kayong tawaging Tito? ” Saglit na napahinto ako sa pag subo ng pagkain. Tumingin ako kay Atlas sunod kay Warm bago muling kumain. “ Ayos lang naman kung ayos lang sa asawa ko. ” Sagot ni Atlas. Tumingin saakin si Warm na naghihintay ng sagot ko. “ It's okay. Mukhang namimiss mo na rin magka pamilya pwede mo kaming ituring na pamilya mo. ” I said that makes Atlas smile. He's weird. Anong meron ba? “ Opo. Matagal na rin kasi simula ng iwan ako ng magulang ko. Hindi ko naman po kilala ang mga ka- anak nila at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. ” Bigla akong naawa sakanya. Napaka bata pa niya edad 16 lamang si Warm. “ Atlas kailan siya namuhay mag isa? ” I asked him who's busy with his coffee. “ 13 years old s'ya noon. Simula noon ay lagi ko na

