bc

Loving My Unfaithful Husband

book_age18+
132
FOLLOW
1K
READ
submissive
drama
bxg
city
betrayal
cheating
wife
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa sobrang pagmamahalan sa isa't-isa ay agad nagpakasal sina Elise at Andrei pagtapos ng anim na taong relasyon.

Naging masaya sa pagsasama nila bilang mag-asawa at after a year of trying, sa wakas ay dumating na ang pinaka-inaasam nilang biyaya-

ang magdalang-tao si Elisse.

Masayang-masaya sila sa magandang balitang 'yon not until dumating ang pagsubok sa buhay nilang mag-asawa.

She had a miscarriage. Labis silang nanlumo at tila gumuho na ang mga pangarap nila sa nangyari.

Hindi nila iyon matanggap lalo na si Elise hanggang maging ang samahan nila bilang mag-asawa ay labis na naapektuhan at doon na rin nagsimula ang sunod-sunod na problema.

Makakaya ba ni Elise na tiisin ang lahat kung ang asawa niya na siyang dapat ay kino-comfort siya ay nagpapa-comfort na sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Happiest day
Elise Vicente POV Pinaghalong kaba, saya at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sinipat ko ang sarili sa salamin nang matapos ng mga ito na ayusan ako. Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Nagustuhan ko ang light make-up at ang ayos ng buhok kong may ilang hiblang kinulot. Suot ko naman ang modernong puting traje de boda na ipinadisenyo pa ni Mommy mula sa isang sikat na designer sa bansa. Isa-isang pumasok sa room ko ang bestfriend ko pati na rin si Kuya at panghuli sina Mom and Dad. Kanina pa ako nagpipigil maiyak sa mga nakaka-touch na message nila dahil ayokong masira ang make-up ko pero sadyang mahirap pigilan ang emosyon lalo na sa pinakamaligayang araw ng buhay ko. "Kahit ikakasal ka na, you will always be my princess, sweetheart." Dad hugged me tight at naramdaman ko ang simpleng pagpunas nito sa mata niya. "Thanks for everything, Daddy. I love you," malambing kong wika habang sumisinghot. Si Mom naman ay kanina pa iyak nang iyak at tila hindi nauubusan ng luha. We also hugged each other at kahit umiiyak siya nakikita ko sa mga mata niya ang saya dahil panatag silang ikakasal ako sa isang mabuti at responsableng lalaki. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo nang tuluyang bumukas ang pintuan ng simbahan at masilayan ko ang pinakaguwapo at pinakamamahal kong lalaki. Wala na akong nakikita sa paligid bukod sa kan'ya habang dahan-dahan akong naglalakad palapit. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko dahil sa nag-uumapaw na saya sa puso ko at alam kong ganoon rin siya. Finally, ikakasal na kami. Sa anim na taon namin bilang magkasintahan, alam ko sa sarili kong walang ibang lalaki ang gugustuhin kong pakasalan kung hindi siya. Siya lang. 23 pa lang ako samantalang siya ay 25 pero ginusto na naming magpakasal agad dahil sa sobrang pagmamahalan. "You're so beautiful," He said with amusement in his eyes. "Ikaw din. Ang guwapo mo." He chuckled softly at napangiti ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa pisngi ko. He was wiping my tears. Hindi namin binitawan ang kamay nang isa't-isa sa buong oras ng seremonya. "Elise, My love. Take this as a symbol of my love and faithfulness. I promise to love you and cherish every hour of our lives. To have and to hold. In sickness and in health. And with this ring, I take you as my Wife, for as long as we both shall alive." Hindi na yata mabubura ang ngiti sa mga labi ko simula sa araw na ito. "Andrei, take this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit to give my heart and soul to you. My heart is your shelter. My arms are your home." “I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride” Pagkarinig niyon ay hinarap namin ang isa't-isa nang may ngiti sa mga labi. Dahan-dahan niyang inangat ang tabing sa mukha ko at walang alinlangang siniil ng halik ang mga labi ko na buong puso kong tinanggap. Hindi kami tumigil agad sa kabila ng hiyawan ng mga taong malalapit sa puso namin na naroon sa loob ng simbahan. We both chuckled nang tumikhim na ang pari sa mikropono. We hugged each other tight bago magkahawak ang kamay na naglakad sa aisle palabas ng simbahan. Napuno ng luha at tawanan ang event hall sa isang hotel kung saan ginanap ang reception dahil sa message ng mga bisita. "Binalaan na kita noon sa kapatid ko. Malakas ang topak niyan pero pinakasalan mo pa rin," sabi ni Kuya Lester na ikinatawa ng lahat. Naramdaman ko ang pagpisil ni Andrei sa kamay kong hawak niya at kinintalan ng masuyong halik ang gilid ng ulo ko. "Kidding aside, I am so happy for the both you. I've witnessed how much you love each other and of course, nakita ko rin kung paano awayin ng little sister ko si Andrei," muling wika ni Kuya na ikinatawa ulit ng lahat. Napanguso na ako kay Kuya at inirapan siya. Hindi ko alam kung kapatid ko ba talaga siya dahil mas kumakampi siya lagi kay Andrei lalo na kapag magka-away kami. Tumawa ito bago muling magsalita sa microphone. "Joke lang, bunso. Sige seryoso na," anito at bumaling kay Andrei, "Bro, mahalin at alagaan mo ang kapatid ko. Ipinagkakatiwala ko na siya sa'yo. Ingatan mo dahil nag-iisa lang 'yan. Mahal na mahal ko 'yan kahit makulit 'yan." Napangiti ako. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mata ko. I love my Kuya Lester too. Masaya ako na tinaggap niya si Andrei kahit sinusungitan niya no'ng una. Nagkaroon pa ng sayawan at kainan bago natapos ang celebration. Isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita hanggang sa ang pamilya na lang namin ang natira. Mahigpit na yumakap sa 'kin ang parents ni Andrei nang magpaalam na kami. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila dahil noon pa lang ay tinanggap na nila ako sa pamilya nila at tinuring na anak. "I will miss you, Sweetheart," naiiyak na namang sambit ni Mom. Mahina akong tumawa. "Don't worry, Mom. Palagi pa rin naman akong pupunta sa bahay. Mamimiss ko kaya mga luto mo." Tumawa na rin ito at nagbilin muli kay Andrei ng kung anu-ano. "Finally, mauuwi na kita," anito nang makasakay kami sa kotse. Napangiti ako at magkahugpong ang kamay namin habang nagda-drive siya pauwi sa bago naming bahay. Binuhat niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa maibaba niya ako sa ibabaw ng kama namin. Pumaibabaw siya sa 'kin. Tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at puno ng emosyon ang mga matang tumitig sa 'kin. "I still can't believe that you are my wife now, Elise. I can't wait to spend a lifetime with you, Hon," He whispered before claiming my lips. Kabisado na namin ang katawan ng isa't-isa. He is my first love. My first boyfriend. Mahabang oras naming pinagsaluhan ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Hindi na rin namin namalayan kung anong oras kami natapos. Nagising na lang ako na nakahiga siya sa dibdib ko habang mahimbing na natutulog. We're still both naked under the sheet. Napangiti ako. I really love this man. Nagpapasalamat ako sa diyos na dumating siya sa buhay ko. Labis ang pasasalamat ko dahil binigyan niya ako ng isang mabuting lalaki na magmamahal sa akin habang buhay. Wala na akong mahihiling pa. Hindi ko namalayang nakatulog ako ulit at nagising na lang akong wala na siya sa tabi ko. Tiningnan ko ang oras. Tanghali na pala. Inangat ko ang kumot at dahan-dahan akong bumangon. Naramdaman ko bigla ang sakit ng katawan ko at... sa pagitan ng mga hita ko. Ugh, Andrei Dawson. Pinilit kong kumilos at maligo bago nag-deside na bumaba. Agad sumalubong sa 'kin ang amoy ng nilulutong bacon at fried rice. Hindi na ako nagulat. Lagi niya naman akong pinagluluto. Napangiti ako at tahimik na lumapit sa sobrang hot kong asawa na walang saplot pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot habang nakaharap sa stove. Bahagyang basa pa ang buhok niya na mukhang tapos na rin mag-shower. What else could I ask for? Marahan kong pinulupot ang mga braso ko sa baywang niya at binigyan ko ng halik ang malapad niyang balikat niya. Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. "Gising ka na pala. Good morning, Hon. I'm suprised na nakalakad ka pa. I was planning to bring our food in the bedroom." Marahan ko siyang pinalo sa matigas niyang tiyan at bahagyang kumurot sa abs na ikinatawa niya. "I love you," He said and kissed my forehead bago muling hinarap ang niluluto. "I love you too." Sabay namin pinagsaluhan ang breakfast na ginawa niya at ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Pumayag siya pero hindi niya ako hinayaan mag-isa. Siya ang nagpunas ng mga pinggan at nagbalik sa cabinet. After kumain nagpasya kaming manuod na lang ng movie para makapagpahinga dahil bukas ang flight namin. May one week vacation kami na regalo nina Mom at Dad sa kasal namin at another week mula naman sa parents ni Andrei. Magkatabi kami sa sofa habang nakasandal ako sa dibdib niya at minamasahe niya naman ang braso ko. "Hon, ilan ang gusto mong anak?" tanong ko at bahagyang tumingala sa kaniya. "Hmm... Six. 3 boys and 3 girls," sagot niya at ngumiti nang malawak. Napasinghap ako. "Ang dami naman! Kaya ko ba 'yon?" He chuckled. "Dalawa naman tayong mag-aalaga, eh. Ilan ba ang gusto mo?" Inipit niya ang ilang takas na buhok sa likod ng tainga ko. Nag-isip ako bago sumagot. "Dalawa or tatlo lang. Parang ang hirap magbuntis at manganak." Tumango-tango siya. "Okay. You're the boss." Parang may humaplos sa puso ko ng mga oras na 'yon. He never fails to melt my heart. Naiintindihan ko kung bakit gusto niya ng maraming anak. Wala kasi siyang kapatid kaya nabanggit niya noon na gusto niya na 'pag nagka-anak siya, marami. I just didn't expect na ganoon karami ang gusto niya. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya. "But if you really want six kids, then, let's have six. I'll try my best to give you three little Andrei and three little Elise." He smiled sweetly and kissed my lips. "Gusto mo simulan na natin?" I giggled. I felt his hot liquid exploded inside me. We're both panting nang ibagsak niya ang katawan sa ibabaw ko. Ilang sandali kami sa ganoong posisyon at nang makabawi ay masuyo niyang hinalikan ang noo ko, ang ilong ko, at ang nangangapal ko pang labi. Unti-unti siyang bumaba hanggang sa tumapat ang mukha niya sa tiyan ko. Masuyo niya ring hinalikan iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook