Linggo ngayon at alam kong wala din siyang pasok kaya nagpunta ako sa bahay ng magulang ni Elise para bisitahin siya. Hindi ko pa rin siya matawagan kaya tanging ang kuya Lester niya lang o ang mommy niya ang nakakausap ko. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa amin. Malungkot daw ito at nakakulong sa kwarto pero pumapasok pa rin sa trabaho.
Agad akong pinapasok ng kasambahay nang makita ako.
"Si Elise, Manang?"
"Nasa kwarto niya po, Sir."
Umakyat ako sa silid niya at kumatok. Walang sumagot pero bukas iyon kaya dahan-dahan akong pumasok. Hindi ko siya nakita. May narinig akong cabinet na bumukas kaya tinungo ko ang walk in closet niya. Nakita ko siyang nakatalikod habang nakasuot lang ng bathrobe at bahagyang basa pa ang buhok.
My wife... I missed her so much.
I walked towards her slowly and I immediately hugged her from behind. Naramdaman kong nagulat siya at nanigas ang katawan. Sinubsob ko ang mukha sa leeg niya at sinamyo ang pinaghalong natural na amoy niya at ang mabangong sabong gamit nito.
"I missed you so much, Hon," bulong ko sa pagitan ng masusuyong halik ko sa leeg niya.
Inalis ko sa pagkakabuhol ang tali ng bathrobe at agad dumapo ang dalawang palad ko sa kaniyang dibdib. She tilted her head para mas mabigyan ako ng access sa leeg niya. Hinarap ko siya sa akin at isinandal ko siya sa pinto ng malaking cabinet at agad sinakop ang mga labi niya. Uhaw na uhaw ang mga halik ko. Hindi siya gumanti noong una pero kalaunan ay gumalaw din kahit paano ang labi niya. Napangiti ako at huminto para titigan siya sa mata.
"I love you so much, Hon. Please umuwi ka na sa bahay. I missed you so so much. We can make another baby, right?"
Muli kong sinakop ang bibig niya pero hindi na siya tumugon. Sunod kong naramdaman ang dalawang kamay niya na tumulak sa dibdib ko kaya napaatras ako. Nasalubong ko ang matalim niyang tingin.
"Get out," malamig na sambit niya. Wala pa rin emosyon sa mga mata niya.
"W-why, Hon? May nagawa ba akong mali? Did I say something you didn't like? Please tell me," pagsusumamo ko.
Ilang sandali pa siyang nakatingin sa akin ng walang emosyon bago siya nagsalita. "Umalis ka na."
Kumunot nang husto ang noo ko. Parang hiniwa ang puso ko sa gitna.
Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. "I... I need space and time. Please, leave me alone,"
I sighed. Akala ko kung ano na. Siguro nga iyon ang kailangan niya. Okay lang. Kahit mahirap, kahit masakit, titiisin ko. I gave her an understanding smile and nodded. I stepped closer to kiss her forehead.
"Please take care of yourself." Tumalikod na ako at umalis ako sa bahay nila. Umaasa na pagtapos niyon magiging okay na ulit siya.
Kahit gustong-gusto ko na siyang puntahan at bisitahin pinipigilan ko ang sarili. Hindi naman ako nakalimot na i-text siya para mag-good morning, good night, at paalalahanan siyang kumain. Kapag tumatawag kasi ako hindi niya sinasagot. Isang linggo ang lumipas na ganoon ang sitwasyon namin.
"Drei, inom tayo ni Ivan mamaya."
Narinig kong sabi ng katrabaho kong si Joey. Nakilala ko lang siya rito sa opisina 2 years ago nang matanggap ako bilang head ng operation department.
"Anong meron?" tanong ko.
"Wala naman. Chill chill lang. Nakakastress 'yong mga deadlines last week. Saka alam mo na.." ngumisi ito at tumataas baba ang dalawang kilay.
Napailing ako. "Sige."
Pagtapos ng trabaho nagkanya-kanya kaming drive sa sinabi nilang bar. Wala naman akong balak magtagal pero gusto kong uminom.
Agad akong nagsalin ng whiskey sa baso ko at tinungga iyon. Iniwan ako ni Joey at Ivan sa couch at alam ko na kung bakit. Lagi silang naghahanap ng babae tuwing may inuman. Palibhasa mga single pa. Sinilip ko ang cellphone ko at umaasa na may reply man lang si Elise pero wala. I typed a message.
"Kumain ka na, Hon?"
Tinago ko ulit ang cellphone sa bulsa ko pagka-send no'n at muling tinungga ang alak. Sakto naman bumalik na ang dalawa pero nagtaka ako nang tatlo ang babaeng kasama nila. Malaki pa ang ngiti ni Joey habang kausap ang mga ito.
Naupo ang isa sa tabi ko kaya bahagya akong umusog. Tumabi rin dito si Joey sa kabila nito ang isa pang babae.
"Brad, kilala mo siya?" agad tanong ni Joey at tinuro ang babae sa tabi ko.
Sinulyapan ko naman ito na noon ay nakatingin din sa akin habang nakangiti. Parang pamilyar pero hindi ako sigurado. Umiling ako.
"Si Lovina. Iyong bagong assistant ni Ma'am Wendy."
Tukoy nito sa HR manager ng kumpanya. Tumango-tango lang ako.
"Lovi, kaibigan ko si Andrei. Head ng operation. Hindi pa ba kayo nag-meet sa office?"
She smiled a little. "Baka... hindi niya lang ako napapansin," sagot nito kay Joey bago tumingin sa 'kin. "Hi... Do you still remember me?"
Pinasingkit ko ang mga mata at pilit inaalala kung saan ko siya nakita pero hindi ko talaga matandaan. Sa dami ng iniisip ko, wala nang lugar para alalahanin ko pa ang mukha ng mga taong nakakasalamuha ko lang saglit.
I shook my head and gave her an apologetic smile.
"Nevermind. By the way, I'm Lovina, you can call me Lovi." Nilahad nito ang kamay. Tinanggap ko iyon. Ipinakilala rin niya ang dalawa pang babae na mga kaibigan niya raw.
Nagpatuloy ako sa pag-inom habang naging abala ang mga ito sa pag-uusap. Kung minsan ay sumasagot ako kapag kinakausap nila ako.
"So, Andrei, how's life? Are you single?"
Napatingin ako kay Lovina sa tanong niya. Tinaas ko lang ang kaliwang kamay ko to show her my wedding ring.
"Ohhh, I see. So... how's married life?"
Mapakla akong tumawa. "Happy, I guess?"
I saw her bit her lower lip and nodded.
"How about you, Lovi? Are you single?" Joey asked.
"Uhm, yeah."
"Wow, I'm surprised. Sa ganda mong 'yan?"
Napailing ako. Kabisado ko na ang banat niya. Marahang tumawa ang babae.
"Well, I'm still waiting for the right man."
"Anong ibig mong sabihin? Siguro pihikan ka sa lalaki? Well, hindi rin kita masisisi," pambobola pa ni Joey at tumawa.
"Uhm, not really. Actually, may nagugustuhan naman ako matagal na. I'm just waiting for him to notice me."
"Ohh... Sino naman? Ang tanga naman niya kung gano'n? Hindi niya alam kung ano ang sinasayang niya," muling banat ni Joey at tumawa.
"Hmm... basta," sagot lang nito.
Naging abala pa sila sa pag-uusap pero ako inabala ko na lang ang sarili sa pag-inom. Muli kong sinilip ang cellphone ko at umaasa na may reply si Elise pero nabigo lang ulit ako.
"Your wife is pretty, huh?"
Wala sa loob na lumingon ako sa katabi ko. Naguluhan kung ako ba ang kausap niya. Tumawa ito nang mahina at tinuro ang screen ng phone ko. Ngumiti ako at tiningnan rin 'yon. "Yeah."
"How old is she?"
"23. Turning 24 next week." Parang kumirot ang puso ko nang maalala iyon. Uuwi na kaya siya sa araw ng birthday niya? Makakasama ko na kaya siya?
"How about you?" She asked again.
"25."
"Oh, ang bata niyo pala nagpakasal, 'no? Siguradong mahal na mahal mo siya para magpatali ng maaga."
Tumawa ako nang mapakla. "Sobra."
Hindi niya na ako kinausap pagtapos no'n. Hindi ko na rin napansin na napaparami na pala ang inom ko kaya nagbalak na akong umuwi.
"Bro, saan ka pupunta?" tanong ni Joey nang tumayo ako.
"Una na 'ko."
"Maaga pa. Mamaya ka na umuwi," pigil nito.
"I'm tired. May pasok pa bukas." Hindi ko na sila pinansin at naglakad na palabas.
"Hey, kaya mo pa ba?"
Napalingon ako nang may humawak sa braso ko. Kumunot ang noo ko. Nakasunod pala ito sa 'kin. "Yes, kaya ko. Bumalik ka na ro'n, Lovi."
"S-sige. Nice meeting you, Andrei." Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko.
Tumango ako at tinalikuran na ito.
***
Nahinto ako sa ginagawa nang pumasok si Joey sa opisina ko.
"Bro, sama ka?" agad bungad nito.
"I'm busy."
"Coffee lang tayo sa tapat. My treat."
"Himala. May sakit ka?" pang-aasar ko. Kuripot kasi ito sa pagkakakilala ko kaya mahirap maniwala.
Tumawa ito. "Gago. Ano tara?"
Mukhang seryoso nga. "Saglit lang, ah? Marami akong trabaho." Sumama na ako para makatikim man lang ng libre niya kung totoo nga.
Kasama rin si Ivan na nagtungo kami sa coffee shop sa kabilang kalsada lang. Katapat ng office namin. Pagpasok sa loob may kinawayan si Joey kaya napatingin din ako sa direksyon na tinitingnan nito.
"Ano 'to? Planado niyo ba 'to?" bulong ni Ivan habang palapit kami sa table ng babae.
"Magka-text na kami, Bro," nakangising sagot ni Joey.
"Tinik mo!" muling bulong ni Ivan.
"Hi, Lovi," agad bati ni Joey at Ivan.
So, it was the same girl last night. Ngayon ko lang nakita ang mukha nito sa liwanag dahil madilim sa bar kagabi. Maputi, maliit na matangos ang ilong, at brown ang buhok na hanggang balikat lang. Maganda naman.
"Hi, Andrei!" bati rin nito sa akin.
Bahagya ko itong nginitian. "Hi."
Naupo si Joey sa tabi nito kaya naupo ako sa tapat nila katabi si Ivan.
"Ang generous ni Joey, ah? Nanglilibre," sabi ni Lovi hawak ang in-order na kape.
"Ngayon lang! Himala nga ,eh," pang-aasar ni Ivan sabay tawa kaya bahagya itong siniko ni Joey.
"Huwag mo naman akong ilaglag. Para kang gago, eh," nakatawang sabi ni Joey.
Napailing lang ako sa kanilang dalawa.
"Totoo naman, tol. Alam mo Lovi, ang galante sa aming tatlo itong si Drei. Madalas manlibre 'to!"
Tumingin ito sa 'kin. "Really?"
"Hindi naman," tanggi ko at tipid na ngumiti.
Nginitian niya rin ako. "Ang humble naman. I like that."
I awkwardly smiled at her.
***
"Pre, musta kayo ni Lovi? May progress na ba?" tanong ni Ivan kay Joey habang papunta kami sa smoking area.
Umiling si Joey. Parang dismayado. "Nega yata, Bro. Ilang beses kong inaya lumabas na kaming dalawa lang pero laging sinasabi may lakad din daw siya."
"Baka naman totoong may lakad? Pero lagi kayo magka-text 'di ba?"
"Nakikipagkwentuhan naman siya tungkol sa trabaho at mga nakakasama ko pero parang walang interes sa personal kong buhay."
"Nega nga 'yan. Baka kaibigan lang ang gusto. Dami pa d'yan, Pre," sabi ni Ivan at tinapik ito sa balikat.
"Tara inom mamaya," biglang aya nito.
"Sige ba. Basta walang iyakan, ah?" biro ni Ivan sabay tawa.
Joey offered me his cigarette but I shook my head and waved my hand a bit. I took my phone out of my pocket and dialed her number. Nag-ring iyon pero naputol rin agad. Nagtipa na lang ako ng message.
"I love you."
"Musta kayo ng misis mo, Bro?" tanong bigla ni Joey. "Nakausap mo na?"
"Hindi pa rin," malungkot na sagot ko. Kinagat ko ang upper lip ko. Nakwento ko sa kanila lahat. Pati 'yong paghingi ng space ni Elise.
"Magkakaayos din kayo. Tiwala lang, Bro."
Sana nga.