
Sa dinami rami ng nanligaw at naging nobyo ni Marianne mula noong nag kolehiyo siya hanggang sa siya ay nagtratrabaho na ay puro panloloko ang ginagawa sa kanya. Hindi niya maisip kung anong dahilan bakit palagi na lang siya naloloko eh sa itsura pa lang niya ay pwedeng pwede siyang isabak sa mga beauty pageant. Iniisip niya tuloy kung malas siya sa mga Pilipinong manliligaw. Yes, puro pinoy kasi ang nanliligaw sa kanya. Doon napagtanto ni Marianne na malas siya sa pag-ibig. Tutal malas siya sa pag-ibig, naisip tuloy niya na subukang pumatol sa mga foreigner o yung tinatawag na AFAM dahil batay sa mga napapanood niyang vlogs tungkol dito ay masasabi na masarap magmahal ang mga foreigners. Yung tipong aalagaan nila at ipaparanas ang tunay na pagmamahal sa kanilang mga pinay girlfriend, at isa pang bonus doon na talagang main target niya ay pangarap din niya makapunta ng ibang bansa at magkaroon ng maginhawang pamumuhay, at yun ang gustong maranasan ni Marianne. Di baleng matanda na or kahit di niya mahal ang afam ay sige papatulan niya na tutal sawa na siyang masaktan ng mga Pilipino. Kaya naman ng magkaroon siya ng hottie afam neighbor na si Henry Prince Baker, aba-aba hindi niya na palalagpasin ang maka bingwit ng AFAM!

