Marianne’s POV 5 years later… Lahat ng tao ay nasa loob na ng simbahan. Dumating na ang bridal car. Pagkababa ng bride sa sasakyan ay nagsitayuan na ang mga tao. Lahat sila ay nakatingin sa bride na naglalakad patungo sa altar. Napakaganda niya, lahat ng tao ay namamangha sa kagandahan niya. Nang nasa kalagitnaan na siya ng paglakad, huminto ang bride at tumingin sa akin, “friend best wishes sayo ang ganda ganda mo”, sabi ko. Napangiti si Joy at dumiretso na ng lakad papuntang altar upang salubungin ang kanyang groom. Yes, si Joy ang ikinasal, finally ay natagpuan na rin niya ang kanyang the one. Iba talaga pag ang Panginoon ang kumilos, minsan hindi inaasahan na mangyari ang ilang bagay. Parang si Joy, simula kasi na maipanganak niya ang anak niyang si Joyful, hindi na siya nangarap na

