Chapter 19: Ang pagtatapat

1679 Words
Marianne’s POV Pagkatapos ng matinding pagniniig namin ng nobyo ko ay agad kaming nakatulog. Halos pasikat na kasi ang araw nang mahiga kami sa kama kaya di nakakapagtaka kung makatulog agad kami. Pagmulat ng aking mata, tumingin ako sa orasan at 12:30 na ng tanghali. Iniangat ko ang ulo at katawan ko ng bahagya at tumingin ako kay Henry. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at nagkabalikan kami. Higit sa lahat, nakaligtas ako sa panganib. Bigla kong naalala na dapat pala ay nasa trabaho ako kaya agad kong kinuha ang aking phone at kinausap ang boss ko. Alam na rin pala ng boss ko ang nangyari dahil tinawagan pala siya ni nanay kanina. Pagkababa ko sa phone ko ay muli kong tinitigan ang mukha ni Henry. Hinaplos haplos ko ang mukha niya, doon ay nagising na ang lalake. “Good morning” sabi niya habang nilalamukos ng kanyang kamay ang mga mata niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalik halikan niya ito. “Good morning ka diyan, afternoon na po, tinanghali na tayo ng gising haha.” wika ko habang nakangiwi dulot ng kiliti ng paghalik niya sa mga palad ko. “Round 2 tayo baby” sabi niya habang hinihimas himas naman niya ang hita ko. “Ano ka ba! Tanghaling tapat yan ang gusto mong gawin. Umayos ka nga! Hindi ka ba nagugutom? Ako gutom na, tara na, bumaba na tayo. Magluluto pa tayo ng kakainin natin” sabi ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa kamay niya. Babangon na sana ako subalit niyakap ni Henry ang balakang ko, habang tinignan ako at naka nguso ang labi niya. “Pa-kiss muna baby” wika niya. Natatawa na lang ako sa ikinikilos niya kaya kiniss ko rin siya. “Mwuuaahh….oh ayan na ang kiss ko. Pakawalan mo na ako dahil gutom na talaga ako” ani ko. Naghilamos at tooth brush muna kami bago bumaba. Nang makababa na kami sa sala ay binuksan naming ang mga bintana at pinto upang pumasok ang liwanag. Maya-maya nang pumunta na kami sa kusina ay may tumunog ang door bell. Sinilip ni Henry kung sino yun at yun pala ay si Mark pala yun. “Ate, gising na pala kayo. Sabi ni nanay doon na kayo mag lunch para di ka na magluto pa,” wika niya. “Ay ganun ba, oh sige diyan na lang kami kakain kasi gutom na rin talaga ako” ani ko. Lumabas na kami ng bahay ni Henry at sinabayan si Mark maglakad patawid ng bahay namin. Pagpasok naming ng bahay ay saktong naghahain na sa mesa si nanay. “Halina kayo, kumain na tayo habang mainit pa itong ulam” wika ni nanay. Adobong baboy at sinigang na hipon ang ulam. “Wow na wow nay, sarap nito ah. Mapaparami kain ko nito.” wika ko. “Talagang sinarapan ko ang ulam ngayon anak. Mag cecelebrate tayo dahil sa kaligtasan mo sa panganib. Tara kain muna tayo” ani nanay. Sabay-sabay na kaming kumain, at dahil na rin sa pangyayari kaninang madaling araw ay walang imik kaming kumakain at lamon kung lamon talaga. Mukhang lahat kami ay napagod sa mga nagdaang kaganapan kaya talagang napasarap ang kain namin. Nang matapos kaming lahat kumain ay tumayo si Mark at may kinuha sa ref. Inilabas niya ang isang plastic na container. “Hindi pa tapos ang kainan dahil may dessert pa tayo” ani Mark. Kumuha siya ng mga maliliit na tasa at pinaglalagyan ito ng fruit salad. “Wow na wow na talaga, may pa dessert pa kayo, thank you” ani ko. Habang naglalagay si Mark ng fruit salad sa mga tasa ay nagsalita si Henry. “Excuse me po, pero dahil medyo nabusog na po tayo sa mga kinain natin at nandito na rin lang kayong lahat ay sa tingin ko ay ito na ang pagkakataon para magpaliwanag ako. Para ikwento ang lahat ng tungkol sa akin. Handa akong patunayan na tapat ang pagmamahal ko kay Marianne kaya sasabihin ko ang lahat.” paliwanag ni Henry. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya at mukhang nahalata ni Henry yun kaya hinawakan niya ang palad ko. “Oh sige iho, handa naman kaming makinig” ani nanay. “Totoo pong Pilipino ako, hindi ako afam, pero ang lolo sa talampakan ko ay Amerikano na nakapangasawa nga ng Pinay, yung lola ko. Kaya hindi makakaila na kahit pano ang itsura ko pati itsura ng kapatid at tatay ko ay parang pang foreigner. Sanay rin po kami mag English dahil nasanay kaming magsalita nun. Hindi rin po kami mayaman, ordinaryo lang po ang pamumuhay namin sa Baguio. Ang tatay ko po ay retiradong pulis at ang nanay ko naman ay plain house wife. Pero nang magretiro ang tatay ko ay nagkaroon ng bisyo sa pagsusugal kaya na stroke ang nanay ko at doon na nagsimula na magkapatong patong kami sa utang. Pinagtutulungan naming magkapatid ang pagbabayad ng mga utang. Yun ang dahilan kung bakit nakita mo Marianne na may mga loan ako sa bangko. At aaminin ko rin na medyo nilakihan ko ang pag utang ko dahil ayun nga nagpapa impress kasi ako sayo noon na mayaman ako kaya kung saan saan tayo namamasyal. Alam ni Jessica na nagpapanggap ako. Sa katunayan ay tutol siya sa plano ko noon pero nakiusap lang talaga ako sa kanya na tulungan niya ako at nangako ako sa kanya na ipagtatapat ko rin ang totoo. Kaya sana Mark, kung sakaling galit ka man kay Jessica sana mapatawad mo siya” wika ni Mark. Niyakap ko si Henry at sa pagkakatong yun ay ako naman ang nagsalita. “Pinapatawad na kita. Ako rin naman ay may kasalanan sayo. Aaminin ko na gusto ko talaga magka jowa ng afam. Kasi gusto ko magkaroon ng magandang buhay. Gusto ko makapasyal sa iba’t ibang bansa. Nasabi ko kasi yun dahil nga sa mga nakaraang nobyo kong Pinoy na lagi naman ako sinasaktan kaya naisip ko na kahit hindi ko mahal basta igrab ko na pag may nanligaw sa akin na afam baka sakaling maiba ang kapalaran ko. Pero nang makilala na kita nang lubos ay doon na nagbago ang pananaw ko. Doon ko narealize na hindi na lang basta trip lang ang pakikipag relasyon ko sayo kundi talagang mahal kita. Kaya ngayong nalaman ko na ang totoo ay hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sayo. Love you daddy” sabi ko sabay halik sa labi niya. “Ehem ehem inosente pa po ako sa kwarto nyo na lang gawin yan” ani Mark. “Ito lang ang maipapayo ka sa inyong dalawa. Hindi lang diyan natatapos ang problema niyo. Marami pa kayong pagdadaanan na pagsubok. Kaya dapat na patibayin niyo ang pagtitiwala sa isa’t isa. Anumang pagsubok na darating ay dapat na magkatulong kayo sa paglutas nito. Oh siya tara na at tikman natin itong salad ni Mark” wika ni nanay. Habang kumakain kami ay nag ring ang phone ni nanay. Nang sagutin niya ito ay ang pulis pala ang tumawag. Pagkababa ng phone ay nagsalita si nanay “Eto na nga, patong patong ang kaso ng kinakaharap ng mga kaibigan ni Jonas at ng iba pang mga kasamahan niya. Base rin sa imbestigasyon ng mga pulis, malayong kamag-anak pala ni Jonas ang naka duty na pulis noong araw na makatakas siya. Ang nangyari, baon sa utang ang pulis na yun, alam mo na, kapit sa patalim, kaya binayaran siya ng malaking halaga ni Jonas kapalit ay palalabasin na nakatakas siya kunwari, kaya ayun, tanggal na sa serbisyo ang pulis na yun. Tapos yung taxi driver, napag alaman din na kasabwat ni Jonas yun, isa siya sa parokyano ng droga na binebenta nina Jonas. Matagal ka na pala minamanmanan ng driver na yun, inutusan kasi ni Jonas na sundan ka palagi. Nagkataon naman na naka hanap siya ng tiyempo na maisakay ka sa taxi. Nakakulong na rin ang taxi driver na yun. Hindi lang ikaw ang nabiktima nila anak, marami pang babae silang kinidnap. Yung mga kaibigan ni Jonas, nagkukunwari na matinong lalaki at makikipag chat sa mga babae, pag nakuha na ang loob nila, liligawan sila at kapag magkarelasyon na sila, ayun makikipag talik sa babae. Hindi alam ng babae na habang nakikipag talik sila ay vinivideohan na pala sila, hanggang sa iba black mail sila ng lalaki na kapag hindi ulit sila makikipag talik o kung hindi sila magbabayad ng malaking halaga, ipagkakalat ang s*x video nila.” mahabang paliwanag ni nanay. “Grabe talaga ang kasamaan ni Jonas at ng mga kaibigan niya, nararapat lang na mabulok ang mga kasamahan niya sa kulungan. Nauna ng pumunta sa impyerno si Jonas.” ani ko. “Kawawa rin baby yung mga babaeng nabiktima nila” dagdag ni Henry. “Alam mo anak, buti na lang talaga at hindi kayo ang nagkatuluyan ng lalaking yan. Bet ko pa naman siya sayo noong bago pa lang kayo. Hindi ko lubos akalain na magiging ganyan siya sa huli. May pagkakataon pa naman sanang magbago kung susuko siya, kaso nagmatigas siya kaya ayan, napa aga ang kamatayan niya. Kaya salamat sayo Henry at dumating ka sa buhay ng anak ko” sabi ni nanay. “Huwag po kayong mag-alala, hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo at nangangako po akong poprotektahan siya” ani Henry. Nang matapos ang usapan ay sinabi ni Henry na lalabas kami dahil may pupuntahan daw kami. Tinanong ko naman kung saan pero ang sabi lang niya ay surprise daw. Hindi ko na siya kinulit pa dahil alam ko naman na hindi niya ako ipapahamak. Matapos kaming gumayak ay sumakay na kami ng taxi at bumaba kami sa isang residential area. Hindi ako pamilyar sa lugar na yun, kaya hindi ko alam kung sino ang pupuntahan namin. “Sino ba talaga ang pupuntahan natin? tanong ko. “Malalaman mo rin baby”, wika ni Henry. Huminto kami sa paglalakad sa isang duplex apartment. Kumatok si Henry nang tatlong beses at nang bumukas ang pinto ay nagulat ako sa nakita ko. “Jo-joy?” ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD