Chapter 12: Traydor

1670 Words
Marianne’s POV “Joy! anong kasalanan namin sayo? Bakit mo kami sinisiraan ng nobyo ko?” tanong ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. “Anong sinisiraan Marianne, nagsasabi lang ako ng totoo, eh pareho naman kayong naglilihim at naglolokohan sa isa’t isa. Kaya dapat lang na maghiwalay na kayo!” sigaw ni Joy. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Joy. Parang hindi siya ang kaibigan na kilala ko. Sa mga telenobela ko lang napapanood ang ganitong eksena. Hindi ko akalain na sa tunay na buhay ay may mga traydor na kaibigan pala. Ang nakakalungkot hindi ko lang siya basta kaibigan kundi matalik na kaibigan. Mas masakit pa ito kaysa sa mga heartbreak sa mga ex ko. “Joy, ganyan ba talaga ugali mo? Mang traydor ng kaibigan? Ano bang kasalanan ko sa iyo? Sa tinagal tagal ng samahan natin wala akong maalala na may nagawa akong malaking kasalanan sayo para ganituhin mo ako! Kung may galit ka sa akin o kay afam, diretsahin mo kami! Harapin mo kami! Hindi yung patext text ka pang nalalaman para siraan mo kaming dalawa! Yan ba ang dahilan kaya ka nag leave? Para siraan lang ako? Ang babaw mo naman. O baka naman ganun katindi ang inngit mo sa kin?! Porket wala ka pang jowa Joy, maninira ka ng relasyon ganun ba ha?! Sagutin mo ako!” galit na sabi ko. “Oo! Oo na! tama ka! Naiinggit nga ko sayo? Ano masaya ka na? Narinig mo na ang totoong dahilan. Naiinggit ako dahil ang perfect na ng buhay mo! Nasayo na ang lahat Marianne…pinagpala ka ng magandang mukha at katawan, may maayos na trabaho, may napundar na bahay, may jowa pang gwapo at mayaman! Eh di ikaw na! Ikaw na ang maswerte! Yan naman palagi pinangangalandakan mo sa kin na ang swerte swerte mo. Samantalang ako, ako, ano ako? Ano ngaba ako? Wala lang, heto kahit kayod kalabaw na, wala rin nararating sa buhay! Hindi pa rin ako makapag pundar dahil sa dami ng pinalalamon ko! Ni hindi ko nga maayos sarili ko dahil sa dami ng iniintindi ko, kaya hindi na ko magtataka kung walang magkamali sa king lalaki! Sino ba naman itong pangit na itsura ko pag ikukumpara sayo? Tapos gusto mo lagi tayo magkasama, para ano? Para lutang na lutang ang ganda mo? Kasi yun ang gusto mo diba Marianne? Yung mga kasama mo sa paligid nagmumukhang alalay kapag kasama ka? Gusto mo yung angat ka palagi. Gusto mo lahat ng atensiyo na sa yo? Kaya nga nakuha mo si afam diba? Nakuha mo ang atensiyon niya!” galit nag alit na tugon ni Joy sa akin. Kinikilabutan ako sa bawat salita na binitiwan niya sa akin. Dahil lahat ng yun ay hindi totoo. Hindi ko akalain na ganito ang takbo ng isipan ng kaibigan ko. Hindi ko akalain na punong puno siya ng inggit at galit sa akin. Sobrang sakit na ang akala mong masayang samahan ng kaibigan mo ay kabaligtaran pala sa kanya. Na sa bawat panahon na magkasama kami ay parang sinasaksak niya ako sa likod dahil sa inggit na nararamdaman niya. “Joy, ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? Ganyan pala ang tingin mo sa akin. Sana pala nung una pa lang pinrangka mo ako. Para di na ko umasa na magiging kaibigan pala kita. All these years puro kaplastikan lang pala ang ipinakita mo sa akin. Ang sama ng ugali mo! Wala kang kasing sama Joy!” sigaw ko sa kanya. “Oo na masama na kung masama! Kaya dapat simula ngayon putulin na natin kung ano man yang kaplastikan na samahan natin. Magkalimutan na tayo dahil wala kang kwenta!” muling sigaw ni Joy at ibinaba na ang tawag. Humagulgol pa ako ng iyak dahil sa nangyari sa min ni Joy. Hindi ko akalain na dito lang magtatapos ang pagkakaibigan namin. Sabagay, hindi pala pagkakaibigan dahil hindi naman pala niya ako tinratong kaibigan. Sumikip ang dibdib ko kaya naman uminom ako ng tubig upang mahimasmasan ako pagka. Hindi pa bumababa si afam kaya naman muli akong umakyat sa kwarto at nadatnan ko na siya na gising, nakaupo sa kama, hawak ang celphone at tila kagagaling lang din niya sa pag iyak dahil nakita kong pinunasan niya ang luha niya. “Daddy what’s wrong? Are you crying?” pag-aalala ko. “No-nothing, I just heard you having fight with your friend” pagtatapat niya. Doon ko muling ikinuwento ang mga pinagtalunan namin ni Joy, muli akong naiyak sa pagkukuwento ko at pagkatapos ay niyakap ako ni afam. “Ssshhh…don’t cry baby, don’t think of her anymore. She’s a traitor, she’s not your friend anymore.” ani afam. Niyaya ko na si afam na bumaba at kumain ng almusal. Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan namin mag grocery dahil ubos na ang supplies namin sa bahay. Nagtungo kami sa supermarket na malapit sa opisina na pinagtratrabahuan ko dahil mas kumpleto ang mga paninda doon kumpara sa ibang supermarket. Habang naglalakad kaming dalawa sa gilid tulak ang push cart ay natigilan si afam at nang sundan ko ang paningin niya ay nakita ko ang isang amerikana na nakatitig din sa kanya. Dahil sa itsura pa lang na may blonde at mahabang buhok, blue eyes, matangos na ilong, matangkad, at ubod ng puti. Hindi ako magkakamaling amerikana ito. Nakita kong gulat na gulat si Henry na para bang nakakita ng multo. Bigla tuloy ako kinilabutan, hindi kaya….siya na ang tinutukoy ni afam na ex niya? “Oh! What a small world, I didn’t expect that I’m gonna see you here.” sabi ng babae sabay halik sa pisngi ng nobyo ko. Kumulo agad ang dugo ko sa ginawa niyang yun kay afam. Si afam naman ay naka kunot ang noo at tila nairita sa ginawa niya. Sa pagkakataong ito ay masasabi ko na siya na nga si Amanda, ang ex ni afam. Maganda talaga siya hindi maikakaila yun, pero mukhang maldita. Halata sa kanya na nairita din siya lalo na nang makita niya na naka akbay sa akin ang nobyo ko. “Hey darling, is that the way you treat your girlfriend. No response from you?” malanding sabi ng malantod na babae. “EX-girlfriend” may diing pagkakasabi ni afam. Lumawak ang ngiti ko sa sinabi ng jowa ko. Nagsalubong ang tinginan namin ng malditang babae at tinaasan ko siya ng kilay. Pataasan kami ng kilay. Walang nagpapatalo sa amin sa titigan. Hindi ko siya uurungan ang kapal ng mukha niyang mag self-proclaimed girlfriend ng afam ko. “f**k Amanda, please get out of my way, there’s nothing to talk about. I don’t want to see you. I’m with my girlfriend and we’re in a hurry” sabi ni afam sabay hatak sa kamay ko at nagmamadaling pumunta ng ibang direksiyon. Subalit, pinigilan ni malanding Amanda ang jowa ko, hinarangan siya nito sa harap. “Please Henry, let’s talk first. I want to explain everything. I came here to the Philippines just to talk with you. I dropped by your office, but Jim said that you’re on vacation leave. I stalked your i********: and I saw that you’re staying at your aunt’s place, so I came here, and I didn’t expect that you’re in this supermarket. Maybe it’s our destiny to see each other again. I still love you Henry and I know that you feel the same way too.” wika ni Amanda na akma sanang hahalikan sa labi ang nobyo ko. Bago pa man niya gawin yun ay tinulak ko na agad siya. “Hey, didn’t you hear what he said? EX GIRLFRIEND. I’m the new girlfriend so don’t you dare to touch and kiss my boyfriend!” banat ko. Inawat naman kaming dalawa ni afam. Pansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga taong nakapaligid sa amin. Wala akong pakialam sa kanila, alam kong nasa tama ako kaya hindi ako natatakot. “Sa mga marites dito, bago niyo ko husgahan, kaya ako sumigaw ay dahil itong malanding Amerikana na to, malinaw na nga sa kanya na ex-girlfriend sya ng boyfriend ko, pero pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa nobyo ko at akma pa niyang hahalikan to. Sinong hindi maha high blood sa malanding babae na yan!” sigaw ko habang nakaturo ang daliri ko kay Amanda. Nagbulungan ang mga tao sa paligid at lahat sila ay masamang nakatingin kay Amanda. Mukhang naintindihan naman ni Amanda ang mga reaksyon ng tao kaya pati siya ay mukhang nahiya sa ginawa niya. Maya-maya ay may mga security guard na lumapit sa amin. “Excuse me po, mawalang galang na po pero bawal po mag iskandalo dito. Kung hindi po kayo mag papa awat sa bangayan niyo ay kung maaari lang sana ay lumabas na lang po kayo pare pareho para hindi po magkagulo dito sa supermarket” paliwanag ng security guard. “Huwag po kayo mag-alala sir, paalis na rin po kami, babayaran na po namin itong mga pinamili namin sa cashier para makalabas na agad” wika ko. Naghiwalay na kami ng mga landas. Kakain sana kami sa labas ni afam pero dahil sa naganap kanina ay pareho kaming nawalan ng gana kaya diretso uwi na kami sa bahay at oorder na lang kami ng pagkain online. Nang makauwi sa bahay ay inayos agad namin ang mga pinamili namin pagkatapos ay umakyat ng kwarto si afam upang maligo. Maya-maya ay sumunod na rin akong umakyat, dinig ko ang shower na galing sa banyo na ibig sabihin ay hindi pa tapos maligo si Henry kaya naman inayos ko ang mga kalat sa cabinet at drawer sa kwarto. Habang nag-aayos ako ng mga drawer ay may napansin ako na mga papel, akma ko sanang itatapon ito ngunit naisip ko na baka mahalagang dokumento ito kaya binuklat ko muna upang basahin. Nang mabasa ko ang mga dokumento ay nagulat ako dahil mga dokumento ito sa bangko. Mga dokumento ng malaking loan. At ito ay nakapangalan kay afam. “Bakit may malaking utang sa bangko si afam?” bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD