Third Person POV
“Don’t worry baby, maybe it’s a prank. I trust you and love you okay? I know you’re not hiding anything from me. That’s why I Love you” pag-aalo ni afam kay Marianne. Nakonsensiya naman si Marianne sa sinabi ng nobyo niya. Pakiramdam niya tuloy na tinatraydor niya ang nobyo dahil sa totoo lang ay totoo naman na may sikreto siya. Pero hindi na dapat malaman pa ni afam yun dahil nagbago na siya. Mahal niya na ito kahit maging sino pa ang nobyo niya. Hindi niya na habol ang kayamanan nito bagkus sapat na sa kanya ang tapat na pagmamahal ng nobyo sa kanya. Ayaw niya ng maungkat pa ng binata ang dati niyang intensiyon dito dahil magagalit lang ito at baka iwanan siya nito. Hindi na importante yun dahil ang mas importante ay nagmamahalan silang dalawa. Dahil sa pangyayaring yun ay hindi na tuloy naka ilang round ang magkasintahan dahil sumakit ang ulo ni Marianne sa kaka isip kung sino ang nagpadala nun kaya naman halos madaling araw na siya nakatulog. “Good morning baby, breakfast is ready” sabi ni Henry kay Marianne habang pinupupog ito ng halik sa mukha upang magising. Nag chat si Marianne sa boss niya na malelate siya ng pasok sa opisina. Tinanghali kasi siya ng gising at buti na lang na maunawaain ang boss niya dahil first time lang naman niya malelate sa trabaho. “Sorry daddy if we won’t make 3 rounds last night” wika ni Marianne. “It’s okay baby, I don’t want to force you. Please don’t think about the text message I received last night, okay?” ani afam. Natapos din mag almusal ang mag nobyo at gumayak na agad si Marianne sa pagpasok sa opisina. Nang sumapit ang lunch break ay pumunta si Marianne sa canteen upang doon bumili at kumain ng lunch. Nakisabay siya sa kanilang HR officer sa mesa upang may makausap naman siya habang kumakain. “Hi Miss Diane, kain na po tayo” sabi ni Marianne sa kanilang HR Officer. “Tara kumain na nga tayo. O eto share tayo ng ulam” ani Diane. Habang kumakain ang dalawa ay sinimulan ni Dianne ang pagsasalita. “Nga pala Marianne, si Ms. Joy pala nag extend pa ng leave niya, kaya pasensiya na kung matatagalan pa ang dagdag sa trabaho mo pero huwag ka mag-alala, kasi may dagdag incentives ka naman”. Nabigla si Marianne sa sinabi ng kanilang HR officer, hindi dahil sa dagdag incentives niya kundi sa balitang nag extend pa ng leave si Joy. “Bakit daw po siya nag extend ng leave?” pagtatanong ni Marianne kay Diane. “Sabi niya kasi ay may aasikasuhin pa siya sa bahay ng tiyahin niya at ewan ko ba pero sa tono ng pananalita niya ay parang may problema siya. Pero ayoko nang magtanong pa sa kaniya at baka isipin niya na tsismosa ako. Sana ay maayos niya na ang dapat niyang ayusin nang makabalik na siya sa trabaho at hindi ka na maabala pa.” wika ni Diane. Gustong iproseso ni Marianne ang mga nangyayari kay Joy pero minarapat niya na tapusin na lang ang kinakain dahil baka magtaka si Diane kapag nagtanong pa siya. Nang matapos na siyang kumain ay nagpaalam na siya at bumalik na siya sa kanilang departamento, dahil may natitira pang oras sa lunch break nila ay tiningnan ni Marianne ang social media account ni Joy pero nagtaka siya dahil hindi niya na ito masearch sa social media. “Hindi kaya si Joy ang nagsend ng text message kay afam tungkol sa sikreto ko?” bulong ni Mariane sa kanyang isip. Dahil kung tutuusin, silang dalawa lang naman ni Joy ang nakakaalam niya sa sikretong intensiyon niya kay afam dati. Pero 50 percent ng isip niya ang nagsasabi na hindi magagawa ni Joy ang siraan siya kay afam dahil elementary pa lang ay magkaibigan na sila. Kilalang kilala na nila ang dalawa at wala sa pagkatao ni Joy ang gagawa ng ganoon. Prangka si Joy at kung may nais siyang sabihin ay harap harapan niyang gagawin yun. At isa pa, hindi pa niya nakikita ng personal si afam. Ni hindi nga niya alam ang number nito dahil sino bang magkakainteres na kunin ang number ni afam? Litong lito ang isip ni Marianne. Isa rin kasi sa posibleng gumawa nun ay si Jonas. Dahil adik si Jonas ay baka may mga kilala itong mga hacker kaya nalaman ang numero ni afam at siniraan siya nito. Baka minamanmanan siya ni Jonas bago siya sugurin kaya napag alaman siguro na may nobyo na siya. “Baka si Jonas nga siguro ang gumawa nun” bulong ni Marianne sa sarili. Kampante siya na di siya sisiraan ni Marianne. “Sana Joy maayos ang kalagayan mo ngayon at kung may problema ka, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Handa akong tulungan ka” bulong ng isip ni Marianne. Napa buntong hininga na lang siya at saka bumalik na sa kanyang trabaho. Sumapit ang alas kwatro ng hapon, nag riring ang celphone ni Marianne, si afam ang tumatawag. Hindi niya ito pinansin dahil baka nangangamusta lang, ayaw naman niya maistorbo sa trabaho dahil gusto niyang tapusin na agad ang report na ginagawa niya. Pero hindi tumitigil ang pagring ng celphone niya kaya sinagot niya na ang tawag. “Hey, daddy? Why are you calling? Is there an emergency? wika ni Marianne. “Yes baby there is, your mom. I brought her to the nearest hospital.” wika ni afam. Nagulat si Marianne sa nangyari at binaba na agad ang tawag. Nagpaalam agad siya sa kanyang boss at pinayagan naman siya. Bago pa siya lumabas ng opisina ay tinawagan niya rin si Mark upang sumunod sa kanya sa ospital. Paglabas niya ng building ay sumakay agad siya ng taxi upang idiretso sa ospital. Nang makarating sa ospital, sinalubong siya ng kanyang nobyo sa emergency room. Doon niya nakita ang in ana namimilipit sa sakit sa kanang gilid ng tiyan. Hindi mapakali si Aling Miriam. Kahit anong puwesto ang gawin ng ina ay tila hindi nawawala ang sakit na nararamdaman nito. Ngayon lang nakita ni Marianne na nagkakaganito ang kanyang ina kaya hindi siya mapakali. “Nay, anong nangyari sa inyo? Anong masakit sa inyo?” sabi ni Marianne. “Anak….aaraaaayyyy! ang sakit!!! Di ko na kaya!!!sakit dito sa gilid ng tiyan ko hanggang sa likod araaayyyy!!! I confine mo na ko anak hindi ko na kaya” naiiyak na sinabi ng ina kay Marianne. Maya maya ay may lumapit ng nurse sa kanyang ina at inasikaso na ito. Nag fill up na rin ng form si Marianne at naghihintay na lang na makausap sila ng doctor upang malaman ang kalagayan ng kanyang ina. “Thank you, daddy, for bringing my mom here. How did you find out that she’s sick?” pagtatanong ni Marianne sa nobyo. “I’m at your house helping tita to cook our merienda then suddenly, she screamed and she asked me to bring her to the hospital because she doesn’t feel good” pagpapaliwanag ng nobyo kay Marianne. Pagkalipas ng ilang minuto ay nilapitan na sila ng doktor. “Good afternoon, I’m Dr. Randy Ortigas at batay sa obserbasyon ko sa nanay mo, sa tingin ko ay may bato siya sa kanyang apdo. Pero hindi pa naman tayo nakasisiguro kaya I advise na maconfine muna siya dito sa ospital dahil magsasagawa tayo ng mga lab sa kanya gaya ng ultra sound at iba pa, para makasiguro tayo kung ano ba talaga ang sakit niya” paliwanag ng doctor kay Marianne. Pumayag naman si Marianne na maconfine ang kanyang ina, dahil para sa kanya, importante ang kalusugan kaya susundin niya ang payo ng doktor. Kinausap muna ni Marianne ang kanyang boss at nag file siya ng leave para mabantayn ang kanyang ina sa ospital. Kahit nag prisinta si Henry na siya na daw ang magbabantay sa kanyang ina dahil wala naman siyang ginagawa ay hindi pumayag si Marianne. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ng kanyang nobyo. Sinabihan niya pa ito na maaari siyang mamasyal kahit hindi siya kasama dahil ayaw naman niyang masayang ang vacation leave ng kanyang nobyo dito sa Pilipinas. Ngunit sinabi ni Henry na pinayagan siya ng Immigration na makapag extend pa siya ng kanyang bakasyon sa Pilipinas. Nagtaka si Marianne kung posible ba ang bagay na yun pero hindi na siya nag-usisa pa dahil ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ay ang kalagayan ng kanyang ina. Kinabukasan, nakausap muli ni Marianne ang doktor at kinumpirma ng doktor na may gallstone nga ang kanyang ina at malalaki at marami ang bato na nasa apdo ng kanyang ina at ang pinaka the best na option ay ang maoperahan ang kanyang ina pang tanggalin ang apdo. Hindi na daw kasi kailangang tunawin ang bato dahil dumami na ito at lumaki kaya kailangang tanggalin na ang buong apdo ng kanyang ina upang hindi na ito bumalik. Wala naman ibang choice si Marianne kundi ang pumayag sa sinabi ng doktor dahil yun ang makabubuti sa kanyang ina. Nang tanungin ni Marianne kung nasa magkanong halaga ang kailangan upang maoperahan ang kanyang ina, sinabi ng doktor na nasa 120,000 pesos ang magagastos dito. Nang makaalis ang doktor ay tila nanghina si Marianne dahil sa malaking halaga na kailangan. “Nak, pasensiya na kayo at naka perwisyo pa ako sa inyo. Napagastos ka pa dahil sa akin, hayaan mo pag gumaling na ako, maghahanap ulit ako ng trabaho para mabayaran ko kayo ni Mark sa nagastos niyo sa akin.” wika ni Aling Miriam sa anak. “Nay, okay lang yun, ang pera bumabalik din yan pero ang buhay hindi. Mas mahalaga ang kalusugan mo nay, sa pagkakataong ito hayaan mo kami ni Mark na mag asikaso sayo” pag aalo ni Marianne sa ina. Nang makatulog na si Aling Miriam, lumabas muna si Mark upang bumili ng meryenda nila. Pagkatapos kinausap ni Henry si Marianne “Baby please let me help you, I have funds in my account. I’ll pay your mother’s bill” paliwanag ni afam. “No daddy, she’s not your responsibility I don’t want to abuse you” wika ni Marianne. “She’s now part of my family. She will be my future mother-in-law that’s why I wanna help, please.” sabi ni afam. “But, I don’t want to owe someone a debt of gratitude, specially to you, because…because…. I feel guilty…people will say bad things about me if they find out that you pay my mom’s bill. They will think that I’m a gold digger” paliwanag ni Marianne. “Hey baby, look at me” sabi ni afam habang hawak ng dalawang palad ang mukha ni Marianne. “You’re not a gold digger. Okay, here’s my proposal. I’ll pay your mom’s bill but it’s a loan. Meaning, you must pay me when you have enough money. How is that?” ani afam. Naiyak si Marianne sa sinabi ng kanyang nobyo at niyakap ito. “Thank you, daddy, don’t worry we’re gonna pay you soon. I love you.” sabi ni Marianne sabay halik sa labi ni afam. Ganoon din ang tinugon ni Henry sa kanya. Maya maya ay dumating na ang kapatid niya na may dalang meryenda. Pagkatapos nila kumain ay nagsabi sina Marianne at Henry kay Mark na uuwi muna sila sa bahay upang matulog doon at kinabukasan ay sila naman ang mag oovernight sa ospital. Pag dating sa bahay ay pagod sila at nakatulog agad at sa kaligtnaan ng gabi ay di maiiwasan na magtalik ang dalawa. “Aaaahhh….aaahhh…daddy..faster…deeper…please…” wika ni Marianne habang naka dog style silang nagtatalik. Maya maya ay sabay nilang pinutok ang mga katas nila sa loob ni Marianne. Unang nakatulog si Henry sa pagod habang si Marianne naman ay nakayakap at nakatitig sa mukha ng nobyo. May nagtext sa kanya at ng binasa niya ang mensahe ay
“Your boyfriend has a secret too”.