Chapter 20: Bracelet

1682 Words
Chapter 20               Tahimik ang buong unibersidad dahil sa namatay si Supremo hanggang ngayon ay hindi matanggap ng iba ang pagkamatay nito. Lalo na si Maxine na matalik na kaibigan ni Supremo. Patuloy parin sa pag-imbestiga ang iba sa kaso ni Supremo. Wala parin nakakalutas ng problema na ito. Palaisipan parin sa kanila ang nangyari. Sina Megan at Maxine ay nasa hospital parin habang si Akirah naman at Six ay magkasama sa rooftop. Doon kumikilos ang salarin dahil papatak na naman ang oras sa ala una.         Akirah’s Point of View       Nagbalik ako sa ulirat at binago ang aking reaksiyon mula sa lungkot. Simula kasi na isuot ko ang porselas na ito palagi ko nang naiisip si Stanley. Sana talaga mabilis siyang gumaling. Alam kong nasa huli ang pagsisi para patawarin pa ako ng aking guro sa lahat ng kasalanan ko. Tumingin ulit ako sa porselas. Bago tumingin kay Six na kanina pa ako tinititigan. Anong problema nitong tao na ito?     “Sino ba kasi ang nagbigay sayo ng porselas na yan, hwag mong sabihin na may asawa kana?” nanlaki ang mata dahil sa sobrang oa niya magsalita.       Wala ako ng boyfriend asawa pa kaya?       “Tsk, anong asawa. Wala ngang boyfriend asawa pa kaya?” Natatawang tanong ko saka tumungin sa itim na kalangitan.           Napansin kong kulay pula ang buwan sa madilim na kalangitan. Ang sabi sa akin ni Papa kapag pumula ang buwan lalabas ang aswang. Hindi naman ako naniniwala sa mga aswang o anumang lamang lupa nandito sa mundong ito.   Tama lang ang hangin na humahampas sa aking buhok dito sa roof top. Hindi naman masyadong malamig para liparin ang napaka-ikli kong palda. Sakto lamang ito dinalhan ako ng jacket ni Papa. Makapal at mainit sa pakiramdam. May tatak na apelido ko sa likod.   ‘Guerero.’   “Oo nga pala wala ka non kasi nga pader ka,” kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.   Ano naman kayang binatak ng taong ito para sabihan akong pader? Anong pader?           “ANONG SABI MO?”         “FLAT BOARD KA!” nalaglag ang panga ko dahil inulit niya pa ang sinabi niya.   Magwoworld war four talaga kapag sinabihan mo ako na flat board! Amp.       “Inulit mo pa talaga?”       “Hindi ni-repeat ko lang,” mas lalo pa akong nainis dahil sa pamimilosopo niya.   “Gusto mong doblehin ko yang benda mo?” pagbabanta ko kaya natahimik siya sa pang-aasar niya sa akin.       “Wala naman ganyanan Irah,” sumeryoso ang kaniyang mukha dahil alam ko kahit hindi ko nararamdaman sobrang sakit talaga ng nasa benda niya. Inirapan ko nalamang siya at umupo ulit sa monoblock malapit sa malaking table.       “So, ipaliwanag mo sa akin yan Six.” Nginuso ko pa ang kaniyang kaliwang braso na may benda.       “Ikekwento ko pa ba?” natatawang tanong niya sa akin.   “Hindi kantahin mo,” pamimilosopo ko         “Do-re-mi-si-Irah-muk-hang-pa-to.” Kinanta niya pa ang doremi para asarin ako kahit kailan ka talaga Six.   “Dodoblehin ko talaga yang benda mo,” pagbabanta ko ulit rito at akmang hahampasin ang kaniyang kaliwang braso.   “Heto naman hindi ka naman mabiro,”   “Dali hahampasin ko talaga yang benda mo,” saad ko.     “Heto na,” Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.   “Narinig ko kasi ang sunod-sunod na putok ng b***l kaya iba na ang kutob ko. Alam ko naman na mahilig kayong cutting class at wala sa plano na magkaroon ng putok ng b***l. Sakto naman eh napanood ko video mo sa cellphone ni Argatha kaya tumakbo na ako para iligtas ka,” huminto siya sa pagsasalita at bumuntong hininga bago siya tumingin sa akin.     Iligtas ka..         Hindi ko alam kung anong dahilan para mag-init ang mukha ko na mas mainit pa sa nilalagnat na tao.   “Para iligtas ako?” natatawang paniniguro ko at hinawi ang aking buhok pero sa  paghawi ko ng aking buhok biglang pinitik niya ang noo ko.         “ARAY MAKAPITIK NG ULO WAGAS.” Hinampas ko ang kaniyang braso.         “Hwag masyado asyuming huh, mamatay ka ng maaga,” natatawang sabi nito sabay irap       “Tuloy mo,”       “Ang ibig kong sabihin ay para iligtas kayong tatlong pasaway.” paniniguro niya kaya tumango-tango na lamang ako.   “Pinagalitan pa nga ako ni prof. para lang mailigtas kayong tatlo. Ito pa alam mo ba na hinabol pa ako ni Prof. para iligtas nila kayo. Pero ako tong si matigas ang ulo niligtas kayo kahit wala akong dalang armas para ipanlaban sa kalaban. Sa totoo nagmamaka-awa talaga sila para iligtas nila kayo. Tinawagan ko pa nga si Papa kahit on duty siya sa trabaho sa pagiging general sa pulis. Nakita ko kayong pinapahirapan lalo na si Maxine na gustong patayin ng salarin. Dahil nga sa kagaguhan ko wala man lang akong dalang armas eh babalik sana ako sa school pero noong pabalik na ako hinarang ako ng isang nakarobang itim na may maskara rin katulad ng nakaharap niyo. Halos mapaihi ako sa takot kasi may hawak siyang malaking chain saw. Nanlaban ako syempre pero sobrang lakas niya maalam naman ako ng mga self defence nagkaroon pa ako ng tatay na General diba kung hindi ako marunong ng self defence. Nung napabagsak ko siya sa lupa tinapon ko sa malayo ung chain saw. Tapos malakas kong sinipa siya sa ulo kaya ayun nawalan siya nang malay. Akala ko talaga patay na yung kalaban ko kasi hindi na siya gumagalaw pero nung lumapit ako sa kaniya pa ni-check kung patay na ba siya eh sinaksak niya ako sa braso. Pasalamat ko na lang talaga kasi sa braso lang ako nasaksak ang masakit lang eh magiging peklat siya. Pasalamat na lang ako at dumating si Lhorin kasi may dala siyang bakal nahampas niya ang salarin. Ang tanga lang niya kasi sa braso niya natamaan yung salarin,” mahabang kwento niya sa akin.         Naawa ako sa sinipit niya dahil sa akin napahamak pa siya para lang mailigtas kaming tatlo ay kailangan niya pang masaktan para mailitas kami. Hindi sana ito mangyayari kung parehas kaming nag-ingat. Wala na sanang masasaktan at wala nang magbubuwis ng buhay.   “Ginawa niyo talaga yon para sa amin?” natatawang singhal ko sa kaniya.         "Oo,” sumeryoso ang kaniyang pananalita habang lumalanghap ng sariwang hangin sa paligid.   “Irah,”       “Bakit?”       “Pasensiya na kung hindi kita nailigtas huh,” malungkot niyang saaad saka tumingin siya sa akin.   “Kaya ko naman ang sarili ko,” pagsisinungaling ko. Kahit alam kong mamatay na ako sa salarin.       “Kaya pala muntikan na ka nang patayin ng salarin, ay pasmado,” hinawi niya pa ang kaniyang mala-bangs na buhok. Min yoongi? Xander ford charot.       “Hindi talaga namin inaasahan yung pangyayaring yun,” kinagat ko pa ang sarili kong kuko bago bumuntong hininga.       "Wala naman tao sa mundo ang nag-asam ng masamang kapalaran diba?” nabingi ako sa sinabi niya.       Umaakyat ang dugo ko mula sa talampakan hanggang ulo sa sinabi niyang 'yun alam kong natamaan talaga ako. Dahil nakakakita ako ng hinaharap. Tumango na lamang ako sa tanong niya ayoko naman maging wirdo ako sa paningin niya. Makikisabay na lamang ako kung ano ang nararapat at siyang nakakabuti ng maraming tao.   “Alam mo Irah, kung hindi ka iniligtas ni Prof malamang patay kana siguro ngayon tapos pinaglalamayan ka na namin ngayon-“ naputol ang sinabi ko sa kaniya ng kaltusan ko siya.   “Aray!”   “Gusto mong mapunta agad sa impyerno?” inirapan ko siya.   “Joke lang eto naman hindi mabiro,”   “Tss,”   Bumuntang hininga na lamang ako at huminga ng malalim bago magsalita. Ilang segundong namayani sa amin ang katahimikan wala sa aming dalawa ang nagtatangkang magsalita. Ang naririnig ko na lamang sa aming dalawa ay buntong hininga na lamang.   Natandaan ko si Prof kung paano niya kinalaban ang salarin kung paano niya ako iniligtas at kung paano siya maging magulang sa amin. Sana talaga mailigtas ng doctor si Prof.   “Irah,” tumikhim siya ng ilang beses at alam ko ang ibig sabihin nun napaka-patay gutom talaga.   “Ano?”       “Beke nemen,”       “Anong baka naman?” painosente ko pang tanong sa kaniya.       “Syempre, dahil gwapo ako dapat manlilibre ka ng ice cream beke nemen,” natatawang sabi niya may paawa effect pa.         “Please?” lumuhod pa siya kaya mas lalo akong natawa sa ginawa niya.       “Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan mo masyado mong ine-expose sa mga bakla,” ang kanina lang na seryoso ay pinalitan ng tawa.       “Anong bakla ka diyan, sinasabi mong lang yan para halikan kita," umirap pa siya.   Naramdaman ko na lamang na umiinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga mambobola talaga siya. Hindi sa akin uubra ang mga cliché na nababasa ko sa libro.       “Dali na ilibre muna ako,” pang iiba niya sa usapan namin.         “Kita ko sa mukha mo gutom kana kaya dapat manlilibre ka,” dagdag niya.         “Ang kapal rin nang mukha mo e no?”   “Syempre hindi manipis,” pamimilosopo niya.       “Isa pang pamimilosopo mo diretso ka sa St. peter-“ naputol ang sinabi ko nang magsalita siya pero seryoso na ito.   "Maiba ako Irah,” sumeryoso ang tono ng kaniyang pananalita.         “Ano yun?” maang na tanong ko saka uminom ng tubig na ibinigay niya.         “Napansin mo ba na magkamukha ang salarin at si Maxine?” seryosong tanong niya       “Kasi nung hinampas ni Juaquin ang salarin natanggal ang makara ng salarin at napaharap pa siya sa amin akala nga namin si Maxine siya kasi kamukhang-kamukha talaga niya pero hindi pala,” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya parehas kami ng napaiisip.   “Ang pinagkaiba nila ay may ekis na peklat ito sa mukha,” wika niya.       “Sa sobrang takot namin ni Juaquin ay kumaripas kami ng takbo kasi hahabulin kami ng salarin,” ginawa na niya lamang kakatawanan ang nangyari kanina.   Hindi kaya?   Hindi kaya may kambal si Maxine?   O baka naman magkakilala sila?   Pero sino yung nakatakas na nagtatakbo papalayo?     “Hindi kaya?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD