Akirah's Point of View
Chapter 21
Nandito na naman inatake na naman ako hindi ko malaman ang dahilan kung bakit na lamang sumakit ang ulo ko. Nanlalabo ang paningin ko na parang naalala ko ang pangyayari kanina lamang. Isa-isa lahat pumapasok sa aking isipan hanggang sa hindi ko na mapigilan na hawakan ang aking ulo sa sobrang sakit.
“Akirah?”
“Irah, anong nangyayari sayo?” pilit niya akong pinapatahan, Pero hindi ko na kaya para akong mababaliw.
“IRAH!”
Kumapit siya sa braso ko. Hindi ko na alam ang sinasabi niya. Ano bang nangyayari sa ulo ko.
“IRAH!”
Hanggang sa..
Hanggang sa mas lalo pang kumirot ang aking ulo.
Nakikita ko sa aking isipan ang lahat nang pangyayari na nangyari kanina lamang nagsimula ang lahat sa paaralan. Hanggang sa magkwentuhan at tawanan kaming tatlo may nakita kaming lalake mula sa malayo. Inaasar pa ito ni Maxine masaya pa kaming nagtatawanan sa isat isa ng biglang mapunta na sa malimuot na pangyayari. Huminto ang nakikita ko sa babaeng kamukha ni Maxine siya ang sumaksak kay Stanley habang si Maxine ay tumakbo papalayo.
Nagbalik ako ulirat ng matapos ang pangyayaring nakita ko. Naluha na lamang ako dahil sa nakita ko. Ang pangyayari na kanina lamang nangyari. Bakit hindi ko ito nakita kanina? Anong nangyayari sa kapangyarihan ko?
Sana nailigtas ko sila ng maaga pa lamang.
“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya nang magbalik ako sa ulirat.
“Oo,” sagot ko.
“Bigla-bigla ka na lang nag cocolapse akala ko na epilepsy kana diyan,” tumawa pa siya matapos sabihin ang mga yon.
Humarap ako sa kaniya at sumeryoso ng tingin.
Hindi kaya?
Nanlaki ang mata ko ng maisip ko si Stanley. Hindi kaya ang sunod na puntirya ng salarin ay ang guro namin? Napatingin ako saglit sa bracelet na ibinigay niya sa akin ni Stanley.
“SI PROF. STANLEY,” natataranta kong sabi rito at tumango na lamang siya.
“Nasa Hospital nakahiga bakit?” akma niyang hahawakan ang kamay ko kaya iniwas ko ito. Mahirap nab aka mamatay siya ng maaga. Pero sa totoo lang ayoko na ng magbuwis ng buhay dahil sa akin.
“OO NGA NASA HOSPITAL SI PROF. STANLEY,” ulit ko pa saka inirapan siya. Nakita ko pa ang pagnganga niya dahil ayaw kong ipahawak sa kaniya ang kamay ko.
“Oh anong meron sa kaniya?” kalmado niyang tanong.
“Diba yung kanina mo lang sinabi sa akin. Nakita mo yung kahawig ni Maxine?” paniniguro ko pa sa kaniya.
“Oo tapos? Anong gagawin mo sa kahawig ni Maxine?” Humalukipkip siya.
“Anong gagawin mo?” Napaurong ako dahil sa sinabi niya. Dapat kasama siya walang iwanan hanggang kamatayan.
“Gagawin natin kamo.” Pagtatama ko sa sinabi niya.
“B-bakit mo ako idadamay sa plano mo?” nauutal niyang saad.
“Kaibigan kita syempre, Hanggang kamatayan magkasama tayong dalawa.” Sabay palo sa braso niyang may benda.
“PUTA$#@%$^ AKI-“ Tinabunan ko ang kaniyang bibig dahil sunod-sunod na malutong na mura ang sasabihin niya sa akin. As in malulutong talaga.
“STOP THAT SHITAY!” Bulyaw ko sa kaniya.
Bumalik naman ang normal niyang mukha. Kani-kanina lamang ay sobrang tahimik. Anong nangyari sa world?
“Hindi kaya si Maxine ang nakatakas at ang killer ay kasama ngayon ni Professor sa hospital?” parehas nanlaki ang mata namin dahil sa sinabi ko.
“Teka lang paano mo nasabi?”
“Pilosopo ba ‘yan o tanong?”
“Both char.. Tanong syempre.”
“Malakas ang pakiramdam ko talaga simula kanina. Basta kakaiba talaga ang pakiramdam ko kanina pa.”paliwanag ko sa kaniya
“s**t SI PROF TARA NA AKIRAH!”
“TARA!”
Napatakbo kaming dalawa dahil sa takot habang pababa kami ng hagdan mula sa rooftop ay hindi parin matahimik ang pagtibok ng puso ko dahil sa kung ano man ang mangyayari kay Prof. Mariin ko na lamang na hinawakan ang bracelet na binigay sa akin ni Prof ang sabi niya sa akin para daw talaga ito sa akin. Naiiyak ako sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kaniya ngayon.
“Lord iligtas niyo po si Prof. Stanley.” bulong ko sa isip ko
Natatarantang pinindot ni Six ang Elevator para bumukas pero hindi parin ito bumubukas kaya natakot na ako sa susunod na pangyayari.
“SH*T ! ANG MALAS NG ARAW NA ITO,” napamura na lamang siya sa sobrang pagkainis nito sa elevator.
Nag-hintay pa kami ng ilang segundo para hintayin ang elevator ngunit may dumaan na engineer. May katangkaran ito at matanda na dahil sa kaniyang kulay na buhok na hindi na nakikitaan ng itim na buhok. May sinabi pa ito sa amin…
“Maam, Sir under constraction po ang elevator. May available po na elevator kaso sa first floor po hanggang third floor. Pasensiya na po,” mabilis na umalis agad ang engineer at dumiretso sa emergency room.
“Kingina!” Sigaw niya at ginulo ang kaniyang buhok.
Lalo pang nagagalit si Six dahil sa sinabi ng engineer. Nanlaki ang mata ko ng suktokin niya ang pader ng sobrang lakas gamit ang kaniyang kanang kamay. Left Handed siya kaya hindi niya gamay ang pagsuntok sa kaniyang kanang kamay. Hinawakan ko ang kaniyang braso at pinatahan siya napansin ko ang palibot ng kaniyang kamao ay nababalutan ng napakaraming dugo. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at gumamit na lang kami nang sobrang haba na hagdan pababa. Parehas kaming kinakabahan sa mga susunod na mangyayari sabi nga nila kapag nasa panganib ka sobrang tumakbo. Hindi na naming iniinda ang sakit na natamo naming kanina at tumakbo na lang kami sa anumang uri ng makakaya naming dalawa.
Malapit na kami wala na masyadong tao sa hospital grupo lamang ni Claire at Juaquin ang naroon ang iba ay umuwi na dahil gabi na. Napatingin ako sa Body-Clock ko at ang oras ay..
"1:24am.."
Narito na kami sa harap ng pintuan kung saan naroon an gaming guro
Kinakabahan..
Kinakabahan ako..
Bubuksan ko ba ang pinto?
Bubuksan ko ba?