Chapter 22: Let me handle this

1159 Words
Chapter 22   Akirah’s Point of View         Heto na bubuksan ko na   Isa..   Dalawa..   Heto na bubuksan ko na..   Heto na..   Bumuntong hininga pa ako   Tumambad sa akin ang..   Hindi ito maari..       “PROFFESOR STANLEY!”           “AAAAAAAAHHHH!” napasigaw ako dahil sa nakita ko ang pugot na ulo ng guro sa harapan ko nakita pa sa mukha nito ang pagkakatakot.         Nanginginig ang tuhod ko at napaluhod. Napailing na lamang si Six dahil sa nangyari.         “Hindi ito pwede,” umiiling-iling pa si Six bago puntahan si Prof.         “PROF!”       “SABI MO SA AMIN WALANG IWANAN!”       “SABI MO SA AMIN BABAGUHIN MO PA ANG MGA UGALI NAMIN, MATAPOS MO KAMING IPAGTANGGOL KAY PRINCIPAL Z? PROF HINDI ITO TOTOO,” naiiyak na saad ni Six.   “PROFFESOR STANLEY!” pinagtulungan naming awatin si Six dahil sa kaniyang galit.       Nag-iiyakan kaming magkakaklase dahil sa sinapit ng aming guro. Pati ako na estudyante niya rin ay naluha na rin dahil sa pangyayari ang bilis naman sa amin na kunin ang gurong ipinagtanggol pa kami kay Principal Z.       “HINDI PA PATAY SI PAPA,” parehas kami nagulat dahil sa sinabi niya. Kahit patuloy parin kami sa pag-iyak.         “Tama ba ang narinig namin Six, tatay mo si Prof. Stanley,” paniniguradong tanong ni Juaquin.   “Oo, Magulang ko siya, tatay ko siya, Kadugo niya ako,” naluluha niyang sabi habang sinasabunutan ang kaniyang sarili.         “Hindi ba ang sabi mo sa akin pulis ang tatay mo? Paano mo siya naging tatay? tanong ko pa pero hindi niya ako sinagot wala na siyang ganang magpaliwanag ng lahat-lahat. Mabilis akong kinausap ni Nathan at sinabi sa akin ang tungkol sa kaniyang tunay na anak.       “Ang totoo talaga Akirah ang tatay na totoo talaga niya ay si Prof. Stanley at Stepfather niya lamang si General,” salaysay pa ni Nathan bago ako tumango-tango.           Nalulunod na ang aking mga mata sa luhang inilalabas nito. Napakasakit mawalan ng isang ama lalo na sa nagmamahal na anak. Naaawa ako kay Six dahil nawalan siya ng napakabuting ama. Hinagod ko lamang ang kaniyang likod at pinatahan ito ngunit hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.         “PAPATAYIN KO ANG PUMATAY SA TATAY KO!” malakas niyang sigaw at pinunasan niya ang kaniyang mga luhang patuloy na rumaragasa sa kaniyang pisngi.       Natuon ang kaniyang atensiyon mula sa kanina pang tahimik na si Claire. Sinugod niya ito nang malakas na sakal ang iginawad niya at idinikit sa pader kaya umawat agad sina Nathan at Juaquin dahil babae ang sinasaktan niya.         “Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kung hindi ko sa plinano ang lahat siguro ligtas ang tatay ko walang nasaksak, walang nasaktan at walang namatay. Sana walang napunta sa Hospital na ito. Kasalanan mo ito!” Sigaw niya rito.       Naiiyak na si Claire dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa kaniya halos hindi na siya makapag-salita dahil sa pagkakasakal nito.   “FRANCIS TAMA NA,” awat ko sa kaniya pero ayaw niya parin magpa-awat ni Six.         “PAPATAYIN KITA,” nilakasan niya pa ang pagsakal sa babae.         “Pre! Tama na maawa ka naman sa babae,”       “Six tama na,” pang-aawat pa ng kaibigan niya       "KAPAG PINATAY MO SIYA WALA KA NA RIN PINAGKA-IBA SA DEMONYONG PUMATAY SA TATAY MO,” sarkastikong saad ko dito.       Ilang saglit pa at binitawan na ni Six ang pagkakasakal nito sa kay Claire. Si Claire kasi ang nagplano ng lahat dahil silang magkakaibigan at si Juaquin ang nakakita kung paano siya pahirapan ni Principal Z. Sa sobrang lakas ng pagkakasakal kay Claire ay hindi na siya makapagsalita. Kung magsasalita siya ay namamaos pa.         “Sorry, Francis,” namamaos niyang wika rito.   “Sorry? Tang*na mo maibabalik mo ba ang buhay ng tatay ko sa isang sorry mo?” naiiyak na sabi nito sa kaniya at binilog ang kaniyang kamao nag titimpi na siyang huwag nang muling saktan si Claire dahil sa sinabi ko.     “I’m begin’. Please bring back my Dad..” Lumuhod pa siya na halos magmakaawa sa harap ni Claire.   “Six, Kahit pa anong gawin mong dasal o milagro. Hindi natin maibabalik ang oras.”     Ilang minuto pang natahimik ang lahat at paparating na anumang oras ang awtoridad para mag imbestiga sa nangyari dito. Nakita kong papalapit sa amin ang kamukha ni Maxine at nakasuot siya ng pang pasyenteng damit. Mabilis akong tumayo at malakas na sinampal ang impostor na si Maxine. “Bakit mo ako sinampal?” Inosente niyang tanong sa akin.   Tumingin ako mula sa kaniyang talampakan pataas. Nakasuot siya ng uniporme namin. Maiksing itim na palda at gray na pang-itaas. Wala siyang peklat tulad ng nakita namin ni Six.     "Nakatakas ako, anong nagyari sa inyo, nasaktan ka ba?" hinawakan pa niya ako at akala concern talaga.       "Lumayo ka sa'kin," nandidiring saad ko.   Nanlaki ang mata ko ng tumayo si Six sa kaniyang kinauupuan at akmang lalakad papunta sa kaniya pero mabilis akong humarang dahil ako na muna ang magpapataw sa kaniya ng parusa.         "Let me handle this," sinamaan ko siya ng tingin bago siya tumango.   Nakasunod naman sina Juaquin at Nathan para umawat sa anumang masamang gagawin ng nagbabalat-kayong Maxine.       "Huh?" naguguluhang tanong niya sa akin. Bago tumingin sa iba na masama ang pagkakatingin sa kaniya.   Akma pa siyang lalapit ng biglang sinampal ko siya ng sobrang lakas. Ibinigay ko ang lakas ko sa pagkakasampal sa kaniya. Bumakat ang sampal ko. Buti nga. Tang*na.       "Bakit mo ako sinampal?" giit niya habang hinahawakan ang kaniyang pisngi.   Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya nakita ko si Six na nakatayo na malapit sa akin. Umiiyak parin siya dahil sa pagkamatay ng tatay niya.   "Tinatanong mo ako kung bakit kita sinampal?" natatawang inirapan ko siya.   "Oo," nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.   "Kung bibigyan ka ng parangal baka hakot award ka sa galing mong umarte, Maxine," pumalakpak ako sa kaniya.   "Ano bang pinagsasabi mo bessie?" nalilito niyang tanong.       "Huwag mo akong mabessie-bessie d'yan," inirapan ko siya.       Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa bago sinabunutan siya dahil hindi na talaga ako makapag-timpi sa sobrang galit ko sa kaniya.   "Hayop kang killer ka hindi ka si Maxine!" sigaw ko rito at malakas siyang pinapunta sa pader para doon iumpog ang kaniyang ulo.         Kahit anong sabunot ko sa kaniya ay hindi siya pumapalag. Bakit ganito ang nangyayari dapat lumalaban siya. Dapat pinapatay niya ako ng matapos na ang lahat pero bakit ganito?           Maraming umawat sa aming dalawa pati sina Claire ay umawat na rin sa amin dahil sa sobrang lakas ng pagkasabunot ko sa kaniya. Hindi ko siya mapapatawad pinatay niya si Prof. Stanley hayop siya masahol pa siya sa demonyo.   "Bessie ako 'to si Maxine," naluluha niyang sabi at inayos ang kaniyang buhok.       Nagulat na lang kami ng sinuntok ni Six ang mukha ni Maxine. Kaya mas lalong nagkagulo ang lahat.       "Ang dami mo pang sinasabi, ikaw ang pumatay sa tatay ko, pinatay mo siya hayop ka!" nagniningas na siya sa galit rito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD