Chapter 23: Shes devil with her innocent smile.

2001 Words
Akirah's Point of View   Humingi ako ng tawad sa kaniya sa pagsampal ko sa kaniyang mukha. Nakaramdam ako ng kirot na ang kaharap ko ay si Maxine at hindi isang impostor. Yumakap siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Paano siya nakatakas kung malala ang kaniyang natamong sugat sa katawan?       "Kalimutan muna Maxine basta ligtas tayo.” Niyakap ko siya pabalik.         Mapapatunayan ko na siya talaga si Maxine dahil matagal ko siyang kaibigan at kilala na namin ang isat-isa. Nakaligtas siya sa insidente na nangyari kanina       Thank you lord ligtas ang kaibigan ko.        Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ano ito?     Bakit siya naka ngiti?       Hindi kaya?       Ang masamang ngiti niya!       Tulungan niyo ako.   Mabilis ang pangyayari mabilis niya akong pinaharap sa kanila habang tinutukan niya ako kalawinging itak.   "Anong ginagawa mo Maxine?" anas na tanong ko kinilabutan ako ng humarap siya sa akin at nakangisi ng parang demonyo.   Shes devil with her innocent smile.   "Ibaba mo yang itak," utos ni Six sa kaniya pero narinig ko na lang ang malakas na pagtawa niya.       "Eh paano kung ayaw ko may magagawa ka ba?" iniwasiwas niya pa ang itak na parang ipinapantakot sa mga kaibigan ko.         "Please dont Maxine kaibigan mo siya," pagmamakaawa pa ni Nathan rito.       "Shut up!" Bulyaw niya habang gigil na hinawakan ang buhok ko habang nagniningas ang kaniyang mata.     "Max,"   "I said shut the hell up! Hindi ba kayo makaintindi?" Sigaw niya kaya mas lalo akong kinilabutan.       "Dahil ayaw ninyong makinig sa akin sige pagbibigyan ko kayo." Nakita ko ang mala demonyo niyang ngisi bago humarap sa akin.         Humarap siya sa akin.       Anong gagawin niya sa akin.       "Nakikita mo ito?" napailing ako sa sobrang takot dahil ipinakita niya sa akin ang itak.         "Please Maxine huwag," naiyak na lang ako sa takot ngumiti na lamang siya sa akin at humarap sa kaibigan ko.   "A-anong gagawin mo sa kaniya?" galit na saad ni Six       "Papakalmahin ko lang," natatawang saad niya         Nanlaki ang mata ko ng akma niyang gigilitan ang leeg ko. Halos mapaihi ako sa sobrang hapdi dahil naramdaman ko ang paghiwa niya sa leeg ko. Nakita ko pa ang pagtalsik ng dugo ko sa mukha ng mga kaibigan ko.         “Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong isunod ko kayo,” banta niya pa nito sa amin kaya mas lalo akong natakot sa kaniya.   “MAXINE!”   “TAMA NA,”       Naiiyak na lamang ako dahil sa hapdi na naramdam ko hindi ko mawari para akong isang istatwa sa kalagayan ko. Wala akong magawa kundi maiyak na lamang dahil mahina ako. Tama lang ang pangyayaring ito mas mabuting mawala na ako sa mundo na ito para wala nang magbubuwis ng buhay para sa akin. Wala nang iiyak at walang ng iiyakan kung patay na ako. Nanlaki ang mata ko ng si Six naman ang tutukan ng patalim habang tumatawa siya parang wala na siya sa kaniyang sarili para gawin niya ito sa amin.       “Alam mo ba kung paano ko pinatay ang tatay mo Six?” walang emosyon niyang wika bago tumingin sa mahabang itak na nasa leeg ko.       “Ang totoo talaga niyan humingi rin ako ng tulong sa mga doktor para gamutin ang sugat ko dahil sa hinayupak niyong kasama muntikan na niya akong mapatay. Dahil doon nag umpisa na ang masama kong plano sa tatay mo. Pinaglaruan ko siya habang tulog siya inintay ko siyang magising pero nabigo ako kaya ako na mismo ang tumapos sa buhay niya. Tinanggalan ko pa ng sweros ang tatay mo para hindi makahinga. Syempre hinay-hinay lang ako sa pagpatay sa kaniya bago pugutan siya ng ulo, Ang saya talaga.” Pumalakpak pa siya sa tuwa habang kami ay nasusuka na ng ikwento niya iyon.   “Hayop ka Maxine papatayin kita-“ naputol ang sumigaw siya.         “Enough! Hindi ako si Maxine kanina niyo pa sa akin sinasabi ang pangalang yan huwag kayong mag-aalala isusunod ko siya pagkatapos nito,” ngumisi pa ito at humarap ulit sa akin.       Napapikit na lamang ako dahil sa mga pangyayari, Sana talaga panaginip lamang ang nangyayari ngayon dahil gusto ko nang magising. Gusto ko nang magising sa masamang panaginip na ito.       “Wala akong pakialam kung sino ka papatayin kita,” pagkatapos na sabihin yon ni Six ay malakas niyang sinuntok niya ang salarin sa tiyan. Kaya napaluhod ito at nabitawan niya ako.       Mabilis akong inalalayan ni Juaquin at Nathan dahil sa sobrang sakit ng aking katawan at nangingirot na leeg. Napaiyak ako sa tuwa dahil nakatakas ako dahil kay Six.   "Kaya mo pa ba?” tanong sa akin ni Nathan sa kaliwang bahagi at tumango na lamang ako.       “Kakayanin ko,” mahinang saad ko.       “Aalis tayo dito Akirah,” positibong wika ni Juaquin.   Dahan-dahan nila akong inangat para makatayo. Pinipilit kong maging malakas dahil dito ayokong ipakita sa kanila na mahina ako at kaya kong makatakas dito. Nakita ko sina Claire na pinagsisipa ang salarin.   “You Bit*h go to hell,” malutong na mura ni Claire bago sinabunutan ang babae.         “Para kay Prof. at kay Akirah,”       “Hayop ka!”       Pinagtutulungan nilang tatlo ang salarin dahil sa galit nito hindi na makita ang itsura nito dahil sa dugo nito sa mukha. Pinagpyestahan siya ng suntok at sabunot dahil sa mga kaibigan ko na parang liyon galit na galit. Naririnig ko na lang ang palahaw niyang pagkalakas-lakas. Tama lang ginawa nila ngayon sa salarin para na rin sa kapayapaan namin lahat.   Ano itong nakikita ko?       Paanong?       Shit! Delikado kami       Bakit nagagawa niya pang makatayo?       “Wala na bang ilalakas ang mga suntok at sabunot niyo sa akin?” pinulot niya ang itak   “KITTY ILAG!”       “KITTY!”       “KITTY…” halos mamaos na kami sa malakas naming sigaw sa kaniya akma na siyang tatakbo papunta sa kinakaroonan naming ng biglang..         “Kitty..”   Malakas na tinaga sa paa si Kitty kaya mabilis na nawalan ng balanse ang kaniyang katawan. Hindi pa nakuntento ang salarin at wala niyang awa na pugutan ng ulo nito. Sa sobrang lakas ng pagkakahati nito ay halos mahati sa dalawa ang kaniyang katawan. Nagsigawan kami ng tumalsik sa amin ang dugo ni Kitty. Natatawang kinuha ng salarin ang pugot na ulo ni Kitty at ginawang bola ito. Sa sobrang pandidiri namin ay nagtakbuhan kami kahit masakit ang mga katawan namin.           Napahiwalay sa amin sina Claire, Nathan at Juaquin at tumakbo sila mula sa ibang pasilyo.       Ang kasama ko lamang ay si Six na wala paring ginawa kun’di tumatakbo kasama ko. Napapansin namin na malapit nang mapundi ang mga ilaw mula sa pasilyo. Mas lalo pa naming ikinatakot dahil wala nang tao sa paligid namin o kahit bukas na ilaw na aming nadadaananang silid aralan. Patuloy parin kami sa pagtakbo hanggang makaabot kami sa Janitors room.           “Dito tayo magtago,” sumenyas pa siya bago pumasok kaming dalawa sa loob. Kinakabahan ako baka kasi masundan kami ng salarin at malaman niya kung saan kami nagtatago ni Six. Walang hangin ang pumapasok sa maliit na Janitors Room kaya sobrang init ng paligid.   “Six natatakot ako,” naluluha kong wika sa kaniya.         “Matatapos din ito magtiwala ka sa akin,” yun na lang ang sinabi niya sa akin.         “Ligtas tayong makakaalis dito mabubuhay tayo, kaya natin ito,” positibo niyang wika       Parehas kaming nagpapakiramdaman sa kung anumang mangyayari sa aming dalawa ngayong umaga. Hindi ko napansin na magkahawak ang kamay naming dalawa kaya mas lalo pa akong kumapit dito. Bakit sobrang lamig ng kamay ng kamay niya?   Hindi naman malamig ang kamay ni Six bakit sobrang lamig nito at malambot pa?         “Six? Bakit ang lamig ng kamay mo?” kinakabahan kong tanong sa kaniya.       “Ang lamig nga rin ng kamay mo,” sagot niya kaya napataas ang kilay ko dahil sa sagot niya.       Kinabahan na ako kung sino ang nakahawak sa kamay ko. Kaya dumukot ako ng madudukot sa bulsa ko ng mayroon nga pala akong layter sa aking bulsa kaya binuksan ko ito laking gulat ko ng pagkasindi ko ng Layter ay-       “Tang-ina kausap pa namin ito kanina..”       Patay na agad       Mabilis na tinakpan ni Six ang bibig ko para hindi ako makasigaw sa sobrang pandidiri. Nakaupo ang Inhinyero sa harapan namin at duguan ang kaniyang mukha kaya napaiyak na lamang ako dahil sa takot rito at pandidiri rito. Mabilis niyang tinuro ang salarin mula sa labas. Makikita ang salarin sa maliit na butas sa pinto.   Nakabantay ito       Nakabantay siya sa amin   Kaya napapikit ako dahil sa takot at napatakip sa bibig ko para hindi makapagsalita. Parehas kaming pinipigilang hindi makahinga dahil nasa labas ang salarin at palinga-linga. Ilan pang minutong lumipas at wala sa amin ang may balak na magsalita dahil naroon parin sa harapan ng pintuan. Ang salarin.       Diyos ko tulungan niyo po kami..           Ilang minuto pa ang nakalipas ng biglang umalis na ang salarin sa harap ng pintuan kaya parehas kaming nakahinga ng maluwag.   Nang biglang..         Biglang?         May humawak sa balikat ko at alam kong hindi iyon si Six dahil sobrang lamig ng kamay nito kaya napasigaw ako ng sobrang lakas.       "TANGINA MO IRAH,” malutong na mura ni Six kaya napatakbo kami ng sobrang bilis muntikan na kaming mataga ng itak dahil sa akin.       Hindi ko alam may humawak sa balikat ko,” depensa ko kahit paika-ika kaming tumatakbo sa pasilyo.   Napaisip na lamang ako dahil sa pangyayari kanina lamang kahit si Six ay tikom rin bibig niya dahil sa nangyari. Paanong namatay agad ang kausap namin kanina lamang? Hindi kaya alam ng salarin ang lahat naming gagawin? Kung saan kami pupunta o saan kami magsuot?       Hindi ito makatarungan.   “Ang tagal naman pumunta ng mga pulis?” walang pakundangan lumabas sa bibig ko.       “Abay malay ko,”       “Asahan munang kapag may namatay sa atin na isa saka pa lang dadating ang mga pulis..” walang gatol niyang sabi.     “Ngayon ko lang napatunayan na totoo talaga ang mga Horror Movie. Na kapag hindi mo sinunod ang mga rules nila hindi ka maliligtas, diretso kana sa kabaong.” salaysay niya bago ngumisi.       Biglang na lang pumasok sa isipan ko si Megan na kasama ni Prof. Stanley sana ligtas siya o nakalayo siya rito. Lumiko ako para doon tumakbo kaya nasigawan ako ni Six. Ano bang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba?   Parehas kaming nagulat dahil nakatayo sa harapan namin sina-   "Megan, Maxine,” akma ko silang lalapitan ng biglang pagkaharap ko ay nasa likod ni Six ang salarin. Nalilito ako dahil sa mukha ng salarin at ni Maxine na sobrang magkahawig sa isat isa.   “Iligtas mo ang sarili mo Akirah,” bulyaw ni Megan sa akin pero umiling-iling ako.       “Hindi sabay-sabay tayong maliligtas rito,”       “Kailan pa?” natatawang saad ng salarin rito.   “NGAYON, INAARESTO KA NAMIN SA NGALAN NG BATAS, Jessica Futabellas,” saad ng ama ni Six.   Kaya nagulat kaming lahat sa sinabi ng Papa ni Six. Jessica raw ang pangalan ng babaeng salarin na kamukha ni Maxine.       “IBABA MO ANG IYONG ARMAS NG DAHAN-DAHAN,” utos nito.   Mabilis na inaresto ng mga pulis ang salarin na kapangasan rin ni Jessica ang taong impostor na nagbabalat kayo bilang si Maxine. Nagyakapan kaming magkakaibigan dahil sa tuwa ligtas na kami at si Six pati narin ang natitirang kaibigan ko.   Makalipas ang dalawang linggo.       "Irah," tawag sa akin ni Megan habang ginigising ako kaya ungol na lang ang sagot ko.         "Gumising kana." Niyakap niya ako dahil ayoko talagang gumising. Pero umungol lang ako at niyakap pa ng mahigpit ang aking unan.   Nanlalambot kasi ang katawan ko at nanghihina ako ngayon dahil sa nangyari sa Hospital. Ilang araw na rin akong absent dahil sa troma na nangyari. Tuwing weekends naman ay nagdadala si Juaquin ng answersheets para makasabay ako sa bagong tinuturo ng aming bagong guro. Ang sabi nila ay-     "Kapatid raw ni Prof. Stanley ang papalalit"   Nakakalungkot man na isipin na namatay ang guro namin dahil sa pagligtas niya sa buhay namin. Pero kailangan ko itong tanggapin kahit sa maliit na bagay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD