Chapter 24
Nakakalungkot man na isipin na namatay ang guro namin dahil sa pagligtas niya sa buhay namin. Pero kailangan ko itong tanggapin kahit sa maliit na bagay. Sariwa pa sa aking isipan ang lahat ng nangyari sa amin. Doon sa classroom namin nagbago na ang lahat. Hindi na kami sa room namin na building 13. Nasa 124 building kami ngayon. Napag-isipan rin namin ni Megan na lumipat na lang ng University total pinapalayas rin naman kami ng principal namin. Ang daming nangyari sa maling plano. Maraming nawala ng buhay dahil sa akin. Ayoko nang maulit pa ito sa bawat isa sa amin.
Namatay ang dalawang kaklase ko dahil sa iisang salarin. Namatay din ang guro naming si Stanley. Kailangang magbayad ni Jessica sa lahat ng ginawa niya sa amin. Kailangan niyang magdusa sa kulungan. Kahit anong pilit ng mga pulis sa kay Jessica ay hindi ito nagsasalita. Tumatawa lang siya ng walang katapusan. Yon ang sabi sa amin ng mga pulis. Palagi niyang sinasabi na malapit lang si Uno Bente Kwatro sa mga kaibigan namin. Pero hindi naman kami naniniwala doon. Ang sabi kasi ng mga awtoridad. Pwede niyang itanggi na hindi siya si Uno. Dahil wala silang malaman na testimonya dahil palaging nakatikom ang bibig ni Jessica at titigan ka lang niya sa mata bago tatawa.
“Six paano niyo nalaman na hindi siya si Maxine?” Tanong ko sa kaniya saka tumingin sa mga batang naghahabulan sa parke. Papunta kami kasi ngayon sa sementeryo para dalawin sina Supremo at ang kaniyang ama sa puntod.
“Madali lang.” Inayos niya ang kaniyang salamin sabay tingin sa nilalakaran namin.
“Paano?”
“Nasa library kasi ako doon sa may pinaka sentro ng school natin. Kasama ko kasi si Maxine nung araw na ‘yon. Kaya gulat na gulat talaga kami pareho dahil kamukhang-kamukha siya nito. Nakita ko mula sa malayo kung paano siya pumatay halos magsigawan nga kami ni Maxine dahil may kinakaladkad siyang babae sa lupa. Kawawa yung babae parang bulag siya pero ang galing kasi parang nakakakita siya. Dapat nga tutulungan namin siya pero ang galing niyang makipag laban. Nakapiring ang kaniyang mga mata pero ang galing niyang humawak ng kutsilyo. Nakakabilib..” Nakakunot noo ako ng napatingin sa kaniya.
“Paanong napunta ang usapan natin doon sa babae?” Napahinto ako sandali dahil sa kwento niya dahil sa akin.
Babaeng bulag na magaling makipaglaban meron ba na ganun? Imposible naman makalaban ang isang bulag. Ano siya si hinata?
“Kasi nga kami ang nagligtas sa kaniya doon sa babaeng bulag. Kahit itanong mo pa kay Maxine ang lahat. Lalo na si Maxine alam niya kung paano lumanban. Natatawa pa nga ako kasi nung makita niya si Maxine natakot siya tumakbo siya sa malayo. Kaya doon namin natutunton kung sino si Jessica kung sino ang nagbigay ng kahon kay Papa. Isa yung death treat na nangyari nga talaga sa Papa ko.” Pagtatapos niya sa kwento niya.
Napaisip ako bigla sa kwento niya. Anong pangalan nung babae? Anong nangyari sa babae bakit siya kinakaladkad ng salarin? Paanong nalaman nila na Jessica ang pangalan nung kamukha ni Maxine eh hindi naman ito nagsasalita? Paano nalaman nagpakilala ba ito sa harapan nila?
“So, Ang tanong ko paano niyo nga nalaman ang pangalan nung babaeng salarin na kamukha ni Maxine?” Tumingin lang siya sa akin saka tumawa.
“Teka lang babe easy ka lang,” mas lalo akong napakunot ng noo ng tawagin niya akong babe. Babe? Iww kinikilabutan ako imbis na kiligin.
“Babe mo mukha mo.” Mahinang sinuntok ko siya sa kaniyang braso kaya tuwa na lang siya. Kahit kailan hindi ako nakakaramdam ng kilig kay Six. Mas kikiligin pa ako kapag si Maxine ang magsasabi sa akin ng bae kaysa sa kaniya. Kasi mas mukhang lalaki pa si Maxine kaysa sa kaniya.
“Hindi tayo talo no tyaka sinabi ko lang sayo kasi parang problemado ka dyan. Pinapatawa lang kita. Haler kawawa naman itong matres ko kung papatol ako sayo.” Natawa ako sa sinabi niya. Anong matres ang sinasabi niya e wala nga siya non. Talong ang meron siya. Hindi petchay.
“Wala kang matres.” Paalala ko pa sa kaniya. Tumawa lang siya at wala na siyang sinabi sa sinabi ko.
“Teka.”
“Oh bakit na naman?”
“Ang dami mong tanong gutom ka lang siguro.” Natatawa siya habang nagmamadali sa paglalakad.
Noong mga araw na yon ay hindi na siya nagsalita patungkol sa babaeng iniligtas nila hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya natahimik at iniba ang usapan naming dalawa. May masama ba akong nasabi sa kaniya? Kung mayroon man patawad.
"Bessie bun-bun," pinisil niya pa ang pisngi ko kaya ngumuso ako.
Humagikgik siya at pilit niya na nilalaro ang pisngi ko. Tawang-tawa pa siya habang ginagawa niya ang bagay na iyon. Para siyang batang aliw na aliw sa pisngi ko.
Sarap ganutan!
"hmm," Nag unat pa ako bago minulat ang mata.
"Antok pa ako," nakanguso kong protesta sa kaniya at tinanggal ang sleeping headband ko.
"Antok ka na naman?" tanong niya
"Oouhmm," tumango tango ako at humiga ulit.
Napapagod ako sa hindi ko malamang dahilan dahil siguro sa nangyari sa Hospital kaya ako nagkakaganito. Wala akong ginawa sa kwarto ko kun'di umiyak parang nauulit ang lahat ng dahil sa mga masamang nangyari tulad noon. Kinuha ko ulit ang kunot ko at tinaklob sa buong katawan ko. Niyakap ko na lamang ng mahigpit ang unan ko.
Iniisip ko parin talaga ang nangyari kung bakit namatay si Prof. kahit alam ko naman ang dahilan. Pinugutan siya sa ulo at 'yon ang pinaka-masaklap na nakita ko sa buong buhay ko. Noong una hindi ako kumibo dahil alam kong may masamang mangyayari kay Prof. Nahawakan niya ang kamay ko ng hindi sinasadya. Kaya ano pa ang magagawa ko kun'di manahimik na lang at pagmasdan silang mamatay sa harapan ko.
"Hindi ka pa kumakain Bessie." Tinapik niya ulit ang pisngi ko.
Tinatamad akong kumain wala akong gana. Gusto ko lang matulog ng matulog at umiyak sa unan ko. Nag-aalala na rin si Papa dahil sa akin. Kaya pinupuntahan niya palagi ako sa bahay para kausapin ako.
Simula kasi ng pumasok ako sa School na pinapasukan ko ay humanap na ako ng Dorm para hindi makasama si Papa. Kahit hanggang ngayon galit parin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa pamilya ng mga Falcon. Gusto kong paalisin si Papa tuwing pupunta siya sa Dorm, minsan pinapasabi ko kay Megan na wala ako sa bahay o may pinuntahan minsan sinasabi ko na ayaw kong makita ang ama ko. Kahit anong gawin niyang pagmamakaawa o paliwanag ay hindi na muli ako makikinig sa kaniya. Napakasama niyang ama pinatay niya ang pamilya ng mga Falcon na ang gusto lang naman ay hustisiya para sa kanilang pumanaw na anak.
"Dinalhan kita ng Ham-cheese Sandwich at paborito mong Chocolate Coffee," saad niya na parang nang-aakit.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko bago umupo. Bago tumingin sa kaniya. Alam niya talaga ang paborito kong pagkain nakakainis!
Kumukulo na ang tiyan ko dahil sa dinala nya nyemas!
"Ikaw gumawa niyan?" duro ko s akaniyang dala.
"Oo, bakit gusto mo?" taas-babang kilay niyang tanong.
"Ayoko," pagsisinungaling ko.
What ever i said it's a lie, Sino bang niloko ko eh gutom na talaga ako.
"Talaga?" tanong niya ulit bago pumikit.
"Ang sarap oh, hmm."
Inirapan ko lang siya dahil alam kong nagpapa-inggit siya.
"Sarap talaga kumain lalo sandwich," nagpaparinig pa siya.
"Kakainin ko na lang tutal naman gutom na ak-" hindi ko pinatapos ang kaniyang sasabihin at malakas ko siyang binatukan.
"Akin na'yan."
Inagaw ko sa kaniya ang akma niyang isusubo na sandwich.
The hell ang sarap kayang kumain.
"Huy bakit mo inagaw?" ngumuso siya at akmang kukunin sa akin ang sandwich.
"Akala ko ba hindi ka kakain?" natatawang tanong nito bago kinuha ang chocolate Coffee.
"May sinabi ba akong hindi ako kakain?" Tanong ko pabalik kaya tumatango siya habang umiinom ng chocolate coffee.
"Sabi mo pa nga tinatamad kang kumain, Naku magagalit n'yan sa'yo si Six, Ayiee." Inilapag niya ang chocolate coffee sa table bago humarap sa akin.
Biglang uminit ang pisngi ko ng sinabi niya ang pangalan ni Six. Hindi ko alam pero bakit sa t'wing sasabihin niya ang pangalan ni Six ay palagi akong kinikilig.
"Anong ayieee-ayiee sinasabi mo?" Tanong ko.
"Bagay kasi kayo ni Six," mas lalo pang napataas ang kilay ko sa sinabi niya kahit sa loob-loob ko ay kinikilig na ako nanandidiri.
"Eh, kay Suga lang ako blee,"
"Traydor akin 'yon!" nabitawan ko ang sandwich na hawak ko ng biglang...
Biglang
Nag-iba ang mukha ng kaninang nakatawang Megan.
Shit!
Bakit?
Help me please!
"Tama na! Hahaha nakikiliti ako." kinikiliti niya ako ng sobra kaya nag-kilitian kaming dalawa.
Puno ng tawanan ang silid ko kasama ang kaibigan kong si Megan. Nawala ang pagod dahil sa kaniya. Salamat na lang at nagkaroon ako ng kaibigan na sobrang malapit sa akin at tinatanggal ang lungkot at sama ng loob ko sa mundo.
"Ah, Oo nga pala pinadalhan ka niya ng Flowers," Napakunot noo ako sa sinabi niya.
"With a note, teka kunin ko lang sa baba," dagdag niya bago umalis at kunin ang pinadala ni Six.
Kailan pa nagpapadala ng bulaklak si Six, Ano kayang nakain n'on?
Kinuha ko na lang ang natitirang sandwich ko at inubos ito bago uminom ng Chocolate Coffee. Grabe ang sarap talaga ni Megan gumawa ng paborito kong pagkain nakakatanggal ng stress.
"Heto pala ang pinabibigay sa'yo ni Six," wika niya na parang kilig na kilig.
"Yiee nakangiti siya oh," dagdag niya at pinalo ko siya ng mahina sa braso.
Iniabot niya ang isang malaking bouquet ng Sunflower, Grabe ang ganda niya at ang bago pa. May Chocolate sa ilalim.
"Ang effort pala ni Six," natatawang saad ko sa isipan ko.
Akma kong kukunin ang nasa ilalim ng biglang may magsalita na nasa likuran ni Megan kaya napatalon siya sa gulat.
"Akirah, anak!" tawag sa'kin ng Papa ko.
Nabitawan ko ang bulak na hawak ko ng makita ko si Dad na nakangiti. Natanggal ang kanina kong ngiti ng makita ko siya. Sa totoo lang hanggang ngayon ay galit na galit parin ako sa kaniya. Dahil sa ginawa niya sa pamilya ng Falcon.
"What are you doin' here," sigaw ko at tumayo tinignan ko siya ng matalim na para bang galit na galit.
"Ano kasi-" akmang magsasalita si Megan pero pinutol ko na.
"Megan, h'wag kang makialam dito," walang emosyon saad ko.
"Anong ginagawa mo dito?" pang-uulit ko sa sinabi ko kanina.
Hindi ko alam pero parang umakyat na lamang ang lahat ng dugo ko sa ulo. Nakakainis anong ginagawa niya dito? Wala akong kinikilala na Ama tulad niya. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Dahil siya mismo ang pumatay sa pamilya ng kaibigan ko. Wala akongmagawa ng panahong yon. Para pigilan siya.
Nakipagpatayan si Papa ng dahil sa akin. Pinatay niya ang angkan nina Yvonne. Wala siyang awa sa mga ito. Naiisip ko kung hindi kaya ko nabuhay sa mundong ito siguro hanggang ngayon buhay silang lahat. Masayang nabubuhay sa mundong ito. Walang mamatay, Walang iiyak.
Ang kapal ng mukha niya at dito pa talaga siya pumunta.
"Umalis ka nga dito!" Sigaw ko sa kaniya kaya mabilis siyang napatungo.
Alam kong mali ang ginagawa ko hindi ko ginagalang ang magulang ko. Pero sino sa amin ang mas masahol yung pumatay? Eh hindi naman niya ako tunay na anak yun ang nararamdaman ko sa kaniya.
Simula kasi ng bata ako hindi ko naramdaman na mahal niya ako. Nakakasakal si Papa. Ayaw niya akong ipakaibigan sa iba. Masama palagi ang loob niya sa akin. Lagi siyang galit sa tuwing nakikita niya ako. Pero ngayon nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Sana noong una palang ganun na sana niya ako trinato. Hindi e trinato niya akong hayop yung hindi makalabas sa hawla. Dahil sa kaniya sa nais niya. Dahil ba sa kapangyarihan kong makita ng hinaharap?
"Patawarin mo ako anak ko." Lumuhod siya sa harap ko pero naging matigas ang puso ko.
"Ano ba bitiwan mo nga ang kamay ko.."