Chapter 25: Nightmare

2533 Words
Chapter 9 "A-akirah?"   Halos manlaki ang mata niya sa kaniyang nakita.   "Nagkakamali ka Six," paliwanag ko at umiling na lamang siya.   Akma akong lalapit ng biglang may pumalo sa ulo ko kaya mabilis akong nawalan ng malay.   •••   "Megan!" magkasunod kong sabi habang hinihingal ako.   Aray!   Napamulat ako ng mata at kumurap-kurap saka hinawakan ang nanakit kong ulo. Ramdam ko na basa ang buong paligid ng mukha ko dahil sa mga luha.   Luha?   Again Luha? Exactly, Bakit ako umiyak?   Anong nangyari?   Saglit pa akong napaupo sa aking kutson bago inalala ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko parin matigilan na hawakan ko ang aking ulo dahil saobrang sakit talaga nito.   Humiga ulit ako at tinanggal ang sleef off ko sa noo. Ang naalala ko ay may pumalo na kung anong bagay sa ulo ko, That's was a dream lang pala. Akala ko patay ang kaibigan kong si Megan at ang totoo raw na nangyari ay ako ang pumatay sa kaniya?   Dinalaw na naman ako ng masamang bangungot ko na dapat ay bangungot lang bakit laging napapasama sa panaginip ko ang salarin 'yung tipong balot na balot ang katawan ni balat ay ayaw ipakita dahil sa kaniyang taklob na katawan.   Kung panaginip lang ang lahat, Bakit sobrang sakit ng ulo ko?   Naluha na lamang ako dahil at hindi ako magkakamali isa 'yong napakasakit na bagay sa akin.   And who the hell hit my head? Exactly passed the the couple of minute wt bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Megan na nakatayo sa harapan ko at nakangiti ito.   "Megan?" gulat kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.   Napakunot ang kaniyang noo kasabay na ng kaniyang makapal na kilay na magkasama dahil sa pagtataka sa mga nangyayari.   "A-ano bang ginagawa mo, Irah?" natatawang wika nito sa akin at mahina ko siyang itinulak dahil baka hindi na siya makahinga sa sobrang higpit ng yakap ko sa kaniya.   "Nanaginip na naman ulit ako Megan," panimula ko.   Umupo ako sa aking kutson at ganun rin ang kaniyang ginawa. May dala siyang platito ng Fries at kinakain niya ito.   "Anong napanaginipan mo?" seryosong tumingin siya sa aking mga mata.   Halos mamutla ako at napatungo dahil siya ang napaginipan ko. Kahit pa na panaginip ang lahat ay natatakot parin ako at baka maging totoo ang lahat ng ito.   It's just a dream, hindi nagkakatotoo ang panaginip at hindi ko kayang makapatay ng kaibigan ko.   "Naging kayo 'raw ni Isma," pagsisinungaling ko.   Natigil naman siya sa pagkain ng Fries at inilagay ito sa maliit na lamesa ko.   Masama ang kaniyang tingin.   Naiinis   "Yaak Irah, kahit kailan hindi ako magkakagusto sa adik," umiling-iling siya habang nandidiri pa kinikilabutan siya sa sinabi ko kaya natawa na lamang ako.   Si Isma kasi ang nagkakagusto kay Megan palagi niyang binibigyan si Megan ng bulaklak kahit tinatapon lang naman talaga ni Megan sa basurahan. Nakakatawa lang at palaging may dalang gitara si Isma upang haranahin ang kaibigan ko walang sawang todo iling at pandidiri sa binata. Mataas kasi ang standard ni Megan kahit medyo Slow siyang tao. Ang gusto niya ay mala-anghel 'yung dadalhin ka sa Heaven. You know alam niyo na 'yon. Sabi niya 'raw ay 'yung tall-dark and handsome ang dating at may mabuting puso. Ayaw niya sa Adik at jeje ang purmahan kaya ako na lang eh todo support sa kaibigan ko. Wala naman kasi akong magagawa kung tutol ako sa nais niya baka kung anong isipin niya kung ipagdikitan ko pa sila sa isa't-isa.   Lhorin ang tunay na pangalan ni Isma, they called 'Adik na Jejemon sa school,' pero sa totoo lang mabait naman talaga si Isma ang kaso lang natin ay hindi gusto ng kaibigan ko.   "Ayaw mo sa Jejemon?" nang-aasar ko pang sabi sabay hawak ng kaniyang mahabang buhok.   "Don't touch me, Ayoko nga kay Isma," tutol niya pa.   "Bakit?" tanong ko ulit.   Bumuntong hininga siya at sinimulan nang magsalita. Alam kong matinis ang boses ni Megan kaya mabilis kong tinakpan ang aking temga sa sobrang lakas nitong magsalita. Tanggal talaga ang eardrums mo kapag kasama mo ang babaeng ito.   "Asdfghjklzxcvbnmm.."   Naging ganyan na lamang ang kaniyang salita dahil sa sobrang bilis niyang magsalita para siyang nagra-rap sa sobrang bilis. Hindi pa yan makukuntento at hahampasin niya pa ang balikat ko ng sobrang lakas kaya mabilis na lamang akong iilag.   Tiningnan ko ang Fries na inilagay niya sa mesa ko habang nagpoprotesta siya at wala nang katapusan ang kaniyang protesta dahil sa kaniyang mababaw na dahilan para hindi maguatuhan ang lalake. Dahil naririndi na ako sakaka-talak niya na para ko siyang nanay ay kumuha ako ng limang pirasong Fries sa pinggan at sinubo sa kaniyang maingay na bibig. Bumalik ako sa dati na parang rinding rindi parin sa kaniyang protesta.   Ingay!   "Hakdog ka talaga, nagsasalita 'yung tao," naiinis niya akong hinampas kaya tumalon ako sa kutson ko.   "Napaka-defensive mo, hahaha siguro may gusto ka siguro kay Isma este Lhorin ano?" hindi ko mapigilang matawa.   Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas ako ng unan kaya napahiga ako sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya.   Galit na galit na ang luko.   Napatalon ako ng kilitiin niya ang baywang ko. Kaya tumawa ako ng parang wala nang bukas, Nagkulitan kami hanggang gusto namin. Alam ko na ang pinakamasayang araw sa mundo ay ang mga walang kwentang bagay kaya dapat ko itong lubusin.   Napakunot ang noo ko dahil naalala ko na masakit ang ulo ko kanina na parang may pumalo sa ulo ko.   Sumeryoso ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya. Alam kong naiilang siya kapag may tumititig sa kaniya kaya mas lalo ko pa siyang aasarin.   "Baka matunaw ako n'yan huh," naiilang niyang wika.   "Bakit ice cream ka ba para matunaw?" sinuot ko ang itim kong salamin at ngumiti bago sumayaw.   Nakita ko naman ang nakanganga niyang reaksiyon kaya pati ako ay natawa sa kaniyang itsura.   Kahit kailan talaga siya..   "Hindi, pero kaya kitang tunawin sa kilig," nanunuyang tinignan niya ako.   Napakunot ako sa sinabi niya wut du hek? Hindi raw siya ice cream pero kaya niya akong tunawin sa kilig.   Scam!   "Antok ka pa yata?" tinanggal ko ang suot kong salamin.   Tinignan niya ako at umiling napapansin ko sa kaniyang mukha na gusto-gusto niya akong pagtripan. Now it's my turn naman para ako ang makaganti sa kaniya.   "Eight kaya akong natutulog, 'di tulad mo tatlong oras lang sapat na," umirap siya.   Mahilig kasi akong magpuyat hindi ko laam kung bakit. Pero siguro ito ang isa sa dahilan kung bakit ako nagpupuyat. Naiisip ko kung sinong taong hahawak sa kamay ko ng aksidente. At isa sa ayaw kong makahawak ng kamay ko ay si Daddy kahit pa masama ang loob ko sa kaniya, kahit na sobrang galit ako sa kaniya. He still my dad and I'm her daughter so i just gonna settle on my own feet. Ayoko makita sa pangitain ko kung paano mamatay ang Daddy ko kaya ako na ang umiiwas dahil sa g**o. Even he had more mistake before he still my dad. At isa rin sa dahilan ay ayaw kong mahawakan ng mg akaibigan ko ang kamay ko. Dahil ayokong makita sa aking pangitain kung paano sila mamatay sa harapan ko, katulad na lang sa sinapit ng kaibigan ko sa kamay nang salarin. Namatay siya dahil 'yon ang nakatadhana siya.   "Atlis natutulog parin," depensa ko.   Natatawa siya sa mukha ko dahil sa reaksiyon ko. Alam kong medyo slow siya pero hahayaan ko na lang baliw naman siya.   "Magkaiba ang natutulog sa nagpupuyat," paliwanag niya sabay kumpas ng kamay.   Kumpas kamay!   "Magkaparehas lang 'yon kasi kasama 'yon sa paglaki," mas diniinan ko pa ang pagkakabigkas ko sa paglaki.   Nakita ko ang nguso niyang humahaba it means pikon na pikon na talaga siya sa akin.   Wala siyang magagawa dahil naging kaibigan niya ako.   "So, you mean hindi ako malaki?" nakataas ang kaliwang kilay niya.   Pinipigilan kong hindi matawa dahil alam kong kapag tumawa ako ay mas lalong magalit pa siya kaysa sa akin.   "I don't mention a name," i chuckled.   "Hoy, ' wag ka atlis may height kaysa sa wala," depensa niya na parang namutla dahil sa sinabi ko.   "Ay may height ka pala?" panunuya ko pa kaya napatakbo na lamang ako sa labas.   Dahil galitin muna ang lahat 'wag lang ang hindi pa naliligong si Megan. Kinuha ko ang Hammer toy na nasa lamesa laruan siya ng pambata kaya papaluin ko siya sa ulo nito.   Alam kong may dala siya na kung anong bagay na nasa likuran niya. Nanlaki ang mata ko ng-   Ano 'yung nasa kamay niya sa likod?   Bakit?   "A-ano yung hawak mo?" kinakabahan kong tanong rito pero ngumisi lang siya.   Panay parin ang pag ngisi niya sa akin. Hindi na ako natutuwa kung anuman ang masamang plano niya sa akin. Sa paglapit niya sa akin nakaramdam ako na parang may mangyayaring iba.   Anong gagawin mo sa akin Megan?   "Akirah,"   Halos magulat ako dahil lumagom bigla ang kaniyang boses kaya mas lalo akong natakot sa kaniya. Nabitawan ko ang hawak kong hammer na laruang pambata dahil sa takot ko sa kaniya.   "Akirah bakit ka lumalayo?" walang emosyon tanong niya habang nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.   Namumuo ang pawis ko sa aking noo lalo na't pinagpapawisan rin ang kamay ko.   Waterfalls yawa!   Nanginginig akong tumingin sa kaniya sa mata. Ngayon lang ako natakot sa kaibigan ko. Napahinto ako ng maalala ko ang nangyari sa panaginip ko.   What if magkatotoo ang panaginip? Pero hindi totoo ang panaginip. Hindi lahat ng panaginip nagkakatotoo.   Is it my nightmare?   Napatigalgal ako ng mas tumalim pa ang pagtingin niya sa akin. Kitang-kita sa kaniyang mata ng may masama siyang binabalak.   Ano ba ang nangyayari?   Nagbuga ako ng tatlong beses bago tinapik ang mukha ko. Hinawakan ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni Prof. Natandaan ko pa ang sinabi sa akin ni Prof. Kung mapapahamak ako ay higpitan ko ang pagkahawak sa porselas na ito. Kaya naniwala na lamang ako sa magagawa ng poselas na ito.   "M-megan si Akirah 'to kaibigan mo,"   Binigyan ko siya ng makabuluhang ngiti ngunit binigyan niya ako ng matalim na ngiti pabalik. Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa tingin niya.   Inilibot ko ang mata ko sa buong bahay kung saan makakakuha ako ng kagamitan maaring ipanglaban sa kaniya.   "Bakit gan'yan ka makatingin sa akin?" nagbuga pa ako ng hangin matapos sabihin ko sa kaniya ang sinabi ko.   Patuloy parin siya sa dahan-dahang paglakad papunta sa akin. Sa sobrnag takot ko sa kaniya ay tumaas na ang lahat ng balahibo ko sa braso kahit sa hita. Sinamahan pa ng mapanuyang malakas na hangin kaya mas lalo pa akong natakit rito.   Napapakinggan ko na lang ang pagtibok ng aking puso.   Tangin* para akong nasa pelikula!   "Megan,"   "Megan kung ano man ang binabalak mong masama sa akin gusto ko lang na sabihin sayo na mahal kita," napaluhod pa ako habang sinasabi ko 'yon.   Ramdam na ramdam ko na kinukuha siya sa likod at sa isip ko ay isang kutsilyo 'yon.   "Akirah," sigaw niya kaya mas natakot ako sa boses niya.   Nanlaki ang mata ko ng itinayo niya ako mula sa pagkakaupo sa sahig.   Kung dito matatapos ang buhay ko gusto ko lang sabihin na masaya ako kasi nakilala ko silang dalawa ni Maxine. Naging parte sila ng buhay dito sa mundo. Naging makabuluhan para sa akin ang lahat kahit pumanaw ang kaibigan kong si Yvonne, sila ang pumuno ng pagmamahal sa puso. Kaya kung mamatay ako ngayong araw ay tatanggapin ko.   "M-megan,"   Natalo na ng mahina kong nga luha na kanina ko pa pilit na itatago sa kaniya.   Nag iba ang ekspresyon niya-naging?   "Hahahaha,"   Narinig ko ang pagtawa niya kaya napakunot ako     "I can't breath,"   Nag-cross pa siya ng arm bago humalakhak ng sobrang lakas sabay tumingin sa'kin kaya napanguso na lamang ako sa kaniya. Akala ko talaga katapusa ko na kanina kaya ako natakot sa kaniya 'yun pala pinagti-tripan niiya lang ako.   "It's a prank bessie," tumawa ulit siya kaya napahawak naman ako sa dibdib ko ng mawala ang kaba na nararamdaman ko kani-kanina lamang.   "Ganun ka pala matakot, diyos ko day," hindi ko na rin mapigilan matawa dahil sa sinabi niya sa akin. Akala ko talaga papatayin niya ako.   Thank you lord nabawasan ang sapi niya,   "Eh, para mo kasi among papatayin sa kaba sobrang takot ko kaya sa'yo," naiyak na lamang ako sa walang dahilan.   Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi gamit ang pantulog kong damit. Nagbago ang reaksiyon niya at nilapitan ako sabay yakap.   "Bessie, ano ka ba hindi ko gagawin 'yon sa iyo, ang ganda ko naman para pumatay diba?" pang-aalo niya sa'kin kaya mahina ko siyang pinalo.   Mahina niya akong tinulak at inilabas ang silver na kahon na akal ko kanina ay isang matilos na kutsilyo. Antok pa siguro ako kaya ang alam ko ay isang kutsilyo.   "Oh, regalo ko sa'yo birthday mo pala nung nakaraang araw." Nginuso niya ang regalo niya para sa akin.   "Nag abala ka pa talaga," nailing kong sabi sa kaniya.   "Alangan namang hindi diba? Eh bespren kita tyaka ngayon lang ako nag-effort na gawan ka ng gift ang lab ko," ngumingiti ako habang pinagmamasdan ang regaling ibinigay niya sa'kin.   "Bubuksan ko na ba?" suhest'yon ko sa kaniya.   "It your turn to open my gift," ngumisi pa siya at tumungo   Kahit kailan talaga..tss   Binuksan ko ang regalo na ibinigay niya sa akin dahil sa sobrang pagkatuwa ko kung anong laman ng kahon. Nakita ko ang maliit na kakasya sa kaliwang kamay ko isang Silver watch na sa tatya ko ay may kamahalan.   Tiningnan ko siya sa kaniyang mukha hindi nagbago ang kaniyang reaksiyon at tulad ko ay ganun parin ang kaniyang reaksiyon simula ng matanggap ko ang kaniyang regalo.   "Sana magustuhan mo," napatango ako at niyakap na lamang siya ng mahigpit, gusto kong ipakita sa kaniya ang pasasalamat sa gawa.   "Pasensiya nalimutan ko yung gift ko sa'yo. Diba alam muna maraming naganap na trahedya sa atin," ngumiti pa siya na parang inaalala ang lahat ng nangyari sa amin.   "Past is past never been back," sabi ko sa kaniya.   "Tama,"   "Isusuot ko sa'yo-" pinutol ko agad ang sinabi niya dahil ayaw kong mahawakan ang kamay niya.   "Hindi ako na," prisinta ko at pilit akong ngumiti sa kaniya.   "Ako naman ang nagregalo sa'yo, kaya dapat ako ang magsuot sa'yo ng niregalo ko," nanlaki ang mata ko ng hablutin niya ang braso ko muntikan na niyang hawakan ang kamay ko.   "Ano ba," galit na saad ko sa kaniya   "Bakit may masama ba sa ginawa ko?"   Nakita ko ang masamang reaksiyon niya sa akin. Parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.   "Ah-wala naman hehe," mahinang ngumiti ako sa kaniya.   "Eh, Kung wala naman pala edi ako na ang magsusuot," prisinta niya.   Mabilis akong umiling at napipilitang ngumiti sa kaniya. Eh kasi Bessie hindi mo pwedeng hawakan ang kamay ko dahil mamatay ka.   "Eh, ano kasi nahihiya ako sa'yo," palusot ko pa na parang hindi tatabla sa kaniya.   "Sus parang hindi ka naman kaibigan kung makapagsabi sa akin huh,"   Akma niya na ulit na hampasin ang kamay ko kaya mabilis akong kumamot saulo para hindi niya mahawakan ang kamay ko. Pwe! Muntikan na talaga 'yon. Akala ko talaga hahawakan niya ang kamay ko.   "Naiihi ako Bessie," palusot ko ulit sa kaniya at dali-daling pumunta sa banyo.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD