Akirah's Point of View
This is the scene before Six saw Akirah on chapter 25
>>Phone Vibrating..
Nagkunot noo ako bago pumasok sa isip ko na may tumatawag sa akin. Tumatawag sa akin? Wala pang naglakas loob na tawagan ako at walang nakakaalam ng number ko maliban sa mga kaibigan ko. Sina Maxine at Megan ang nakakaalam pati rin si Six. Teka bakit ba ako nag-aalala eh baka kaibigan ko lang ang tumatawag.
Sin-wipe ko ang cellphone ko bago tingnan kung sino ang tumatawag sa phone ko. Iniisip ko kasi na si Dad ang tumatawag sa akin pero nagkamali ako. Ang nakalagay ay Unknown Number. Teka unknown number? so ibig sabihin..Shit.
Iba ang Number ng tumatawag sa akin kaya kinabahan ako at nagtaasan ang balahibo ko sa braso. Mabilis kong pinakalma ang sarili ko gamit ang paghinga ng malalim bago sagutin ang tawag sa kabilang linya.
Ano ba Akirah chill ka lang tawag lang yan okey?
"H-hello?" kinakabahan kong wika.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sa palagay ko'y may mangyayaring masama kung kanino man. Napatingin pa ako sa labas ng bintana. Dahil gabi ngayon. Nag-iimagine na na naman ako na may tumatawag sa akin sa labas ng bahay. Kaaga akong sumilip pabalik pero wala akong makita. May malaking puno lang sa tabing bahay namin at isang bench chair. Ano bang pinag-iisip mo Akirah?
Ilang segundo pa ang lumipas ng hindi pa nagsasalita ang kausap ko sa kabilang linya. Mas lalo pa akong natakot dahil walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hello, Ano po 'yon," magalang kong tugon sa kabilang linya.
Hindi parin talaga nagsasalita ang nasa kabilang linya. Ano kaya ang tama nito bakit hindi kaya ako kausapin ng nasa kabilang linya. Pinaglalaruan lang yata ako ng taong ito. Wala sigurong makausap kaya ako tinawagan. Kapag talaga pakana ito ni Maxine para takutin ako sa di-oras ng gabi humanda siya sa akin.
11;24pm dapat natutulog na ako sa oras na ito.
"Hello?"
"Yow!" Dinaaan ko nalang sa tawa ang kaninang takot ko rito.
Dalawang minuto pa ang nakalipas pero hindi parin sumasagot ang nasa linya, kaya mas lalo pa akong kinakabahan. Teka pipi ba ang kausap ko?
"Alam nio sinayang ninyo lang ang oras ko. Dapat sana ay natutulog na ako ngayon araw na ito. Hindi na lang kayo tumawag sa umaga!" naiinis kong sigaw sa kabilang linya.
Ano 'to prank lang?
Pag hindi talaga ito nagsalita ibaba ko na ang telepono.
Napahinto ako ng biglang may sumigaw. Teka bakit may sumigaw. Parang nagmamakaawa. Bakit may tumatawa. Ang g**o. Napakunot ang noo ko natakot ako ng wala sa oras. Ano kayang problema ng taong ito?
"Maam or Sir? Kung sino ka man po na tumawag sa akin magsasalita po ba kayo? Ano pong kai-" naputol ang sinabi ko ng may magsalita sa likod.
Naihulog ko ang telepono makita kong sinasaksak ang kaibigan ko sa dibdib.
Dugo!
May dugo!
Saklolo
Nakita ko ang kaibigan ko na naliligo sa sarili niyang dugo na kanina lamang ay kayakap ko, mabilis na tumakbo ang salarin papalayo. Nasa baba si Megan ng hagdan habang nakamulat ang kaniyang mga mata sa takot.
"MEGAN!" sigaw ko sa sobrang takot.
Mabilis akong bumaba sa hagdan bago siya pinuntahan ito. Ayokong pati si Megan ay mawala sa akin ng ganun-ganun lang. Bakit ganito ang nagyayari. Bakit nagyayari sa amin ito. Tumingin ako sa mukha ni Megan. Nakatingin ito sa kisame habang nakamulat ang kaniyang mga mata. May malaking saksak ito sa dibdib at nakahawak ang dalwang kamay niya paharap. Sinaksak niya ang sarili niya. Bakit siya nagpakamatay?
Inilagay ko siya ng mabilis sa aking kanlungan. Hinalikan ko siya sa noo. Marahan kong dinampi sa balat ko ang dugo na nasa sahig. Nanginginig ko kitong tinignan. Doon ko napagtanto na totoo talaga ang nangyayari walang arte walang halong arte. Totoo na nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito.
"Megan, h'wag mo akong iiwan," naluluha kong wika bago hinawi ang kaniyang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha.
"Sabihin mong arte lang ito. Diba hindi naman ito totoo."
Bahagya akong tumingin sa kaniyang mga mata. Nakakadilat pa. Bumagsak ang balikat ko ng hindi parin siya nagsasalita o tumitingin sa mata. Mas lalo pa akong sa sumunod na pangyayari. Wala na siyang hininga. Patay na siya.
Napatingin ako sa damit niyang napapalibutan na nang kaniyang sariling dugo. Napagawi narin ako sa kamay kong may bahid ng kaniyang dugo.
"No, Megan! Wake up!" napasabunot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"S-salamat dahil naging kaibigan kita Akirah," nahihirapan siyang huminga dahil sa kaniyang tinamong saksak sa salarin.
Gising pa siya at nagagawa niyang magsalita. Napaiyak na lang ako akala ko talaga patay na siya. Ilang sadaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
"Megan, hindi ka mamatay!" seryoso kong wika sa kaniya kahit alam kong sobrang sakit nito para sa akin.
"Hihingi ako ng tuloy, ililigtas kita pangako," naluluhang saad ko saka sumigaw ng tulong.
Kailangan kong iligtas ang kaibigan ko kailangan kong iligtas siya. Sa ayaw o sa gusto man nang tadhana ako ang magbabago ng tadhana niya hindi siya mamatay kahit mag-buwis pa ako ng buhay para sa kaniya.
"Tulong!"
"TULUNGAN NIYO PO KAMI!" habang sumisigaw ako ay hindi ko maiwasang maluha.
"A-ki-rah," napahinto ako sa kinatatayuan ko ng may tumawag sa pangalan ko. Marahan akong naaptingin sa likod ng biglang makita ko ang nakarobang itim na tao.
Hindi ko siya makakalimutan siya ang pumatay sa kaisa-isa kong kaibigan noon.
Pumikit ako ng matagal bago minulat ko ulit ang mga mata ko. Tumungo ako at iniisip na hindi totoo ang lahat. Binilog ko ang kamao ko at inisip ang lahat na hindi totoo ang pangyayari.
"Hindi totoo ang lahat,"
"Hindi ito totoo,"
Bumuntong hininga ako at minulat ng dahan-dahan ang mga mata ko. Wala akong nakita sa aking harapan kun'di isang malaking larawan naming tatlo ni Megan habang kasama namin si Maxine.
Ngumiti ako.
Akma akong tatalikod ng biglang-
"Please," napaupo ako dahil sa takot nasa harapan ko ang salarin.
Kaharap ko ang salarin
"Tigilan muna ako, tama na!" sigaw ko habang umaatras.
Malapit na siya..
Tulungan niyo ako..
Please!
Help me!
Tulong!
Bumuntong hininga ako at matapang ko siyang hinarap. Naiyak ako ng higitin niya ang buhok ng kaibigan kong naghihingalo na.
"Pinatay muna ang kaibigan ko! Ano pa ba ang gusto mo, tama na!" pagmamaka-awa ko
"H'wag mong idamay ang kaibigan ko, ako ang gusto mong patayin diba? H'wag mong idamay ang walang kalaban-laban sayo!" bumuntong hininga ako at tinignan ang kaibigan kong nahihirapan.
Ayokong mawala ang kaisa-isa kong kaibigan. Lalo na siya dahil napalapit na siya sa akin para ko na siyang kapatid dahil palagi niya inaalagaan ng sobra-sobra pa sa pagiging kapatid.
"Alam mo Akirah ang daldal mo wala ka paring pinagbago sa kaibigan mong si Yvonne na masaya na sa impyerno," humalakhak siya bago muling humarap sa kaibigan ko.
"Bitawan mo ang kaibigan ko," sarkastikong sabi ko rito.
He laugh loudly as a demon chuckled. Naiyak ako dahil wala akong magawa para iligtas ang kaibigan ko.
"Megan," tinawag ko ang pangalan niya pero hindi siya tumitingin sa akin.
Natakot pa ako sa sumunod na pangyayari dahil hindi na siya kumikibo.
"Megan," tawag ko ulit sa kaniya.
Hindi parin siya kumikibo ni nagsasalita manlang. Tumaas na ang balahibo ko sa braso dahil sa takot na patay na ang kaibigan ko. Tumunghay ako at hinarap ang salarin.
"Anong ginawa mo sa kaniya-" naputol ang sinabi ko ng hinagis niya lamang itong parang isang manika.
Lumuhod ako at nanlumo dahil sa sinapit niya sa kamay ng salarin.
"Pinatulog ko muna pagkagising niya nasa Impyerno na siya," binilog ko ang kamao kong kanina pa nagngingitngit sa galit.
"Demonyo ka pinatay mo ang kaibigan ko."
Nanlaki ang mata ko ng nilapitan niya ako at marahan niyang hinawakan ang mukha ko at malakas niyang sinampal ako. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay tumulo ang likido mula sa ilong ko.
Isang dugo
"Isa karing mamatay tao tandaan mo 'yan! Pumapatay ka rin ng hindi mo alam," hinila niya ng mahigpit ang buhok ko at itinayo ako.
"Hindi ko alam ang mga sinasabi mong 'yan," kumakawala ako sa kaniyang pagkasabunot ngunit napaka-lakas ng kaniyang pagkakasabunot.
I'm trap on her Mouse Trap. Napansin kong sumipol siya at tinignan niya at may itinuro sa katawan ko.
"Ikaw ang pumatay sa kaniya!" umatras ako at nalaglag ang balikat ko ng sabihin 'yon ng salarin.
Nakita kong may haway ako na kutailyong may bahid ng dugo. Naluha ako at napatingin sa aking kaibigan.
"H-hindi ako ang pumatay sa kaniya," halos isumpa ko na ang mundo dahil sa nagawa ko.
Nagawa ko ba talaga na pumatay?
Nagawa ko ba talaga 'yon sa kaibigan ko.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya-" naputol ang sinabi ko ng biglang dumating si Six na naibagsak niya ang kaniyang dala.
"A-akirah?"
Halos manlaki ang mata niya sa kaniyang nakita.
"Nagkakamali ka Six," paliwanag ko at umiling na lamang siya.
Akma akong lalapit ng biglang may pumalo sa ulo ko kaya mabilis akong nawalan ng malay.
Asg_Stories
Akosiguerero