Serial killer’s Point of View
Naiirita ako marinig ang kasiyahan nila nakakarindi hindi ko na kayang makasalamuha dito sa kasiyahang ito. Gusto ko nang pumatay. Gusto ko nang makatikim ng sariwang dugo ng tao. Bakit ba kasi ang tagal ng oras gusto ko nang pumatay. Nakatingin lamang ako sa susunod kong papatayin nakangiti ito. Natawa na lang ako. Iniisip ko kung anong ekspresyon niya kag wawakwakin ko ang tyan niya. Magmamakaawa ba siya? Matatakot? Excited na ako. Gusto ko nang pumatay. Naglalaway na ako gusto ko nang kumain ng sariwang bituka ng tao.
Lumabas muna ako sandali para magsigarilyo.
Tunay na magulang?
Mayroon ganung klase pala?
“Ngayong hapon ay papatay ako.” Uminom ako ng isang boteng soda sabay tingin sa nakangiting guro. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Bumilog ang kamao ko dahil nakita ko na naman si Akirah na masayang nakikipaglaro sa lahat. Ayoko sa lahat ang nakangiti. Gusto ko magmakaawa silang lahat sa akin. Gusto luluhod sila sa harapan ko.
Akma akong aalis ng biglang may humigit ng braso ko.
“Oh bakit?” Tanong ko sa kaniya.
“Anong kailangan mo?” dagdag ko. Umiling lang si Supremo saka ngumiti sa akin.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya kaya natawa na lang ako sa sinabi niya.
“Diyan lang magpapahangin bakit?” Tanong ko pabalik. Akma akong aalis na higitin niya ulit ang kamay ko. Ano bang problema supremo?
“Bakit?”
Napatungo na lamang ito at may dinukot sa loob ng kaniyang bulsa. Anong gagawin niya? Napalunok pa ako ng binigay niya ang isang itim na box sa akin.
“Tanggapin mo regalo ko ito sayo.” Kinuha niya ang kamay ko saka itinuwid ang palad ko. Inilagay niya doon ang itim na box.
Hindi ko inaasahan ng kung anong may kirot akong naramdaman sa puso ko. Ano itong nararamdaman ko. Bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
“Huh para saan ba ito?” Natatawang tumingin ako sa kaniyang mukha. Nakita ko ang pagpula ng kaniyang magkabilang pisngi.
“Basta buksan mo na lang,” tumaas ang kaliwang kilay nito habang nakatingin sa akin kaya tumawa na lang ako bago ko ginawa ang nais niya.
Isang box ito na itim may cute na pulang ribbon sa ibabaw nito. Habang nakasulat ang pangalan ko sa box. Napatingin ako roon ng matagal bago ngumiti at buksan ito.
“Bente nueve?” Tanong ko sabay yakap sa kaniya.
Gustong-gusto ko ang regalo na yon. Paano niya nalaman ang gusto kong regalo?
“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?” Tanong niya ulit bago ko siya mahinang itulak at tumingin sa kaniyang mga mata.
“Bakit mo ako binigyan ng bagay na ito?” Inosenteng tanong ko ulit sa kaniya.
Nabasa ko agad ang emosyon sa kaniyang mga mata. May sikreto siya na hindi sinasabi sa akin. Pero wala naman ako pakialam doon. Ang magpakitang tao sa kanila. Hindi nila namamalayan na tumutuklaw na sa kanila ang ahas nagbubulag-bulagan parin sila.
“Bakit mo nga pala ako niyakap?” Tanong niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
“Huwag mong gawan ng malisya ang ginawa ko sayo natural lang na yakapin ang taong nagbigay sayo ng regalo. Sa bagay na ito ay nagpapasalamat ako sayo. Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng ganitong regalo.” Salaysay ko kaya pumalakpak na lamang siya.
“Ah, ganun ba.” ngumiti ulit siya.
“Natutuwa lang ako sa regalo mo nakakatakot pero ang unique.” Hinampas ko ang kaniyang braso sabay ngumiti sa kaniya.
“Ano naman ang gagawin ko dito?” Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago ako hinarap.
“Wala lang nag-aalala lang ako. Kasi alam muna para maprotektahan mo ang sarili mo kapag wala ako sa tabi mo.” Pumikit ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Heto na naman ang puso ko ang lakas t***k.
“Alam mo ang corny mo pero bet ko yan bakla-” Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang bewang ko saka inilapat ako sa pader. Marahan siyang lumapit sa mukha ko.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin ng diretso. Teka ano bang ginagawa niya. Marahan ko siyang tinulak pero ang tigas niya hindi ko siya maitulak. Teka bakit ako nanghihina. Akma ko siyang sasampalin pero bago ko pa masampal ang pisngi niya ay nahalikan na niya ang labi ko.
“Now tell me bakla parin ba ako sa tingin mo?” Natulala ako dahil sa tanong niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya ang bilis ng puso ko. Nanlaki ang mata ko anong ginawa niya sa puso ko. Malakas kong inagaw sa kaniya ang kamay ko at inirapan siya.
“Why did you kiss me?” Napaatras ako saka kumunot.
Anong meron dito sa taong ito at bakit ganito na lang kung makaasta.
“And that why I prove to you na hindi ako bakla,” saad niya.
Napataas naman kaunti ang labi ko dahil sa sinabi niya sa akin. Nakakainis tong lalaki na ito. Makaalis na nga.
“Alam mo wala akong pakialam sa’yo,” umirap ako at akmang aalis ng biglang hawakan niya ulit ang braso ko.
“Bakit na naman?”
“Ang ganda mo talaga..” sumingkit ang mata ko dahil sa sinabi niya saka umalis na ako papalayo sa kaniya.
Dumiretso ako sa kaliwang pasilyo saka lumiko ulit bago pumunta sa music room. Hinanap ko agad ang lababo. Yumuko ako roon saka pinagkasiya ang sarili ko. Bumaba ako ng hagdan. Alam ko ang sikretong lagusan sa buong paaralan na ito. Sa tagal ko na dito walang makakatakas sa akin dito. Inamoy ko pa ang aking kwarto bago ako humilata. Tinaas ko ang paa ko habang pinindot ang remote control kung saan nakakabit ang lahat ng camera sa cctv ko. Tumawa ako dahil ang oras na ay tumutok sa ala una. Nagsimula na akong ngumiti at ilang minuto na lamang ang hihintayin ko. Kinuha ko agad ang kutsilyo na nasa lamesa. Hinalikan ko pa ito bago tumingin ulit sa cctv.
“It show time my baby.”
Pinindot ko ang remote control kung sino ang sunod kong papatayin at tumutok ito kay… Nagbago ang ngiti ko ng biglang lumabas sa screen ang mukha ni Supremo. Teka bakit si Supremo? Ako ang papatay kay Professor Rob! Sinong nangingialam sa plano ko?
“Hayop ka!” Sigaw ko sa inis saka tinapon sa TV ang kutsilyo ko.
"f**k YOU DESTROY MY PLAN STANLEY!"
Sa sobrang galit ko ay pinagsasaksak ko ang ulo ni RH ang kaklase ko na nakahiga sa kama ko. Ang pinsan ni Supremo. Winakwak ko ang tyan nito at nilabas ang lahat ng kaniyang loob.
“Ako si Uno Bente Kwatro at ako ang gumagawa ng tadhana nila!”