Chapter 16: Cubicle

1103 Words
Napuno ang silid ng tawanan dahil sa isang pagbibiro ng kanilang guro. Lahat sila ay nakikisama sa masayang kwentuhan. Kumakain sila sa isang salu-salo na iniregalo nila sa kanilang guro. Nagtatawanan din sila dahil malakas ang saltik ng guro nila. Hindi rin kasi nalalayo ang isip ng guro sa mga estudyante niya.   “Cheers!” Sigaw ni Supremo kaya lahat sila ay itinaas ang kaniya kaniyang mga baso na puno ng soda.   Nagtawanan ulit sila bago uminom ng soda. May dala-dalang cake si Akirah sabay pahid ng icing kay Megan kaya nagkagulo ang iba at nagtawanan. Naghahabulan sila sa loob ng classroom. Marami narin sumali sa kanilang laro. Pinahidan ni Akirah ng icing ang kanilang guro kaya tumigil silang lahat sa tawa. “Aki lagot ka si prof!” Babala ni Megan sa kaniya kaya napakagat na lamang siya sa kuko sa daliri.   Nagbago ang ekspreyon nito at biglang tumayo ang guro. Halos lahat sila ay kinakabahan dahil sa susunod na gagawin sa kanila ng guro. Kasalanan ng isa kasalanan narin ng lahat.   “Aki bakit mo kasi pinahidan si Prof ng icing.” Uminom siya ng kaunting soda bago tinignan ang guro sa isang tabi.   Tahimik ang lahat na nakamasid sa isang tabi.   “Sorry!” mahinang bulong niya sa mga kaklase niya na masama ring nakatingin sa kaniya.     “Alam niyo nakakadissapoint kayo-“ Hindi na nila pinatapos ang sinabi ng guro at isa-isa silang humingi ng tawad sa guro.     Ngayon lang kasi nila nakita itong magalit kaya natakot sila.     “Sorry po Professor Rob.” Tumungo sila tanda nap ag amin ng kanilang mali.   Napailing na lang ang guro at humalakhak.     “Anong sorry-sorry? Ang hina niyo naman.” Natatawa ang guro at pinahidan pabalik ng icing si Akirah at ang iba pang estudyante. Kaya bumalik ulit sa tawanan ang iba.     Naglaro sila ng may kalayaan dahil sa kanilang guro. Pinaramdam muli ng kanilang guro na h’wag mong seryosohin ang anumang bagay dito sa mundong ito. Bata ka pa kailangan mong maging masaya kahit napakalungkot man ng mundo. Sabayan mo lang ang agos at h’wag kang magpapatalo sa mga pagsubok na dadaan sa buhay mo.   Ipinadama ng kanilang guro ang pagmamahal na parang isang magulang. Marami kasi sa kanila ay hindi na inaalagaan o kulang sa pagmamahal ng mga magulang. Ang tanging sandalan lamang nila ang gurong ito. Nagpapasalamat sila dahil mayroon palang tao na handang sabayan sila sa anumang trip nila.     Umupo ang lahat nakabilog ang lahat at nasa sentro ang taya. Si Supremo.   “Hoy ayusin mo ang tanong mo sa akin Akirah huh. Hindi na kita ibibili ng shanghai,” banta ni Supremo kay Akirah.   Nagtawanan ang mga ito dahil nabuking nila ang sikreto ni Akirah. Mahilig kasi kumain ito ng shanghai. Sobrang takaw.   “Oo.” Sagot ni Akirah habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.   Nagsimula na ang laro habang ang guro ay katabi nina Six at Megan. May tig-iisang lobo sila para sa hindi makakasagot sa lahat ng tanong nila. Ang lobo ay may lamang harina ang iba naman ay tubig at iba pa.   “Sige start ko na ah,” sabi ni Akirah. Nagtumbs-up lang ito sa kaniya kaya tumango lamang ito.   “Best memories in elementary.” Tumingin si Akirah sa gawi ni Supremo matapos niyang basahin ang nasa maliit na papel.     Natahimik ang lahat at napatingin kay supremo. Bumilang sila ng hindi pa nakakapagsalita si Supremo. Kapag hindi ito nakasagot sa tanong ay paparusahan siya. Kaya nagtatawanana ang iba dahil puputukin na nila ang bawat lobo kay Supremo.   “Nung grade six ako umihi ako sa short dahil sa kaba,” ngumuso ito matapos niyang sabihin ang lahat.   Isang malakas na tawanan ang ginawad nila kaya napatawa na rin siya sa sarili niya.   “’Yon yung unang kilig ko.” Dagdag niya kaya mas lalo silang nagtawanan.   “Bakit ka kasi umihi sa pantalon?” Tanong niya ulit sabay umirap pa si Akirah.     “Hindi ko talaga yon makalimutan kasi nakita ako ng crush ko na basa ang pantalon ko.”   “Damn.”   “s**t nakakahiya yon,” sabi ni Ethan na parang nahihiya.   “Okey next naman ikaw Six.” Pinagkadiinan naman ni Supremo ang pangalan ni Six. Magkaibigan kasi ito kaya halos kapusin ng hininga si Six ng matawag siya.   “Yawa ka pre ilang beses akong nagdasal na hindi ako mapipili pero pinili mo ako?” Tanong niya.   Kinaltukan naman siya ng dalawang mokong na nagbabatay sina Terrence at Lee dahil bawal umangal sa laro. Isa rin yun sa mga patakaran nila. Kaya nagtawanan sila dahil lumuhod pa ito para hindi siya piliin. Dahil ang magtatanong mismo ay ang sarili niyang kaibigan walang iba kundi si Megan.   “Pasalamat ka pinili ka ako naman iniwan sa ere.” Nagtawanan ulit sila dahil humugot si Supremo.   “Ouch..pain..dalamhati..lungkot…hinagpis-“ Naputol ang sinabi ni Six dahil minura siya ni Supremo. “Inamo ka!” Nagtawanan ulit sila kaya tumawa rin ang ilan dahil sa lutong magmura ni Supremo.   “Hoy palitan niyo kasi si Megan,” protesta niya kaya nagtawanan ulit ang lahat dahil sa sinabi niya.   Alam kasi lahat ni Megan ang lahat ng baho ng kaibigan niya. Pati ang tunay na ugali niya. Tumingin na lamang siya sa kinaroroonan ni Megan na nakaupo sa isang tabi saka tumaas kauti ang kaniyang balikat.   “Si Maxine na lang ipalit,” wika ni Megan kaya napataas naman ang kaliwang kilay ni Six.   “Ano ka chics.. Hakdog mo na alog.” Nagtawanan ulit ang lahat dahil sa sinabi ni Six.     “Most katangahan ginawa in first year.”     “Sabi ko na nga at yun yung tanong mga pashnea kayo!”     “Nung binato ako ng eraser sa ulo nung teacher ko. Binato ko rin siya pabalik sa ulo rin. Akala ko tunay na buhok yun ni Mr. Diliman wig lang pala.. Head shot eh,” pagmamayabang ni Six kaya mas lalo pa silang nagtawanan dahil natandaan ulit nila ang pangyayari na yon.       Nagpaalam muna siya sa mga estudyante niya na lalabas sandali dahil tinatawag siya ng kalikasan. Naparami kasi ang pagkain niya ng spaghetti at pansit. Diniretso niya lang pasilyo dahil malapit lang ang cubicle nila sa silid. Marahan binuksan niya ang baba ng kaniyang pantalon at tumingala sa itaas. Naalala niya ang masasayang ngiti ng kaniyang estudyante.     Nagulat siya dahil may kung anong bagay na nahulog mula sa kaniyang kinaroroonan. Kaya mabilis finlash ang kaniyang pinag-ipunan. Tumayo ito para buksan ang pinto.     Bubuksan na niya ang pinto..     Heto na..     Ayan na..     Pipihitin niya ang pinto     Ng biglang…     Biglang….                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD