Chapter 11: Uno Bente Kwatro

1539 Words
THIS IS ALREADY CHAPTER 11   Continuation... Professor Stanley Point of View Nakita ko sa panaginip ko ang itim na buhok na yon. Hindi ako magkakamali buhok yun ng estudyante. Buhok nung babaeng tinatawag akong 'papa'. Humihingi siya ng tulong sa akin. Bumuntong hininga ako hanggang sa hindi na ako mapakali kahit si Nami ay hindi rin siya mapakali. Nagkatinginan kami ni Nami saka nagsalita siya. Napatingin ako sa sahig at nagkalat roon ang mahabang buhok na ang tantya ko ay hanggang ibaba ng pwet ang kaniyang haba "Nung nagwawalis ako sa bahay andaming mahahabang buhok sa ilalim ng desk ko, Sukat ko hanggang baba ng pwet niya ang haba ng kaniyang buhok." Hinawi niya ang kaniyang buhok saka humarap siya sa akin. Nakita ko naman ang reaksiyon niya na parang natatakot. Naisip ko agad yung estudyante sa panaginip ko nagmamakaawa siya na tulungan ko siya pero ang pinagtataka ko bakit niya ako tinawag na papa? Tyaka ang buhok ni Nami ay hanggang balikat lang. Hindi hanggang baba ng pwet. Imposibleng sa kaniya yon. Ang pinagtataka ko bakit nagkatotoo 'yon? "Ganyan na ganyan ang nakita mo?" Walang halong birong tanong ko. Sabay turo sa buhok na nasa sahig. May bahid rin itong dugo. Napahawak na lamang siya sa kamay ko at kinapitan ko siya ng mahigpit. Natutulala lamang siya at hindi makapagsalita. Kahit ako ay nakatahimik rin sa isang isang tabi hanmbang hawak niya ang kamay ko. "Tinanong mo ba sa guard or may suspect sila kung sino nagbigay niyan?” Hinawakan ko ang kaniyang balikat alam kong natatakot siya. Umiling lang siya at wala siyang isinagot. "Hindi din alam ni kuya Betong." Suminghap siya ng hangin bago tumingin sa akin. Ang sabi ng nakakatanda kapag nakakita ka ng buhok ng isang taong napayapa na. Gusto niyang humingi ng hustisya para sa pagkamatay niya. Hindi naman siguro kami nag iilusyon kasi kami na mismo ang nakakita ang Fiance ko. Pero hindi ako naniniwala sa kasabihan tanga lang maniwala sa ganon. Kaya bakit ako maniniwala doon. Dinampot ko ang buhok na nasa sahig para ipakita sa kaniya. "This is a ordinary hair." Nilapitan ko siya at niyakap para maibsan ang takot niya. Habang tinitingnan ko ang kamay ko na may hawak na buhok. Nanlaki ang mata ko sa sumunod na pangyayari. Yung buhok.. Yung buhok na hawak ko.. bakit nagkaganito? Bakit may? Bakit may umaagos na dugo? Namamalik mata lang ba ako? Shit yung buhok. Wala lang buhok parin.. Napagpasiyahan nalang namin na lumabas sa faculty dahil tumunog na ang bell ng school. Oras na naman para magturo. Napatingin ako sa kaniya ng agawin niya ang buhok na hawak ko sa kamay. Napapaisip parin talaga ako kung sino ang nagbigay nito sa akin. Teka lang nakita ko ba ang pangalan ko sa box kanina. Napakunot ang noo ko saka tinawag ko ang fiance ko. "This is a ordinary hair." Nilapitan ko siya at niyakap para maibsan ang takot niya. Habang tinitingnan ko ang kamay ko na may hawak na buhok. Nanlaki ang mata ko sa sumunod na pangyayari. Yung buhok.. Yung buhok na hawak ko.. bakit nagkaganito? Bakit may? Bakit may umaagos na dugo? Namamalik mata lang ba ako? Shit yung buhok. Wala lang buhok parin.. Napagpasiyahan nalang namin na lumabas sa faculty dahil tumunog na ang bell ng school. Oras na naman para magturo. Napahinto ako sa paglalakad ng napatingin ako sa kaniya ng agawin niya ang buhok na hawak ko sa kamay. Napapaisip parin talaga ako kung sino ang nagbigay nito sa akin. Teka lang nakita ko ba ang pangalan ko sa box kanina. Napakunot ang noo ko saka tinawag ko ang fiance ko. "Nami!" Tawag ko rito. Tumingin siya sa akin habang hawak parin ang buhok ng kung sino. Pilit siyang ngumiti kahit alam ko na natatakot siya. Ang hilig kasing maniwala sa sabi-sabi. Pero hindi mawawala yun eh kinalakihan din kasi natin yun at napaniwala tayo na totoo yun. "Bakit mahal?" Tanong niya. "May nakita kaba na pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Alam kong weird ang tanong ko. Naisip ko kasi na bakit sa labas pa talaga ng classroom ko ibibigay ang ang box. Hindi niya lang sa akin ipaabot nalilito ako.Hindi ko alam. Siguro kulang lang ako sa tulog o 'di kaya nag iilusyon na naman ako. Sinusuri niya ng mabuti ang box pinakita niya sa akin ang pangalan ko. Nakasulat talaga ang pangalan ko sa box hindi ako nagkakamali. Nakasulat ito sa pamamagitan ng dugo. Naisip ko na hindi naman ako ang nag-iisang Stanley maaring may iba pa. Pero seryoso sa akin talaga? Napapailing na lang ako na natatawa. Mababaliw na yata ako. "Stanley Sanchez ka diba?" Tanong niya pabalik sa akin.   Pangalan ko talaga ang naroon at mismo ang apelido ko pa. Hindi ako magkakamali ako nga ang pagbibigyan nito. Natawa nalang akosa naiisip ko bakit ako bibigyan ng kapirasong buhok. Ano yun wig?   "Bakit naman ako bibigyan ng buhok?" Natatawa kong tanong kay Nami.    Humagalpak siya ng tawa kaya natawa rin ako sa tawa niya maniacal laugh kasi ang tawa niya sino ba naman ang hindi matatawa sa tawa niya syempre malamang yung taong killjoy. Naisip ko hindi naman ako kalbo para mag wig magmumukha akong si boots sa dora the explorer. Ngumuso na lamang ako habang nakatingin kay Nami natatawa parin siya hanggang ngayon. Ano kayang itsura ko kapag kalbo?     "Pabirthday siguro sa'yo kasi malapit na ang birthday mo," saad niya kaya napailing na lang ako.   "Oo nga pala anong .....@#&*$." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ng may sumasabay sa kaniyang sinasabi.   "Baka isang treat lang yon," sumasabay sa boses ni Nami ang boses na yon. Boses na babae pamilyar ang boses na yon. Parang narinig ko na at madalas ko itong naririnig.    Saan ko ba naririnig ang boses na'yon.     Napahinto siya ng dumating si Akirah nakatayo sa gilid ng pinto. Boses ni Akirah ang naririnig ko kanina. Oo tama boses ni Akirah ang naririnig ko kanina.    Umihip ng napakalakas na hangin tanda para magtaasan ang balahibo ko sa akin buong katawan. Pinagbabantaan ako? Sino naman ang nagbabanta sa akin. Wala naman akong kaaway wala naman akong inaaway na tao. Mariin akong pumikit nasa gilid ng pinto si Akirah.    Pumikt ulit ako ng pangalawang beses. Nanlaki ang mata ko dahil nasa harapan ko si Akirah at may hawak itong kutsilyo. May hawak ng kutsilyo si Akirah?    "Akirah anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya pero nakangiti lamang ito. Masama ang ngiti niya. Papatay siya at ako ang papatayin.   "Ibaba mo yang kutsilyo mo!" Duro ko rito pero mas lalo itong nakangiti sa akin nakakatakot siya.   Marahan pa akong pumikit at sa pagmulat ko ay mas lalo itong nakangiti. Nababaliw siya habang ang kutsilyo ay nasa dibdib ko. Nakatutok roon ang matulis na kutsilyo. Hindi ito totoo.    Kung panaginip lamang ito ay gusto ko nang magising. Ayoko sa bangungot na ito. Nahihbirapan akong huminga pahirap ng pahirap hanggang sa...   Pumikit ulit ako sa huling pagkakataon  sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso napakalakas. Nanginginig narin ang kamay ko. Pati ang buong katawan ko. Ayoko pang mamatay gusto ko pang makita at makilala ang anak ko sa huling pagkakataon.   Naramdaman ko na may tumulong luha sa aking mata pababa ng aking pisngi bago ko minulat ang aking mga mata.    Nasa harapan ko ang magiging asawa ko.   "Anong nangyari sa'yo bakit-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap ko nalang siya ng mahigpit.   Miss ko na ang anak ko gusto ko na siya makita. Palagi na lang akong nanaginip kay Akirah kasing edad lang siya ng anak ko. Pero hindi siya ang anak ko. Matagal na siyang wala sa akin kinuha siya ng Mama niya sa akin. Kinuha nila ang anak ko.    "Dito ka lang sa tabi ko Nami.." umiyak na lamang ako dahil ayokong mawala siya sa buhay ko. Silang dalawa lang ang meron ako. Ang anak kong lalake na malayo loob sa akin at si Nami ang tanging kahinaan ko.    Napahinto kami sa pagyayakapan ng biglang tumunog ang kaniyang telepono. Maang akong napatingin kung sino ang tumawag sa kaniya. Napairap ako dahil ang kausap niya na naman si Supremo ang kapatid ni Nami. Agad naman siyang lumayo sa akin. Kinuha ko naman ang gamit ko para umalis. Kinuha ko ang mahahalagang gamit tulad ng phone, laptop at iba pa. Sumenyas ako dito bago umalis ng faculty room.    Malungkot na naman akong naglakad sa pasilyo. Sumipol-sipol na lang ako habang nakatuon ang atensyon ko sa daan. Nakita ko naman agad ang nasa di kalayuan si Megan at si Six na iba ang tingin sa akin.   "Good morning Sir pomopogi tayo ah." Kumaway pa si Megan kaya natawa ako ng kaunti.   Bolera talaga itong si Megan! Teka isa ka rin na bolera para makakuha ng mataas na grade sa guro. Charot lang.   Nakatungo lamang si Six sa akin hindi niya ako binabati. Mukhang wala siya sa mood palagi naman. Bumuntong hininga lamang ako at ginawaran ko sila ng pag ngiti. Isang makabuluhang ngiti.   Bahagya akong napalingon sa gilid ko para may nakatingin. Teka saglit nga. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Akirah. Napakasama ng tingin niya sa akin. Parang papatay siya ng wala sa oras.   -MAY KUTSILYO SIYANG HAWAK HABANG BALIW NA NAKANGITI ITO SA AKIN.                                                                                                                         END CHAPTER 11        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD