Chapter 12
Professor Stanley's Point of View
Mariin akong pumikit at tumingin sa dalawa kong estudyante. Si Six at Megan. Parehas nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Inayos ko ang salamin ko saka humarap sa kanila.
“Sir anong nangyari po sa inyo parang pinagpapawisan kayo.” Akmang hahawakan ako ni Six sa noo pero mabilis akong umiyas at tumingin sa kaniya ng masama.
Wala akong lagnat o ano pa man. Napatingin ulit ako sa baba ng hagdan. Walang Akirah akong nakita o nagpakita doon. Walang nakahawak na kutsilyo o ano pa man.
“Sino po sir tinitingnan niyo?” Tanong ni Megan sumilip pa siya sa tinitignan ko.
Nakita ko naman si Six na nakatahimik sa isang tabi at nagkukuyom ng kaniyang kamao. Hindi ko nalang tinignan si Six at tumingin na lamang sa mukha ni Megan.
“Wala naman.” Hinigpitan ko pa ang paghawak sa laptop ko.
Agad naman silang nagkatinginan sa akin at nanlalaki ang kanilang mga mata. Bakit nanlalaki ang mga mata ng mga yon. Napatingin naman ako sa likod ko ng dahan-dahan.
May nasa likod ko ba?
Meron ba?
Natakot ako ng tumuro pa siya sa likod ko. Nagsitayuan agad ang mga balahibo ko sa braso papunta sa buong katawan. Sino ba ang nasa likod ko?
Heto na lilingon ako sa likod.
Isa..
Naiistatwa ako.
Bakit hindi ako makatalikod.
Dalawa..
Heto na lilingon na sa likod.
“Ay naku supremong itim nanggugulat kayo.” Natawa ako sa sarili ko at tumingin sa dalawang estudyante ko. Sinamaan ko sila ng tingin akala ko talaga kung sino ang nasa likod.
Supremong itim sa University namin siya ang pinaka bata sa lahat ng guro. Kaedaran lamang siya ni Akirah. Speaking of Akirah bakit nawawala ang bata na yon. Aatakihin ako sa puso dahil sa kaniya. Ang supremong itim ang namamalakad ng kaayusan sa buong paaralan kaya huminga na lang ako ng malalim. Ang dami talagang natatakot kay supremo.
Ang pinagtataka ko ay bakit parin sila nakatulala at nanlalaki ang mga mata. Napansin kong may balot ng puting tela ang kaniyang bibig. Nanlaki ang mata ko dahil umupo si supremo sa railing.
Teka anong gagawin niya.
Magpapakamatay ba siya?
“Supremo 'wag mong gagawin yan!” Sigaw ko pero hindi siya naniniwala.
Mabilis akong kumilos para hatakin siya papunta sa akin. Ano bang ginagawa niya? Pati sina Six at Megan ay naroon sila sa likod ko.
“Bumaba ka nga diyan Supremo!” Gigil na saad ni Megan rito.
Isa sa nakakatakot ang building na ito. Ika-24 na palapag ito. Kaya katakot takot na pagkamatay kung mahuhulog siya sa building na ito.
Nanlaki ang mata ko ng pumikit lamang siya habang nakatingin sa malayo. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya saka...
Ambilis ng pangyayari. Nagpatihulog siya kaya napasigaw kaming lahat.
Halos mapaluhod kami ng may marinig kaming pumulsit na malakas na dugo sa kaniyang katawan. Hindi maari.
Ang itim na supremo wala na siya. Wala na si Supremo.
Sunod narinig namin ang isang malakas na sigaw ng estudyante sa baba. Bahagya akong napasinghap at napapikit. Bakit nangyayari ito sa paaralang ito.
“S-si supremo.”
Pagkatapos sabihin yun ni Megan ay nahimatay siya dahil sa mga hindi kapani-paniwalang bagay siyang nakita. Bakit siya nagsuicide?
“Megan!” Sigaw ko habang si Six naman ay akmang bubuhat sa katawan ni Megan. Masama na naman ang tingin niya sa akin.
“It's my own business don't you dare touch my friend.” Banta nito.
Hindi ko talaga alam kay Six at palagi nalang siyang galit sa akin wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama pero napakasungit niya.
Humalukipkip ako at umarteng normal bumababa ako. Naiisip ko na ang sunod na mangyayari. Maraming pupunta sa estudyante sa baba at panigurado at ako na naman ang kakausapin sa pangyayari.
Akma akong baba ng hagdan ng makita ko si Maxine na akyat pataas ng building. Napalingon na lamang ako at tinignan siya. Napaka bilis niyang maglakad parang may hinahabol siya. Hindi naman siguro masama kung sundan ko siya kung saan siya pupunta diba?
“Saan pupunta yun?” Bulong ko sa isip ko.
Tumingala na lamang saglit saka patagong sinundan siya. Naiisip ko parin ang sinapit ni Supremo. Kalas ang katawan niya na halos hindi na malaman ang kaniyang mukha. Labas ang kaniyang bituka, atay at puso dahil sa lalim ng kaniyang nabagsakan.
Pero bakit ganun ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nag suicide?
Umiling na lamang ako at sinundan si Maxine kung saan siya pupunta. Palinga linga ito sa daan kaya maingat ko siyang sinusundan para hindi niya ako malaman na nakasunod sa kaniya. Tumago ako malapit sa gilid ng classroom. Napatingin kasi siya doon. Anong ginagawa niya dito sa pinagbabawal na building? Pwede siyang masuspended sa ginagawa niya.
Kinakabahan ako pero bakit? Walang nakakapunta dito sa building 66 dahil ang bali-balita daw ay may nag suicide doon. Maraming minamalas sa building na ito. Pero walang nagtatangkang pumasok dito maliban sa kaniya kay Maxine. Malawak ito building na ito kaysa sa ordinaryong building. Sobrang lawak niyo at naabandona ang building na iyo. Dahil sa takot at pagbibigay galang sa namatayan.
Mukhang hindi na namin magagamit ang 24 building dahil namatay si supremo. Ang kapatid ni Nami. Teka lang kailangam kong makausap ang Fiance ko.
Nagring agad ang phone ko at umiiyak ang nasa kabilang linya. Si Nami umiiyak.
“Wala na ang Anak ko.” Nabingi ako dahil sa sinabi niya.
Anong pinagsasabi niyang may anak siya samantalang wala siyang anak?
“Huh anong anak?” Kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Anak ko si Supremo.”
Narinig ko na lamang ang sunod niyang pag-iyak. Paanong naging anak niya si Agustus? Si Supremo? Nalilito ako.
“Mag-uusap tayo may kailangan lang akong puntahan.” Binaba ko ang telepono at tumingin sa kaliwa at kanan.
Naglaho bigla si Maxine nasaan siya nagpunta? Napagat ako ng labi ng naiisip na nasa likod ko si Maxine.
Umatras ako saka dahan...
Dahang lumingon...
Mariin akong napapikit at sa pagmulat ng aking mga mata...
Wala siya sa likod.
Nakahinga ako ng maluwag..
Dumiretso na lamang ako sa pasilyo para hanapin kung nasaan si Maxine. Hindi ko saulo ang building na ito pero pamilyar siya sa akin. Nakapunta na ako dito pero hindi ako natuloy dahil kay Supremo. Pinigilan niya akong pumunta dito dahil bawal raw ako dito.
Malawak ito at napakalat. Mabaho rin ang amoy nito dahil hindi nalilinisan. Marami ring alikabok sa paligid. Maraming sirang upuan at classroom akong nakikita. Sa palagay ko ay may sampung classroom ang nandito at lahat ng mga yon ay nakasarado. Pundi narin ang mga ilaw dito na halos mapuno na ng mga at bahay ng mga gagamba. Maraming halaman na nalanlanta. Dahil siguro hindi na ito nababantayan nino man. Walang nag aalaga sa mga halaman. Tumingin ako sa bintana na hindi na maaninaw ang nasa loob dahil sa makakapal na alikabok.
May tatlong pasilyo mula sa kinaroroonan ko. Isang hanggang Janitor's Room at sa kanan ay papunta sa Music room. Bahagya ko naman inayos ang salamin ko dahil malabo sa akin ang ikatlong pasilyo. Hindi ko masyado maaninaw ang daan.
Sa pangatlong pasilyo ay nakikita ko ang papunta sa library. Teka bakit may malaking library doon? Ang sabi sa akin ng mga Co-teachers ko. May 13 Libraries ang buong University. Ang sabi nila ang pinaka center ng library ay ang building na ito.
BUILDING 66
Pinakamalas daw itong building na ito dahil maraming nagsusuicide na mga estudyante. Marami ring tumalon mula dito hanggang pababa. Kung titignan ko mula dito hanggang baba?
Nakakahilo sobrang lalim..
At wala ka nang pag asang mabuhay pa..
Napakunot ang noo ko ng may narinig akong sumipol hindi siya ordinaryong sipol na isang nambabastos. Kumakanta ito habang sumisipol. Sinundan ko lang ang tunog na yon hanggang sa mapadpad ang mga paa ko sa dulo ng ikatlong pasilyo.
Napahawak ako sa ulo ko. Ano ng aulit ang ginagawa ko dito? Napakamot ako sa ulo. Oo naalala kona may sinusundan ako si Maxine.
Huminto ang sumisipol kaya napatingin ako sa kung nasaan ako. Wala ng Classroom dito. Isang mahabang pasilyo ito at papunta ito sa cubicle ng babae at lalake. Napatakip agad ako ng ilong dahil sa mabahong amoy.
Ang panlot ng ihi, Ang baho ng cubicle. Nalanghap ko kaagad. Ito talaga ang pinaka worst na building na nakita ko. Na hindi nililisan ng mga janitor. Halos masuka ako at patakbong tinahak ang kabilang pasilyo. Pero mas lalo pang tumindi ang amoy dahil may kung anong amoy akong nasinghot.
Mas masahol pa sa daga, May patay dito sa building na ito? Bumagsak ang balikat ko dahil nakita ko ang tambak ang bangkay ng mga...
Estudyante.
Pinagpepyestahan ito ng mga daga at ipis. Nakakadiri itong building na ito paanong nagkaroon dito ng mga patay? Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na isa ito sa Serial building kung saan itinatapon ang mga estudyanteng nagsusuicide.
Nakita ko ang mukha ng pamilyar na estudyante ko noong taong 1997? Siya lang ang bukod tanging nakasuot ng silver necklace.
Nagulat ako ng may sumipol sa likod ko kaya nanlaki ang mata ko at napatingin sa likod.
May nakatutok na b***l sa sintido ko.
“Welcome to Serial Building.."