Chapter 13
Binalikan ko si Megan na nakahandusay sa lupa. Nilapitan ko siya at dahan-dahan na umupo sa tabi niya halatang nanlulumo sa pangyayari hindi ko nais na mangyari. Bakit si Megan pa ang nabaril hindi na lamang ako? Bakit siya pa? Bakit ang kaibigan ko pa? Kailangan mong umarte Akirah buhay pa si Megan hindi pa siya patay.
"M-megan?"
Nanginginig ang boses ko sa pagtawag sa kaniyang pangalan. Hindi ko alam kung bakit pero para sa pag arte. Bumelat pa ako sa kaniya. magtatawanan talaga tayo mamaya.
"Ano bang katangahan ang ginagawa mo Akirah! Umalis kana-" naputol ang sinabi ni Max ng biglang malakas na sampalin siya ng salarin.
Humiyaw ako dahil sa sobrang lakas ng pagsampal nito kay Maxine. Lumagatik. Nakita kong bumakat sa mukha ni Maxine ang sampal ng salarin. Halos humiga si Maxine sa sobrang lakas ng sampal ng salarin sa mala bakal na kamay nito tiyak tanggal ang ngipin mo kapag nasampal ka nito. Nanlaki ang mata ko ng mapatingin sa akin ang salarin.
Puta takbo na!
Alam kong nanghihina na siya kaya ako naman ang lalaban sa salarin para sa kaniya nag umpisa ang lahat ako ang magtatapos nito kahit ikamatay ko pa. Mas mabuting mamatay ako kaysa hindi lumalaban.
"Napaka-daldal mo talaga Maxine Park!" Bulyaw niya rito.
Napaiyak ako ng malakas niyang hinigit ang mga hibla ng buhok ni Maxine. Puro pasa at sugat na ang nakikita ko sa kaniya sa maangas na Maxine. Wala na ang dating siya Hindi ko na siya makilala dahil sa pasa at sugat mula sa kaniyang pisngi. Oras na para lumaban ako ayoko nang maging mahina.
Napukaw ang atensyon ko sa malaking kahoy na nasa lupa. Doon nabuo ang nasa isip ko kaya kong patayin ang salarin gamit ang kahoy na ito.
"Lord ingatan niyo po ako," sabi ko sa isip ko.
Marahas akong naglakad ng dahan-dahan papunta sa salarin maingat akong naglalakad para hindi malaman ng salarin ang aking sunod na gagawin.
Papalapit na ako..
Malapit na..
Kaunti na lamang..
Limang hakbang pa..
Limang..
Apat..
Tatlo..
Dalawa..
Isa..
Lalapit na ako-
Buong pwersa kong inihampas sa kaniya ang malaking kahoy sa kaniyang ulo. Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kahoy na dapat ihahampas ko sa kaniyang ulo. Ambobo mo Akirah. Pero imbis na mapaluhod siya ay ako ang napaluhod.
OMG
Nooooo
"At sa anong akala mo mahahampas mo ako ng ganun-ganun lang?" galit na sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata ko habang napapaatras. Diyos ko tulungan mo kami para niyo nang awa. Habang papaatras ako ay papalapit naman siya sa akin ng papalapit. Sumeryoso akong tumingin sa kaniya bago inisip ang susunod na mangyayari. Umiwas ako at nilakasan ko naman ng pag-agaw sa kahoy. Napakalakas niya.
"HAHAHAHA," tumawa siya na parang isang demonyo.
May malagom siyang boses para hindi makilala ang nasa likod ng kaniyang nakatago sa maskara. Kailangan kong makaisip ng paraan para masugatan ko ang salarin.
Naalala ko ang tinuro sa akin ni Papa nung bata pa ako. Alam kong napaka imposibleng mangyari na maagaw ko ang kutsilyo o anumang bagay ang nasa kaniyang kamay. Sobrang lakas niya talaga para siyang si Prof, Douglas yung mapeh teacher namin na magaling mag taekwondo. Pero alam ko naman na hindi magagawa ni Prof 'yon sa amin kahit pa makukulit kami alam ko na hindi siya si Prof. Douglas dahil hindi lang siya ang magaling sa taekwondo.
Inisip ko talaga ang bagay na itinuro sa akin ng mapeh teacher ko. Hindi ko alam na magagamit ko pala ito sa paglalaban.
Patay! Hindi pa naman ako nakikinig sa teacher ko puro kain lang ako.
Nakatulala lang ako sa klase ni Sir.
Bahala na si batman.
"Please ako na ang nagmamakaawa patakasin muna kami." pag mamakaawa ko rito.
Best actress ka diba? Kaya mo yan girl magpanggap ka. Nalito mo nga yung salarin na patay si Megan. Ito pa kaya.
"Ano ako tanga?” Malakas na bulyaw ng salarin.
Oo tanga ka naman talaga. Kaya pakawalan muna kami. Charot lang.
Hawak niya ang kahoy na kanina lang ay hawak ko. Nakatingin lang ako doon. Iniisip kung paano makukuha sa kaniya ang kahoy na yon. Tumingin ako sa kung saan nakita ko si Maxine na nakahiga parin sa lakas ng sampal sa kaniya. Si Megan naman ay nakahiga parin.
“Papatakasin ko kayo tapos? Magsusumbong kayo sa pulis? Eh paano kung magsalita kayo At mahuli ako ng mga pulis-" pinutol ko agad ang sinabi niyang walang ka kwenta-kwenta.
"I won't tell to police," i said.
Habang paatras ako ng paatras ay papalapit naman siya sa akin ng papalapit. Alam kong kaunting atras ko na lamang ay mapupunta ako sa bangin. Bumagsak ang ilang kaunting lupa sa bangin. Nanlaki ang mata ko dahil may nalaglag na kaunting lupa sa bangin. Napalingin pa ako doon saglit bago sa salarin.
May malalim na bangin na kapag nahulog ako sa bangin ay katapusan na ng buhay ko. Sobrang lalim non at napakadilim.
"Owws talaga ba?" natatawa niyang sabi.
Kingina ayaw mo pang maniwala..
"Oo," mapagkunwari kong saad.
Ito ang paraan para mailigtas ko ang mga kaibigan ko laban sa kaniya. Kung 'yun lang ang tamang paraan para mailigtas ko sila ay ayos lang sa akin. Alam kong magagalit sila kapag nalaman nila ang bagay na ito. Pero hindi ako magpapauto basta-basta at katulad ko ay hindi rin siya.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Pawang nag iisip pa siya ng sasabihin niya sa akin o may masamang plano siya para sa akin.
"There's no request with no payments So I'll guest you have one request." anonymous said
Natahimik ako sa kaniyang sinabi alam kong may kabayaran ang lahat na hihihilingin ko at kabayaran ang lahat ng bagay. Lalo pa ang pinaka mahalagang bagay na gustong kong makuha ay ang aking kaibigan.
Sumipol ang malakas na hangin sa daan tanda para mas lalo akong matakot dahil nasa gitn ako ng kamatayan ko.
Saglit akong sumilay sa mga kaibigan ko nakita ko si Maxine na nakahiga duguan at walang malay. Dahil sa mga sapak na natamo nito mula sa salarin, sa pasa, sakit, bugbog na tinamo nito mula sa salarin. Naawa ako sa kaniya hindi na niya kayang lumaban pero kahit nahihirapan siya ay ginawa niya parin ang lahat upang iligtas kami ni Megan. Napagawi naman ang tingin ko kay Megan na walang malay. Patuloy parin ang paragasa ng kaniyang dugo sa semento naluluha akong sa kaniyang sinapit. Hindi sana siya ang nasa lagay na 'yan ako dapat.
Ipaghihiganti ko kayo,
"Alam ko na may kabayaran ang hihilingin ko sa'yo pero nagmamaka-awa ako sa'yo pakawalan muna ang kaibigan ko." Salaysay ko.
Umiinit na ang sulok ng aking mga mata dahil sa pagmamakaawa ko sa kaniya. Nararamdaman ko may awa rin siya sa amin. Malakas ang pakiramdam ko dahil tao rin siya katulad ko hindi siya demonyo hindi rin siya masamang tao. Alam kong ang puno't dulo nito ay pera dahil sa akin gusto nila akong mapatay dahil sa pera.
Marami talagang nasisilaw sa pera lalo pa't malaki ang patong niya sa kaniyang ulo. Marami ng nagtangkang pumatay sa akin pero ang nag liligtas sa akin ay napapahamak o nasasawi katulad na lamang ni Yvonne.
"Papakawalan ko sila sa isang kondisyon," gumuhit sa kaniyang labi ang masamang ngisi.
Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin alam kong hindi ko magugustuhan ang kaniyang sagot. Pero tatanggapin ko para sa mga kaibigan ko.
"A-ano?" Lumunok pa ako sa tanong ko sa kaniya. Tila ba kinakabahan ako sa susunod na isasagot niya.
"Gusto mo ba ng maraming pera? Hindi kita isusumbong sa pulis? Ano!" Sigaw ko.
"Masyado ka namang galit." humalakhak pa siya.
"Wala akong balak na makipag laro sayo sabihin mo lang ang gusto mo tapos ang usapan." gigil na tumingin rito.
Tumingin ulit ako sa malalim na bangin mula sa kinaroroonan ko. Napalunok pa ako ng pangalawang beses. Saka bumuntong hininga.
"I want to kill you that's it, Kailangan ko lang ng bangkay mo," killer said.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Ano daw?
Kailangan niya ng bangkay ko pero para saan? Saan niya gagamitin. Oh god ayoko pa mamamtay.
Teka lang parang pamilyar ang boses niya.
Nagulat ako sa sumunod na pangyayari napaatras ako dahil nakita kong inilabas niya ang b***l na pamilyar sa akin.
Naalala ko siya!
Kilalang kilala ko siya sariwa pa sa aking isipan ang kaniyang ginawa sa aking kaibigan noon.
Hayop ka!
"Siguro naman nakikilala mo pa ako."
Siya lang naman ang pumatay sa kaibigan ko. Ang babaeng may peklat sa mukha. Ang babaeng kinamumuhian ko ng lubos.
"I-ikaw?"
Halos mamutla ako ng nakita kong wala na ang kaniyang maskara sa mukha. Nakita ko ang katakot takot niyang peklat sa mukha na hugis kidlat.
"Ako nga surprise bit*ch." Gumuhit ang nakakatakot niyang ngisi.
Nakaharap ko na naman siya sa ikalawang pagkakataon ang babaeng pumatay sa kaibigan ko. Hindi ko alam ang ngalan niya pero ang pinagtataka ko bakit siya kamukha ni Maxine?
Teka parang may naalala ako dati. Sinabi na’yon sa amin ni Prof Stanley.
Na ang isa sa amin ay isang impostor nagbabalatkayo. Kaya niyang gayahin ang wangis namin o anyo kung nanaisin niya na siraan kami. Naalala ko yung sinabi ni Sir sa akin. May dala daw ako na kutsilyo at akma ko raw siya sasaksakin. Natandaan ko pa yung ako lahat ng ituro nila na salarin sa pagpatay kay Supremo. Si Prof Stanley ang nagsabi sa mga awtoridad na hindi ako ang salarin. Wala talaga ako nung alam sa mga nangyayari. Hindi ko kayang pumatay ng tao.
Napasulyap ako sa kinalalagyan ni Maxine na nakahiga sa lupa wala siyang malay at duguan. Paanong nagkaroon nagkapareho ang mukha nilang dalawa? Hindi kaya magkapatid sila? Hindi eh siguro nga tama nga ang sinasabi ni Prof Staley may nagbabalat-kayo nga sa amin.
"Ikaw ang pumatay sa kaibigan ko?" Ulit ko pa.
Sinabunutan na lamang niya ang kaniyang sarili bago tumingin sa akin. Ngumisi siya at ang ngising iyon ay nakakatakot na.
Natatakot na ako,
Ayoko pang mamatay..
Please
"Ang tanga mo talaga kahit kailan Akirah!" Sigaw niya
"Sana noong una pa lang pinatay muna ako diba para wala nang papatay sa mga boba mong kaibigan, tapos na ang usapan pero hindi pa ako tapos sa'yo," pandidiin niya.
"B-bakit? Kamukha mo ang kaibigan ko?" tanong ko kahit kinikilabutan na ako.
"Malay ko! Hindi ko alam kung bakit magkamukha kami nang tanga mong kaibigan," umirap siya.
Rule Number 97: Hindi umaamin ang salarin.
"Ang dami mong tanong kailangan munang mamatay." Itinutok niya sa akin ang b***l.
At sa oras na yon ay tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Ang paghawak niyang propesyonal sa pagbaril. Sa tayo niyang walang pag-aalinlangan patayin ako.
Mabilis akong napahawak sa tenga ng marinig ko ang malakas na putok ng b***l. May putok ng b***l sa kung saan. Napapikit ako. Naiyak ako dahil-
Katapusan ko na ito na ang huli paalam.
Hindi ko alam pero wala akong nararamdaman na masakit sa anumang parte ng katawan. Siguro ito na nga ang sinasabi nila na patay na ang isang tao kapag wala nang maramdaman. Hindi alam pero may bumulong sa akin na buksan ko ang aking mga mata. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng biglang makita ko sa aking harapan ang hapong-hapo guro ko na nakatayo sa harapan ko pawis na pawis siya at makikita sa kaniyang mga mata ang sobrang pag-aalala.
"Prof-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang yakapin niya ako ng sobrang higpit.
Nanlaki ang mata ko ng narinig kong umiiyak ang aking guro humahagulgol siya sa sobrang takot. Hinaplos niya pa ang mahabang buhok ko.
Hindi ko alam kung bakit nag iinit ang sulok ng mga mata ko at sinasabi nito na umiyak rin ako. Alam kong magagalitin si Stanley pero may kabutihan rin pala siyang tinatago.
Marahan niyang hinawi ang buhok ko sa batok. Nagulat pa ako dahil yumakap ito sa akin ng sobrang higpit habang tumatangis. Noong bata pa lang ako ay may tattoo ako sa batok na latin word.
“FILIA DIABLO”
Na ang ibig sabihin ay anak ng demonyo.
"Ano Anak, ayos ka lang ba?"
"May masakit ba?"
"Saan banda, Anak?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'anak' parang may kung anong bagay na nag pakurot sa aking puso. Tinawag niya akong anak? Parang musika sa aking tenga.
"A-ano pong sabi niyo anak niyo po ako?" maang na tanong ko rito
Nanlaki ang mata niya at napaatras sabay iling. Nagbago ang ekspresyon niya nagbalik ito sa normal na parang walang nangyari.
"Never mind," Inayos pa niya ang kaniyang salamin.
Nasa middle age na ang proffesor ko matangkad ito na kasing taas ng basketball player may matikas ang kaniyang katawan at hindi kaputian magkasing kulay kaming dalawa. Hindi rin nalalayo ang mukha ko sa kaniya magkahawig kami. Marami ngang nagtatanong kung kaanu-ano ko ba si Stanley. Pero ang sabi ko lang sa kanila ay hindi kami magkamag-anak ni Stanley.
"Ambulance is coming within a seconds they handled your friends and especially you Ms. Guerero," he said with calm expression.
"Thank you po Sir sa pagliligtas sa akin," Tumungo pa ako dahil sa pag galang ko sa kaniya.
"You think I'm doing this for you?"
"Yes sir," galak na saad ko
Nakita kong bahagya siyang ngumisi at bumalik ulit sa normal na mukha niya. Napaka seryoso talaga ng professor namin.
"Really now? I'm doing this because of classmates request," mahinahon niya wika
Nanlaki ang mata ko talaga bang nagpatulong ang lahat ng kaklase ko para mailigtas kami?
Guys! Mahal ko na kayo.
"Po?"
End Chapter 13