Chapter 14: Mr. Guerero

2100 Words
Chapter 14 Third Person's Point of View Flashback Napagpasiyahan ng magtotropa sina Maxine, Megan, Six, Ethan at Akirah na alamin kung saan pupunta si Professor Stanley. Hindi kasi ito pumasok sa klase niya o nagparamdam basta nawala na lang ito ng parang bula. Para sa kanila walang matigas na puso sa mapagmahal na guro. Masungit talaga ang guro na ito. Pero ngayon nila malalaman kung anong ugali ng kanilang guro. “Nakita mo ba yung mukha ni Stanley?” Tanong ni Ethan sa kasama niya habang nagtatago sila sa puno. Nagtatawanan sila habang inaasar ang guro nila. Sila kasi ang pasimuno ng lahat ng pakana sa mga guro. Mga psaway silang mga estudyante. Simula kasi nung umalis ang guro nila na si Rob ay nagbago na ang lahat nilang ugali. Naging napakamabuting guro sa kanila si Rob. Mabait ito. Parang magulang narin ang turing nila dito dati. Doon lamang sila nagbago at sumaya. Pero nung umalis yon? Lahat ng mapupuntang guro sa section nila ay pinaparusahan nila. Gusto kasi nilang ibalik ang guro ngunit ang sabi ng Principal ay wala na daw ito. Pinatay rin siya ng isa ring guro. “Crocodile talaga,” Pinalo ni Six si Ethan sa likod kaya nanlisik ang mga mata nito. “Bakit namamalo ka babe?” Tanong ni Ethan habang naniningkit ang mata nito. “Tears of joy babe,” usal ni Six dito at akmang hahalik dito. Ang tatlong babae naman ay sabay na napasampal sa kanilang sari-sariling noo. Umirap na lang silang tatlo saka kinaltukan ang dalawang lalake. Nagtawanan nalang sila pero mahina lang yon. Dahil baka malaman ni Prof na nandoon sila patagong inaalamn ang pinag-uusapan nila. “Alam niyo ang ingay niyo.” Umirap na lamang si Megan sa kanila na kanina pa kinakati dahil pinapak siya ng lamok. “Stress ka lang kasi paborito ka ng lamok ang puti kasi tapos nakaitim pa,” asar pa ni Six kay Megan. Kung titignan mo talaga silang dalawa ay magmumukha silang mag- jowa dahil palagi silang magkadikit sa pareho. Hindi rin maitatanggi na bagay silang pareho dahil magkamukha sila. Palagi kasi silang nag aasaran hindi sila nagpapatalo sa kaawayan. “Sana lamok na lang ako,” bulong ni Six saka umubo para hindi malaman ni Megan ang sinabi niya. “May binubulong si Ano, Megan oh!” sinundot ni Akira hang tagiliran ni Megan. “Manahimik ka nga d’yan Akirah, Ano ba..” malandi ang boses nito sabay hawi pa kaunti sa kaniyang buhok kaya nagtawanan ang mga ito pati narin si Maxine na kanina pa tahimik. Boto rin kasi si Akirah kay Six. Kaso dahil isip bata si Megan at wala pa sa vocabulary niya ang love pass muna siya. Habang si Maxine naman ay walang emosyon sa kanilang lahat. May sariling mundo si Maxine na kapag pinakialaman mo ay siya mismo ang makakaharap mo. Minsan talag nawiwirduhan talaga siya sa kinikilos ni Maxine. Pero kaya daw nagkakaganun si Maxine ay dahil may mabigat na pinagdadaanan ito. “Bakit ba kasi tayo pumunta dito?” Humikab pa si Maxine dahil tinatamad siya sa lahat ng bagay. “Wala naman tayo mapapala di-“ Naputol ang sinabi niya ng sumigaw ang Principal kaya yumuko silang lahat dahil muntikan mapatingin ang Principal sa kanila. “Mr. Guerero, I’m so disappoint on your performance to handle pilot section!” Sigaw ng principal Zanakaya na halos ipahiya na ang kaniyang dignidad. Walang maisagot si Stanley at ang bukang bibig lamang niya ay ‘sorry’ yun lang ang kaya niyang sambitin. Dahil mahal niya ang mga estudyante niya ng higit pa sa buhay niya. Napahinto nanan ang magtotropa sa kanilang pagkukulitan. Mas lalo pa silang nagtawanan dahil pinagagalitan si Stanley ng kanilang Principal. “Your expelled Mr. Guerero hindi kana makakatungtong dito sa University na ito!” Sigaw ulit ng Principal dito. Imbis na magbunyi sila dahil sa narinig ay lahat sila natakot sila nakaramdam sila ng guilt sa ginawa nila. Sa oras kasi na mag expel ang principal ng school ay hindi kana makakatungtong doon. Kahit bisita o napadaan ka lang. Sikat kasi ang unibersidad nila sa buong mundo. Kapag na expel ka sa unibersidad wala ng tatanggap sayo na school kahit magmakaawa kapa sa kanila ay hindi ka talaga nila tatanggapin, “Pinahiya ako ng mga estudyante mo at ikaw. Ikaw dapat ang sasaway sa kanila pero anong ginawa mo? Kinampihan mo sila!” Tinapon sa kaniya ang lahat ng papeles niya. Dahil sa kakahiyan na nagawa niya at mga estudyante niya. “Principal Zanakaya, Give me another chance to change my students attitudes. Another chance please I’m beggin..” Lumuhod ang guro sa principal at nagmamakaawa. Umiiyak na ito dahil napamahal na siya sa mga estudyante niya. Nanlaki ang mata nila dahil totoong nagmamakaawa si Stanley sa punong guro para hindi siya matanggal sa pwesto at para sa mga estudyante. Nakaramdam sila ng awa sa guro kaya yung mga oras na yon nag-isip sila ng paraan para makabawi dito. “Babaguhin ko ang mga estudyante ko kailangan lang nila ng may magmamahal sa kanila. Dahil ang ilan sa kanila ay hindi nakakaramdam ng pagmamahal ng isang magulang…” Pagkatapos sabihin ng guro nila ay hindi na nila nakayanan at umalis na sila. Bilang patotoo ay kinuhanan nila ng litrato ang nasabing lugar upang maipakita sa lahat na mabait pala ang akal nilang masungit na guro. Prof. Stanley’s Point of View Paanong nakita nila ako na pinagagalitan ni principal z? Nakita ba talaga nila akong pinagagalitan dahil may paluhod at iyak pa akong nalalaman para lang mabago ko ang mga estudyante ko. Ang natatandaan ko lang ay kaming dalawa lang ni principal sa office niya paanong nakita nila ako? Nila? Ang ibig sabihin ba nito ay marami sila? Bakit naman nilang gustong malaman kung anong pinag-uusapan namin ni principal. Hindi kaya nagbabago na ang estudyante ko? Isa lang naman akong hamak na guro. Hindi ko naman ginawa ang lahat ng ito para lang sa posisyon ko. Wala akong pakialam sa posiyon ko ang gusto ko lang maayos ko ang kanilang mga baluktot na ugali. Isa rin naman akong magulang na handang tumulong para sa kanila. Alam kong may problema sila sa pamilya nila. Handa akong makinig sa kanila sa anumang bagay. Magulang rin ako na handang makinig sa kanila. Gumilid ako para uminom ng tubig nauuhaw na ako sa anumalyang nangyayari sa section ko na ito. "Isa rin ako sa palaging nagka-cutting class dahil adik ako sa mga online games…” Kwento ni Matthew habang bumubuntong hininga. Ramdam ko sa kaniya na parang may gusto siyang ilabas. Sama ng loob, Hinanakit, Nababasa ko sa mga malungkot niyang mga mata ang lahat ng ito. May problema ang estudyante ko. Nakita ko naman ang pagyuko ng ulo ng mga estudyante ko. Napansin kong walang nagsasalita sa kanilang lahat maliban na lamang sa kaharap ko ngayon si Matthew. Siya si Matthew Coleman isang officer sa klase ko. Palagi siyang hindi pumapasok at minsan ay pasulpot-sulpot kung papasok. Minsan ay natutulog sa klase. Minsan amoy alak. Pero siguro ngayon masasabi na niya ang problema niya sa akin. Ngayong araw na ito. “Simula noong kausapin niyo ako mag-isa sa parke? Napaisip ako. Doon ko na isip na mayroon palang dadamay sa problema ko na hindi ko naramdaman sa magulang ko.” Napahinto siya sandal para kumuha ng lakas. Ramdam ko ang hinanakit ng kaniyang puso. Naalala ko pa nung dati na kinausap ko siya sa parke. Mag-isa lamang siya doon habang umiinom ng beer. Nilulunod niya ang sarili niya sa alak. Alam ko sa sarili ko kung ano ang problema niya. Dahil siguro sa pananaliksik ko sa kaniyang buhay kaya ko nalaman ang lahat. Kabilang siya sa mayamang pamilya ang mga magulang niya ay parehas na nagpapatakbo ng kumpanya. Kahit mayaman sila ay sawi naman siya sa pagmamahal ng kaniyang mga magulang. Base sa pananaliksik ko noong simula siya maging high-school honor student siya. Palagi siyang top one sa klase. Walang magulang na umaattend sa kaniya tuwing sasabitan siya ng medal. Ang pinapadala lamang ng magulang niya ay isang katulong upang yun ang maging magulang niya at magsasabit ng medalya para sa kaniya. Wala silang pakialam sa kanilang anak. Tulad na lamang nung mag-suicide siya at nadepress sa kakaisip ng problema. Nagpaabot lamang ang magulang niya ng pera. Pambayad sa hospital. Hindi siya kinakalinga ng kaniyang mga magulang. Palagi pang sinasabi ng kaniyang magulang na sana hindi na lamang siya nabuhay sa mundong ito. Doon ko naintindihan ang salitang pagmamahal. Pagmamahal ng isang magulang. Bihira sa mga anak ang nakakatanggap ng isang pagmamahal galing sa kanila. Minsan hindi pinapahiwatid dinadaan nila sa gawa. Ang iba naman a "Ang totoo po niyan walang gurong nakakatagal kapag kami ang hawak na section at wala rin nakakatagal sa ugali namin. Pero noong makita naming na pinapagalitan kayo ng principal noong una nagtatawanan pa kami pero ang lahat ng yon ay nagbago noong sinabi mo sa principal na mahal mo kaming mga estudyante mo. Na kaya mo kaming baguhin. Kaya nabuo ang plano namin na surpresahin ka dahil alam namin na birthday mo Prof Stanley para makabawi kami sayo," mahabang salaysay niya. Pero ngayon hindi na surprise dahil sinabi na namin, plano naming itong lahat Prof na mag cutting sina Megan, Maxine at Akirah para magawa ang plano( napahinto magsalita si Six ng lumapit si Darci sa kaniya naluluha ito habang may pinapakitang kung anong mayroon sa kaniyang cellphone. "Tulong! Tulungan niyo kami," Narinig ko ang pamilyar na boses ni Akirah kaya inagaw ko ang Cellphone na hawak ni Darci. Nanlaki ang mata ko habang pinapanood ko ang nangyayari sa video halos mawasak ang puso ko ng makita kong puro bugbog, pasa ang katawan nilang tatlo nahihirapan pang makatayo si Akirah na kahit hindi ko man marinig ang kaniyang sinasabi ay humihingi ng tulong. "WALA SA PLANO NAMIN TO! NO!! SINO NAG-SEND NG VIDEO NA YAN?" sigaw ni Ethan kay Darci "Narecieve ko lang ito, Ethan hindi ko alam," napasabunot na lamang si Darci sa kaniyang buhok. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari parang may mangyayaring masama kay Akirah at sa dalawa ko pang estudyante. "Anong pangalan na nag send sayo?" tanong ni Claire rito. Nakita ko sa kanilang mukha nabakas ang kanilang takot at pangamba kung ano pang magyayari sa kanila. "UBK at your service," nagdilim ang paningin ko ng marinig ko ang pangalan na yon. Nagsisimula na naman ba silang gumawa ng kasamaan, sana talaga ligtas ka Parehas kaming nagulat ng may malakas na putok ng barilan kaming narinig malapit sa aming silid. Naisip ko agad si Akirah napahawak ako sa aking dibdib ng may naramdaman akong bagay na nagpakirot sa aking puso. Nakita kong natataranta na ang ilan at nag sisihan. "Ikaw ang may kasalanan nito Claire!" Sigaw pa ni Kitty na kaibigan nito. "I dont expect this moment guys huwag niyo akong sisihin," paliwanag pa niya sa kaniyang kaklase "HINDI MO INEXPECT PERO TINULOY MO ANG PLANO?" sigaw pa ni Six "Diba yun ang gusto ninyo?" Nagulat ako ng biglang sakalin ni Six si Claire dahil sa galit niya rito. Diyos ko! Bakit naman po sumapit sa araw na ito na may maaksidente sa mga estudyante ko? "TANG*NA MO KA CLAIRE," "KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY AKIRAH AKO ANG MAKAKAHARAP MO!" hindi pa nakapagtimpi si Six at mabilis siyang lumabas ng silid. "Six saan ka pupunta?" "SIX!" "SIX!" Tumingin ako kay Claire na parang sisingsisi sa pangyayari. Umiiyak na siya dahil sa kaniyang ginawa. Nagtitimpi ako ng galit dahil sa ginawang plano ni Claire. Sana ligtas ka Akirah.. Sana ligtas kayo Megan at Maxine. "Ang tanga-tanga mo Claire." Sinabunutan niya pa ang kaniyang sarili. Napansin kong nagsisi-lapitan ang lahat sa akin parehas silang lumuluha mapa-babae o lalake man. "Sir, Please iligtas niyo po sila please!" Napintig ang tenga ko sa kanilang pagmamakaawa humahagulgol silang lahat habang lumuluhod. "Sir please po iligtas niyo na po sila," "Sir please po iligtas niyo na po sila," "Sir please po iligtas niyo na po sila," Nabuo na ang desisyon ko ililigtas ko sila kung susunod sila sa isang kondisyon ko. "Ililigtas ko silang lahat kung-" pinutol ko ang sasabihin ko. "Sir kahit ano po," "Please po Sir," "Okey then, babaguhin niyo ang pagtrato niyo sa akin," malumanay kong saad "OPO MAGBABAGO NA PO KAMI, ILIGTAS NIYO LANG PO SILA," ngumisi ako sa sinabi nila "You all wish is my command," inayos ko ang salamin ko bago tumango. Tumingin ako kay Claire na umiiyak parin habang nakakatulala parin siya kisame. "Mag-uusap tayo Claire sa office ko," END OF FLASHBACK..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD