N/A: Hello guys! Supposed to be mas na eexcite ako sa susunod na mangyayari sa kanila. Hindi ako pinapatahimik ng sistema ko na magsulat pa. Naku kahit may Module ako sulat parin daw? Lol
.....
Chapter 28
Akirah's Point of View
Tahimik ang buong paligid sa loob ng sementeryo wala akong marinig na tunog o kung anoman para makasagabal sa aming ginagawa. Tahimik kaming nakamasid sa puntod ng aming guro, malungkot at walang kibo.
Sa kabila ng nangyari sa trahedya sa amin sana matapos na ang lahat ng ito dahil ayaw na namin may masawi pa na mahal namin sa buhay. Nakita kong tumatangis parin si Six dahil sa kaniyang pumanaw na magulang. Kaya hinagod ni Maxine ang likod ni Six para aluin ito. Habang ako naman ay nakatulala at iniisip ang nakita ko sa kamay ng G'wardiya.
Sana talaga sumunod siya sa sasabihin ko dahil kung hindi siya sumunod sa akin ay tiyak na magluluksa ang pamilya niya dahil sa pagkamatay ng gwardiya.
"Tahan na Six," pang-aalo pa ni Maxine sa kaniya.
Paulit-ulit siyang suminghot ng sipon at panay buntong hininga dahil sa sinapit ng kaniyang ama. Napapatingin na lamang ako sa bracelet na binigay sa akin ni Prof.
"Ang lahat may dahilan Six," pang-aalo ko pa sa kaniya
Nakatingin ako ngayon sa nakangiting larawan ng aming guro na medyo nag iiba ang narito sa kaniyang larawan. Dahil ang sabi nila kapag may namatay na tao ang kaniyang litrato ay mag iiba o lalabo kasama ng kaniyang pagkamatay.
"Ang daya naman kasi ni Dad ang pangako niya sa akin noon ay makikilala ko ang kapatid ko, Ngunit maaga siyang kinuha sa akin," mapait siyang tumingin sa kawalan.
Teka may kapatid si Six?
"Anong sabi ni Prof babae ba o lalake angkapatid mo?" usissang tanong ni Megan sa kaniya
"Babae siya," napatungo ako ng gumawi ang tingin niya sa akin.
"Alam mo ba ang pangalan niya?" tanong naman ni Maxine sa kaniya, ngunit iling lang ang sagot niya rito.
So, ibig sabihin hindi niya alam ang pangalan ng kapatid niya at babae pa ito. I wish I could have a Brother too na kasing ugali ni Six.
"Alam mo ba kung ilang taon na siya," usisang tanong ng dalawa sa kaniya
"She was 18 years-old at nag-birthday siya nung nakaraan," tumingin ulit siya sa akin kaya napakunot ako.
Ano ang ibig niyang sabihin sa titig niyang'yon?
Grabe ang kapal naman ng mukha ko para masabing ako ang kapatid niya. Marami akong kaparehas na Birthday sa mundo para masabing ako'yon, Tyaka hindi naman ako ampon ni Papa, Tyaka may hawig kaya ako sa parents ko imposibleng ampon ako.
Ampon ba ako?
Kinuha niya ang kapirasong bulaklak mula sa kaniyang maliit na lagayan. Kulay puti ito at humahalimuyak sa bango. Siya narin ang nagsindi ng kandila para masimulan na namin hinandang kauting surpresa mula sa aming guro na dapat noon pang buhay siya.
"What a coincidence huh, magkasabay pala sila ng birthday ni Irah," natatawang sabi ni Maxine.
"Oo nga," sang-ayon pa ni Megan rito. Kaya ang lahat ng atensyon nila ay napapunta sa akin.
Huh?
"Oh bakit kayo nakatingin sa akin?" hinawi ko pa ang bangs ko.
Umubo na lamang ako dahil gusto kong ibahin ang usapan malabo na magkapatid kami ni Six dahil alam kong tunay na anak ako ni Papa at galing ako sa kanila. Kaya lumabas ang pinaka magandang dyosa sa balat ng earth at ako 'yon syempre, wala nang iba pa. charot!
"Wala kasi kanina ka pa namumutla d'yan, ano ba kasing naiisip mo dyan?" walang pakundangang sabi ni Six. Kaya mabilis akong napatingin sa kung saan-saan.
Kung makatitig kasi si Six akala mo eh mangangain ng tao at papatayin ka sa kilig.
Ang feeling mo talaga Akirah..
"W-wala may naalala lang ako sa Hospital," pagsisinungaling ko
Ang totoo talaga ay naiisip ko kung anong mangyayari sa g'wardiyang kausap ko lang kanina. Paano kung hindi niya gawin ang pinagagawa ko? Naawa ako para sa kaniya, para sa maiiwan niyang pamilya para sa kaniyang mga anak at asawa na palaging nariyan sa kaniyang tabi. Tama lang naman ang ginawa niya, tama lang na kumanta siya sa mga Awtoridad para sabhin ang kailangan nilang hulihin. Para sa akin isa siya sa dakilang ama na nakilala ko.
"Sana makaligtas ka," bulong ko sa hangin at mahigpit na hinawakan ang aking bracelet.
"Ano raw balita doon sa kamukha ni Maxine? Actually kapangalan pa talaga ni Maxine ang salarin," pang-uumpisa ni Megan sa usapan.
Napatingin ako sa walang ka-emosyon na si Maxine na kanina pa walang ganang makinig sa usapan namin. Ganyan talaga si Maxine sobrang seryoso talaga niya at ilang araw ko na rin siyang nakikitang nakatulala at mag-isa kung magsasalita nasisiguro ko na hindi siya nababaliw dahil sa nangyari. Dahil alam kong matatag siya at walang kinatatakutan, siguro natroma siya dahil sa nangyari nung nakaraan. Kaya ang kailangan namin ngayon ay pahinga upang mawala ang sakit na aming nararamdaman.
"She still on Jail, hindi na muli siyang mangangambala sa atin," matapos niyang sabihin ang salitang 'yon ay binigyan niya kami ng kaunting pag-asa mula sa kaniyang ngiti.
Magiging ayos lang ang lahat..
"Maraming mga pulis ang nakabantay sa kaniya simula pa noong ikulong siya roon, Ang pinagtataka ko ay bakit sobra silang magkamukha ni Maxine at bawat anggulo sa kaniya kuhang-kuha ng impostor?"
mahabang salaysay niya sa amin
Sandali akong napatingin sa gawi ni Maxine na wala parin' halong emosyon na maipipinta mula sa kaniyang mukha. Nakita kong ngumisi siya pero bumalik ito sa normal niyang mukha. Kinilabutan ako sa aking nakita. Bakit siya ngumisi anong ibig sabihin non?
"May alam ka ba Maxine?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya ito.
Tumunghay siya saka ngumiti sa amin pero alam kong may motibo siya para ngumiti, Kailan ko ankitang nakangiti siya? Parang may kakaiba talaga dito.
"May naalala ako dati," pa una niya sa amin.
Ano kaya ang nasaisip ngayon ni Maxine, Hindi na rin ako magtataka dahil matalino talaga siya simula pa ng makasama ko siya. Hindi kaya kilala niya ang taong Impostor? Ang tunay na itsura ng salarin?
"Anong naalala mo dati?" seryosong tanong ni Six sa kaniya.
Nakita ko ang kaniyang ekspresisyon na nagbago mula sa kaniyang gawi kanina. Mas natatakot ako kay Maxine dahil sa kaniyang paiba-iba na ekspres'yon. Patuloy parin ako sa pagsusuri sa kaniyang maamong mukha. Bumuntong hininga siya bago humarap sa amin.
"May babae dati na pilit na sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta noon, sa palagay ko noon ay patuloy parin siya sa pagmamasid sa akin, Hanggang sa naiinis na ako dahil wala na akong kalayaan para kumilos ng naayon. Nagpakita siya sa akin.." huminga na lamang siya at nagsalita ulit ng walang habas.
"Naiingit siya sa kung anong meron ako. Lahat kasi nang isuot ko ay ginagaya niya rin. Sa pananamit, sa ayos ng buhok ko at kahit sa simpleng style ko ay kuhang-kuha niya. Nung gabi habang mag isa ako sa Cubicle ng C.R may narinig akong kalabog kaya dali-dali akong kumilos dahil baka masarahan ako ng pinto. Mahirap nang makulong sa C.R," bahagya pa siyang napahinto at suminghap ng hangin.
"Kaharap ko ang babaeng gusto akong gayahin, para sa akin hindi naman siya kagandahan ngunit pwede na. Lumuhod siya sa akin na nagmamakaawang gayahin niya ang mukha ko, ngunit hindi ako pumayag kaya nagalit 'yung babae. Hindi ko alam pero muntikan na akong mabuhusan niya ng asido sa mukha," tumigil siya ng bahagya at tumingin sa amin.
So, ayun ang nangyari sa kaniya at doon sa impostor? Gusting gayahin ng impostor ang mukha ni Maxine? Wut du hek! Kakakilabot naman kung ganun ang mangyayari. Anong sumunod na nangyari?
"Omg! grabe naman 'yung babae no," bulong sa akin ni Megan na parang natatakot dahil sa kaniyang inaasta.
"Anong nangyari sunod?" interesadong sabi nito.
"Umilag ako para hindi mabuhusan ng asido dahil akma niya akong susunutukin sa tiyan kaya nanlaban ako hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari natapig ko ang asido sa kaniyang mukha," tumungo siya at tumingin sa akin.
"Dapat lang 'yon sa kaniya dapat nga pinatay muna na para hindi nangyari ang lahat sa atin ito-" matapos na sabihin 'yon ni Megan ay binatukan ko siya.
"Aray makabatok wagas ah," inirapan ko siya tumingin na lamang ako kay Six na panay ang pagbubuntong hininga niya.
Masakit talaga para sa kaniya ang nangyari-Ang lahat na nangyayari sa amin ay mayroong dahilan.
"Pero may tama rin sa sinabi ni Megan," sang-ayon pa niya rito habang tumatango.
"Oh diba tama rin ako?" natutuwang usal nito.
"Tama may point ka rin," tumango ako
Nakita kong pumatak ang luhang kaniyang pinipigilan kanina habang ngayomg ay uni-unti nang lumalabas. Nilapitan namin siya at niyakap ng mahigpit.
"We are still here by your side, Megan, Maxine and I," seryosong wika ko sa rito
Bakas sa kaniya ang takot na baka bumalik ang salarin at paghigantihan kami. But we prepared as long us magagawa namin ng paraan para hindi na siya makagambala pa. Mas mabuti nang ganito kaysa maging masaya sa ibang bagay dahil ang kapalit nito ay isang luha.
Megan’s Point of View
Tumingin ako sa kaliwa at kanan bago tumawid papunta sa kabilang kanto para bumili ng grocery namin saglit. Wala na kasi kaming storage foods naubos na. Tyaka hindi na kami nag papart-time sa radio broadcast sa University dahil namatay si Sir Khian. Ang manager ng Asg zero point five. Hindi pa kasi namin gusting bumalik doon dahil sa isang issue. Kaya napapaisip ako kung anong part time job ang kukunin naming dalawa ni Akirah. Ubos na rin kasi ang pera naming dalawa. Ang hindi alam ni Akira hang tatay niya ang nagbabayad ng dorm namin. Naawa kasi ako sa tatay ni Aki. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang magalit siya sa Papa niya. Naiisip ko minsan may napatay baa ng Papa niya o may ginawa sigurong kasalanan sa kaniya ito.
Napabuntong hininga na lamang ako bago lumiko ng daan pauwi na ako ng bahay galing sa store. Dapat magkasama kaming bibili ng grocery pero sabi niya hindi niya daw ako masasamahan dahil may gagawin daw siyang importante.
Gabi na kaya nagdala binuksan ko ang ilaw sa cellphone ko. Nakahoodie akong gray ay jogging pants na itim. Nakamask na rin akong itim dahil ayokong pagkaguluhan ng mga tao. Tama kayo ng narinig ayaw kong pagkaguluhan ng tao. Balitang-balita ang lahat na nangyayari sa University namin. Nagulat nga ako kasi pagkapasok ko palang sa store ay puro tsismis na ang naririnig ko. Tungkol sa amin sa nangyari sa aming tatlo. May iba na humahanga may iba din naman na natatakot na huwag pag-aralin ang kanilang anak sa university namin. Edi ‘wag silang mag-aral andami nilang anik-anik. Kaya nahihiya nalang din akong lumabas ng dorm. Lalo pa at madaming nakabantay na ngayon sa aming mga gwardiya. Palihim silang nakamasid sa akin bawat lakad ako sa daan. Sinabi ko kasi sa kanila na kapag sinamahan pa nila akong bumili ay mas lalong malalaman ng mga tao ang ugnayan ko sa mga ito. Masyado kasi silang complete suit parang mga detectives. Nakakairita.
Binilisan ko nalang ang pagbukas ko ng gate. Saka tumingin sa mga gwardiya wala itong reaction hindi sila ngumingiti o nagsasalita. Ang weird.
“Nandito na ako Aki,” nakangiting sambit ko bago ibinaba sa lamesa ang supot na dala ko. Walang sumasagot siguro ay mahimbing na ang tulog niya.
Nakita ko kasi ang I.D niya na palagi niyang iniiwas dito sa gilid ng cabinet. Palagi niya kasing suot ang I. D niya anumang mangyari. Estudyante talaga. Samantalang ako yung I.D ko palagi kong naiiwan. Sinusuot ko naman pero may nalagay na pictures ng mga k-pop. Kaya nasisita ako ng ibang guro kapag makikita ang suot kong ID.
Isa-isa koi tong inawas at inilagay sa refrigerator. Nilagay ko ang cap nuddles sa cabinet at mga delata na easy open can. Bumili din ako ng baboy at manok saka hindi mawawala ang favorite namin kinakain ang ice cream. Bahagya akong napatingin sa malaking oras na nakasabit sa pader kasama ng picture naming tatlo. Si Megan, A kirah at ako. Alas diyes na pala ng gabi kaya nagugutom na ako. Kumuha na lang ako ng cap nuddles sa cabinet at pinili ko ang ramen na maanghang. Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng tubig na mainit sa water refiller.
Pagkatapos kong kumain ng noodles ay itinapon ko na ito sa basurahan ay umakyat na sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa comfort room para magpalit ng damit pantulog.
Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng biglang..
Biglang
May nakita akong nakaitim na damit hanggang baba. Naestatwa ako sa kinatatyuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko may hawak siya na kutsilyo kaya mas lalo pa akong natakot dito. Wala siyang repleksiyon sa salamin pero ako meron. Napaurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko ng biglang..
Biglang umikot ang ulo nito kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng salarin. Nasa harapan ko siya ngayon. Nakangiti ito sa akin. Imposible na makatakas siya. Hindi nakatakas ang salarin sa kulungan. Si Jessica yung salarin na nasa harapan ko.
"Ikaw?"
"Bulaga namiss mo ba ako?" Tinanggal niya ang kaniyang maskara kaya mas lalo akong natakot sa kaniya. Nang dahil doon ay mabilis akong nakatakbo palabas ng comfort room. Bumaba ako para makahingi ng tulong sa mga gwardiya na nasa labas .
Nakita ko si Six na papasok sa pintuan kaya tumakbo ako papunta sa kaniya dahil sa takot ko sa salarin. Hindi siya nakatingin sa akin.
"Papasok na ako-" naputol ang sinabi niya ng hawakan ko siya sa braso.
"Six yung Jessica nasa kwarto." Nakatingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. Napakunot naman ang kaniyang makapal na kilay. "Anong nangyari bakit?" Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin ako ng biglang tumawa ang salarin na nasa itaas.
"Huh si Jessica?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Oo nasa cr yung salarin."
Nahihirapan akong huminga dahil sa takot ko sa salarin. Noong makita ko ang mukha niya may peklat siya sa mukha. Yun ang pumatay kay Stanley at kay Kitty. Naalala ko pa ang panlilisik ng kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Yung mga matang 'yon nagbigay ng takot sa akin. Napatingin ako kay Six na biglang nagbago ang reaksiyon niya at nakita ko ang kaharap ko na ay..
Kaharap ko na si-
Yung mukha niya nagbago..
Nakita ko na lang sa harapan ko ang mukha ng salarin. Kaya nabitawan ko ang hawak kong salamin sa kamay ko.
"Oh bakit gulat na gulat ka?" Nanlaki ang mata saka umupo dahil sa takot.
Marahan siyang humahakbang papalapit sa akin habang mabilis naman akong umaatras. Napaiyak ako ng maglabas siya ng kutsilyo. Nakangiti lamang siya sa akin at ang ngiting yun. Ngiting nakakatakot na ayaw mong makita. Dahil makikita mo sa kaniya ang mukha ng isang demonyo.
"Please nagmamakaawa ako 'wag mo akong papatayin." Gumagapang ako papalayo sa kaniya ayoko mahuli ako ng salarin. Napapikit na lamang ako dahil isang atras ko na lang ay semento na.
"A killer is always a killer." Narinig ko ang pagtawa niya ng sobrang lakas nakakatakot nakakataranta.
Umiisip ako ng bagay na maipanglalaban sa kaniya. Naisip ko ang binigay sa akin ni Maxine na regalo daw sa kaniya ni Supremo. Mas lalong kailangan ko ang bagay ito ngayon. Kinuha ko sa bulsa ko ang bente nuwebe isang kutsilyo. Kaya napatingin ako sa salarin. Saglit siyang napahinto at napangiti sa akin.
"Gusto mo bang makipag saksakan sa akin?" Tanong niya kaya nauna ako na saksakin siya pero nakailag siya. Siya naman ngayon ang naglabas ng kutsilyo.
Puro iwas ang ginawa ko at saksak. Maalam akong gumamit ng kutsilyo dahil tinuruan ako ni Maxine.
"Hindi sa lahat ng oras nandiyan ako para sayo, Kailangan mong lumaban dahil kung aatras ka sa laban mananatili kang talunan.."
Naalala ko ang sinabi niya sa akin bago niya ibigay ang kutsilyo sa akin. Maraming iba't ibang kutsilyo si Maxine dahil may isang koleksiyon siya ng mga ito. Ang sabi niya ay hindi na niya kailangan ng regalo dahil wala na ang nagbigay sa kaniya ng regalong yon kaya ibinigay na lamang niya sa akin ang kutsilyo. Naaalala niya kasi kung gaano siya kasaya nung buhay pa si Supremo. Tuwing nakikita niya ang kutsilyong regalo sa kaniya ni Six ay nadudurog ang puso niya.
Napaupo ang salarin ng mahiwa ko ang kaniyang braso. Narinig ko ang sunod-sunod na palahaw niya at pagmumura. Akma akong tatakbo palabas ng bigla niyang hinawakan ang paa ko saka hinigit kaya nawalan ako ng balanse. Nanlaki ang mata ko ng saksakin niya ang sa likod ng hita ko ng dalang beses. Napasigaw ako ng sobrang lakas na halos mapaihi ako sa sobrang hapdi.
"Tulong!" Sigaw ko na halos magkaawa na ako.
"Tulungan niyo ako.." Pilit kong mawala sa kaniya ng biglang tinusok niya pababa ng lkod ng hita ko gamit ang kutsilyo na labis na naglabas ng likido. Nakagat ko pa ang dila ko dahil sa sobrang sakit.
"Tama na ayoko na!" sigaw ko na halos manghina na ako.
"Pero gusto ko pa ng saksakan," natutuwa ito na parang bata na gustong gusto ang ginagawa niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko walang malay si Six dahil may pinaamoy sa kaniya ang salarin. Nakahiga siya sa sahig habang wala itong malay.Kailangan kong makagawa ng paraan. Para saan pa ang securities kung hindi din ako ililigtas nila mga put*ngina nila.
Gumilid ako para sipain siya ng malakas sa mukha. Kaya siya naman ngayon ang nakahiga. Ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya at may hawak ng kutsilyo. Akma ko siyang sasaksakin ng biglang inagaw sa akin ni Six ang kutsilyo para masaksak ang salarin.
Pero..
Nanlaki ang mata ko ng ako ang sinaksak niya at hindi ako salarin.
"Bakit Six?"
"Bakit ako Six?"
"Ikaw ang pumatay sa tatay ko at hindi si Jessica!" Sigaw niya sa akin kaya naluha ako. Anong sinasabi niya hindi ako ang pumatay kay Stanley. Hindi ko magagawang pumatay.
"Ano bang sinasabi mo Six?"