Chapter 29: The truth untold

1865 Words
Chapter 29 Akirah Person POV   Katahimikan ang nabalot sa loob ng paaralan. Ang lahat ng mukah namin ay hindi maipinta dahil sa nangyari sa aming nung kabilang araw. Halos walang nagsasalita sa amin kahit ang aming pinaka-madaldal na kaklase si Megan. Sabi daw darating ngayon ang magiging bagong teacher namin at kapatid ito ni Stanley. Tumingin ako sa mga sa isang kaklase ko na kinuha ang kaniyang bag upang umalis na. Takot na takot ang kaniyang mukha habang nakatingin sa kung saan.   “Oh Jinx saan ka pupunta?” Tanong ni Kyung sa kaniya pero iling nalang ang sagot nito sa kaniya.   Hindi makapag-salita si Jinx dahil sa nangyari matalik na kaibigan niya si Supremo kaya hindi niya matanggap ang nangyari sa kaibigan niya.   “I have to go, Mag dadrop-out na ako,” sagot niya na hindi makatingin kay Kyung.   Hinila ito ni Kyung pero hindi nagpatinag si Jinx. Namutla pa si Kyung ng lumalim ang boses ni Jinx kahit babae ito. Patapon na tumingin sa amin si Jinx kasama ang masamang tingin. Kinilabutan ako ng tumingin sa akin ng masama si Jinx. Hanggang pag-alis ay sobrang sama parin ng tingin niya na para bang ako ang pumatay sa kaibigan niya.   “Hoy habulin niyo si Jinx,” utos ni Six sa mga ito kaya nagmadali sina Kiro, Even at Mikmik para habulin si Jinx. Natuon ang atensyon namin ng biglang magsalita si Maxine sa harap namin at dala-dala ang tatlo. Si Kiro, Even at Mikmik. “Kung gustong umalis ng tao hayaan niyo buhay niya yun e,” ngiting saad nito sa amin.   Agad namang nilapitan ni Six si Maxine. “Ano bang pumapasok sa isip mo Maxine at bakit mo hahayaang mag-drop-out si Jinx?” Akusang tanong ni Six sa kaniya.   “She told me last night na magda-drop-out siya dahil sa school natin na puno ng kababalaghan,” walang emosyong wika nito kaya kumunot ang noo ni Six.   “Puno ng kababalaghan, That’s an accident, Kayo alam niyo ba kung paano sila namatay?” Tanong niya sa amin.   Umiling lang kaming lahat na halos hindi kami makapag-salita. “So better respect someone decision,”  sagot nito sa amin. Iniwan ni Maxine na tulala si Six kahit ang tatlong magkakaibigan na si Even, Mikmik at Kiro. Sa galit ni Six ay nasuntok niya ang desk ng isa naming kaklase na halos mayupi dahil sa lakas ng suntok nito. Puro mura ang lumalabas sa bibig ni Six  na parang hindi mo makakain dahil sa lutong nito.   “Lahat ng may gustong umalis sa paaralang ito nakabukas ang pinto para umalis kayo,” ngiting saad ni Maxine sa mga kaklase ko. Habang binubuksan ang pinto ng classroom namin.   “Maxine can you please shot up?”  Sigaw ni Six sa kaniya na halos mainis dahil sa sinabi nito. Maxine smirk and wicked smile. Lahat ng mga kaklase ko ay tumango kahit sina Claire. Aalis sila dahil may namatay sa school namin? How immatured mind.   “Eh kung gusto nilang umalis sa paaralang ito magagawa mo pa bang humindi,” ngisi ng sagot. Pumay-awang si Maxine at nmakita namin ang galit na namumutawi sa magkabilang panig.   “If they stay that’s good and if they don’t stay we should respect them, Am I right?” dagdag pa ni Maxine sa kaniya.   Tumingin naman ako kay Megan na nakahanda na ang gamit sap ag-alis. Kumunot ang noo ko. “Megan aalis ka?” Tamong ko sa kaniya na agad niyang ikinagulat at tumingin sa akin.   “Oo,” tipid niyang sagot. Ibinababa niya ang school lase niya at tumingin sa akin. “Sasama kaba sa akin?” Tanong niya kaya napaisip ako.   Kung sasama ako sa kaniya panibago na naman na school panibago na naman na kakilala. Tyaka mura ang tuition fee dito sa White vale University umaabot ng 500,000 pero kapag scholar ka libre ang tuition fee niyo. Isa pa mataas ang potensiyal namin na matupad ang pangarap namin kahit ang iba ay hindi grumaduate. Sabi kasi ng nag-aral dito at mga nakatapos o hindi ang trabaho na ang lalapit sayo. Kadalasan ang White Vale pa ang nagiging number 1 sa lahat ng University dahil sa mataas na turo ng eskwelahang ito.   “Oo na hindi?” kumplekadong sagot ko.   “Kung aalis ka sasama rin ako-“ naputol ang sinabi ni Megan ng magsalita si Maxine.   “At anong tingin niyo ah kapag ba umalis kayo sa eskwelahang ito may tatanggap paba sa inyo na ibang paaralan!” Sigaw ni Maxine sa aming lahat.   Wala ng tatanggap sa aming paaralan kahit mga publiko o pribado. “Wala,” mahinang sagot ni Six kay Maxine kahit ang iba na nagtatangkang umalis ay hindi na tumuloy.   “Nasaan na yung pangako niyo kay Papa kay Prof. Stanley na magtatapos kayo ng pag-aaral?” Tanong ni Six sa aming lahat.   Naalala ko yung record ni Claire habang kasama nila si Stanley sa huling sandali ang sabi nila rito ay magtatapos kami ng pag-aaral at ang magsasabit sa amin ng medalya ay si Prof. Stanley. Naluha ako ng maalala ko ang bagay na’yon. Hinaplos ko ang porselas na bigay niya sa akin nakalagay doon ang apelido kong Guerero.   “Hindi ba dapat ngayon niyo sikapin na makatapos kayo ng pag-aaral tapos aalis kayo,” dagdag ni Six sa amin.   Tumahimik ang lahat kahit si Maxine ay napatahimik ni Six. Dahil tama naman ang sinabi nito kung aalis kami hindi na kami makakapag-aral pa. Kahit ano pang gawing mong suhol sa mga may ari ng paaralan para papasukin ka ay hindi ito gagana.   “Kung yan ang magpapasaya sa inyo,”  sagot ni Maxine sa aming lahat.   Normal naman ang naging klase namin para ngang walang nangyari dahil sab ago namin teacher at kamukhang kamukha siya ni Prof. Stanley. Yun ang nakakagulat sa lahat. Ang pangalan ng bago naming teacher ay si Robbie. Mukha siyang kaedaran lang namin kaya naging masaya naman kahit papaano ang turo niya sa amin. Nandito ako ngayon sa isang pasilyo papunta sa library kasama ko ang tatlo kong kaibigan si Six, Megan at Maxine. May kailangan lang kaming hanapin sa building na ito na lumang libro daw’ ng mga nakagraduate.   “Seryoso ba talaga kayo sa pupuntahan natin nilalamok na ako e,” inis na sabi ni Megan kay Six.   Kanina pa kasi siya pumapalakpak dahil sa maraming lamok. Pasado alas dyes na ng gabi at dapat umuuwi na kami sa aming dorm pero mas pinili namin na kami ang lumutas ng nangyayari sapaaralang ito.   “Kung gusto mong bumalik andyan ang daan pabalik,” sagot ni Maxine sa kaniya at itinuro ang madilim na pasilyo na patay-sindi ang ilaw.   Agad namang umiling sa kaniya si Megan. “Ayoko ko nga,” masungit nitong apura.   Narinig ko pang nagbuga ng mainit na hangi si Maxine kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Isa kasi si pinakakatakutan niya ang lobo kaya mamaya maya magtatago nay an sa likod ni Six.   “Hala Maxine,” pananakot pa ni Megan kay Maxine.   Hindi nagsasalita si Maxine takot na takot na siguro siya sa malaking lobo. Kinakatakutan niya rin ang payaso.   “Uwi na tayo bakit kasi gabi pa napili niyong puntiryahin,” nanginginig nitong wika sa amin kaya klaming talo ay nagtawanan.   “Ikaw kaya ang nag-aya sa amin,” sabat ni Six na seryoso sa daan. Kahit ako din naman gusto ko rin bumalik masama talaga ang kutob ko parang may mangyayari sa aming masama kapag tumuloy pa kami.   “Ano kaya guys kung hindi na lang tayo tumuloy may masama akong nararamdaman eh,” ani ko.   Tumingin sila sa akin at tumango mas mabuti pa siguro kung hindi na lang kami tumuloy baka kasi kung ano ang mangyari sa amin. Parehas kaming tumingin sa di kalayuan ng makatanaw kami ng pulang ilaw.   “Guys may pulang ilaw sa likod ano sa tingin niyo yun?” Tanong ko sa kanila.   Nagagalit ang ilaw na ‘yon na kapag humakbang kami papunta sa kaniya ay mas lalo pa itong lumalaki. “Sabi ko naman sa inyo h’wag na tayong tumuloy eh, Kapag tayo namatay kapag ‘yan lobo kayo talaga ipapakain ko d’yan,” galit na apura ni Maxine na may halong takot.   “Aba ikaw nagdala sa amin dito ikaw na!” duro ni Six pero umiling lamang si Maxine sa kaniya.   Lumunok ako ng laway kahit mahirap. Tahimik kong hinawakan ang lupa upang alamin kung ano ang nasa daan namin. “Akirah nasaan kana?” Takot na tanong ni Megan.   Pumikit ako upang tingnang ito ng aking mata. Nakakaramdam kasi ako na parang may masamang mangyayari sa amin. Nakikita ko sa pangitain ko na may dalawang nakarobang itim ang may hawak ng palakol at ang isa ay may hawak na martirlyo. “H’wag kayong sisisgaw,”  paalala ko sa kanila. Kaya napunta ang atensyon ko sa kanila.   “And’yan ka lang pala sa likod ko,” malakas na sabi ni Megan.   Kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko sa pangitain ang mabilis na pagbato ng malaking palakol papunta sa likod ni Six. “Six ilag!” sigaw ko. Hinila ko siya dahil siya ang puntirya ng mga salarin muntikan na siyang masaksak na lumilipad na palakol.         •Third Person's POV•   Ang totoong nangyari..   Mag isang pumasok ang dalaga sa loob ng cubicle kahit napupundi ang mga ilaw roon ay tinahak niya parin ito dahil sa kaniyang nanakit na pantog. Nagtitiis lamang siya kanina pa ng ihiin dahil takot siyang umihi ng mag-isa pero kinaya niya ito ng mag isa tinatagan niya lamang ang kanoyang loob at pumasok sa loob ng C.R.   “Walang multo,” asik niya sa kaniyang sarili.   Pagkahubad niya ng kaniyang palda ay mabilis siyang umupo ay inilabas ang kaniyang sama ng loob na kanina niya pa tinatago.   Nagbuga siya ng mainit na hangin matapos nilabas ang kaniyang sama ng loob. Hinawi niya ang kaniyang mahabang buhok at patuloy ito sa pagbuntong hininga. May perpektong buhay ang babae kumpara sa ibang mga estudyante. Maraming kaibigan ito dahil sa kaniyang maamong mukha, Isa siya sa mga tinatangkilik ng mga maraming tao bukod sa pagiging mahinhin ito ay malambing at mapagmahal siya sa kahit sino.   wush*   Napalaki agad ang mata ng dalaga dahil sa kaluskos ng kung sino. Ang alam niya ay walang iba na naroon sa loob kung hindi siya lamang mag-isa. Mag-isa lamang ba talaga siya? O may kasama siya.   Marahan niyang tinakpan ang kaniyang bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Pinipigilan niyang hindi huminga dahil sa kaba niya sa kung sino man ang nasa labas. Naiisip niya na parang hinihintay na siya ng kamatayan na lumabas mismo sa kaniyang lungga...   Napasigaw siya dahil sa malakas na pagbagsak ng itak sa sahig at napunta sa kaniya ito kaya napalabas siya sa loob dahil sa takot sa itak. Napatingin siya sa kung saan-saan pero walang tao na naroon maliban sa—   Maliban sa—   Napatingin siya sa harapan ng salamin at nakita niya ang...   Anong nakita niya?   Sino ang nakita niya?   May hawak ng bote ng asido?   Naka-itik at may hawak na manika.   “Kamusta?” nanlaki ang mata niya dahil sa nakita niya buhay na buhay ang nasa harapan niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD