Chapter 30: Untold Dos

2235 Words
•Third Person's POV•   Ang totoong nangyari..   Mag isang pumasok ang dalaga sa loob ng cubicle kahit napupundi ang mga ilaw roon ay tinahak niya parin ito dahil sa kaniyang nanakit na pantog. Nagtitiis lamang siya kanina pa ng ihiin dahil takot siyang umihi ng mag-isa pero kinaya niya ito ng mag isa tinatagan niya lamang ang kanoyang loob at pumasok sa loob ng C.R.   “Walang multo,” asik niya sa kaniyang sarili.   Pagkahubad niya ng kaniyang palda ay mabilis siyang umupo ay inilabas ang kaniyang sama ng loob na kanina niya pa tinatago.   Nagbuga siya ng mainit na hangin matapos nilabas ang kaniyang sama ng loob. Hinawi niya ang kaniyang mahabang buhok at patuloy ito sa pagbuntong hininga. May perpektong buhay ang babae kumpara sa ibang mga estudyante. Maraming kaibigan ito dahil sa kaniyang maamong mukha, Isa siya sa mga tinatangkilik ng mga maraming tao bukod sa pagiging mahinhin ito ay malambing at mapagmahal siya sa kahit sino.   wush*   Napalaki agad ang mata ng dalaga dahil sa kaluskos ng kung sino. Ang alam niya ay walang iba na naroon sa loob kung hindi siya lamang mag-isa. Mag-isa lamang ba talaga siya? O may kasama siya.   Marahan niyang tinakpan ang kaniyang bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Pinipigilan niyang hindi huminga dahil sa kaba niya sa kung sino man ang nasa labas. Naiisip niya na parang hinihintay na siya ng kamatayan na lumabas mismo sa kaniyang lungga...   Napasigaw siya dahil sa malakas na pagbagsak ng itak sa sahig at napunta sa kaniya ito kaya napalabas siya sa loob dahil sa takot sa itak. Napatingin siya sa kung saan-saan pero walang tao na naroon maliban sa—   Maliban sa—   Napatingin siya sa harapan ng salamin at nakita niya ang...   Anong nakita niya?   Sino ang nakita niya?   May hawak ng bote ng asido?   Naka-itik at may hawak na manika.   “Kamusta?” nanlaki ang mata niya dahil sa nakita niya buhay na buhay ang nasa harapan niya.   Akala niya ay patay na ito dahil sa pagsabog sa kanilang barko noon. Halos maihi siya sa takot dahil nasa harap niya ang babaeng kapatid niya noon na palaging hawak ang kaniyang munting manika na walang mata. Mabilis niya itong niyakap at umiyak.   “Ate!” humagulgol siya.   Wala siyang pakialam kung multo ba o kung anumang uring nilalang ang nasa harapan niya ang mahalaga ay buhay ang kaniyang kapatid. Wala paring kibo ang dalaga sa kaniya ni hindi ito yumakap pabalik o humalik manlang sa kaniyang pisngi.   “Kamusta kana?” nangungusap ang kaniyang namumugtong mga mata sa kaniyang mukha.   “Ayos lang ako,” walang emosyong sagot nito   Umiyak ang may hawak ng manikang walang mata. Mahinang tinulak siya nito dahil hindi siya makahinga. Napailing siya ng hinawi niya ng babae ang telang manipis sa kaniyang mukha.   “Anong nangyari sa mukha mo,” tanong niya rito na mapaupo dahil sa takot.   Bumuntong hininga ang babae na may hawak ng manika at ngumiti siya ng pilit sa dalaga.   “Sinunog ninyo ako nakalimutan ninyo ba?” may galit ang kaniyang tono sa pananalita may halong hinanakit ng damdamin.   Sariwa pa sa kaniyang isipan ang lahat hindi siya pumayag na sunugin ang kaniyang kapatid pero kung tutol siya ay isasama siyang susunugin kasama ng kaniyang kapatid.   “Ate, sa tingin mo ba ginusto kong sunugin ka nila?” tumayo siya at dinuro niya ang kaniyang kapatid.   Hindi naman talaga niya  ginusto ang mamatay ang kapatid niya. Kahit pa napaka-sama nito sa kaniya. Minsan nang naaphamak siya dahil sa kaniyang panganay na kapatid. Ilang beses siyang iniwan nito sa kung saan sa gubat, Sementeryo o kahit kahit saan pa man.   “Oo ginusto mo 'yon”   “Ate hindi ko gulinusto ang nangyari sa'yo,”   “Bakit hindi ka sa akin sumabay sa kamatayan?”   Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng kaniyang ate. Paulit-ulit ito sa kaniyang isipan hanggang sa mainisi siya sa kaniyang kapatid.   “Ate ano bang nagyayari sa'yo?”   “Walang masamang nnagyayari sa akin,” ngumisi pa siya.   “Gusto kong gayahin ang mukha mo,” utos niya sa kaniyang kapatid.   Natulala siya sa sinabi nito pero kailangan niya mailigtas muna ang kaniyang sarili.   “Ayoko ate,” lumuhod siya rito ngunit mabilis na tumawa ang babae sa kaniya.   May hawak na kung anong bagay siya  na nakakasira ng mukha. Para siyang bato na hindi alam kung paano o ano ang kaniyang gagawin para malabanan ang takot.   “Ayaw mo?” tanong nito   “Ayaw mo ba talga?” umiling parin siy.   “Ayaw ko ate,”   Pagkatapos niyang tumanggi sa inalok ng kaniyang kapatid ay kinuha niya ng asidong puno sa lagayan. Anumang oras ay pwedeng kunin at gawin ang kaniyang sariling mukha.   Akmang itatapom niya ang puting bote sa kaniyang mukha ngunit mabilis ang  kilos niya kaya mas lalong naging agresibo ito kaysa sa kaniya.   “It's a prank,” pagsisinungaling nito sa kaniyang nakakabatang kapatid.   “Heto ang hindi na,”   Nagulat siya ng akmang itatapon sa kaniyang muha ang asido kaya nagsisigaw agad siya.   “Tulong!” makailang ulit siyang kumatok sa pintuan ngunit nahila ng at ang kaniyang mahabang buhok.   “At saan mo balak pumunta?”   “Anong akala mo makakatakas ka dito ng hindi ko nakukuha ang gusto ko?” mas lalo siyang natakot ng hiwain siya sa likod.   Mabilis na umagos ang napakaraming dugo sa kaniyang likod na nagmitsa para mahilo ang dalaga.   Napaupo siya dahil sa hapdi ng pagkakahiwa sa kaniyang likod nahihilo rin ito. May naisip ang babae na hindi alam ng kapatid niyang panganay. Nagpanggap itong patay ngunit ang totoo ay hindi naman talaga. Kanina pa niya pinagmamasdan ang asido na nasa tabi malapit sa kaniya. Kapag tumalikod ang ate niya ay mag uupisa na ang kaniyang plano.   Gaya ng nasaisip niya ay tumalikod ito dahan-dahan siyang tumayo at tinapon sa mukha ng kaniyang ate ang asido ngunit nasaksak siya ng kaniyang kapatid sa tiyan na nagmitsa ng pagsusuka niya.   “HAYOP KA!”   “MAMATAY KANA!”   “AAAHHHHHH!”   “TANGIN* MO KA!”   Humihiyaw ang kaniyang panganay na kapatid sa sakit ng asido sa kaniyang mukha halos matanggal ang balat at sugat sa mukha ng kaniyang kapatid. Lomolobo ito at sumisirit ang dugo sa kaniyang mukha nasunog din ang buhok niya.   Mabilis niyang kinuha ang itak na nasa sahig kahit puro dugo ang kaniyang katawan  bumwelo siya at sinimulang sirain ang pintuan. Sa una hindi nasira ang pinto, sumubok ulit siya sa ikalawang beses at nagkaroon ng maliit na butas ang pinto.   Heto na kaunti na lang...   Akma niyang hahampasin ang pintuan pero pinaharap siya ng kaniyang kapatid at sinapak napahiga siya sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ng babae. Kinaladkad niya ito gamit ang buhok ng dalaga halos maiyak ito sa sobrang sakit, mas lalo pa itong nasaktan tapakan siya ng  5 inch na heels ang kaniyang tiyan na kanina ay hiniwa ng kaniyang kapatid.   “ATE TAMA NA!” hiyaw niya sa kaniyang kapatid na tuwang-tuwa na pahirapan siya.   Ang daming sumirit na dugo sa kaniyang tiyan na nagmitsa lalong pagdurugo nito. Mas lalo pang diniin ng babae ang kaniyang mataas na heels sa kaniyang nagmamakaawang kapatid na walang humpay ang pagpalahaw sa sobrang sakit.   “Nagsisimula pa lang ako ayaw muna agad?” tumawa ito.   “Demonyo kana!”   “Anong sabi mo?”   “ANAK KA NG DEMONYO!” sigaw niya ulit rito.   “Buti alam mo,” ngumisi ito na parang demonyo.                                     PAGKARATING sa bahay ni Lhiezel nanibago siya sa mga pangyayari. Their both parents was thinking deeply, Ano kayang iniisip   “Papa anong ginagawa mo?”   Nakikita ni Lhiezel na balisa ang kaniyang ama sa kaka-empake ng mga damit. Hindi siya sinagot ng kaniyang ama bagkus nagpatuloy lamang ito sa pag eempake.   “Ma!” tawag niya sa kaniyang ina.   Naguguluhan siya sa ginagawa ng kaniyang ama habang ang kaniyang ina ay nababalisa rin at nakatulala sa kawalan. Ganun rin ang ginawa kaniyang ama hindi siya rin pinansin ng kaniyang ina.   Pagalit niyang binagsak ang bag sa sofa kaya nakuha niya ang atens'yon ng kaniyang ina. Pero tumingin ulit ito sa kawalan.   “Ma-pa, ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa, please lang kausapin niyo ako,” naiinis siyang lumingon sa dalawa.   Nagbuntong hininga na lamang ang kaniyang ina at itinuro ng kaniyang ina ang ama nito.   “Papa!”   Hindi na niya napigilan na puntahan ang kaniyang ama naghihintay siya ng sagot nito. Dahil sa sinabi sa sinabi ni Akirah na babala ay nabalisa ito at naniwala. Hindi niya kilala ito ngunit sa aplagay niya ay totoo ang sinasabi nito. Nakatanggap kasi ang tatay niya ng isang Death Threat kamakaylan lang. Pagkatapos kausapin siyang kausapin ni Akirah ay dali-dali siyang pumunta sa opisina ng kaniyang Boss upang manghingi  ng Leave ng isang linggo. Pumayag naman ang kaniyang boss kaya umuwi na siya, palinga-linga ito habang naglalakad dahil sa sinabi ni Akirah. Nasabihan pa nga siyang 'baliw' dahil sa nababalisa siya habang sumasakay sa bus. Pagkarating niya sa kaniyang bahay ay agad na sumalubong ang kaniyang misis. Sinabi niya rito na lilipat sila nang bahay.   “Papa ano po ba kasing nangyari?”   Panay lang ang pagbuntong hininga ni Fabio ang ama ni Lhiezel. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Akirah. Ang gusto niya lamang ay makaalis at malayo sa panganib.   Nagitla si Lhiezel ng hinawakan siya magkabilang balikat, balisang nakatingin si Fabio sa kaniya bumuntong hininga siya bago magsalita.   Heto na..   Sabay silang napatingin sa orasan dahil tumunog itong pagkalakas-lakas.   May sunod-sunod na putok ng b***l ang kanilang narinig.   “YUKO ANAK!” sigaw ni Fabio sa kaniyang anak.   Napaka-bilis ng pangyayari dahil sunod-sunod na malakas na putok ng b***l. Hindi napigilang maiyak ni Lhiezel dahil sa takot niya sa mga putok ng b***l na tumatagod sa kanilang mga pader. Animo'y kapag natamaan ka ng bala ng b***l ay wala ka nang pag-asang mabuhay.   Napalingon ang mag-ama dahil tumayo si Etel ang ina ni Lhiezel pupunta ito sa kinaroroonan ng kaniyang anak. Galit na sumigaw si Fabio dahil sa kapangahasan nito.   “H'WAG!!”   Parehas silang natulala dahil mabilis na sunod-sunod na putok ng b***l ang natamo ng asawa ni Fabio. Mabilis na hinawakan ng kaniyang ina ang kamay ni Lhiezel. Pilit na ngumingiti ito sa kaniyang anak. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng kaniyang anak habang may bahid ng dugo ang kaniyang mga kamay.   “MAMA!”   “PAPA!”   “ETEL ASAWA KO!”   Gustong lumapit ni Fabio sa kaniyang asawa ngunit may tama rin siya ng b***l sa hita.   “Mama, bakit mo ginawa 'yon,”   Naluluha siyang tumingin sa kaniyang anak. Mas lalo pang napaiyak si Lhiezel ng sumuka ng dugo ang kaniyang ina dahil sa tama ulit ng b***l.   “M-mahal kita kaya ko nagawa ang bagay na 'yon,”   Pinahid ng kaniyang ina ang luha na pumapatak sa kaniyang anak. Ngumiti ito at umiling.   “Mahal na mahal kita anak,” hinawakan ulit ni Etel ang mukha ng kaniyang anak.   “UMALIS KANA ANAK!”   Sigaw ng kaniyang ama na duguan dahil sa natamong putok ng b***l sa kaniyang katawan.   “Papa!”   “Umalis kana Lhiezel, h'wag matigas ang ulo!” sigaw ng kaniyang ama na namimilipit sa sakit.   “Sundin m-mo ang tatay mo anak,”   Umiling siya at galit na sinuntok ang sahig. Nagdulot 'yon ng mabilis na pag-agos ng dugo mula sa kaniyang kamao.   “Mama,”   “Ililigtas ko kayo—Mama,”   Mariin na pinisil ng kaniyang ina ang kamay ni Lhiezel. Mahal nila ang kanilang anak ng higit pa sa buhay nila. Ganun ang magulang handa nilang ibuwis ang buhay nila para sa kanilaang anak. a   “Mama h'wag kang matutulog!”   “MAMA!”   “Umalis kana anak iligtas mo nag sarili mo,” tinulak siya ng kaniyang ina palayo sa kaniya.   “Mama!”   “Mahal kita Anak!” bulong ng kaniyang ina na agad namang narinig niya.   “Mahal din kita, Mama!” tuluyan nang umagos ang luha niya ng pumikit na ang mga mata ng kaniyang ina.   “Mama h'wag mo akong iwan!” pagmamakaawa niya sa kaniyang ina.   “MAMA!”   Tumigil siya sa pag-iyak ng may bumaril sa kaniyang braso. Napaupo siya dahil sa takot halos mapaihi siya sa kaniyang salawal dahil ang rumagasa ang napakaraming dugo sa braso. Nagulat siya ng mayhumila sa kaniyang braso palayo sa bahay nila.   “Si Mama—Si Papa!” akma siyang babalik ngunit pinigilan siya nito. Itinulak lamang siya ng nakaitim na Jacket habang nakatungo.   Hindi nagpapakita ang ng mukha ang nakaitim na Jacket. Bukod sa ayaw siyang makita nito o malaman ang ngalan nito ay mas mabuting itago niya ang kaniyang pagkatao.   Umiiyak ito na parang bata kaya  sinampal siya ng nakajacket nang itim. Kaya tuluyan bumagsak si Lhiezel dahil sa malakas na sampal nito sa kaniyang mukha. Mabilis ito ikinawala ng ulirat niya.   Pinasan niya ang babae sa kaniyang balikat habang sumisipol. Nagtataka ang nakajacket na itim at hindi ito mabigat pero hindi na niya ito inisip at dinala sa isang madilim na bahay ang kuta ng mga salarin.   “Matutuwa si Uno kapag nahanap kita,”   Sa lahat siguro ng nabigyan ng candy ay siya ang pinaka masaya sa lahat ng bata. Dahil kapag uwi niya ay may makukuha siyang premyo sa kaniyang amo—Walan iba kun'di si Uno bente Kwatro...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD