Six Point of View
"Saan tayo pupunta?" Tanong sa akin ni Akirah kaya kumunot agad ang noo ko.
Malamang iaalis ko siya sa kamay ni Tita Rose. Ano pa banag gusto niyang gawin ang pabayaan lang siya doon ng mag-isa? Hindi ako makakapayag.
"Ilalayo kita dito malamang." Tumingin lang ako kay Maxine na todo ang paliwanag sa mga ito.
Alam kong kaya ni Maxine na pakiusapan ito. Dahil matalino si Maxine marami siyang nabibilog sa malalambing niyang mga salita.
"Paano si Maxine?" Tanong niya ulit sa akin kaya hinatay ko na lang siya palayo at hindi na nagsalita pa.
Isang daldal pa talaga nito kakaltukan ko na talga o bubuhatin ko siya at itatapon sa putikan. Ang ingay mo Akirah sa totoo lang. Napatingin ulit ako sa malayo ng makita ko nagkakagulo parin sa quadrangle. May dumating na mga pulis at nakasalubong ko lang si Papa. Hindi ko siya pinansin kahit nagkatinginan kaming dalawa. Mata sa mata.
"Kaya na niya ang sarili niya may tiwala ako sa kaniya." Hinila ko ang braso niya at tumakbo papalayo sa quadrangle.
Wala siyang magawa kun'di sumunod na lamang sa akin habang tumakbo. Tumatakbo rin siya. Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba o kung anuman ang naririnig ko. Basta ang alam ko lang walang kasalanan si Akirah. Hindi siya ang may gawa ng krimen at aksidente lang ang lahat ng nangyari. Hindi namin ito kagustuhan. Walang may gustong mangyari ito sa amin. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa makaabot kami sa mataas na hagdan papunta sa elevator.
"Naniniwala ka diba Six na hindi ko magagawa ang bagay na binibintang nila sa akin?" Huminto ako ng binitawan niya kamay ko sa braso niya.
Marahan akong tumingin sa kaniya sa malungkot niyang mga mata na sinisisi ang lahat-lahat ng nangyayari sa kaniya. Nababasa ko sa kaniyang mata na hindi siya nakakapante dahil may mali siyang ginawa?
Wala siyang maling ginagawa..
"Naniniwala ako sayo wala kang ginagawang masama at hindi ikaw ang pumatay aksidente ang lahat okey?" Nilapitan ko siya saka hinawakan ang kaniyang pisngi ng mariin.
Pagkatapos non ay niyakap ko siya ng mahigpit at sumakay kami sa Elevator.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Six sabay binigyan niya ako ng tubig.
Marahan kong pinunasan ang aking namumuong luha sa aking namumugtong mga mata. Inabot ko ang binigay niyang tubig. Nasa rooftop kami ngayon ni Six dahil gusto ko munang makapag-isip ng tama. Ininom ko ang ibinigay niya sa akin na tubig nangalahati ang tubig dahil sa uhaw ko rito. Iniinda ko parin talaga ang masakit kong likod dahil sa pagpalo ng salarin.
“Oo,” tumango ako na kahit hindi naman talaga ako ayos.
“Ang daming nangyari ngayon buwan na ito ano?” tumingin ako sa kaniya habang umiinom siya ng tubig.
Napakasakit ng nangyari sa aming lahat. Namatayan kami ng isang kaklase. Si Supremo na matalik kong kaibigan. Napakasakit ng nangyari sa amin. Si Maxine nasa hospital kasama sina Megan at Stanley.
“Nakatadhana na ang lahat wala tayong magagawa kun’di makiraan na lamang.” Kinuha niya ang bote ko saka inilapag sa lamesa.
“Kailan nga pala ibuburol si Supremo?” Tanong ko saka huminga ng malalim.
Nakaramdam ako na parang may kirot sa puso ko. Naalala ko na naman si Supremo kung gaano siya kakwela. Kung gaano siya kasaya kapag kasama ko siya. Paano niya nagawa na magsuicide? Bakit niya ginawa ang bagay na yon? Ano ang dahilan niya para patayin niya ang sarili niya?
Parang may mali talaga dito..
“Sa biyernes,” sagot niya.
“Tyaka wala namang pasok sa biyernes,” Dagdag niya
“Sino may sabi?” Tanong ko sa kaniya.
“Si Maam Nami excuse ang pilot section..” Nagbuga siya ng hangin at tumingin sa langit.
Gusto kong ipakita sa kaniya na malakas ako upang hindi na siya mangamba pa. Si Six kasi ay isa sa mga mabubuti kong kaibigan dati pa, para ko na nga siyang tunay na kapatid kung titignan kami ng maayos at walang malisya. Napatingin ako sa kaniya at sinuri ang kaniyang katawan, napailing ako nang makita kong may malaking benda siya sa kaliwang braso. Mabilis niya itong itinago ng makita ko ang kaniyang braso.
“Ano 'yan?”
“Bakit may benda ang kaniyang braso?” Tanong ko sa sarili ko.
Alam kong hindi na siya komportable sa aming sitwasyon dahil nahihiya na siyang tumingin sa akin. Kaya sa sobrang pag-aalala ko ay wala na akong gatol na kumprontahin siya.
“Anong nangyari diyan sa braso mo?” nguso sa kaliwa niyang braso. Marahas lang siyang umiling at inilagay pa sa likod ang kaniyang kaliwang kamay kahit nakita ko naman talaga ito.
“Wala to h'wag mo nang intindihin pa,” pagsisinungaling niya.
Napataas ang kilay ko dahil pinag-sisinungalingan niya ako alam ko kasi kapag nagsisinungaling siya hindi siya sa akin tumingin ng diretso may tinatago siya at hindi niya ako mapipigilan na alamin ko ito.
“Anong wala ka dyan patingin nga kasi,” naiinis kong wika sa kaniya.
Patuloy parin siya sa pag-iling dahil ayaw niya nga sa akin ipakita kung ano ba ang mayroon sa ilalim ng benda. Malakas talaga ang kutob ko na hindi lang basta sugat ang kaniyang natamo kundi isang Malaki at malalim na sugat dahil sa benda na sobrang kapal.
“Wala nga ito kaunting katangahan lang,” humalakhak siya kaya inirapan ko siya.
“Anong kaunting katangahan lang eh ang kapal-kapal ng benda mo,” protesta ko.
“Patingin nga sabi,” sumeryoso na ang mukha ko dahil ayoko talaga sa lahat ang binibiro ako.
“Oo na ito na ohh.” Inilahad niya sa akin ang kaliwa niyang braso.
Umiling na lamang ako at tinignan ko ito nang maigi. Ang kapal talaga ng benda niya na parang sinimento ang kaniyang kaliwang braso dahil sa pagkakagawa nito.
“Senimento ito?” Maawtoridad kong tanong.
“Hindi,” mabilis niya sagot
“Bakit sobrang kapal nito?” tanong ko pa ulit.
“Malay ko sa Doktor,” nalaglag ang panga ko dahil sa sagot niya ayan na naman siya umiiral na naman ang pagiging pilosopo niya.
Naisip ko agad si Professor Stanley na palagi niyang sinasagot ng pabalang dahil sa matapang na ugali nito. Sabi niya kasi sa akin dati na binagsak raw kuno siya dati dahil umabsent lang daw siya ng dalawang lingo dahil nagkabulutong siya. Nag-take naman daw siya ng exam pero binagsak parin siya ni Prof. Natatawa ako minsan kasi palagi niya yon sa akin kinikwento dahil sobrang baba raw magbigay ni Prof. puro daw tres kasi ang nakukuha niya kaya minsan wala na siyang ganang mag-aral dahil rito. Umiiyak pa nga siya habang pumupunta sa bahay naming kasi ang baba niya sa subject na gusto niya. Kaya doon nabuo ang Acronym niya kay Prof Stanley, Prof, Crocodile.
“Gusto mong doblehin ko ang benda mo?” mahigpit kong hinawakan ang water bottle at akmang ihahampas sa kaniyang kaliwang braso.
Agad naman siyang napatayo dahil sa takot sa hawak ko alam ko kasing masakit kung hahampasin ko siya tubigan kaya mas mainam na umilag siya. Natatawa naman ako habang nakaupo sa Monoblock malapit sa kinatatayuan niya.
“HAHA-AKA-HAHA AKALA MO ITUTULOY KO,” natatawa parin ako dahil nakita ko sa kaniyang mukha na sobrang pagkatakot sa akin.
“Akala ko talaga itutuloy muna, Pinagpawisan ako dun huh,” kunwari niya pang hinawi ang kaniyang noo na mayroon na bahid ng pawis.
“Gusto mo ituloy ko?”
“Gagi,” inirapan ko lang siya.
Nag-sink in tuloy sa akin ang huling sinabi sa akin ni Prof bago siya tuluyang mawalan ng malay. Tinignan ko pa ang bracelet na ibinigay sa akin ni Prof. ang sabi niya sa akin daw talaga ito. Nalilito ako sa kaniya dahil tinatawag niya akong anak kahit hindi naman talaga. Paano niya ako magiging anak? Wala naman akong ama na sobrang sungit tyaka kung anak ako ni Prof? Paano niya nasabing anak niya ako samantalang mayroon naman talaga akong pamilya at isa ako sa pamilya ng mga Guerero. Ang lakas talaga ng saltik ng Prof. talo niya pa ang best aktor sa Philippine Drama. Pero sa kabila noon naaawa parin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinapit, Oo naging pasaway rin akong estudyante pero hindiko trinatong malayo pa sa pamilya ko ang mga guro para sa akin sila ang tumatayong pangalawang magulang ko. Hindi ko masasabing masaya ang pamilya dahil sa madilim na nakaraan na sinapit ko. Hanggang ngyaon hindi ko parin napapatawad ang ama ko sa ginawa niya sa pamilya ng mga Falcon at lalo na kay Yvonne.
“Wow huh bagong bracelet?” panunuya niya kaya inirapan ko siya.
Kahit kailan talaga magkakaroon ka nga lang ng kaibigan mas malakas pa ang trip sayo meet my FRIEND LIKE AN ANIMAL SIX.
“Kanina mo pa kasi yan tinitignan para kang tangang iiyak ba o magwawala,” tumawa pa siya