Six Point of View
PUMASOK ako sa paaralan ng sobrnag tahimik walang nag iingay hindi tulad ng nakaraan. Maraming nakatitig sa akin kahit ang mga bagong salta ay pinag uusapan ako. Napapatingin ako sa benda ko kahit magaling na ito ay tinatabunan ko parin siya dahil sa malaking peklat nito sa aking balat.
"Ano kayang nangyari sa kaniya?"
"s**t akala ko patay na siya,"
Napahito ako nang masalita ang babae nagmistulan itong isang paulit ulit sa aking isipan.
Pinipilit kong ngumiti sa kabila ng trahedya na nangyari sa'kin sa'min. Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga katagang huling binigkas sa akin Akki ang impostor na Maxine.
This is the started that she don't want to be ended..
Tumigil ang pag inog ng mundo ko nang biglang may tumakbo na babaeng umiiyak papunta sa Elevator.
Anong nangyari sa kaniya? Tyaka sino ang babaeng 'yon?
Kasama ko si Megan sa Cafeteria kumakain kami ng bi-nake niyang cake. Pinatikim niya sa akin Cherry cake na parang dugo sa sobrang pula.
"Try this,"
Alok niya sabay abot ng kutsara sa akin kumuha ng kaunti at tinikman
ko ito.
"It's taste good huh," puri ko sa kaniyang gawa.
"Syempre ako gumawa ih,"
"May take out ba?" ngumisi ako
Namula ang pisngi niya sa sinabi ko bakit angsarap eh, Patay gutom na kung patay gutom period.
Masarap gumawa ng cake si Megan kaya kinuha niya ang kursong Cookery. Well, magkaiba sila ng kurso ni Irah kabaliktaran ng ayaw niya. Mahina kasi siya sa Computer Science. Si Irah naman hindi marunong magluto kahit piniritong itlog sunog.
Rich kid amp!
"Kaya nga naghanda na ako alam kong magpa-pa refill ka pa," inabot niya sa akin ang White topper ware.
"Salamat," ngumiti ako
"Sino pang pinagbigyan mo ng cake?" walang emosyong saad ko.
"Sina Tyler," ngumiti siya
Naibaba ko ang hawak kong kutsara sa sinabi niya. Parang may mali hindi ko alam basta may masamang mangyayari sa paglalaruan nila.
"Bakit ibinigay kay Tyler?"
"Nagpagawa sila binayaran nila ako," sagot niya
Hindi ako magkakamali nangyari ito dati kilala ko si Tyler hindi siya basta-basta magpapatalo sa laban. Alam ko may masamang balak si Tyler sana h'wag naman sana yung nasa isip ko.
"Bakit mo tinanggap ang pera?"
"What do you mean?" naguguluhan siyang tumingin sa akin.
"Ang sabi ko bakit mo tinanggap ang pera?" ulit ko
Malinis gumawa si Tyler dahil siya ang babaeng bully sa aming Campus kahit sino ay napapasunod niya.
"Bayad niya 'yon sa'kin," bulalas niya
"Tyaka ang sabi niya may party raw siyang gagawin," dagdag niya.
"Party?"
"Party yung celebration," pilosopo niyang sagot.
Napapansin ko na kanina pa nakatingin sa akin ang mga estudyante sa Cafeteria. May naririinig pa akong bulong bulungan kaya tinignan ko na lang ang mukha ni Megan.
"Alam ko,"
"Ang pinagtataka ko lang bakit sila magpaparty?" tumikim ulit ako ng cake.
"Ang sabi ni Tyler iiyak daw sa tuwa ang bibigyan niya ng Cake," uminom siya ng Cola.
Iiyak sa tuwa?
Anong ibig sabihin ni Tyler?
Tuluyang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Megan. May plano nga talagang masama si Tyler. Huwag naman sana siyang magkakamali na gawan ng katangahan si Akirah at ako mismo ang magdadala sa kaniya sa impyerno.
"Iiyak sa tuwa?" paninigurado ko
"Yes, kung ako siguro 'yon iiyak rin ako sa tuwa. Ang swerte ng pagbibigyan niya,"
Mas lalo akong kinalabutan sa sinabi niya. Iba ang ugali ni Tyler iba siya sa lahat ng nakilala ko ayokong mangyari kay Irah o sa sinuman ang nangyari sa kaibigan ko dati.
Nanlalambot ako sa t'wing naalala ko ang nangyari sa kaibigan ko dati. Binuhusan niya ng isang timbang malabnaw na ketsup ang kaibigan ko. Noong sumasayaw siya sa harap ng stage kasama ang iba kong mga kaklase. Siya kasi yung tipong kapag nagawan mo siya ng pagkakamali magdurusa ka. Kahit sa simpleng bagay na pagtaray sa kaniya ay hindi niya pinapalampas.
Ang nangyari kasi sa kaibigan kong si Yvonne ay iniligtas niya ang babaeng binubully ni Tyler. Sinabi ni Yvonne sa akin 'yon sinapak niya si Tyler sa mukha at pinag-sorry sa harap ng maraming tao. Kaya nag sasuffer si Yvonne sa nangyari sa kaniya. Muntikan nang magpakamatay si Yvonne dati buti na lang at tinulungan siya nung maliit na babaeng may porselas sa paa. Tatalon sana si Yvonne sa mataas na building pero pinigilan siya nung babaeng naka-hoodie. Nang dahil kay Tyler masisira niya ang buhay niya.
"Hindi swerte ang pagbibigyan niya ng cake kun'di malas ang mabibigyan niya ng Cake,"
"Huh?"
"Her badluck suffer,"
"Ano?"
"Hindi kita maintindihan sa sinasabi mong Her Badluck Suffer," kumakot siya sa kaniyang ulo.
"Paparating sa kaniya ang malas," sumeryoso ang mukha ko.
"Anong malas?"
"Hindi mo alam ang malas?" sumingkit ang mata ko.
"Oo," sagot niya.
"Eh kung suntukin kaya kita sa mukha, baka naman siguro alam muna ang salitang grrr.."
"Bati nman tayo eh,"
"Owws talaga ba?"
"Char,"
May narinig akong boses na sobrang tinis ang sakit sa tenga. Kilala ko agad ang babaeng sobrang tinis ng boses si Claire.
"Uy,"
Parehas kaming napatayo ni Megan dahil naiinis parin kami sa kaniya. Alam kong masayang masaya siya sa nangyari sa amin kaya heto kami walang pakialam sa kaniya.
"Saan kayo pupunta?" hinigit niya ang dulo ng uniform namin.
"D'yan lang sa tabi-tabi hahanap kami ng mabuting balita." nilagay ako sa likod ni Megan.
"Alam kong galit kayo guys sa akin naiintindihan ko," palakas ng palakas ang bulungan sa loob ng Cafeteria
"Please Claire wala kaming time para kausapin ka." ako na ang humarap sa kaniya.
Nakakainis lang ang lakas ng tama niya para kausapin kami habang siya ayos lang. Siya ang nagplano ng lahat kung hindi sana nasunod ang nais niya kami na sana ang pumigil n'yon kung alam lang namin.
"I just want to say sorry," seryosong sabi nito at lumuho d sa harap namin.
"Claire, alam mong mong maraming namatay sa pinag-gagawa mo sana naman tumigil kana."
Masakit akong magbitaw ng salita wala sana sa amin ang nagluluksa ngayon. Sariwa pa sa aking ala-ala ang nangyari kay Dad iniligtas niya lang si Akirah pero buhay ni Dad ang nawala.
"Mababalik ba ng sorry mo ang buhay ni Dad?"
Hindi ko napigilang umiyak mahina akong lalake. May puso rin ako para masaktan.
"I'm sorry please forgive me," humahagulgol siya.
Inisip ko ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Ang pagkamatay ni Dad, ang nagyari sa amin sa kaibigan kong namatay ay mabilis na nawala sa maling galaw lang. Gusto kong kalimutan ang lahat pero hindi matanggal sa isip ko ang bangungot na 'yon kung saan isang araw lang nawala ang mga mahal mo sa buhay.
Itinayo ko siya at hinawakan ang kaniya magkabilang balikat. Nakatungo lang siya habang pinagmamasdan ko. Mahirap para sa akin ang nangyari pero kailangan kong tanggapin para sa ikakabuti ng lahat.
"Sana bago mo ginawa alam mo sana ang kakahantungan,"
Iniwan namin siya sa tabi hindi namin siya kayang patawarin kahit si Megan ayaw niya kay Claire matagal na. Pero hindi mo masusubukan ang pasensiya noong tao kung siya lagi ang tama.
.....
"Kamusta kaya yung cake na binigay ko kayna Tyler?" tanong niya.
"Alam mo naman ikaw ang best chef pagdating sa pag-bake ng cakes eh."
Iniabot ko sa kaniya ang soda na binili namin sa labas.
"Nambola ka pa." hinampas niya ang braso ko.
"Eh totoo naman kasi," kumindat ako sa kaniya.
Namilipit ako sa sakit ng hampasin niya ang likod ko.
"Nalimutan ko si Irah nasa Elevator, tiyak naghihintay na siya ngayon doon," wika niya
Bakit niya pinaghihintay si Akirah doon? Anong gagawin ni Irah sa Elevator?
"Anong gagawin ni Irah sa Elevator?" tanong ko ulit.
Pumitik siya at ngumiti pero kasabay noon ay-
Putang ina!
Nakarinig kami ng malakas na pagbagsak ng kung ano kaya lumindol malapit sa Cafeteria. Napahawak ako sa kamay ni Megan at tumago kami sa ilalim ng mesa dahil lumilindol.
Maraming mga estudyante ang nag panic at tumatakbo palabas ng Cafeteria. Napatakip ng bibig si Megan ng mabagsak ang post sa kabilang Area.
"Shss, h'wag ka matakot," pantatahan ko sa kaniya.
"Six," nanginginig niyang hinawakan ang kamay ko.
"YUNG ELEVATOR SA 4th KAWAWA YUNG BABAE!"
Nabingi ako ng may sumigaw sa kalayuan puro tili na ang naririnig ko. Tumigil na ang malakas na lindol ilang minuto pa ang aming tinagal upang masiguro na walang nang kasunod na lindol. Lumabas kami ni Megan sa Mesa habang hawak ko parin ang kamay niya.
"Si Irah," walang boses na lumabas sa kaniyang bibig.
Napasabunot ako sa aking buhok at natataranta. Hindi ko mapapatawad kung may nangyaring masama kay Irah.
"SIX!"
Sumigaw siya kaya napalingon ako mabilis ang pangyayari sa amin. Malakas niya akong itinulak sa tabi ng biglang may makapal na kahoy na dumagan sa kaniya kaya napasigaw ako sa takot.
"MEGAN!"
Hinawi ko ang lahat ng lamesa at upuan na nakaharang sa akin bago pinuntahan siya. Tinangka kong tanggalin ang kahoy na mabigay na nakaipit sa kaniyang paa.
"Six, y-yung paa ko," naiiyak niyang sabi.
Napapikit pa ako dahil nahihirapan na ang kaibigan ko. Napakahirap para sa akin ang pangyayaring ito.
"Six!"
"Six yung paa ko,"
"Calm down Megan," mahinahong sabi ko rito.
Tinanggal ko ang lamesang nakaharang sa gilid at binuhat ulit ang mabigat at makapal na kahoy. Bubuhatin ko na heto na...
"Six, yung paa ko," sigaw niya habang namimilipit siya sa sakit.
"Isa," binuhat ko ang mabigat na kahoy ngunit sobrang bigat talaga nito.
Naririnig ko ang pag hagulgol sa niya namimilipit na talaga siya sa sobrang sakit.
"Dalawa!" hindi ko talaga kaya.
"Six!"
"Babalikan kita," saad ko
Tumakbo na lamang ako sa dulo ng Cafeteria dahil sa dulo noon ay puno ng kung anu-anong gamit. Bawat upuan ay nababangga ko ay hinahawi ko ng sobrang lakas. Nakakita ako ng Palakol, baseball bat at lagari.
Tang ina ano 'to? s*******r house?
Kailangang kong mailigtas ang kaibigan ko anuman ang mangyari sa akin. Gagawin ko para sa kaniya para kay Megan.
Dinampot ko ang palakol sa tabi upuan na maraming nakatusok na pako sa gilid. Bumalik ako kung saan naroon si Megan.
Sinayad ko ang palakol sa sahig kaya tumutunog ito sa buong Cafeteria. Tumutunog ang talim ng habang palakad ako may nakita kumaway sandali sa bintana.
"Maxine?" bulalas ko
Kumaway ulit siya kaya napakunot ang noo ko ng ngumiti siya kulay itim ang kaniyang mga ngipin ng ngumiti siya. Hindi ko mawari, nanindig agad ang balahibo ko dahil sa takot. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at biglang naglaho ito.
Nakarinig ako ng malakas sigaw mula sa hindi kalayuan. Anong nangyari sino yung sumigaw?
Sino yung sumigaw?
"MEGAN!" bulyaw ko
Bumagsak ang balikat ko sa takot at lumabas pero may nakabangga akong estudyante habang umiiyak.
"Ate Akirah.."
Napakunot ang noo ko dahil sinabi niya ang pangalan ni Akirah. Hindi ako magkakamali sinabi niya talaga ang pangalan ni Akirah. Napatingin ako sa batang estudyante nasa palagay ko ay dalawang taon ang bata ko sa kaniya. Akma ko siyang kakausapin ngunit mabilis siyang tumayo na parang natatakot sa akin.
Bakit naman siya matatakot sa akin? Bakit niya ako kakatakutan?
"H'wag kang lalapit halimaw!"
Halos mapaupo siya sa takot nanginginig rin ang kaniyang katawan at hindi siya makatingin sa akin.
Teka lang! Bakit niya ako tinawag na HA-LI-MAW? mukha bang halimaw ang mukha ko huh!
"HOY SA GWAPO KONG 'TO MUKHA BA AKONG HALIMAW HUH?" naiinis na sigaw ko sa babae ngunit wala na ito ng humarap ako.
"Tang ina.."
"Anong nangyari Yiel?" tanong ko sa lalakeng librarian.
"Kanina kasi..Ano," bumuntong hininga siya.
Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha halos namumutla na siya habang kausap ko. Pati ang kamay niya ay nanginginig rin.
Kung saan-saan siya tumitingin at hindi ako tinitignan. Iba na ang naiisip ko naghahalong takot at pangamba ang nakikita ko sa kaniyang mukha.
"WHAT HAPPENED ANONG NANGYARI KAY IRAH?" sigaw ko
Sinabunutan ko ang sarili kong buhok bago tinignan siya ng masama.
"Ano.."
"What?" hinawakan ko ang kwelyo niya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari masama kay Irah. Natatakot na siya at umiiyak paulit ulit niyang sinasabi ang katagang-
"Sorry..sorry.."
"Nasaan si Irah?" hindi na ako nakapag timpi sinuntok ko siya sa mukha.
May tinuro siya sa baba malapit sa kinaroroonan ng Fountain.
"Doon,"
"Saan doon?"
"Doon sa alin?"
"Sorry Six" humakbang siya paatras ng biglang...
Isang malakas na putok ng b***l ang aming narinig mula sa malayo. Parehas kaming nagulat dahil tumalsik sa aming mukha ang dugo.
Napatingin ako sa tumunog na elevator hindi na maaninaw ang nasa loob ng elevator dahil napuno na ito ng dugo.
Yung t-shirt ni Akirah!
F*ck!
"Irah!"
Napaluhod ako sa takot dahil alam ko ang t-shirt 'yon ni Irah hindi ako magkakamali.
"Lhiezel!"
Nakita ko sa malayo kung ano ang ginagawa kay Akirah kaya mabilis kong tinakbo ang pasilyo kahit pa napakaraming tao ang nagkakagulo sa kanila. Nakita ko kasi na sinasabunutan siya ng babae na parang pamilyar sa akin. Napahinto ako dahil yun ang tita ni Lhiezel si Tita Rose. Patay neto si Akirah masamang magalit si Tita Rose. Kailangan ko na sabihin sa kaniya na hindi si Akirah ang pumatay sa anak niya wala naman akong ibang masisi. Hindi rin namin alam kung sino ang salarin. Aksidente lang ang lahat ng nangyari hindi namin kagustuhan yon.
"Tita Rose tama na po." akma kasing sasampalin si Akirah kaya mabilis kong sinangga ang kamay ko sa kaniya dahil ayokong masaktan si Akirah.
Ayokong may makapanakit sa babaeng mahal ko. Dahil ako mismo ang makakaharap nila kung ganon ang gagawin nila kay Akirah. Matagal na panahon na akong may gusto sa kaniya at hindi kay Megan. Hindi ako pumapatol sa mas matanda pa sa akin. Ang ibig kong sabihin sa mukha. Pero bumalik tayo sa pinag-uusapan natin.
Tumingin lamang sa akin si Tita Rose kay nanlaki ang mat niya habang hawak ko ang kaniyang kamay. Marahan ko itong binababa at tinignan siya ng masama.
"What are you doing six your not belong here-" pinutol ko ang sinabi niya ng kunin ko si Akirah mula sa kaniya.