Chapter 40; Warning

1002 Words
Napatulala ako pagkatapos kong makita ang video na kanina pa sa akin pinapanood ng lalake. Hindi ko pa siya gaanong kilala pero magaan na ang loob ko sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwala sa napanood ko. Si Professor Stanley ay isang kasabwat ng mga salarin? pero anong motibo niya para paslangin kaming lahat? May nagawa ba kaming masama sa kaniya para tratuhin niya kaming hayop? "Saan mo nakuha yan'g hawak mo?" Seryosong tanong ko sa kaniya kaya mabilis siyang napatunghay sa akin.  Napakunot siya bago ngumiti inaalam niya siguro kung anong isasagot ko sa kaniya. Itinaas niya ng bahagya ang kaniyang camera saka tumingin siya sa akin. "Isa akong editor at photographer sa dati kong pinapasukan kaya nakuha ko ang video na ito." ginalaw galaw niya pa ang kaniyang camera. He always deed his posture. Palagi siyang pumapaywang kapag kausap ko siya. Parang bakla. "Paano?" yun na lamang ang naitanong ko sa kaniya. "Mas maganda siguro kung sasama ka sakin para malaman mo ang sikreto nila." Napaatras ako ako dahil sa sinabi niya malamang hindi siya nagbibiro sa tono niya seryoso siya. "Saan naman tayo pupunta?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Aber bakit naman ako sasama sa taong hindi naman ko kilala. Ano siya hilo? Tumingin ako sa kaniya ng diretso sa mata saka nagsalita. "Tyaka bakit ba ako interesado malaman baka marape pa ako tyaka hindi naman kita kilala bakit ako sasama sa'yo?" Tinulak ko siya pagkatapos kong sabihin ang sinabi ko sa kaniya.  "Hindi naman ako pumapatol sa mga pader na katulad mo,"  natatawang wika nito kaya mas lalo akong napairap sa kaniya.  Ako sinabihan pader? Nahiya naman ako sa kaniya na mukhang pulubi ang suot. Tyaka hindi ako sasama sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala masyado siyang asyuming kulang pa naman siya sa ligo. "Ako pader?" paniniguro ko. "Ay hindi baka ako yung pader." pilosopo niyang saad sa akin kaya mas lalo akong nainis dahil sa kaniyang sinabi. "Pader kana man talaga," irap ko. Saka tumingin sa may likod koat kinuha ang bag ko.  Aalis na ako nakakainis 'tong taong ito. Wala akong gana para makipag-asaran sa kaniya. Iniisip ko pa yung nangyari kahapon.  Hindi ko talaga alam kung bakit ako bumalik at sinaksak daw ako ni Six sa tiyan ko. Heto pa hindi rin talaga ako makapaniwala na si Professor Stanley ang pumatay. Doon ko napatunayan yung nabasa ko dati sa libro na trust no one. Wala kang ibang mapagtitiwalaan kun'di sarili mo lamang.  Bumuntong hininga na lamang ako at akmang lalakad palayo papunta sa kung saan. Nang bigla niyang hawakan ang dulo ng damit ko. "s**t bakit sa lahat ng hahawakan pa dulo ng damit ko pa," bulong ko sa sarili ko.   Nakasuot lang kasi ako ng off shoulder kaya mabilis  akong mahubaran kahit anong oras. Hindi naman pala masyado sobra pala. Hiniram ko lang kasi itong damit ko kay Maxine dahil hindi ako nakapaglaba nung martes. Sabi ni Maxine h'wag ko na raw ibalik sa kaniya ang damit dahil marami naman siyang damit. Tyaka ayaw niyang magsuot ng girly na damit. Katulad ng dress, shorts, off shoulder. Mas gusto niya pang purmahan eh, Oversize na t-s**t at asul o itim na pantalon. Hindi rin kasi mahilig sa kulay pink si Maxine masyado raw nakakababae kaya ibinigay na lamang niya sa akin anag damit na ito. "Teka nga lang huh hindi naman tayo close, Pero grabe ka kung mang-asar parang kilala muna ako matagal na." Hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin ng masama sa kaniya. Naalala ko pala na kami na lang dalawa ang natira dito sa gym. Hindi pa pinapatay ang ilaw dito. Nakakatakot na itong lalake na ito. mang-aaya siya sa akin pumunta sa kung saan tapos hahablutin ang damit ko. Lord help me naman oh masyadong bastos itong lalake na ito. Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniya pero hinapit niya ang baywang ko. Kaya nanlaki ang mata ko at nailalag ko sa sahig ang bag na dadalhin ko. Lumunok pa ako dahil napatingin ako sa kaniyang asul na mga mata. Ang mga mata niyang yun ay tila nangungusap sa akin na gusto niyang humingoi ng tulong sa akin.  "Matagal ko na kayong kilala,"  saad niya at naamoy ko ang mabango niyang hininga. Matagal na niya kaming kilala? Saan? Kailan? Anong araw? Anong oras? "Matagal mo na kaming kilala what do you mean by that word 'kayo'?" usisa kong tanong sa kaniya. "Sabihin na lang natin na matagal ko na kayong sinusundan."Lumapit ang mukha niya sa akin. Kaunting lapit pa at malapit na niya akong halikan.  What the h*ck? Kung yan ang hahalik sa akin why not? Charot lang ang landi mo dhai. "Ahmm, Alam mo gan'yan ka ba talaga makipag-usap hinahapit mo sa baywang at-" Naputol ang sinabi ko ng magsalita siya.  "Kaya naisip kong magpakita dahil ang isa sa inyo ay isang salarin." Nagbago ang ekspresyon ko dahil sa sinabi niya.  Pero mas natakot ako dahil sa pangungusap niya sa akin na kailangan talaga na malapit ang mukha namin sa isa't isa.  "Bakit ganito kung kausapin  mo ako?"  Naiilang na tanong ko sa kaniya. Bakit ba ako pumapayag na kausapin niya ako ng ganito? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Ay oo buhay pa nga pala ako. "Binababalaan ko kayo na mag-iingat kayo. Dahil sa oras na sumunod kayo sa plano ng salarin lahat kayo madadamay lahat kayo mamatay.." saad niya sakin at tumingin uli siya sa mata ko ng diretso. Magsasalita pa sana ako ng biglang nawala na siya sa harapan ko. Tumingin pa ako sa likod ko pero wala na talaga siya. Napakunot ako dahil hawak niya lang ako kanina paanong nawala agad siya ng sobrang bilis? Ang weird minumulto na yata ako. Natawa na lang ako sa sarili ko at inaalala ko ang mukha ng lalake habang kinakausap niya ako. Nakangiti siya sa akin. Inaamin ko na kinikilig ako kahit panadalian lang yon. Pero natatakot ako dahil sa babala niya. Iniisip ko kung papaniwalaan ko ba siya o hindi? Sino ang papaniwalaan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD