Chapter 38

2666 Words
Megan's Point of View "When do you saw me?" Napanganga ako dahil nakatingin na sa akin ang lalake na kanina lamang namin tinititigan ni Maxine.  Ako ba ang kausap niya? Napalingon pa ako sa likod ko dahil naninigurado ako na ako nga ang kausap niya at hindi ang ibang tao. Mahirap mapahiya lalo na kapag may kausap kang gwapo tapos hindi ikaw ang kausap. Pighati. Natahimik na lang ako at hindi makapagsalita. Saan ko nga ba siya nakita? Pamilyar talaga ang mukha niya sa akin eh. Wait may naalala ako. Hindi lang isang beses kami nagkita nitong lalakeng ito. Maraming beses na. Palagi siyang nakasuot ng cap at wait lang yung kanina ko pang naamoy na mabangong pabango na madalas kong maamoy. Victoria Secret ang pabango niya hindi ako magkakamali. Ang bango niya sobra kaya maraming babae ang napapalingon sa kaniya at isa na ako doon inaamin ko.  Napataas ang kaliwang kilay ko ng humakbang siya papunta sa harapan ko. Anong binabalak ng lalakeng ito sa akin? Huwag talaga siyang magkakakamali ng binabangga niya. Hindi niya pa kilala si Megan ang campus godess sa kagandahan. Charot lang.  "Hindi ko alam kung saan kitang lupalop nakita noon," saad ko bago umatras. Masyado kasing malapit siya sa mukha ko eh. Hindi naman kami close. Makaasta akala mo kilala niya ako.  "Ahm before kayo maglandian diyan alis muna kami ni Maxine huh baka nakakaabala kasi kami sa inyo."  Parehas kaming napanganga at naiwan kaming dalawa ng nasa harapan ng stage. Tumikom na lamang ang bibig ko dahil alam ko kung ano ang kasunod nito. Malamang aayain niya akong kumain sa labas. Wow megan huh kailan nangyari yan sayo? Asa ka naman na ikaw ang gusto niyang lalakeng yan. Akala mo lang talaga. Heto na naman ang titig niya na nakakatunaw. Sige lang titigan mo ako pabalik mamaya ka sakin.  "Bakit ganyan ang titig mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya bago umirap at umupo sa baba ng hagdan ng stage. Nangangalay na kasi ako kanina. Tyaka pagod din ako sa pag-arte kanina. Ilang takes kasi eh nakakainis.  "Eh, Ang sarap mong titigan eh bakit ba?" Lumapit pa siya sa akin tapos tinabihan niya ako kaya napataas ang kilay ko sa kaniya. What the anong ginagawa niya eww. "Teka lang huh masyado kang mabilis kakakilala lang natin tapos yung mukha ko kung nalang-" Nanlaki ang mata ko dahil may hawak siyang kutsilyo.  Nakangiti siya sa akin habang nakatitig ng masama.  "Teka anong gagawin mo?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Panoorin mo ito." Naglabas siya ng isang video sa cellphone kaya nangiwi na lamang ako.  "Huh Netflix?" "Totoong nangyari ito kung bakit namatay si Prof yung teacher ninyo dati." paliwanag niya sa akin kaya mas lalo akong nainteresado kung paano namatay si Prof Stanley. The footage...       Kaharap ng guro ang salarin. Natatakot siyang nakatingin dito. Dahil sa oras na gumalaw siya ay sabog ang ulo niya. Dahil nakatutok sa kaniya ang b***l. Nakita niyang gumilid ang ulo ng salarin.         “Nakita mo ba yan Prof?” Tanong niya sabay duro sa mga bangkay na naroon.   Nandiri pa ang guro dahil sa brutal na pagpatay sa mga ito. Kulang kulang na ang katawan. Wakwak ang kanilang katawan. Ang pinagtataka niya lang ay bakit lahat ng lamang loob ng estudyante ang puntirya ng mga niya. Alam niya kung kailan namatay ang estudyante si Nova ang matalik na kaibigan ni Erie ay magkasama silang mamatay na magkahawak ang kamay.     Nakita ang magkaibigan na nagsuicide sa banyo. Base sa autopsy ng mga awtoridad ay nagpapatayan ang mga ito gamit ang tubo. Ang sabi din awtoridad ay nagamit ng i***********l na gamot. Pagkatapos nilang maghampasan ng tubo ay pinalabas ng salarin na ito ay isang suicide. Nakita ang labi nila dito sa building 66 kung saan doon sila sa pinasentro ng cubicle na nakasabit ang dalawa habang mulat ang kanilang mga mata.   Namatay sila noong December 13, 2013.   Ang oras 1: 24 pm.     “Demonyo ka!” Sigaw ng guro sa salarin.   Tumawa lang sa kaniya ang salarin dahilan para mas lalo siyang magalit sa salarin. Tumingin pa siya sa ibang estudyante na may tag ng pangalan. Sa ibaba non ay nakasulat kung anong oras sila namatay. Nabubuo na ang lahat ng ideya sa kaniyang isipan. Iisang oras lang pumapatay ang salarin.     “Demonyo ka rin hindi ba?” Napaatras siya dahil sa sinabi ng salarin.   Alam ng salarin kung ano talaga ang pagkatao ng guro at kung sino talaga ito. Pero wala siyang balak na ibuko siya sa ibang estudyante. Sila na mismo ang tutuklas noon.   “Matagal ko ng pinagbayaran ang nagawa ko. Ibinaon ko na yon sa limot.” Napahawak pa ang guro sa kaniyang ulo.     Matagal na niyang binaon sa limot ang lahat ng ginawa niya ng nakaraan. Dahil may iniligtas siyang mahalagang tao.   “Sa tingin mo ba napatawad ka niya sa kasalanan mo?” Usal ng salarin dito.   Bumalik ang lahat ng ala-ala ng guro na naibaon na niya sa limot. Ginawa niya ang bagay na yon para sa ikaliligtas ng anak niya. Gusto niyang maituwid ang tadhana para sa kaniyang anak.   “Isinusumpa ka na niya Guerero sa impyerno.” tumawa ang salarin na parang demonyo.   Gustong guluhin ng salarin ang kaniyang plano. Kailangan kasi nitong masira ang plano niya upang matupad. At ang matupad ay ang kagustuhan ng demonyo.     “Tiyak kong magkasama tayo na pupunta sa impyerno,” sabi ng salarin sa kaniya.     “Magkaiba tayo. Hindi ikaw ako at hindi ako ikaw..” Tumango na lang ang salarin sa kaniya tanda ng pagsang-ayon.     May nakakarinig sa kanilang pinag-uusapan nasa likod lamang siya ng pader. Habang nakangiting kinukuhaan ng video. Ang plano nito ay balak niyang ipakita sa lahat ng estudyante ang nagaganap sa building na ito. Sa lahat ng pagpatay ng salarin ay siyang kinukuhanan niya ng video. Siya rin ang may alam kung sino ang pumapatay sa kanilang unibersidad na para sa kaniya ay lamang yung laro.     Gumuhit sa labi ng tao ang isang matalinong ngiti. Ngunit hindi niya alam na nasa likod lang pala niya ang isa pang salarin na nakahawak ito ng martilyo na handang ipukpok sa ulo niya.       “Kung ayaw mong magulo ang buhay mo. Mas mabuting patayin na lang kita.” Tinutok niya muli ang b***l sa guro.   Tumingin ulit ang guro sa mga labi sa ikalawang pagkakataon. Nakita niya ang iisang oras lang. Napatingin siya sa orasan at napangiti.      Nanlaki ang mata niya na napagtanto kung ano ito.       Isa ba siyang aswang?       Oh isang baliw na kumakain ng tao.   “Hindi mo ako papatayin alam ko yan. Bakit ko nalaman?” mabilis na tanong niya sa salarin.     “Nakapatay kayo kanina at ang saktong oras na yon ay 1:24pm tama ba ako?” Napahinto ang salarin sa pagtutok ng b***l sa guro. Gumuhit dito ang napakatalas na tingin sa kaniya. Inis na inis na sa kaniya ang salarin. Ngunit may patakaran ang kanilang boss na hindi sila pwedeng pumatay ng lagpas sa oras na Uno Bente Kwatro.     Kapag pumatay sila sa oras na ‘yon? Sila ang papatayin ng salarin. Sila ang papahirapan nito.       “May araw karin sa akin Stanley.” Banta nito sabay lumakad papalayo.   Doon pa lamang nakahinga ang guro ng maluwag. Nakaisip agad siya ng paraan kung anong oras sila nakamasid at kung anong oras sila pumapatay.     …..               Nakakasilaw ang ilaw ng mga camera na sunod sunod na pagkuha nila ng litrato sa bangkay ni Supremo. Nakabusal ang kaniyang bibig. Kala sang kaniyang katawan dahil sa layo ng binagsakan nito. Tumigil sa pagkuha ng litrato ang isang pulis para tumingin sa isang suspect-si Megan.     “Nasaan ka nung mangyari ang krimen?” Tanong ng detective sa kaniya.     “Nasa building 24 po kami kasama ko si Six at Professor Stanley.” bumuntong hininga ito bago magsalita ulit.   “Dahil lauch break namin, Daily routine talaga namin na pumunta sa building 24. Doon kasi ang tambayan namin. So-ah saan ba ako magsisimula?” Diretsong nakatingin siya sa detective.   Walang emosyon ang detective na nakikinig sa kaniyang testimonya. Dahil gusto alamin talaga ng detective kung sino ang may sala nito. Halos araw-araw kasi nagkakaroon ng suicide sa unibersidad na ito. Iniisip niya kung suicide ba or murder ang pangyayari dito. Dahil may nakita siyang nakalagay na tattoo sa likod ng estudyante.   1:24   “Magkausap kami ni Six sa buiding 24. Tapos dumating si Professor Stanley. Nakita na lang namin si Supremo na nakabusal ang kaniyang bibig at umupo sa railing mula sa building. Nagpatihulog siya.” Tumungo na lamang ito ng matapos niya ang kaniyang testimonya.   Agad napagawi sila ng tingin ng magsalita ang isang pulis may makita ito sa bulsa ng estudyante na kung anong bote.   “Positive Sir gumagamit ng ecstasy ang estudyante.” Nakataas ang kamay nito habang hawak ang bote ng ecstasy.     Napailing na lamang si Nami dahil hindi totoo ang nakikita niya. Walang bisyo ang anak niya. Hindi ito naninigarilyo o naglalasing. Lalo pang sumeryoso ang detective saka pinalapit ang pulis sa kaniyang harapan upang tignan kung may roon bang fingerprint ang salarin at ang estudyante.   “May nakita ka bang ibang finger print sa bote?” Tanong niya sa pulis na hindi nalalayo ang kanilang gulang. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kaniya.   “Mayroon po finger print ni Professor Guerero sa kaliwang braso.” bulong ng pulis sa detective.   Umaktong normal ang detective at tumingin sa propesor na kanina pa pinagpapawisan ng malala.   “Nasaan ka Mr. Guerero nung nasa krimen?” Tanong ng detective sa kaniya na may halong kuryusidad.   Magaling ang detective na ito at hindi basta basta naniniwala sa testimonya ng bawat isa. Kailangan niya mismo na mismo ng proweba.     “Palabas ako ng Faculty dahil time na ng klase ko nalate akong ilang minuto dahil may pinausapan kami ng Fiance ko. Wala akong nakita o nakasalubong supremo nung maglakad ako. Nakita ko ang mga estudyante ko sina Megan at Six. Kinamusta nila ako. Tapos nakita namin si Supremo na nasa likod namin. Nakaupo siya sa railing at akmang magpapatihulog roon. Pero syempre dahil gusto ko siyang iligtas ay hinila ko siya papunta sa amin. Pero bumalik ulit siya para ihulog ang sarili niya.” Testimonya ng guro.   Napakunot ang noo ng detective dahil sa testimonya ng guro. Tumingin pa siya sa isang bote ng ecstasy. Pwedeng palabasin ng salarin na gumagamit ng ecstasy ang victim para mapalabas na suicide ang nangyari dito at hindi murder. Base sa record ng biktima ay hindi ito gumagamit ng i***********l na gamot at wala itong bisyo.   “Bukas ba ang lahat ng cctv sa lahat pasilyo?” bulong niya sa isang pulis na kumakalikot ng laptop.   “Saktong 1:00pm walang kasama si Supremo na naglalakad sa pasilyo. Pero bandang 1:19pm may humila sa kaniya-“       “I zoom mo nga yan.” utos niya sa pulis.   “May nakarobang itim na humigit sa kaniya nakamaskara boss kaya hindi makita ang mukha ng salarin. Bandang 1: 22pm magkausap ang tatlo sina Stanley, Megan at Six tama testimoya nila at doon palabas si supremo. At base sa testimoya ni Guerero ay tama siya.” gumuhit ang ngisi sa mukha detective alam na niya kung sino ang salarin.                          Nanlaki ang mata ko ng may ng biglang may sasaksak sa likod ni Akirah. Kaya mabilis akong napayakap sa kaniya upang ako ang masaksak sa likod. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napaluhod agad ako.   "PROFFESOR STANLEY! sigaw niya habang umiiyak       Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bugso ng damdamin hindi ko maintindihan bakit ganito? bakit sa tuwing nasasaktan si Akirah nasasaktan rin ako? Bakit ganun? Nakita ko ang pagkahawak niya sa aking pisngi mainit niyang mga palad ang tanging naging lakas ko.       "Gumising ka Prof.” halos mamaos na siya sa pag-sigaw sa pangalan ko.   Kahit ano man ang pilit ko sa aking sarili at pagmamatigas na itago ang matagal ko nang itinatago sa kaniya ay gusto ko nang sabihin sa kaniya ang salitang pinakamatagal ko nang itinatago. Ano man ang mangyari sa akin kahit mamatay pa anko ngyaon sa araw na ito. Kailangan ko nang masabi sa kaniya ang salitang nais kong sabihin ang salitang..   "Anak,"   Alam kong walang boses ko yon nasabi sa kaniya mahina man at nahihirapan kong naibuka ang aking bibig ay patuloy rin ako sa pagsabi ng salitang Anak, Pilit kong inaabot ang kaniyang pisngi gamit ang kanang kamay na may bahid ng dugo ang kamay ko ang nagpaparamdam ng lahat kong hinanakit at pagtatago sa tunay kong anak. Si Akira hang nawawala kong anak siya ang inilayo sa akin at ninakaw ng kaniyang ina upang mailayo siya sa amin dahil sa kaniyang kakayahang makakita ng hinaharap. Alam ko na mayroon siya na kakayahan na makakita ng hinaharap at yon ang mababalaan niya ang lahat.   Nakita ko ang banayad niyang pagkagulat sa kaniyang mga mata na parang nagtatakang hinarap niya ako na sinasabi na anak mo ba talaga ako. Alam kong may mga magulang si Akirah na hindi naman talaga nila tunay na anak ito sapagkat anak ko talaga si Akirah. Anak siya naming dalawa ni Teresa ang anghel kong asawa.   "Po?" halos nanlalaki ang kaniyang mga matang tanong sakin   Masakit para sa akin na mahiwalay sa kaniya ng ganun katagal ang ala-ala ay lumilipas at patuloy pang maalis sa ating isipan, ngunit ang magulang ay hindi sila nakakalimot ng pagmamahal. Tulad ko isang magulang rin ako kahit ano pang galit ko sa kaniya bilang estudyante ko ay napapawi rin agad sapagkat anak ko siya Anak ko si Akirah.   Marahan kong kinuha ang kaniyang mainit na palad at kahit nanghihina ay patuloy ko parin na hinahawakan ito.   "Ingatan mo ang sarili mo Akirah, lakasan mo ang loob mo mahal na mahal kita tatandaan mo yan,"   Humikbi ako na halos mawawala na sakin ang lahat ng bagay sa mundo. Kahit ano man ang dasal ko sa diyos na sana ay masabi ko sa anak ko ang salitang anak na walang halong biro at mula sa aking puso ay hindi ko masabi.   Gusto kong bawiin ang nasabi ko na pero ano pang magagawa ko nasabi ko na nga sa kaniya ang salitang anak. Hindi ako nagsisi na masabi ko sa kaniya yon. Tinigna ko ang kaniyang lumuluhang mga mata. Hindi ko mapigilang maiyak na lamang dahil lumuluha siya.   "Prof, Hwag ka naman magsalita ng ganyan," umiyak siya habang niyayakap ako.   "A-anak ko," naluluhang saad ko sa kaniya.   "Prof," umiiyak parin siya.   Ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi ay naging silbing kahinaan ko. Sana anak matapos na ang lahat ng ito sana anak ako na lang ang namatay. Nakita ko ang pagtatanong sa kaniyang isipan na para bang sinasabi na anak mo ba ako? Masakit para sa aming mga magulang na hindi makikila ang kaniyang anak. Dahil matagal nila sa aking nailayo ang aking anak. Labing anim na taong ko siyang patuloy na sinusundan mula sa kanilang bahay at patuloy akong hinaharangan ng kaniyang ina.   "Alagaan mo ang sarili mo anak ko," umubo ako nang sobrang lakas dahil nanakit na ang aking puso.   "Pasensiyahan muna kung palagi akong nagagalit sayo ang kulit mo kasing bata ka e," pilit akong ngumiti sa kaniya kahit na nahihirapan na ako.   "Mahal kita, A-anak ko," lumuha pa ako ng sobra-sobra   "Prof, hindi mo ako anak pero tumayo ka sa amin bilang tunay na magulang," pinutol ko ang sinabi niya at tinanggal ko ang aking porselas na binigay sa akin ng kaniyang ina.   "I-isu-ot mo ito," kung mamatay man ako ay maalala mo parin ako Akirah, naghihingalong saad ko sa kaniya   "Prof, Hindi po kayo mamatay," niyakap niya ako ng mahigpit na para bang wala nang bukas namumugto na ang kaniyang mga mata kakaiyak sa akin.   "Prof,"   "Hindi,"   "Proffesor Stanley!"   "Ingatan mo yan," patuloy parin ang pagragasa ng aking mga luha.   "Magpapa-alam na ako sa kaniya kailangan ko nang magpaalam," lilisan na ako.   "I love you, Akirah," tuluyan akong napapikit at nawalan ng hininga.   "Paalam anak ko hanggang sa muling pagkikita.."   "PROF,"   "PROF,"   "NOOOO!"   "Gumising ka Prof!"   "PROFFESOR STANLEY!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD