Megan’s Point of View
"Ahmm miss gising po kayo magsasara na po kami." Sabi ng gwardiya habang hinawakan ang balikat ko. Napatingin pa ako sa kaniya saglit. Ang natatandaan ko ay kausap ako ni Direk at si Maxine magkasama kami may nakita kaming lalake na gwapo. Panaginip lang pala? Gosh ano to bakit nauulit na naman.
"AHH, Sorry po kuya aalis na po ako nagbayad narin po ako sa counter 6." Kinuha ko ang dala kong grocery store saka nagpaalam sa guard ng store.
Napalingon pa ako sa kaliwa at kanan ko may ilaw pa naman sa store pero hindi masyado maliwanag. May ilaw na gumagabay sa akin sa daan kaso sa dulong pasilyo kaya nakakatakot talaga. Buti na lang at sinamahan ako ng gwardiya palabas ng store nakakatakot pa na naman umuwi ng mag isa.
"Anong ginagawa ng isang Senir High dito sa store ng ganitong oras?" Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ng magsalita siya sa akin. Yung gwardiya.
Napanganga ako hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Kung aamin ba ako na nasa isang eksena ako tapos napunta ako dito sa isang store. Paano ko ba ipapaliwanag?
Hindi na lang ako nagsalita sa kaniya.
"Bata?" Napataas ang labi ko dahil sinabihan niya akong bata. Seryoso ba talaga bata ba talaga ako sa tingin niya sa akin?
Hindi na lang ulit ako nagsalita sa kaniya.
"Ay kaya pala hindi ka nagsasalita kasi-" Nanlaki ang mata ko ng may ituro siya na Id sa dibdib ko.
Nakasulat doon ang school namin na...
"Killer Crime high."
"Sabi daw nila may nangyaring insidente sa paaralang iyon kaya alam namin na natatrauma kayo sa nangyari. Bihira lang kasi lumabas ang Llerian students. Kaya kinikilala namin itong mataas pa sa estado namin." salaysay nito sa akin.
Napakunot ulit ako sa sinabi ng sekyu sa akin. Kinikilalang mataas bakit? Nalilito ako hahaha.
"Ahm kuya-" Naputol ang sinabi ko dahil wala na siya sa tabi ko. Naglaho siya bigla.
"Kuya Guard?"
"Hala nasaan na yon?"
Nagpatuloy na lang ako maglakad ayokong takutin ang sarili ko sa daan kaya magsisimula na ako umuwi. Nanaginip na naman ba ako?
Tumingin ako sa kaliwa at kanan bago tumawid papunta sa kabilang kanto para bumili ng grocery namin saglit.
"Teka parang nangyari na ito ah." bulong ko sa sarili ko. Saka tumingin ulit sa paligid. Wala naman ako sa film wala din nakatutuok sa akin na camera.
Pero never mind just keep going..
Wala na kasi kaming storage foods naubos na. Tyaka hindi na kami nag papart-time sa radio broadcast sa University dahil namatay si Sir Khian. Ang manager ng Asg zero point five. Hindi pa kasi namin gusting bumalik doon dahil sa isang issue. Kaya napapaisip ako kung anong part time job ang kukunin naming dalawa ni Akirah. Ubos na rin kasi ang pera naming dalawa. Ang hindi alam ni Akira hang tatay niya ang nagbabayad ng dorm namin. Naawa kasi ako sa tatay ni Aki. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang magalit siya sa Papa niya. Naiisip ko minsan may napatay baa ng Papa niya o may ginawa sigurong kasalanan sa kaniya ito.
"Dejavu.."
Napabuntong hininga na lamang ako bago lumiko ng daan pauwi na ako ng bahay galing sa store. Dapat magkasama kaming bibili ng grocery pero sabi niya hindi niya daw ako masasamahan dahil may gagawin daw siyang importante.
Gabi na kaya nagdala binuksan ko ang ilaw sa cellphone ko. Huminto pa ulit ako at nagmasid.
Nakahoodie akong gray ay jogging pants na itim. Nakamask na rin akong itim dahil ayokong pagkaguluhan ng mga tao. Tama kayo ng narinig ayaw kong pagkaguluhan ng tao. Balitang-balita ang lahat na nangyayari sa University namin. Nagulat nga ako kasi pagkapasok ko palang sa store ay puro tsismis na ang naririnig ko. Tungkol sa amin sa nangyari sa aming tatlo. May iba na humahanga may iba din naman na natatakot na huwag pag-aralin ang kanilang anak sa university namin. Edi ‘wag silang mag-aral andami nilang anik-anik. Kaya nahihiya nalang din akong lumabas ng dorm. Lalo pa at madaming nakabantay na ngayon sa aming mga gwardiya. Palihim silang nakamasid sa akin bawat lakad ako sa daan. Sinabi ko kasi sa kanila na kapag sinamahan pa nila akong bumili ay mas lalong malalaman ng mga tao ang ugnayan ko sa mga ito. Masyado kasi silang complete suit parang mga detectives. Nakakairita.
Binilisan ko nalang ang pagbukas ko ng gate. Saka tumingin sa mga gwardiya wala itong reaction hindi sila ngumingiti o nagsasalita. Ang weird.
“Nandito na ako Aki,” nakangiting sambit ko bago ibinaba sa lamesa ang supot na dala ko. Walang sumasagot siguro ay mahimbing na ang tulog niya.
Nakita ko kasi ang I.D niya na palagi niyang iniiwas dito sa gilid ng cabinet. Palagi niya kasing suot ang I. D niya anumang mangyari. Estudyante talaga. Samantalang ako yung I.D ko palagi kong naiiwan. Sinusuot ko naman pero may nalagay na pictures ng mga k-pop. Kaya nasisita ako ng ibang guro kapag makikita ang suot kong ID.
Isa-isa koi tong inawas at inilagay sa refrigerator. Nilagay ko ang cap nuddles sa cabinet at mga delata na easy open can. Bumili din ako ng baboy at manok saka hindi mawawala ang favorite namin kinakain ang ice cream. Bahagya akong napatingin sa malaking oras na nakasabit sa pader kasama ng picture naming tatlo. Si Megan, A kirah at ako. Alas diyes na pala ng gabi kaya nagugutom na ako. Kumuha na lang ako ng cap nuddles sa cabinet at pinili ko ang ramen na maanghang. Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng tubig na mainit sa water refiller.
Pagkatapos kong kumain ng noodles ay itinapon ko na ito sa basurahan ay umakyat na sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa comfort room para magpalit ng damit pantulog.
Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng biglang..
Biglang
May nakita akong nakaitim na damit hanggang baba. Naestatwa ako sa kinatatyuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko may hawak siya na kutsilyo kaya mas lalo pa akong natakot dito. Wala siyang repleksiyon sa salamin pero ako meron. Napaurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko ng biglang..
Biglang umikot ang ulo nito kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng salarin. Nasa harapan ko siya ngayon. Nakangiti ito sa akin. Imposible na makatakas siya. Hindi nakatakas ang salarin sa kulungan. Si Jessica yung salarin na nasa harapan ko.
"Ikaw?"
"Bulaga namiss mo ba ako?" Tinanggal niya ang kaniyang maskara kaya mas lalo akong natakot sa kaniya. Nang dahil doon ay mabilis akong nakatakbo palabas ng comfort room. Bumaba ako para makahingi ng tulong sa mga gwardiya na nasa labas .
Nakita ko si Six na papasok sa pintuan kaya tumakbo ako papunta sa kaniya dahil sa takot ko sa salarin. Hindi siya nakatingin sa akin.
"Papasok na ako-" naputol ang sinabi niya ng hawakan ko siya sa braso.
"Six yung Jessica nasa kwarto." Nakatingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. Napakunot naman ang kaniyang makapal na kilay. "Anong nangyari bakit?" Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin ako ng biglang tumawa ang salarin na nasa itaas.
"Huh si Jessica?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Oo nasa cr yung salarin."
Nahihirapan akong huminga dahil sa takot ko sa salarin. Noong makita ko ang mukha niya may peklat siya sa mukha. Yun ang pumatay kay Stanley at kay Kitty. Naalala ko pa ang panlilisik ng kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Yung mga matang 'yon nagbigay ng takot sa akin. Napatingin ako kay Six na biglang nagbago ang reaksiyon niya at nakita ko ang kaharap ko na ay..
Kaharap ko na si-
Yung mukha niya nagbago..
Nakita ko na lang sa harapan ko ang mukha ng salarin. Kaya nabitawan ko ang hawak kong salamin sa kamay ko.
"Oh bakit gulat na gulat ka?" Nanlaki ang mata saka umupo dahil sa takot.
Marahan siyang humahakbang papalapit sa akin habang mabilis naman akong umaatras. Napaiyak ako ng maglabas siya ng kutsilyo. Nakangiti lamang siya sa akin at ang ngiting yun. Ngiting nakakatakot na ayaw mong makita. Dahil makikita mo sa kaniya ang mukha ng isang demonyo.
"Please nagmamakaawa ako 'wag mo akong papatayin." Gumagapang ako papalayo sa kaniya ayoko mahuli ako ng salarin. Napapikit na lamang ako dahil isang atras ko na lang ay semento na.
"A killer is always a killer." Narinig ko ang pagtawa niya ng sobrang lakas nakakatakot nakakataranta.
Umiisip ako ng bagay na maipanglalaban sa kaniya. Naisip ko ang binigay sa akin ni Maxine na regalo daw sa kaniya ni Supremo. Mas lalong kailangan ko ang bagay ito ngayon. Kinuha ko sa bulsa ko ang bente nuwebe isang kutsilyo. Kaya napatingin ako sa salarin. Saglit siyang napahinto at napangiti sa akin.
"Gusto mo bang makipag saksakan sa akin?" Tanong niya kaya nauna ako na saksakin siya pero nakailag siya. Siya naman ngayon ang naglabas ng kutsilyo.
Puro iwas ang ginawa ko at saksak. Maalam akong gumamit ng kutsilyo dahil tinuruan ako ni Maxine.
"Hindi sa lahat ng oras nandiyan ako para sayo, Kailangan mong lumaban dahil kung aatras ka sa laban mananatili kang talunan.."
Naalala ko ang sinabi niya sa akin bago niya ibigay ang kutsilyo sa akin. Maraming iba't ibang kutsilyo si Maxine dahil may isang koleksiyon siya ng mga ito. Ang sabi niya ay hindi na niya kailangan ng regalo dahil wala na ang nagbigay sa kaniya ng regalong yon kaya ibinigay na lamang niya sa akin ang kutsilyo. Naaalala niya kasi kung gaano siya kasaya nung buhay pa si Supremo. Tuwing nakikita niya ang kutsilyong regalo sa kaniya ni Six ay nadudurog ang puso niya.
Napaupo ang salarin ng mahiwa ko ang kaniyang braso. Narinig ko ang sunod-sunod na palahaw niya at pagmumura. Akma akong tatakbo palabas ng bigla niyang hinawakan ang paa ko saka hinigit kaya nawalan ako ng balanse. Nanlaki ang mata ko ng saksakin niya ang sa likod ng hita ko ng dalang beses. Napasigaw ako ng sobrang lakas na halos mapaihi ako sa sobrang hapdi.
"Tulong!" Sigaw ko na halos magkaawa na ako.
"Tulungan niyo ako.." Pilit kong mawala sa kaniya ng biglang tinusok niya pababa ng lkod ng hita ko gamit ang kutsilyo na labis na naglabas ng likido. Nakagat ko pa ang dila ko dahil sa sobrang sakit.
"Tama na ayoko na!" sigaw ko na halos manghina na ako.
"Pero gusto ko pa ng saksakan," natutuwa ito na parang bata na gustong gusto ang ginagawa niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko walang malay si Six dahil may pinaamoy sa kaniya ang salarin. Nakahiga siya sa sahig habang wala itong malay.Kailangan kong makagawa ng paraan. Para saan pa ang securities kung hindi din ako ililigtas nila mga put*ngina nila.
Gumilid ako para sipain siya ng malakas sa mukha. Kaya siya naman ngayon ang nakahiga. Ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya at may hawak ng kutsilyo. Akma ko siyang sasaksakin ng biglang inagaw sa akin ni Six ang kutsilyo para masaksak ang salarin.
Pero..
Nanlaki ang mata ko ng ako ang sinaksak niya at hindi ako salarin.
"Bakit Six?"
"Bakit ako Six?"
"Ikaw ang pumatay sa tatay ko at hindi si Jessica!" Sigaw niya sa akin kaya naluha ako. Anong sinasabi niya hindi ako ang pumatay kay Stanley. Hindi ko magagawang pumatay.
"Ano bang sinasabi mo Six?"