CHAPTER 54

1504 Words
"Teka nasaan ako?"  Tanong ko sa isipan ko dahil hindi ko magawang makapagsalita.  Nasa isang panaginip na naman ba ako o guni-guni ko lamang ito? Para masabi ko talaga na hindi ako nasa panaginip lang ay sinampal ko ang mukha ko. "Aray ko, Oo nga nasa panaginip ako pero nakikita ko ang lahat ng mangyayari pa lamang." bulong ko sa isip ko. Marahan kong kinakapa ang lahat ngg madadaanan ko bawat pader ay kinikilatis ko. Napahinto ako dahil hindi ito sa paaralan namin. Sa isang isla ito na napuntahan ko dati. Hindi ko maipaliwanag kung saan ba ang isla na ito. Basta ang tanda ko lang nasa kalagitnaan ng isla ang unibersidad na ito.  "Death University?" Tanong ko sa sarili ko dahil may nakita akong uniporme ng isang babae na hindi nalalayo ang edad ko sa kaniya. Naglalakad ito at humihithit ng sigarilyo.  "Wow ganito na ba talaga ang estudyante dito, Tyaka ang angas niyang tignan parang siya ang bersyon ni Maxine." Natulala ako at tinabihan ko siya sa gilid nga lang. Nakakatakot pala umasta ang babaeng ito talagang kumpleto siya sa gamit na pang-patay. Katakot huh. Xaxire's Point of View Habang naglalakad ako may nakita ako sa pasilyo nakaitim na lalaking may daladalang isang napatalim na kutsilyo. Inihinto ko muna ang pagyoyosi ko bago nagbuga ng usok. Mahina ko itong tinatanggalan ng upos at akmang hihipan ng biglang may kung anong bagay akong nakita sa hindi kalayuan.  "Ano na naman katangahan ang nakikita ko?" pagalit kong tinapon ang sigarilyo ko sa malayo.  Sinuot ko ang asero ko dahil may naamoy akong panganib mula sa hindi kalayuan. Wala akong pake kung magkapatayan na mahanap ko lang kung saan yung lalakeng yon. Tinatakot niya ako ng wala sa oras hindi niya yata ako nakikila. "Pwes magpapakilala ako sa kaniya." Ngumuya pa akong ng kapirasong bubble gum bago umalis. Hindi ko siya mamukhaan kasi nasa dilim siya pero alam ko aninaw ko siya na may dalang kutsilyo.  Pinagmasadan ko siyang maigi baka namalik mata lang. Pero sinampal ko ang pinge ko ng tatlong beses para masabing nasa totoo at hindi panaginip. Bamagsak ang balikat ko at totoo nga pangyayari.wala akong magawa kung di kumaripas ng takbo at magtago  dahil  nakita ko ang salarin nag sink in tuloy sakin yung sinabi ni lim Flashback.. “ xaxire alam mo ba maniwala kaman o hindi may pumapatay sa paaralang ito,”saad ni Lim. Habang umiinom ako ng juice ay nasamid ako. Nagsalita ako pero binawi ko ang sasabihin ko sa kaniya. Mahirap na baka magkamali pa ako ng sasabihin sa kaniya.Tumingin pa ako sa ibang estudyante na nandito sa paaralang ito.  Ang iba ay kumakain ng bananaque ang iba naman ay nagfu-foodtrip sa cafeteria at nagtatawanan kaya sobrang ingay sa loob at labas ng cafeteria dagdag pa diyan ang mga tsismis tungkol sa mga gwapong mga lalake kahit hindi naman talaga kagwapuhan eh titilian nila. Nakakarindi sila ang lalandi nila. Pero balik tayo sa usapan. Ano nga ulit yung pinagkekwentuhan namin kanina lang?    “A-ano ba sinasabi mo walang ganun sa paaralang ito huy basa pa ng w*****d ,k darama pa horror movie pa ,”mahabang salaysay sa kaniya Napatawa naman ako dahil napakamot sya sa kaniyang ulo. Bumuntong hininga si lim saka nagasalita “H-HINDI MO KASI ALAM!! Nagimbestiga kami ditto sa paaaralan may ibidensya ako marami gusto isa isahin ko pa?”manghang sabi niya sakin. Napatango na lang ako kung may mahahanap naman siyang ibidensya eh why not? Na maniwala ako. Binuksan niya itim na bag niya na ang tatak ay converse ma kinuha siya sa pangalawang pocket ng bag niya at inilabas niya ang pulang envelop.. “anuyan!” tanong ko baka kasi niloloko niya lang ako nako masasampiga ko to Hindi niya ba nakikita na ang hawak ko ang envelop anong kita niya dito? Halaman? “ E-envelop.” Maang niyang sagot sabay iling. Anak ng sampung tinae hindi yang ang ibig kong sabihin. Yung nasa braso niya yung may benda na dumurugo. “ hindi! Yung nasa braso mo lim akala ko ba magaling nayan bakit nagdurugo parin ano bang nagyari dyan!?”mabilisang tanong ko Napakunot ang noo niya saka pilit na itinago niya sakin ang kaniyang braso. Sabay hampas ng envelop sa mesa “tsk konting katangahann lang to no. char btw buksan mo yan huH PARA MANIWALA KA ”sabay duro sakin Pagbukas ko ng envelop nakita ko ang mga pictures kinuha ko ang lahat ng iyon. Nakita ko ang babae nasa bathtub pugot ang ulo at duguan halos maligo sa sariling dugo. Nakakapangilabot yung isa naman chinapchop at nilagay sa timba kita pa ang utak at nilalangaw na ang bituka.napakagat na lang ako sa labi ko hinaplos ko rin ng braso ko at tumatayo ang balahibo ko.totoo nga ang sinasabi ni lim namay pumapatay pero sino. Sino naman ang mala demonyong nito sa kanila kaya pala nakita ko kaganina lang sa quadrangle ang babaeng maraming kutsilyo sa tiyan, noo at hita.nakita ko rin kaganina namaraming istudyanteng nagkalat at nandididri sa pangyayari oo naawa ako kaganina dahil hindi na Makita ang mukha nito. Dinadala pa sa clinic ang labi ng babae alam kong sa paglaki ko gusto kong maging detective pero kailangan kong maging maingat at mabuhay ng matagal. “ huy! Xaxire naririnig moba ako !” saad ni lim nabuhayan na lamang ako ng batukan niya ako. “aray ko!!”masakit yun huh.” Ikincross niya naman ang kaniyang braso tanda ng pagsuko alam niya kasi ako kung paano magalit “sorry na xax! Kaganina pakita kasi tinatawag kulang nalang mag alien dance ako dito eh. Napatawa naman ako sa kaniya si lim talaga mukhang ewan kumag talaga. “hahahahahahaha!!” fake na ngumiti sa kaniya sabay kurot sa tagiliran niya “mamamaww di na ko lalaban!” “mamaya kasakin! Lim ”saad ko bumuntong hininga siya saka nagsalita Seryoso ang mukha niya “alam moba xaxire na gawa ito ng salarin”sabay h***d ng benda. Naglaki ang mata ko ng Makita ko ang napakalaking hiwa nakulang na lang eh lumabas ang buto naawa ako sa bestfriend ko kasi kahit na noon pa hindi niya kayang makapagsinungaling akin alam kong totoo ang mga sinasabi niya. “nung gabi nay un sinundan namin ni jein ang misteyosong lalake na may hawak na kutsilyo nakamasakra siya na kulay itim.dadali siyang naglaho na parang bula at sumulpot sa harapan ko nahiwa ako sa braso na kaagad kong kinabagsak parang nawalan ako noon ng malay at dinala na lang ako ng kuya mo sa labolatoryo maraming salamat sa panginoong dahil hindi pa ako natutuluyan ayoko pang mamatay. Alam ko pang may misyon pa ako sa mundong to kaya xaxire mag ingat ka pero si jein patay na siya ang bestfriend natin kaganina lang umaga nasa clinic siya nakilala na siya dahil sa singsing niya palatandaang “jein”……..”   Bulong ng malagom na boses sa likuran namin“there’s no god in the hell” End of flashback…..     “ there’s no god in the hell” Yun na lang ang natandaan ko pero wala na ako sasariling katinuan kaya kinalimutan ang sabi ni lim. Nataranta ako nang mag brown out …wala akong Makita pero tumatakbo parin ako kahit walang Makita at nalalag na lamang ako sa hagdan nagpagulong gulong. Narinig ko ang pag click senyales na may kuryente na. pinilit kong abutin ang cellphone ko pero…….. Napatunghay ako ng sasakin ang cellphone napaigtad naman ako. Pagkatunghay ko ay isang malakas na hampas ng dospordos ang inabot ko.at tuluyan na akong nawalan ng malay Nagising ako dahil sa pagtapik sa aking pinge. Wala akong maaninaw, napaka labo ng aking paningin. Hindi ko makusot ang aking mga mata dahil nakagapos ako. Puno ng manstang dugo ang aking blouse. Napasigaw ako dahil sa sobrang init ,binuhusan ako ng mainit na tubig sa braso. Nagulat na lamang ako ng sabunutan niya ako. Napatingin na lamang ako sa kaniya pero napaka labo ng aking paningin  pero may unti pa akong maaninaw ang kaniyang itim na maskara naka suot siya siya ng itim na roba. Napalaki ang aking mga mata na napagtanto ko na siya ang SALARIN.pero ang alam ko lang nasa panganib ako…kailangan kong makaligtas hindi pa ako pwedeng mamatay. wala akong magawa kung di maiyak  Diyos ko tulungan nyo po ako!! Nagulat na lang ako ng may kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang napakatalim na bagay KUTSILYO at walang emosyong nilagay sa leeg ko. “magdasal kana mamatay kana! Xaxire” saaad sa akin ng salarin Ang naiisip ko na lamang ay hindi pa ako ako mamatay hindi pa napatawa na lamang ako ng walang anu ano. Papatayin na ako pero tumatawa pa ako ako. Agad naman akong tumunghay para tawanan ang salarin. Imbes na matakot ako siguro pa ang may ganang magalak. Walang ano ano ay nagsalita sa malagom na bose ang salarin.   “nagagawa mo pang tumawa kahit malapit ka nang mamatay!” galit na saad ng salarin  walang anu anuy tinarak sa akin ang isang napakatilos na kutsilyo—   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD