Xaxire's point of View
Habang naglalakad ako may nakita ako sa pasilyo nakaitim na lalaking may daladalang isang napatalim na kutsilyo. Inihinto ko muna ang pagyoyosi ko bago nagbuga ng usok. Mahina ko itong tinatanggalan ng upos at akmang hihipan ng biglang may kung anong bagay akong nakita sa hindi kalayuan.
"Ano na naman katangahan ang nakikita ko?" pagalit kong tinapon ang sigarilyo ko sa malayo.
Sinuot ko ang asero ko dahil may naamoy akong panganib mula sa hindi kalayuan. Wala akong pake kung magkapatayan na mahanap ko lang kung saan yung lalakeng yon. Tinatakot niya ako ng wala sa oras hindi niya yata ako nakikila.
"Pwes magpapakilala ako sa kaniya." Ngumuya pa akong ng kapirasong bubble gum bago umalis.
Hindi ko siya mamukhaan kasi nasa dilim siya pero alam ko aninaw ko siya na may dalang kutsilyo. Pinagmasadan ko siyang maigi baka namalik mata lang. Pero sinampal ko ang pinge ko ng tatlong beses para masabing nasa totoo at hindi panaginip. Bamagsak ang balikat ko at totoo nga pangyayari.wala akong magawa kung di kumaripas ng takbo at magtago dahil nakita ko ang salarin nag sink in tuloy sakin yung sinabi ni lim
Flashback..
“ xaxire alam mo ba maniwala Kaman o hindi may pumapatay sa paaralang ito….”saad ni lim. Habang umiinom ako ng juice ay nasamid ako.
At nagsalita
“A-ano ba sinasabi mo walang ganun sa paaralang ito huy basa pa ng w*****d ,k darama pa horror movie pa .”mahabang salaysay sa kaniya
Napatawa naman ako dahil napakamot sya sa kaniyang ulo.bumuntong hininga si lim saka nagasalita
“H-HINDI MO KASI ALAM!! Nagimbestiga kami ditto sa paaaralan may ibidensya ako marami gusto isa isahin ko pa?”manghang sabi niya sakin. Napatango na lang ako kung may mahahanap naman siyang ibidensya eh why not? Na maniwala ako.
Binuksan niya itim na bag niya na ang tatak ay converse ma kinuha siya sa pangalawang pocket ng bag niya at inilabas niya ang pulang envelop..
“anuyan!” tanong ko baka kasi niloloko niya lang ako nako masasampiga ko to
“ E-envelop.” Maang niyang sagot sabay iling. Anak ng sampung tinae hindi yang ang ibig kong sabihin. Yung nasa braso niya yung may benda na dumurugo.
“ hindi! Yung nasa braso mo lim akala ko ba magaling nayan bakit nagdurugo parin ano bang nagyari dyan!?”mabilisang tanong ko
Napakunot ang noo niya saka pilit na itinago niya sakin ang kaniyang braso. Sabay hampas ng envelop sa mesa
“tsk konting katangahann lang to no. char btw buksan mo yan huH PARA MANIWALA KA ”sabay duro sakin
Pagbukas ko ng envelop nakita ko ang mga pictures kinuha ko ang lahat ng iyon. Nakita ko ang babae nasa bathtub pugot ang ulo at duguan halos maligo sa sariling dugo. Nakakapangilabot yung isa naman chinapchop at nilagay sa timba kita pa ang utak at nilalangaw na ang bituka.napakagat na lang ako sa labi ko hinaplos ko rin ng braso ko at tumatayo ang balahibo ko.totoo nga ang sinasabi ni lim namay pumapatay pero sino. Sino naman ang mala demonyong nito sa kanila kaya pala nakita ko kaganina lang sa quadrangle ang babaeng maraming kutsilyo sa tiyan, noo at hita.nakita ko rin kaganina namaraming istudyanteng nagkalat at nandididri sa pangyayari oo naawa ako kaganina dahil hindi na Makita ang mukha nito. Dinadala pa sa clinic ang labi ng babae alam kong sa paglaki ko gusto kong maging detective pero kailangan kong maging maingat at mabuhay ng matagal.
“ huy! Xaxire naririnig moba ako !” saad ni lim nabuhayan na lamang ako ng batukan niya ako.
“aray ko!!”masakit yun huh.” Ikincross niya naman ang kaniyang braso tanda ng pagsuko alam niya kasi ako kung paano magalit
“sorry na xax! Kaganina pakita kasi tinatawag kulang nalang mag alien dance ako dito eh. Napatawa naman ako sa kaniya si lim talaga mukhang ewan kumag talaga.
“hahahahahahaha!!” fake na ngumiti sa kaniya sabay kurot sa tagiliran niya
“mamamaww di na ko lalaban!”
“mamaya kasakin! Lim ”saad ko bumuntong hininga siya saka nagsalita
Seryoso ang mukha niya
“alam moba xaxire na gawa ito ng salarin”sabay h***d ng benda. Naglaki ang mata ko ng Makita ko ang napakalaking hiwa nakulang na lang eh lumabas ang buto naawa ako sa bestfriend ko kasi kahit na noon pa hindi niya kayang makapagsinungaling akin alam kong totoo ang mga sinasabi niya.
“nung gabi nay un sinundan namin ni jein ang misteyosong lalake na may hawak na kutsilyo nakamasakra siya na kulay itim.dadali siyang naglaho na parang bula at sumulpot sa harapan ko nahiwa ako sa braso na kaagad kong kinabagsak parang nawalan ako noon ng malay at dinala na lang ako ng kuya mo sa labolatoryo maraming salamat sa panginoong dahil hindi pa ako natutuluyan ayoko pang mamatay. Alam ko pang may misyon pa ako sa mundong to kaya xaxire mag ingat ka pero si jein patay na siya ang bestfriend natin kaganina lang umaga nasa clinic siya nakilala na siya dahil sa singsing niya palatandaang “jein”……..”
Bulong ng malagom na boses sa likuran namin“there’s no god in the hell”
End of flashback…..
“ there’s no god in the hell”
Yun na lang ang natandaan ko pero wala na ako sasariling katinuan kaya kinalimutan ang sabi ni lim. Nataranta ako nang mag brown out …wala akong Makita pero tumatakbo parin ako kahit walang Makita at nalalag na lamang ako sa hagdan nagpagulong gulong. Narinig ko ang pag click senyales na may kuryente na. pinilit kong abutin ang cellphone ko pero……..
Napatunghay ako ng sasakin ang cellphone napaigtad naman ako. Pagkatunghay ko ay isang malakas na hampas ng dospordos ang inabot ko.at tuluyan na akong nawalan ng malay
Nagising ako dahil sa pagtapik sa aking pinge. Wala akong maaninaw, napaka labo ng aking paningin. Hindi ko makusot ang aking mga mata dahil nakagapos ako. Puno ng manstang dugo ang aking blouse. Napasigaw ako dahil sa sobrang init ,binuhusan ako ng mainit na tubig sa braso. Nagulat na lamang ako ng sabunutan niya ako. Napatingin na lamang ako sa kaniya pero napaka labo ng aking paningin pero may unti pa akong maaninaw ang kaniyang itim na maskara naka suot siya siya ng itim na roba. Napalaki ang aking mga mata na napagtanto ko na siya ang SALARIN.pero ang alam ko lang nasa panganib ako…kailangan kong makaligtas hindi pa ako pwedeng mamatay. wala akong magawa kung di maiyak Diyos ko tulungan nyo po ako!!
Nagulat na lang ako ng may kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang napakatalim na bagay KUTSILYO at walang emosyong nilagay sa leeg ko.
“magdasal kana mamatay kana! Xaxire” saaad sa akin ng salarin
Ang naiisip ko na lamang ay hindi pa ako ako mamatay hindi pa napatawa na lamang ako ng walang anu ano. Papatayin na ako pero tumatawa pa ako ako. Agad naman akong tumunghay para tawanan ang salarin. Imbes na matakot ako siguro pa ang may ganang magalak. Walang ano ano ay nagsalita sa malagom na bose ang salarin.
“nagagawa mo pang tumawa kahit malapit ka nang mamatay!” galit na saad ng salarin walang anu anuy tinarak sa akin ang isang napakatilos na kutsilyo—
Third Person's POV (Continuation)
Sa oras na lumapit ang lalake sa kaniya kung wala lamang siya sa hawla ay mapapatay niya ito. Maraming beses na siyang nagtatangkang tumakas sa hawla ngunit nahuhuli siya ng lalake. Palagi siyang pinagtatangkaang patayin ng salarin.
Hindi mawawala sa kaniya ang mga nakamarkang mga pasa sa kaniyang katawan. Sa braso, hita, likod at sa iba pang parte ng katawan nito. Kulang na lang talaga ay patayin siya nito. Nagkaroon pa nga ng tagpo na makakaalis na siya sa lugar ngunit inaabangan lang pala siya nito sa madilim na pasilyo. Maraming beses na siyang nagtangkang lumisan pero nahuhuli siya ng salarin.
Gusto niyang humingi ng tulong ngunit sinong maniniwala sa kaniya? Kapag ba ikwinento niya sa awtoridad ang nangyari ay paniniwalaan siya? Ang salarin ay kasabwat ng gobyerno. Kahit anong pagmamakaawa niya dito ay hindi siya makakakuha ng hustisya para sa kaniya. Napatingin sa kaniya ang lalake na may hawak ng pinggan. Nakangiti parin ang lalake sa kaniya kahit alam niyang nahihirapan na ito. Para sa kaniya natutuwa siyang pahirapan ang babae kaysa ang patayin ito.
"PUMAPATAY SILA PARA SA WALA." Sinipa niya ng malakas ang bangko malapit sa kaniyang pwesto dahil sa inis nito sa dalaga.
Napalingon siya sa lalake dahil sa sinabi nito. Nabigla kasi siya sa sinabi ng lalake. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya na pumapatay sila para sa wala? Paano niya nasasabi na pumapatay sa wala ang lahat ng pumapatay sa kapatid niya? At sino ang kapatid ng dalaga?
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan siya dahil sa sinabi nito. Nagsilbi itong malaking tanong sa kaniya.
Wala siyang maisip na dahilan o sagot. Nalilito siya. Litong-lito na. Napalingon siya sa dala nitong pinggan. Sanay na siya na kumakain ng lamang loob ng tao ang lalake. Mismo sa harapan niya pa ito kumakain. Nagugutom na ang dalaga kaya napapatingin siya sa dala nitong pinggan.
"Bago ko sabihin sayo kumain ka muna." Alok niya sa dalaga ngunit napailing siya ng maamoy niya ang laman ng tao.
Masangsang ito at nabubulok na ang bituka. Naging matalas na ang kaniyang pang amoy dahil bulag ito. Binulag siya ng lalakeng nasa harapan niya. Pero kahit bulag ito ay malakas ang kaniyang pang-amoy at mabilis itong makakilala ng tao. Kahit bulag siya ay may sapat siyang kakayahan para gawin ang lahat. Isa siyang matalinong bulag.
Matalinong bulag Oo. Kaya niyang matandaan ang lahat ng bagay sa isang minuto lang. Nabulag siya dahil tinapunan siya ng asido sa kaniyang mga mata. Dahil sa panlalaban sa lalake. Lumaban siya sa lalake dahil mayroon naman siyang lakas para lumaban dito.
Magaling ang babae sa martial arts. Ito kasi ang turo ng kanilang ama sa kaniya. Dahil gusto niyang maipagtanggol ang kapatid niya sa masamang tao.
"Kapag sinabi kong kakain ka. Kumain ka!" Hinampas niya ng malakas ang hawla ng babae. Kaya ikinagulat niya ito dahil sa takot.
Sa tuwing sisigaw ang salarin sa kaniya ay naiisip niya na katapusan na ang lahat, na mamatay siya. Naging troma na sa kaniya ang p*******t nito. Ang pagsipa sa kaniyang hawla. Walang kalayaan. Walang katapusan....
Paulit-ulit na parusa sa kaniya. Hinihiling niya na sana ay kunin na niya ang buhay nito. Hirap na hirap na siya sa lahat ng bagay. Malimit na ginagawa sa kaniya ang buhusan siya ng mainit o sobrang lamig na tubig. Minsan pa ay iniihian ang kaniyang hawla.
Diring-diri na siya sa kaniyang sarili. Hindi na kayang mabuhay pa. Umiling lamang siya at niyakap na lamang niya ang kaniyang tuhod. Yun lamang ang tangi niyang magagawa. Pinipilit niyang hindi umiyak gusto niyang maging matapang. Ipakita sa lalake na matapang siya at walang kinatatakutan. Umiling ulit siya.
"Sinusubukan mo ba ako, Matapang kana?" Hamon niya sa dalaga.
Tinapon niya ang dala niyang pinggan na may lamang bituka ng tao dahil sa inis niya rito. Ang kapirasong bituka na nasa pinggan ay tumalbog papalayo dahil nabasak ang pinggan. Hindi siya sumagot o nanlaban pa sa lalake. Alam niyang may limitasyon ang lahat kahit gigil na siyang makipaglaban sa lalake ay tinitiis niya lamang. Iniisip niya ang kapakanan ng kapatid niya.
Mahal niya ang kapatid niya kahit ano pang sabihin ng iba. Noong sampung gulang pa lamang siya at ang kaniyang kapatid ay pitong taong gulang pa lamang ay nawala na ito. May dumukot sa bunso niyang kapatid. Pabalik-balik siya sa paborito nilang lugar noon.
Sa parke. Hindi basta-bastang parke yon para sa kanila dahil dito nila nagagawa ang lahat ng bagay na naisin nila o gustuhin nila. Nagbabakasakali siya na doon niya makita ang kapatid niya ngunit nagkakamali siya. Ilang beses siyang nabigo sa paghahanap sa kapatid niya. Mabilis rin kasing isinarado ang kaso ng kaniyang kapatid.
Ang sabi sa kaniya ng awtoridad ay wala na ang kaniyang kapatid. Patay na ito. Ngunit hindi siya naniniwala na patay na ito. Malakas ang kutob niya na buhay pa ito. Ngunit hindi niya alam kung saan siya magsisimula maghanap. Hindi niya alam. Nagpalaboy-laboy siya sa daan para mahanap ang kaniyang kapatid.
Kahit gutom at pagod ay itinataya niya para sa kaniyang kapatid. Mahal na mahal niya kasi ito. Isang araw, Nagkrus ang landas nilang magkapatid. Nakita niya ang bunso niyang kapatid sa isang parke kung saan paborito nilang puntahan pero nung makita niya ito ay malaki ang pinagbago nito. Hindi na siya ang kaniyang kapatid dahil nalimutan na niya na ang napagsamahan nilang dalawa.
Hindi niya ito nakilalang isang kapatid niya. nakalimutan na niya ang lahat. Lahat nang napagsamahan nila. Kaya pagtutong niya ng disiotso ay hihingi siya muli ng tulong sa mga awtoridad. Ngunit ang hindi niya alam ay salarin siya hihingi ng tulong kaya napunta siya at ikinulong ng salarin ng mahabang panahon sa hawla.
"Bakit hindi mo na lang kaya ako patayin." Alam niyang hinahamon siya ng dalaga ngunit ayaw niya itong sundin. Para sa kaniya may tamang oras siya para sa lahat ng bagay. Tamang oras para siya na mismo ang pumatay sa dalaga. Hirap na hirap na kasi ang babae. Puro pasa na ang natatamo niya pati na rin bugbug at saksak ng lalake idagdag mo pa diyan ang kuryente na kapag paparusahan siya ay dumadanak ang kaniyang dugo.
May malaki siyang sugat malapit sa kaniyang hita. Nakapag kukuryentehin ito ay mawawalan siya ng malay dahil sa sobrang sakit. Nakipaglaban kasi siya sa lalake dahil binalak niyang tumakas. Nahiwa ng itak ang kaniyang kanan hita. Kapag gumaling ito ay siyang magbibigay ng malaking peklat sa hita. Malaki ito at winakwak talaga na hanggang ngayon ay hindi pa nagagamot. Napatingin ang lalake sa dalaga na kanina pa tahimik. Tumingin siya sa malaking sugat ng babae na halos hindi niya ikinatuwa. Hirap na hirap ng makahinga ang babae.
"Ayaw kitang patayin," bulong niya sa dalaga. Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa dalawa tumayo na ang lalake dahil alam niyang matutulog ang babae.
Ngunit mas lalo siyang nag-alala sa sumunod na pangyayari. Nangingisay ang babae. Nangingi ang babae. Napatingin siya sa sugat nito na halos maging itim ang kulay ng dugo sa hita ng dalaga. Tumayo siya at hindi pinansin ang nangyayari. Ang nasa isip niya ay gumagawa lamang ito ng sitwasyon para malinlang siya.
"Huwag ka ngang gumawa ng katangahan diyan!" Bulyaw ng salarin sa hawla.
Patuloy parin ang pangingisay ng dalaga sumuka pa ito ng puting likido na nagpadelikado sa kaniyang sitwasyon. Napukaw ang atensyon niya ng tumahimik ang dalaga sa pangingisay. Pinanood niya lamang ito ngunit nag alala na siya sa sumunod na pangyayari. Hinanap niya ang palakol para sirain ang hawla para mailigtas ang babae.
Lumingon siya sa kaliwa at kanan ngunit wala siyang mahanap na palakol. Tumingin siya sa nakasabit sa itaas ng cabinet at nakita niya ang chain saw. Mabilis niya itong binuksan at pinuno sa pinakamataas na lebel. Mabilis naman niya itong nasira dahil bago ang chain saw.
Ang ibig kong sabihin ginagamit niya ang chain saw sa pagputol ng katawan ng tao. Palagi niya kasi itong nililinisan kaya hindi nagiging kalawangin. Akma niyang kakargahin ang babae patungo sa kaniyang labolatoryo ngunit ... Nakangiti ang babae may masamang balak ito. Anong binabalak ng dalaga sa kaniya? Bakit siya nakangiti? Mabilis niyang inilabas ang martilyo saka malakas na pinukpok ang ulo ng salarin. Nagpapanggap lamang ang dalaga sa kaniya.
Nabuo ang plano niya noong wala pa ang salarin. Pinagplanuhan niya ito ng mabuti sa kabila ng kaniyang kapansanan. Ngunit hindi naging hadlang sa kaniya ang bagay na yon. Mabilis kasi niyang matandaan ang lahat. Ang kumakaluskos kanina ay ang kasama niya. Nagtulungan silang dalawa upang makatakas sa loob ng lagusan. Detelyado at plinano talaga nila ang pag-alis sa lagusan.
Sa oras ng pagpunta at pag-alis ng salarin ay plinano nila. Lalake ito at tatlong araw itong nakakulong sa hawla. Dahil natupad ang kanilang plano at sabwatan ay malaya na sila ngayong makakatakas. Sa lakas ng palo nito ay natanggal ang dalawang mata nito. Bumagsak agad ang lalake sa sahig.
"AKO GUSTO KITANG PATAYIN!" Inapakan niya ang mata na nasa sahig na akala moy nayuping ubas. Napahinto ang dalaga at nabitawan niya ang martilyo ng may tumarak sa kaniyang likod.
"Walang makakatakas dito," Bulong ng isa pang salarin.