Chapter 52

2288 Words
Third Person's POV    Sa oras na lumapit ang lalake sa kaniya kung wala lamang siya sa hawla ay mapapatay niya ito. Maraming beses na siyang nagtatangkang tumakas sa hawla ngunit nahuhuli siya ng lalake. Palagi siyang pinagtatangkaang patayin ng salarin.  Hindi mawawala sa kaniya ang mga nakamarkang mga pasa sa kaniyang katawan. Sa braso, hita, likod at sa iba pang parte ng katawan nito. Kulang na lang talaga ay patayin siya nito.  Nagkaroon pa nga ng tagpo na makakaalis na siya sa lugar ngunit inaabangan lang pala siya nito sa madilim na pasilyo. Maraming beses na siyang nagtangkang lumisan pero nahuhuli siya ng salarin.  Gusto niyang humingi ng tulong ngunit sinong maniniwala sa kaniya? Kapag ba ikwinento niya sa awtoridad ang nangyari ay paniniwalaan siya? Ang salarin ay kasabwat ng gobyerno. Kahit anong pagmamakaawa niya dito ay hindi siya makakakuha ng hustisya para sa kaniya. Napatingin sa kaniya ang lalake na may hawak ng pinggan. Nakangiti parin ang lalake sa kaniya kahit alam niyang nahihirapan na ito. Para sa kaniya natutuwa siyang pahirapan ang babae kaysa ang patayin ito.    "PUMAPATAY SILA PARA SA WALA." Sinipa niya ng malakas ang bangko malapit sa kaniyang pwesto dahil sa inis nito sa dalaga.     Napalingon siya sa lalake dahil sa sinabi nito. Nabigla kasi siya sa sinabi ng lalake. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya na pumapatay sila para sa wala? Paano niya nasasabi na pumapatay sa wala ang lahat ng pumapatay sa kapatid niya? At sino ang kapatid ng dalaga?    "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan siya dahil sa sinabi nito. Nagsilbi itong malaking tanong sa kaniya.  Wala siyang maisip na dahilan o sagot. Nalilito siya. Litong-lito na. Napalingon siya sa dala nitong pinggan. Sanay na siya na kumakain ng lamang loob ng tao ang lalake. Mismo sa harapan niya pa ito kumakain. Nagugutom na ang dalaga kaya napapatingin siya sa dala nitong pinggan.     "Bago ko sabihin sayo kumain ka muna." Alok niya sa dalaga ngunit napailing siya ng maamoy niya ang laman ng tao.  Masangsang ito at nabubulok na ang bituka. Naging matalas na ang kaniyang pang amoy dahil bulag ito. Binulag siya ng lalakeng nasa harapan niya.  Pero kahit bulag ito ay malakas ang kaniyang pang-amoy at mabilis itong makakilala ng tao. Kahit bulag siya ay may sapat siyang kakayahan para gawin ang lahat. Isa siyang matalinong bulag.  Matalinong bulag Oo. Kaya niyang matandaan ang lahat ng bagay sa isang minuto lang. Nabulag siya dahil tinapunan siya ng asido sa kaniyang mga mata. Dahil sa panlalaban sa lalake. Lumaban siya sa lalake dahil mayroon naman siyang lakas para lumaban dito.  Magaling ang babae sa martial arts. Ito kasi ang turo ng kanilang ama sa kaniya. Dahil gusto niyang maipagtanggol ang kapatid niya sa masamang tao.  "Kapag sinabi kong kakain ka. Kumain ka!" Hinampas niya ng malakas ang hawla ng babae. Kaya ikinagulat niya ito dahil sa takot.    Sa tuwing sisigaw ang salarin sa kaniya ay naiisip niya na katapusan na ang lahat, na mamatay siya. Naging troma na sa kaniya ang p*******t nito. Ang pagsipa sa kaniyang hawla.  Walang kalayaan.  Walang katapusan....    Paulit-ulit na parusa sa kaniya. Hinihiling niya na sana ay kunin na niya ang buhay nito. Hirap na hirap na siya sa lahat ng bagay. Malimit na ginagawa sa kaniya ang buhusan siya ng mainit o sobrang lamig na tubig. Minsan pa ay iniihian ang kaniyang hawla.  Diring-diri na siya sa kaniyang sarili. Hindi na kayang mabuhay pa. Umiling lamang siya at niyakap na lamang niya ang kaniyang tuhod. Yun lamang ang tangi niyang magagawa. Pinipilit niyang hindi umiyak gusto niyang maging matapang. Ipakita sa lalake na matapang siya at walang kinatatakutan. Umiling ulit siya.    "Sinusubukan mo ba ako, Matapang kana?" Hamon niya sa dalaga. Tinapon niya ang dala niyang pinggan na may lamang bituka ng tao dahil sa inis niya rito. Ang kapirasong bituka na nasa pinggan ay tumalbog papalayo dahil nabasak ang pinggan. Hindi siya sumagot o nanlaban pa sa lalake. Alam niyang may limitasyon ang lahat kahit gigil na siyang makipaglaban sa lalake ay tinitiis niya lamang. Iniisip niya ang kapakanan ng kapatid niya.   Mahal niya ang kapatid niya kahit ano pang sabihin ng iba. Noong sampung gulang pa lamang siya at ang kaniyang kapatid ay pitong taong gulang pa lamang ay nawala na ito. May dumukot sa bunso niyang kapatid. Pabalik-balik siya sa paborito nilang lugar noon.  Sa parke. Hindi basta-bastang parke yon para sa kanila dahil dito nila nagagawa ang lahat ng bagay na naisin nila o gustuhin nila. Nagbabakasakali siya na doon niya makita ang kapatid niya ngunit nagkakamali siya. Ilang beses siyang nabigo sa paghahanap sa kapatid niya. Mabilis rin kasing isinarado ang kaso ng kaniyang kapatid. Ang sabi sa kaniya ng awtoridad ay wala na ang kaniyang kapatid. Patay na ito. Ngunit hindi siya naniniwala na patay na ito. Malakas ang kutob niya na buhay pa ito. Ngunit hindi niya alam kung saan siya magsisimula maghanap. Hindi niya alam. Nagpalaboy-laboy siya sa daan para mahanap ang kaniyang kapatid.  Kahit gutom at pagod ay itinataya niya para sa kaniyang kapatid. Mahal na mahal niya kasi ito. Isang araw, Nagkrus ang landas nilang magkapatid. Nakita niya ang bunso niyang kapatid sa isang parke kung saan paborito nilang puntahan pero nung makita niya ito ay malaki ang pinagbago nito. Hindi na siya ang kaniyang kapatid dahil nalimutan na niya na ang napagsamahan nilang dalawa.  Hindi niya ito nakilalang isang kapatid niya. nakalimutan na niya ang lahat. Lahat nang napagsamahan nila. Kaya pagtutong niya ng disiotso ay hihingi siya muli ng tulong sa mga awtoridad. Ngunit ang hindi niya alam ay salarin siya hihingi ng tulong kaya napunta siya at ikinulong ng salarin ng mahabang panahon sa hawla.    "Bakit hindi mo na lang kaya ako patayin."   Alam niyang hinahamon siya ng dalaga ngunit ayaw niya itong sundin. Para sa kaniya may tamang oras siya para sa lahat ng bagay. Tamang oras para siya na mismo ang pumatay sa dalaga.  Hirap na hirap na kasi ang babae. Puro pasa na ang natatamo niya pati na rin bugbug at saksak ng lalake idagdag mo pa diyan ang kuryente na kapag paparusahan siya ay dumadanak ang kaniyang dugo.  May malaki siyang sugat malapit sa kaniyang hita. Nakapag kukuryentehin ito ay mawawalan siya ng malay dahil sa sobrang sakit. Nakipaglaban kasi siya sa lalake dahil binalak niyang tumakas. Nahiwa ng itak ang kaniyang kanan hita. Kapag gumaling ito ay siyang magbibigay ng malaking peklat sa hita. Malaki ito at winakwak talaga na hanggang ngayon ay hindi pa nagagamot. Napatingin ang lalake sa dalaga na kanina pa tahimik. Tumingin siya sa malaking sugat ng babae na halos hindi niya ikinatuwa. Hirap na hirap ng makahinga ang babae.   "Ayaw kitang patayin," bulong niya sa dalaga.  Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa dalawa tumayo na ang lalake dahil alam niyang matutulog ang babae.  Ngunit mas lalo siyang nag-alala sa sumunod na pangyayari.  Nangingisay ang babae.  Nangingi ang babae.  Napatingin siya sa sugat nito na halos maging itim ang kulay ng dugo sa hita ng dalaga. Tumayo siya at hindi pinansin ang nangyayari. Ang nasa isip niya ay gumagawa lamang ito ng sitwasyon para malinlang siya.  "Huwag ka ngang gumawa ng katangahan diyan!" Bulyaw ng salarin sa hawla.  Patuloy parin ang pangingisay ng dalaga sumuka pa ito ng puting likido na nagpadelikado sa kaniyang sitwasyon. Napukaw ang atensyon niya ng tumahimik ang dalaga sa pangingisay. Pinanood niya lamang ito ngunit nag alala na siya sa sumunod na pangyayari. Hinanap niya ang palakol para sirain ang hawla para mailigtas ang babae.  Lumingon siya sa kaliwa at kanan ngunit wala siyang mahanap na palakol. Tumingin siya sa nakasabit sa itaas ng cabinet at nakita niya ang chain saw. Mabilis niya itong binuksan at pinuno sa pinakamataas na  lebel. Mabilis naman niya itong nasira dahil bago ang chain saw.  Ang ibig kong sabihin ginagamit niya ang chain saw sa pagputol ng katawan ng tao. Palagi niya kasi itong nililinisan kaya hindi nagiging kalawangin. Akma niyang  kakargahin ang babae  patungo sa kaniyang labolatoryo ngunit ... Nakangiti ang babae may masamang balak ito. Anong binabalak ng dalaga sa kaniya? Bakit siya nakangiti? Mabilis niyang inilabas ang martilyo saka malakas na pinukpok ang ulo ng salarin. Nagpapanggap lamang ang dalaga sa kaniya.  Nabuo ang plano niya noong wala pa ang salarin. Pinagplanuhan niya ito ng mabuti sa kabila ng kaniyang kapansanan. Ngunit hindi naging hadlang sa kaniya ang bagay na yon. Mabilis kasi niyang matandaan ang lahat. Ang kumakaluskos kanina ay ang kasama niya. Nagtulungan silang dalawa upang makatakas sa loob ng lagusan. Detelyado at plinano talaga nila ang pag-alis sa lagusan.  Sa oras ng pagpunta at pag-alis ng salarin ay plinano nila.  Lalake ito at tatlong araw itong nakakulong sa hawla. Dahil natupad ang kanilang plano at sabwatan ay malaya na sila ngayong makakatakas.  Sa lakas ng palo nito ay natanggal ang dalawang mata nito. Bumagsak agad ang lalake sa sahig.    "AKO GUSTO KITANG PATAYIN!" Inapakan niya ang mata na nasa sahig na akala moy nayuping ubas. Napahinto ang dalaga at nabitawan niya ang martilyo ng may tumarak sa kaniyang likod.     "Walang makakatakas dito," Bulong ng isa pang salarin. "Ako ang magpapatakas sa kaniya!"  Sigaw ng kasama ng babae na nasa malayo dala ang malaking itak. Pinatakas ako ng babae matapos niya itong takutin bago umalis kami ng matiwasay habang siya ay naiwan na takot na takot habang tumatango. Continuation.. Ngayon nakatakas ako at nalaman ko kung nasaan ngayon ang kapatid ko ay ako mismo ang hahanap sa kaniya. Matagal na panahon ko na siyang hinihintay at sa ngayong araw na ito. Makikita ko na rin siya. Mayayakap ko na siya. "Teka nga lang huh hindi naman tayo close, Pero grabe ka kung mang-asar parang kilala muna ako matagal na." Hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin ng masama sa kaniya. Naalala ko pala na kami na lang dalawa ang natira dito sa gym. Hindi pa pinapatay ang ilaw dito. Nakakatakot na itong lalake na ito. mang-aaya siya sa akin pumunta sa kung saan tapos hahablutin ang damit ko. Lord help me naman oh masyadong bastos itong lalake na ito. Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniya pero hinapit niya ang baywang ko. Kaya nanlaki ang mata ko at nailalag ko sa sahig ang bag na dadalhin ko. Lumunok pa ako dahil napatingin ako sa kaniyang asul na mga mata. Ang mga mata niyang yun ay tila nangungusap sa akin na gusto niyang humingoi ng tulong sa akin.  "Matagal ko na kayong kilala,"  saad niya at naamoy ko ang mabango niyang hininga. Matagal na niya kaming kilala? Saan? Kailan? Anong araw? Anong oras? "Matagal mo na kaming kilala what do you mean by that word 'kayo'?" usisa kong tanong sa kaniya. "Sabihin na lang natin na matagal ko na kayong sinusundan."Lumapit ang mukha niya sa akin. Kaunting lapit pa at malapit na niya akong halikan.  What the h*ck? Kung yan ang hahalik sa akin why not? Charot lang ang landi mo dhai. "Ahmm, Alam mo gan'yan ka ba talaga makipag-usap hinahapit mo sa baywang at-" Naputol ang sinabi ko ng magsalita siya.  "Kaya naisip kong magpakita dahil ang isa sa inyo ay isang salarin." Nagbago ang ekspresyon ko dahil sa sinabi niya.  Pero mas natakot ako dahil sa pangungusap niya sa akin na kailangan talaga na malapit ang mukha namin sa isa't isa.  "Bakit ganito kung kausapin  mo ako?"  Naiilang na tanong ko sa kaniya. Bakit ba ako pumapayag na kausapin niya ako ng ganito? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Ay oo buhay pa nga pala ako. "Binababalaan ko kayo na mag-iingat kayo. Dahil sa oras na sumunod kayo sa plano ng salarin lahat kayo madadamay lahat kayo mamatay.." saad niya sakin at tumingin uli siya sa mata ko ng diretso. Magsasalita pa sana ako ng biglang nawala na siya sa harapan ko. Tumingin pa ako sa likod ko pero wala na talaga siya. Napakunot ako dahil hawak niya lang ako kanina paanong nawala agad siya ng sobrang bilis? Ang weird minumulto na yata ako. Natawa na lang ako sa sarili ko at inaalala ko ang mukha ng lalake habang kinakausap niya ako. Nakangiti siya sa akin. Inaamin ko na kinikilig ako kahit panadalian lang yon. Pero natatakot ako dahil sa babala niya. Iniisip ko kung papaniwalaan ko ba siya o hindi? Sino ang papaniwalaan ko? Tinawag ko ang babae sa malayo saka kumaway pero umiba ang ngiti ni Akirah. Napaatras ako ng nakita ko si Akirah. Si Akirah nga ang nasa harapan ko ano ang ginagawa niya dito bakit siya masama kung tumingin sa akin.  "Hay nako ano ba ang pinag-iisip mo Megan. Stress na yata ang mukha kong maganda." Sinampal ko pa ang pisngi ko at pumikit-pikit. "Hay naku ilusyon ko nga lang." bulong ko sa isip ko. Nagbago ang ekspresyon ni Akirah ng biglang makita niya ako baka sobrang stress din niya tulad ko nakakaloka naman same vibes pa. Mas lalo akong napangiti ng nasa harapan ko na si Akirah. Mabilis ko siyang niyakap at niyakap niya rin ako pabalik. Nakangiti kaming dalawa sa isa't-isa. "Tanggap niya ba na gawin namin itong film na ito? Pumayag na kaya siya?" bulong ko sa isip ko. "Namiss kita Akirah." Humalik pa ako kaniyang pisngi. Sabay yakap ulit sa kaniya. "Mas namiss kita," wika niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti. Nanlaki ang mata ko ng bigla may nakamaskarang itim nakatayo lamang siya sa hindi kalayuan kaya nangatog ang binti ko. Hindi ko namalayan ng itutok na ng salarin ang kung anong bagay sa likod ni Akirah kaya mabilis akong humarang sa kaniya at ako nabaril. "Mahal kita Akirah.." huling bigkas ko sa kaniya bago mawalan ng malay. Naitapon ko ang b***l sa malayo at nilapitan ko ang babaeng nakatayo sa harapan ng salarin. Siya na ba ang nawawala kong kapatid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD