Serial killer’s Point of View
Napangisi ako sa oras na hindi matuloy ang plano ko sa pagpatay kay Stanley may gagawin akong masama sa isang kaibigan ni Akirah. Humanda siya. Siya mismo ang ituturo sa lahat ng ginagawa kong ito. Walang makakapigil sa akin kahit na sino pa.
Naiirita ako marinig ang kasiyahan nila nakakarindi hindi ko na kayang makasalamuha dito sa kasiyahang ito. Gusto ko nang pumatay. Gusto ko nang makatikim ng sariwang dugo ng tao. Bakit ba kasi ang tagal ng oras gusto ko nang pumatay. Nakatingin lamang ako sa susunod kong papatayin nakangiti ito. Natawa na lang ako. Iniisip ko kung anong ekspresyon niya kag wawakwakin ko ang tyan niya. Magmamakaawa ba siya? Matatakot? Excited na ako. Gusto ko nang pumatay. Naglalaway na ako gusto ko nang kumain ng sariwang bituka ng tao.
Lumabas muna ako sandali para magsigarilyo.
Tunay na magulang?
Mayroon ganung klase pala?
“Ngayong hapon ay papatay ako.” Uminom ako ng isang boteng soda sabay tingin sa nakangiting guro. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Bumilog ang kamao ko dahil nakita ko na naman si Akirah na masayang nakikipaglaro sa lahat. Ayoko sa lahat ang nakangiti. Gusto ko magmakaawa silang lahat sa akin. Gusto luluhod sila sa harapan ko.
Akma akong aalis ng biglang may humigit ng braso ko.
“Oh bakit?” Tanong ko sa kaniya.
“Anong kailangan mo?” dagdag ko. Umiling lang si Supremo saka ngumiti sa akin.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya kaya natawa na lang ako sa sinabi niya.
“Diyan lang magpapahangin bakit?” Tanong ko pabalik. Akma akong aalis na higitin niya ulit ang kamay ko. Ano bang problema supremo?
“Bakit?”
Napatungo na lamang ito at may dinukot sa loob ng kaniyang bulsa. Anong gagawin niya? Napalunok pa ako ng binigay niya ang isang itim na box sa akin.
“Tanggapin mo regalo ko ito sayo.” Kinuha niya ang kamay ko saka itinuwid ang palad ko. Inilagay niya doon ang itim na box.
Hindi ko inaasahan ng kung anong may kirot akong naramdaman sa puso ko. Ano itong nararamdaman ko. Bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
“Huh para saan ba ito?” Natatawang tumingin ako sa kaniyang mukha. Nakita ko ang pagpula ng kaniyang magkabilang pisngi.
“Basta buksan mo na lang,” tumaas ang kaliwang kilay nito habang nakatingin sa akin kaya tumawa na lang ako bago ko ginawa ang nais niya.
Isang box ito na itim may cute na pulang ribbon sa ibabaw nito. Habang nakasulat ang pangalan ko sa box. Napatingin ako roon ng matagal bago ngumiti at buksan ito.
“Bente nueve?” Tanong ko sabay yakap sa kaniya.
Gustong-gusto ko ang regalo na yon. Paano niya nalaman ang gusto kong regalo?
“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?” Tanong niya ulit bago ko siya mahinang itulak at tumingin sa kaniyang mga mata.
“Bakit mo ako binigyan ng bagay na ito?” Inosenteng tanong ko ulit sa kaniya.
Nabasa ko agad ang emosyon sa kaniyang mga mata. May sikreto siya na hindi sinasabi sa akin. Pero wala naman ako pakialam doon. Ang magpakitang tao sa kanila. Hindi nila namamalayan na tumutuklaw na sa kanila ang ahas nagbubulag-bulagan parin sila.
“Bakit mo nga pala ako niyakap?” Tanong niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.
“Huwag mong gawan ng malisya ang ginawa ko sayo natural lang na yakapin ang taong nagbigay sayo ng regalo. Sa bagay na ito ay nagpapasalamat ako sayo. Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng ganitong regalo.” Salaysay ko kaya pumalakpak na lamang siya.
“Ah, ganun ba.” ngumiti ulit siya.
“Natutuwa lang ako sa regalo mo nakakatakot pero ang unique.” Hinampas ko ang kaniyang braso sabay ngumiti sa kaniya.
“Ano naman ang gagawin ko dito?” Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago ako hinarap.
“Wala lang nag-aalala lang ako. Kasi alam muna para maprotektahan mo ang sarili mo kapag wala ako sa tabi mo.” Pumikit ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Heto na naman ang puso ko ang lakas t***k.
“Alam mo ang corny mo pero bet ko yan bakla-” Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang bewang ko saka inilapat ako sa pader. Marahan siyang lumapit sa mukha ko.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin ng diretso. Teka ano bang ginagawa niya. Marahan ko siyang tinulak pero ang tigas niya hindi ko siya maitulak. Teka bakit ako nanghihina. Akma ko siyang sasampalin pero bago ko pa masampal ang pisngi niya ay nahalikan na niya ang labi ko.
“Now tell me bakla parin ba ako sa tingin mo?” Natulala ako dahil sa tanong niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya ang bilis ng puso ko. Nanlaki ang mata ko anong ginawa niya sa puso ko. Malakas kong inagaw sa kaniya ang kamay ko at inirapan siya.
“Why did you kiss me?” Napaatras ako saka kumunot.
Anong meron dito sa taong ito at bakit ganito na lang kung makaasta.
“And that why I prove to you na hindi ako bakla,” saad niya.
Napataas naman kaunti ang labi ko dahil sa sinabi niya sa akin. Nakakainis tong lalaki na ito. Makaalis na nga.
“Alam mo wala akong pakialam sa’yo,” umirap ako at akmang aalis ng biglang hawakan niya ulit ang braso ko.
“Bakit na naman?”
“Ang ganda mo talaga..” sumingkit ang mata ko dahil sa sinabi niya saka umalis na ako papalayo sa kaniya.
Dumiretso ako sa kaliwang pasilyo saka lumiko ulit bago pumunta sa music room. Hinanap ko agad ang lababo. Yumuko ako roon saka pinagkasiya ang sarili ko. Bumaba ako ng hagdan. Alam ko ang sikretong lagusan sa buong paaralan na ito. Sa tagal ko na dito walang makakatakas sa akin dito. Inamoy ko pa ang aking kwarto bago ako humilata. Tinaas ko ang paa ko habang pinindot ang remote control kung saan nakakabit ang lahat ng camera sa cctv ko. Tumawa ako dahil ang oras na ay tumutok sa ala una. Nagsimula na akong ngumiti at ilang minuto na lamang ang hihintayin ko. Kinuha ko agad ang kutsilyo na nasa lamesa. Hinalikan ko pa ito bago tumingin ulit sa cctv.
“It show time my baby.”
Pinindot ko ang remote control kung sino ang sunod kong papatayin at tumutok ito kay… Nagbago ang ngiti ko ng biglang lumabas sa screen ang mukha ni Supremo. Teka bakit si Supremo? Ako ang papatay kay Professor Rob! Sinong nangingialam sa plano ko?
“Hayop ka!” Sigaw ko sa inis saka tinapon sa TV ang kutsilyo ko.
"f**k YOU DESTROY MY PLAN STANLEY!"
Sa sobrang galit ko ay pinagsasaksak ko ang ulo ni RH ang kaklase ko na nakahiga sa kama ko. Ang pinsan ni Supremo. Winakwak ko ang tyan nito at nilabas ang lahat ng kaniyang loob.
“Ako si Uno Bente Kwatro at ako ang gumagawa ng tadhana nila!”
May naisip ako at buo na ang desisyon ko ngayon naman ako naman ang mananalo ngayon sisiguraduhin ko na siya ang mapagbibintangan sa lahat ng ginawa ko.
"Hello nasaan ka ngayon kapatid ko may ipag-uutos ako sayo at magugustuhan mo ito," ngumiti ako ng nakakabaliw.
"Sure Ate Uno anong klase bang trabaho makakain ulit ba ako ng dugo?" Tanong ng nasa kabilang linya kaya natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya.
"Miss muna bang kumain ng sariwang karne ng tao?"
"Yes please!"
"May kondisyon si ate kapag hindi mo nagawa ng maayos wala akong dadalhin na food sayo kung hindi mo matatapos ang sasabihin ko." babala ko sa kaniya kaya nakaramdam ako na parang natakot siya bigla.
"Alam mo naman kung paano magalit si Ate diba?" lumawak pa ang aking pagngiti dahil natatakot na siya.
"Okey then what's your plan now?" Tanong ulit ng kapatid ko.
"Sirain mo ang pangalan ni Akirah, Megan at Maxine at ibigay mo sa akin ang bangkay ni Six.." gigil na wika ko sa kanilang linya sa galit ko ay nasuntok ko ang bakal na upuan.
"Your wish is my command," Binabaan niya ako kaya nagsimula akong maghanap ng mapupuntirya.
Megan's Point of View
Ako sinabihan pader? Nahiya naman ako sa kaniya na mukhang pulubi ang suot. Tyaka hindi ako sasama sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala masyado siyang asyuming kulang pa naman siya sa ligo.
"Ako pader?" paniniguro ko.
"Ay hindi baka ako yung pader." pilosopo niyang saad sa akin kaya mas lalo akong nainis dahil sa kaniyang sinabi.
"Pader kana man talaga," irap ko. Saka tumingin sa may likod koat kinuha ang bag ko.
Aalis na ako nakakainis 'tong taong ito. Wala akong gana para makipag-asaran sa kaniya. Iniisip ko pa yung nangyari kahapon.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako bumalik at sinaksak daw ako ni Six sa tiyan ko. Heto pa hindi rin talaga ako makapaniwala na si Professor Stanley ang pumatay. Doon ko napatunayan yung nabasa ko dati sa libro na trust no one. Wala kang ibang mapagtitiwalaan kun'di sarili mo lamang. Bumuntong hininga na lamang ako at akmang lalakad palayo papunta sa kung saan. Nang bigla niyang hawakan ang dulo ng damit ko.
"s**t bakit sa lahat ng hahawakan pa dulo ng damit ko pa," bulong ko sa sarili ko.
Nakasuot lang kasi ako ng off shoulder kaya mabilis akong mahubaran kahit anong oras. Hindi naman pala masyado sobra pala. Hiniram ko lang kasi itong damit ko kay Maxine dahil hindi ako nakapaglaba nung martes. Sabi ni Maxine h'wag ko na raw ibalik sa kaniya ang damit dahil marami naman siyang damit. Tyaka ayaw niyang magsuot ng girly na damit. Katulad ng dress, shorts, off shoulder. Mas gusto niya pang purmahan eh, Oversize na t-s**t at asul o itim na pantalon. Hindi rin kasi mahilig sa kulay pink si Maxine masyado raw nakakababae kaya ibinigay na lamang niya sa akin anag damit na ito.
"Teka nga lang huh hindi naman tayo close, Pero grabe ka kung mang-asar parang kilala muna ako matagal na." Hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin ng masama sa kaniya.
Naalala ko pala na kami na lang dalawa ang natira dito sa gym. Hindi pa pinapatay ang ilaw dito. Nakakatakot na itong lalake na ito. mang-aaya siya sa akin pumunta sa kung saan tapos hahablutin ang damit ko. Lord help me naman oh masyadong bastos itong lalake na ito.
Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniya pero hinapit niya ang baywang ko. Kaya nanlaki ang mata ko at nailalag ko sa sahig ang bag na dadalhin ko. Lumunok pa ako dahil napatingin ako sa kaniyang asul na mga mata. Ang mga mata niyang yun ay tila nangungusap sa akin na gusto niyang humingoi ng tulong sa akin.
"Matagal ko na kayong kilala," saad niya at naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Matagal na niya kaming kilala? Saan? Kailan? Anong araw? Anong oras?
"Matagal mo na kaming kilala what do you mean by that word 'kayo'?" usisa kong tanong sa kaniya.
"Sabihin na lang natin na matagal ko na kayong sinusundan."Lumapit ang mukha niya sa akin. Kaunting lapit pa at malapit na niya akong halikan.
What the h*ck? Kung yan ang hahalik sa akin why not? Charot lang ang landi mo dhai.
"Ahmm, Alam mo gan'yan ka ba talaga makipag-usap hinahapit mo sa baywang at-" Naputol ang sinabi ko ng magsalita siya.
"Kaya naisip kong magpakita dahil ang isa sa inyo ay isang salarin." Nagbago ang ekspresyon ko dahil sa sinabi niya.
Pero mas natakot ako dahil sa pangungusap niya sa akin na kailangan talaga na malapit ang mukha namin sa isa't isa.
"Bakit ganito kung kausapin mo ako?" Naiilang na tanong ko sa kaniya.
Bakit ba ako pumapayag na kausapin niya ako ng ganito?
Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Ay oo buhay pa nga pala ako.
"Binababalaan ko kayo na mag-iingat kayo. Dahil sa oras na sumunod kayo sa plano ng salarin lahat kayo madadamay lahat kayo mamatay.." saad niya sakin at tumingin uli siya sa mata ko ng diretso.
Magsasalita pa sana ako ng biglang nawala na siya sa harapan ko. Tumingin pa ako sa likod ko pero wala na talaga siya. Napakunot ako dahil hawak niya lang ako kanina paanong nawala agad siya ng sobrang bilis? Ang weird minumulto na yata ako. Natawa na lang ako sa sarili ko at inaalala ko ang mukha ng lalake habang kinakausap niya ako. Nakangiti siya sa akin. Inaamin ko na kinikilig ako kahit panadalian lang yon. Pero natatakot ako dahil sa babala niya. Iniisip ko kung papaniwalaan ko ba siya o hindi? Sino ang papaniwalaan ko?
Tinawag ko ang babae sa malayo saka kumaway pero umiba ang ngiti ni Akirah.
Napaatras ako ng nakita ko si Akirah. Si Akirah nga ang nasa harapan ko ano ang ginagawa niya dito bakit siya masama kung tumingin sa akin.
"Hay nako ano ba ang pinag-iisip mo Megan. Stress na yata ang mukha kong maganda." Sinampal ko pa ang pisngi ko at pumikit-pikit.
"Hay naku ilusyon ko nga lang." bulong ko sa isip ko.
Nagbago ang ekspresyon ni Akirah ng biglang makita niya ako baka sobrang stress din niya tulad ko nakakaloka naman same vibes pa. Mas lalo akong napangiti ng nasa harapan ko na si Akirah. Mabilis ko siyang niyakap at niyakap niya rin ako pabalik. Nakangiti kaming dalawa sa isa't-isa.
"Tanggap niya ba na gawin namin itong film na ito? Pumayag na kaya siya?" bulong ko sa isip ko.
"Namiss kita Akirah." Humalik pa ako kaniyang pisngi. Sabay yakap ulit sa kaniya.
"Mas namiss kita," wika niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti.
Nanlaki ang mata ko ng bigla may nakamaskarang itim nakatayo lamang siya sa hindi kalayuan kaya nangatog ang binti ko. Hindi ko namalayan ng itutok na ng salarin ang kung anong bagay sa likod ni Akirah kaya mabilis akong humarang sa kaniya at ako nabaril.
"Mahal kita Akirah.." huling bigkas ko sa kaniya bago mawalan ng malay.