Akirah's Point of View
Nanlulumo ako dahil sa nakita ko. Agad akong pumunta sa kusina at may kinuha na kung anong bagay. Kilala ko na kung sino ang salarin at ang balak niyang isusunod na patayin ay si Six. At kilala ko na ang salarin walang iba kun-di ang magaling kong kaibigan impostor siya. plinano niya ang lahat ng ito siya ang pumatay kay Prof. Stanley, Kitty, Lhiezel kaya dapat siya magbayad ng ginawa niya.
Wala akong pakialam kung magpatayan pa kami kahit kaibigan ko siya wala akong sinasanto kahit sino. p*****n na kung p*****n wala akong pakialam. Kinuha ko ang kutsilyo sa kusina bago tinago ito sa damit ko.
"Humanda ka sakin magtutuos tayo."
Megan's continuations..
"Bukas na lang tayo magshu-shoot sa tagaytay dahil may bagong student at sobrang pogi niya girls." Nagkatinginan kaming dalawa na parang pumupuso ang mga mata. Basta talaga gwapong lalake maganda ang pandinig namin ni Maxine.
"Tall dark and handsome po ba? Not masculated pero six packs pero payat. Umiigting ba ang mga panga?" sunod-sunod na tanong namin kay Direk. Para kaming pusa na nagmamakaawa na ang paningin. Pumikit-pikit pa kami sabay umipod malapit sa upuan ni Direk.
"Hay nako basta mga pogi talaga ang bibilis niyo." umirap pa si direk kaya nagtawanan kami.
"Anong pangalan niya direk." Naglabas na kami ng phone para maisearch namin ang pangalan nung bagong estudyante.
Matik na!
"Hello po.."
Napatingin kami sa likod namin ng may nagsalita na hindi pamilyar ang boses. Heto ba yung sinasabi ni Direk?
“Akirah!”
Nanginginig na sigaw ko sa wala nang buhay na si Akirah halos manlumo ako sa sinapit niya. Bumagsak ang katawan ko hindi ko namalayan na nakaluhod na pala ako, Mabilis kong kinuha ang gamot ko sa bulsa at tinaktak ito sa palad ko bago lunukin. May sakit ako sa puso tanging gamot na lamang ang lunas para sa sakit ko. Kung hindi ako makakainom ng gamot ay mamatay rin ako.
Duguan ang babaeng nasa elevator na halos maligo siya sa kaniyang sariling dugo. Durog durog ang kaniyang katawan pati ang kaniyang utak ay naghahalo sa bituka nayupi dahil sa pagkabagsak sa Elevator, Pugot ang ulo nito pati ang kaniyang mga mata na akala mo ay sumabog na ubas. Napaka brutal nang nangyari sa kaniya hindi ko maiwasang mapatungo at masuka dahil sa nakikita ko. Isang masiyahin siyang kaibigan na hanggang doon na lamang ang paroroonan. She deserved a justice and her family too.
“Bakit mo ako iniwan?” hagulgol ko sa kawalan
Sa tingin ko ay hindi aksidente ang nangyari sa kaniya kun’di pinagplanuhan ito. Napaka-brutal ng taong gumawa sa kaniya nito. Kailangan magbayad ang kung sino man ang gumawa nito.
“AKIRAHHHH!” halos mawalan ako ng hininga dahil hindi ko matanggap ang nangyar sa kaniya.
May tumapik-tapik sa likod ko na parang sinasabi niya na ayos lamang ang lahat nangyari. Humarap ako sa kaniya ng dahan-dahan at nakita ko ang mukha ng lumuluha kong kaibigan na si Maxine. Niyakap ko siya ng mahigpit at gumanti rin ito.
“Wala na si Akirah,” paos na sabi nito.
“Ang lahat may dahilan,” tinapik-tapik niya ang likod ko.
Hindi ako sumagot humagulgol na lamang ako ayoko pang magsalita parang hindi ko kayang magsalita dahil sa masamang nangyari sa kaniya. The things will fade away, lahat mawawala at walang nagtatagal. Maraming umaalis pero may dumadating.
“Buhay pa si Akirah iligtas natin siya,” naiinis akong tumingin sa Elevator na parang bata.
“Wala na si Akirah,” ulit ko
“Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Akirah,” sigaw ko habang nakatingin ako sa kawalan.
Hindi pa ako nakapagtimpi at malakas kong sinuntok ang sahig. Sa sobrang lakas nito ay nagpakawala ito ng napakaraming dugo pero hindi ko ininda ang hapdi na nararamdaman ko. Mas masakit pa ito kumpara sa kaibigan mong maagang pumanaw nang hindi manlang nagpapaalam sa’yo. Hindi ko manlang nasabi sa kaniya na mahal ko siya sa huling hantungan. Tapos heto pa ang makikita ko ang kaniyang brutal na pagkamatay. Hahanapin ko kung sinong pumatay sa kaniya pagbabayaran niya ang pagpatay niya sa kaibigan ko.
“Wala kang ginawang kasalanan Six, wala kang nagawang mali aksidente ang lahat,” paliwanag niya sa akin.
Sunod-sunod na tunog ng sirena ng ambulansiya at mga pulis ang narinig ko matapos ng insidente narito kami ngayon sa isang sasakyan dahil ginagamot kami ng mga Nurse dahil sa natamo kong sugat malapit sa elevator. Natamaan kasi ako ng hindi naman kalakihang bubog sa braso. Tinahi na ito sabi ko sarili ko malayo ito sa bituka hindi ako mamatay ng dahil sa sugat na ito. Nilapatan rin ng First aid si Maxine dahil may malaking hiwa siya sa palad ang sabi niya sa akin ay may nakalaban siyang gangster napaaway siya nakutsilyo siya sa kamay dahil iniligtas niya ang babaeng estudyante sa kabilang building na binubully. Napatango na lamang ako dahil sa sinabi niya ang pinaka-worst kasi na section ay nasa kabila building. Dahil si Maxine ang in-charge sa kabilang building ay siya ang dumisiplina sa lahat ng mga estudyante roon.
“Kamusta yung pagbisita mo sa kabilang building?” tanong ko
“What do you mean?” tanong niya din pabalik.
Tila nagugustuhan niya ang bagay na tinatanong ko sa kaniya, napaka angas kasi ni Maxine kumpara saibang babae. Siya yung tipong babae na kailangan ng mataas na respeto mapababae man o lalake. Marami man natatakot sa kaniya pero kung kikilalanin nila si Maxine ng mabuti ay sobrang buti nito sa kaniyang kapwa.
“Yung basag-ulo anong nangyari sa kanila,” tumingin ako ng bahagya sa kaniya.
Bumuntong hininga naman siya bago ngumiti alam kong kahit hindi ko itanong kung ano ang kalagayan ng nahawakan niyana building ay isa lamang ang sasabihin iyon ay-
“Nagtino,” maikli niyang sagot sa akin bago uminom ng kape na paborito niya.’’
“Congrats,” puri ko sa kaniya.
“I remove all rules of old teacher’s na hindi naman sinusunod ng mga estudyante,” bahagyang napaawang ang kaniyang kaliwang labi.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya so it means pati teachers kontrolado ng masasamang mga estudyante. What the heck anong klaseng estudyante ang naroon.
“What the F!”
“Maniwala ka man o sa hindi eh binuhusan nila ako ng harina at slime hindi pa sila nakuntento kasi pati yung mikropono sa stage nilagyan nila ng madikit na glue. Buti nalang handa ako sa lahat ng bagay,” salaysay niya sa akin na halos mamangha ako sa sumunod na kwinento niya sa akin.
Bumalik sa mga estudyante ang pinaggagawa nila kay Maxine siya naman ang gumanti rito natatawa pa nga ako kasi hindi nila alam kung sino ang babaeng kaharap nila. Paglaruin na nila ang lahat ng babae huwag lamang si Maxine dahil sasaludo sa kaniya ang demonyo kapag siya ang gumanti. Nadatnan niya ang mga guro sa paaralan na nakatali ang dalawang kamay habang nakabusal ang kanilang mga bibig. Mas lalo pa siyang nagalit dahil sa ginawa ng mga estudyante sa kani-kanilang mga guro. Pinapahirapan ng iba ang kanilang mga guro. Ang masakit ay pinaghahampas ang mga ito ng dos por dos, Ang iba ay namatay dahil nilunod nila ito sa tubig. Nang dahil doon ay binigyan niya ng magaan na parusa ang iba ang kabaliktaran ng magaan.
“Naniniwala ako sa’yo, ikaw pa,” ngumiti ako bago tinignan ang kaniyang malalang sugat niya sa palad.
Grabe pala siguro ang sinapit niya sa kabilang building, nakakatakot siguro na kung ako ang in-charge sa kabilang building baka ako ang unang mamatay kapag dinisiplina ko silang lahat. Sa paaralan kasi namin ay nasasakop namin ang maliit o malaking paaralan. Sa isang buwan ay nag-iincharge ang principal. Ang palaging kinukuha ng principal ay palaging si Maxine. Dahil wala pang paaralan na hindi niya nadidisiplina.
“Gusto mong sumama sa kabilang building pagkatapos ng libing ni Akirah,”
Tumungo na lamang ako dahil binanggit niya ang pangalan ni Akira ang kaibigan ko sa matagal na panahon. Hindi ako sumagot alam ko namang alam niya ang sagot ko kung hindi ako iimik sa kaniya. Parehas lang kami nalulungkot dahil sa masamang nangyari sa kaniya. Nakita ko ang pagngisi ni Maxine nang dahil doon ay kinalabutan ako. May kinalaman ba si Maxine sa nangyari sa nangyari kay Akirah. Nagulat ako ng tumawa na lamang siya ng bigla.
“Maxine?”
Tumawa ito ng walang katapusan habang dinuduro niya ako na parang ako ang may kasalanan sa lahat.
“Why are you laughing,” nilapitan ko siya ng hindi natatakot sa kaniya.
Napatalon ako sa takot dahil ngayon ko lang nakita ang pagtawa niya ng sobrang lakas at nakakatakot pa dahil sa hitsura nito na parang nagugustuhan ang lahat ng nangyari.
Sa paglapit ko papunta sa kaniya ay hindi parin siya tumitigil sa pagtawa naalala ko tuloy ang pagtawa nung napanood ko na Movie sa Netflix yung Girl from nowhere. Ganun ang pagtawa niya kuhang-kuha niya ang pagtawa ni Nanno na parang baliw. Nakakatakot pala ito kung maririnig mo sa kaibigan mo.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil may humawak sa braso ko kaya napatingin agad ako sa likod ko. Si Detective Homura ang hapon na detective na hindi nalalayo sa edad ko. Maganda ang tindig nito mas mataas pa siya sa akin ng kaunti at may hubog ang kaniyang pangangatawan, May salamin siyang kapag nasinagan ng araw ay magbiblink katulad kay Detective Connan.
“Yes Detective.” gulat na tumingin ako
Marahan akong lumingon sandal sa likod ko upang masilayan si Maxine pero wala na siya roon wala nang nakaupo sa upuan habang tumatawa ito ng sobrang lakas. Napalunok ako ng laway ng makita ko siyang kumakaway papunta sa loob , Umiling-iling na lamang ako at itinuo ang atensiyon ko sa Detective.
“Nasaan si Akirah?” Tanong nito kaya agad naman akong napakunot.
Napintig ang tenga ko dahil sa sinabi ng detective alam kong nagbibiro lamang ito kaya niya nasasabi ang ganoong bagay sa akin upang isipin ko na buhay pa ang kaibigan ko kahit hindi talaga ito buhay.
“Detective are you kidding, Akirah was dead-“
Naputol ang sinabi ko dahil mabillis itong sumagot. Ano naman ang sasabihin niya na buhay si Akirah hindi magkakamali ang mata ko ang nakita ko talaga ay ang babaeng kaibigan tyaka sino ang babaeng ‘yon kung hindi siya si Akirah
“No she is,” sagot nito
“Detective anong ibig ninyong sabihin?” naghahalong kaba ang tanong ko sa kaniya.
Naguguluhan na ako sino ba talaga ang nasa loob ng Elevator? Mabilis kong naisip na may ibang tumawag sa pangalan niya. Teka ano ba ‘yong pangalan ‘yon nakalimutan ko? Isipin mo kung anong pangalan ang may tumawag sa kaniya.
“Base sa autopsy hindi si Akirah Guerero ang nasa elevator kundi si-“ manilis kong pinutol ang sinabi niya dahil gusto kong malaman agad kung sino ang sinasabi niya sa akin.
“Sino?” tanong ko sa kaniya
Hindi siya sumagot umatras lamang siya at may itinuro sa likod kaya tumingin ako sa mga kamag-anak nina Lhiezel na umiiyak. Halos mahimatay na ang lola ni Lhiezel dahil wala nang natira na bahagi sa kaniyang katawan dahil nayupi na ito. Hindi narin makilala ang mukha nito dahil sa brutal na pagpatay sa kaniya.
“Ang akala niyo ay si Akirah ang namatay pero base sa natuklasan ko sa damit, pinahiram ito niya dahil sa natapong cake sa kaniyang damit na naroon sa basurahan sa comfort room, I guest nagpalit muna ang biktima bago niya isuot ang damit na ibinigay ni Akirah sa kaniya,” kwento ng detective.
Ang sabi nito ay magkasama ang dalawang babae sa loob ng elevator bandang 9:45 am umabot sila sa loob ng kalahating oras dahil nagbabadya na ang salarin na ang target talaga nila ay si Akirah at hindi si Lhiezel. Pinagplanuhan talaga ng mga salarin ang pagpatay sa kaniya hindi lang basta plano kundi isang malubhang plano. Matagal ng binabalak ng mga salarin na patayin si Akirah pero sa anong paraan para magawa nila sa kaniya ang bagay na ‘yon. Ang sabi pa nito ay mukhang binully ng mga kaklase niya si Lhiezel dahil sa cake na natagpuan sa damit niya na ginawa ni Megan. Ibinigay ni Akira hang extra shirt niya na may tatak na Guerero. Base sa kaniyang pagsasaliksik ay hindi mawawari na hindi magkakalayo ang kanilang tangkad at hubog ng pangangatawan kaya siya ang pinagbuntunguhan ng mga salarin kaya namatay ito.
Bandang 10;15 lumabas si Akirah sa Elevator upang pumunta sa classroom. Pasado ala una naganap na ang madugong krimen, pero bago pa mangyari ‘yon ay may sinabi si Maxine na pinapasabi sa kaniya ni Megan na hintayin siya nito sa Elevator. Kaya sumunod naman si Akirah sa bilin ni Megan dahil tutulungan niya ito sa paggagawa ng Thesis nila. Pasado ala una at dito na mangyayari ang lahat. Pinindot ni Akirah ang botton ngunit hindi ito bumukas kung saan nandoon pa ang biktima habang wala pa ito sa ulirat pinaamoy ito ng clorofoam at dinala sa Elevator. Pinaslang siya bandang 1;24 pm at ginanap ito sa banyo, malinis ang lahat ng pumatay sa kaniya walang foot-prints kahit ang finger prints ng ng mga salarin. Hindi lang isa ang pumatay sa kaniya kundi mga batikan na pumapaslang at sanay sa pagpatay. May malaking benda sa palad ang salarin na siyang palatandaan nito at pagkakakilanlan nito.
Matapos nilang gawin ang krimen sa dalaga ay inumpisahan na nila ang pagsira sa elevator. Isang salarin ang gumalaw at humiwa ng cable tie sa taas ng parte ng building. Pero ang papalo sa bakal ay may matatamo na malaking hiwa sa palad dahil sa matilos na bakal na naroon. Ang isang salarin naman ay malakas na hinampas ang bakal para mabagsak ang elevator na siyang nagmitsa ng maikling buhay ng dalaga.
Napaisip ako sa kwento ng Detective na magkakaroon ng malaking hiwa ang kaniyang palad kung sisirin niya ang bakal. Naisip niya agad si Maxine na kanina lamang ay tumatawa pero wala na siya ngayon at naglaho ng parang bula.
“Nasaan si Akirah?” walang habas kong tanong sa Detective
Hindi sumagot ang Detective at itinuro na lamang niya kung nasaan si Akirah, Halos maupo siya dahil sa takot ng tumingin sa kaniya si Maxine at ngumiti ito na parang demonyo sa kaniyang harapan. Pinigilan kong hindi matakot at ipinikit na lamang ko ang aking mga mata at bumilang tatlo. Nakikita ko kasi na niyayakap ni Maxine si Akirah na parang may ibang masamang balak rito. Bumuntong hininga ako at ginawa ang relaxation breathe.
“Inhale, Exhale..”
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko napahiga ako dahil sa gulat dahil nasa harapan ko ang mukha ni Maxine hindi ito nakangiti nakapoker face ito at hindi mabasa ang kaniyang emosyon ngayon.
“Ano bang nangyayari sa’yo?” hinipo niya ang aking noo at hinawakan niya ang kaniya at sinusukat kung mainit ba ako kung may lagnat ba ako.
Napatulala ako pagkatapos kong makita ang video na kanina pa sa akin pinapanood ng lalake. Hindi ko pa siya gaanong kilala pero magaan na ang loob ko sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwala sa napanood ko. Si Professor Stanley ay isang kasabwat ng mga salarin? pero anong motibo niya para paslangin kaming lahat? May nagawa ba kaming masama sa kaniya para tratuhin niya kaming hayop?
"Saan mo nakuha yan'g hawak mo?" Seryosong tanong ko sa kaniya kaya mabilis siyang napatunghay sa akin.
Napakunot siya bago ngumiti inaalam niya siguro kung anong isasagot ko sa kaniya. Itinaas niya ng bahagya ang kaniyang camera saka tumingin siya sa akin.
"Isa akong editor at photographer sa dati kong pinapasukan kaya nakuha ko ang video na ito." ginalaw galaw niya pa ang kaniyang camera. He always deed his posture. Palagi siyang pumapaywang kapag kausap ko siya. Parang bakla.
"Paano?" yun na lamang ang naitanong ko sa kaniya.
"Mas maganda siguro kung sasama ka sakin para malaman mo ang sikreto nila." Napaatras ako ako dahil sa sinabi niya malamang hindi siya nagbibiro sa tono niya seryoso siya.
"Saan naman tayo pupunta?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
Aber bakit naman ako sasama sa taong hindi naman ko kilala. Ano siya hilo? Tumingin ako sa kaniya ng diretso sa mata saka nagsalita.
"Tyaka bakit ba ako interesado malaman baka marape pa ako tyaka hindi naman kita kilala bakit ako sasama sa'yo?" Tinulak ko siya pagkatapos kong sabihin ang sinabi ko sa kaniya.
"Hindi naman ako pumapatol sa mga pader na katulad mo," natatawang wika nito kaya mas lalo akong napairap sa kaniya.
Ako sinabihan pader? Nahiya naman ako sa kaniya na mukhang pulubi ang suot. Tyaka hindi ako sasama sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala masyado siyang asyuming kulang pa naman siya sa ligo.
"Ako pader?" paniniguro ko.
"Ay hindi baka ako yung pader." pilosopo niyang saad sa akin kaya mas lalo akong nainis dahil sa kaniyang sinabi.
"Pader kana man talaga," irap ko. Saka tumingin sa may likod koat kinuha ang bag ko.
Aalis na ako nakakainis 'tong taong ito. Wala akong gana para makipag-asaran sa kaniya. Iniisip ko pa yung nangyari kahapon.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako bumalik at sinaksak daw ako ni Six sa tiyan ko. Heto pa hindi rin talaga ako makapaniwala na si Professor Stanley ang pumatay. Doon ko napatunayan yung nabasa ko dati sa libro na trust no one. Wala kang ibang mapagtitiwalaan kun'di sarili mo lamang. Bumuntong hininga na lamang ako at akmang lalakad palayo papunta sa kung saan. Nang bigla niyang hawakan ang dulo ng damit ko.
"s**t bakit sa lahat ng hahawakan pa dulo ng damit ko pa," bulong ko sa sarili ko.
Nakasuot lang kasi ako ng off shoulder kaya mabilis akong mahubaran kahit anong oras. Hindi naman pala masyado sobra pala. Hiniram ko lang kasi itong damit ko kay Maxine dahil hindi ako nakapaglaba nung martes. Sabi ni Maxine h'wag ko na raw ibalik sa kaniya ang damit dahil marami naman siyang damit. Tyaka ayaw niyang magsuot ng girly na damit. Katulad ng dress, shorts, off shoulder. Mas gusto niya pang purmahan eh, Oversize na t-s**t at asul o itim na pantalon. Hindi rin kasi mahilig sa kulay pink si Maxine masyado raw nakakababae kaya ibinigay na lamang niya sa akin anag damit na ito.
"Teka nga lang huh hindi naman tayo close, Pero grabe ka kung mang-asar parang kilala muna ako matagal na." Hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin ng masama sa kaniya.
Naalala ko pala na kami na lang dalawa ang natira dito sa gym. Hindi pa pinapatay ang ilaw dito. Nakakatakot na itong lalake na ito. mang-aaya siya sa akin pumunta sa kung saan tapos hahablutin ang damit ko. Lord help me naman oh masyadong bastos itong lalake na ito.
Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniya pero hinapit niya ang baywang ko. Kaya nanlaki ang mata ko at nailalag ko sa sahig ang bag na dadalhin ko. Lumunok pa ako dahil napatingin ako sa kaniyang asul na mga mata. Ang mga mata niyang yun ay tila nangungusap sa akin na gusto niyang humingoi ng tulong sa akin.
"Matagal ko na kayong kilala," saad niya at naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Matagal na niya kaming kilala? Saan? Kailan? Anong araw? Anong oras?
"Matagal mo na kaming kilala what do you mean by that word 'kayo'?" usisa kong tanong sa kaniya.
"Sabihin na lang natin na matagal ko na kayong sinusundan."Lumapit ang mukha niya sa akin. Kaunting lapit pa at malapit na niya akong halikan.
What the h*ck? Kung yan ang hahalik sa akin why not? Charot lang ang landi mo dhai.
"Ahmm, Alam mo gan'yan ka ba talaga makipag-usap hinahapit mo sa baywang at-" Naputol ang sinabi ko ng magsalita siya.
"Kaya naisip kong magpakita dahil ang isa sa inyo ay isang salarin." Nagbago ang ekspresyon ko dahil sa sinabi niya.
Pero mas natakot ako dahil sa pangungusap niya sa akin na kailangan talaga na malapit ang mukha namin sa isa't isa.
"Bakit ganito kung kausapin mo ako?" Naiilang na tanong ko sa kaniya.
Bakit ba ako pumapayag na kausapin niya ako ng ganito?
Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Ay oo buhay pa nga pala ako.
"Binababalaan ko kayo na mag-iingat kayo. Dahil sa oras na sumunod kayo sa plano ng salarin lahat kayo madadamay lahat kayo mamatay.." saad niya sakin at tumingin uli siya sa mata ko ng diretso.
Magsasalita pa sana ako ng biglang nawala na siya sa harapan ko. Tumingin pa ako sa likod ko pero wala na talaga siya. Napakunot ako dahil hawak niya lang ako kanina paanong nawala agad siya ng sobrang bilis? Ang weird minumulto na yata ako. Natawa na lang ako sa sarili ko at inaalala ko ang mukha ng lalake habang kinakausap niya ako. Nakangiti siya sa akin. Inaamin ko na kinikilig ako kahit panadalian lang yon. Pero natatakot ako dahil sa babala niya. Iniisip ko kung papaniwalaan ko ba siya o hindi? Sino ang papaniwalaan ko?
Tinawag ko ang babae sa malayo saka kumaway pero umiba ang ngiti ni Akirah sa akin? Bakit?