Hindi ako makakilos o makagalaw dahil sa ginagawa niya ngayon sa akin. Mabilis kong hinuli ang dalawang kamay niya at isa-isa itong tinignan. Laking gulat ko dahil wala siyang sugat sa kaliwang kamay. Totoo nakita ko talaga may malaking hiwa siya sa palad paanong gumaling agad ‘yon ng sobrang bilis? Nasisiraan na ba ako ng tuktok o sadyang luting lang ako. Nakatingin lamang ako sa kaniyang habang sinisipat ko ang lahat ng anggulo ng kaniyang kamay pero wala talaga akong mapala. Wala talagang sugat o hiwa ang kaniyang kamay. Napaka-Imposible.
“Wala akong lagnat,” sagot ko
Pero wala parin siyang kibo sa akin ni hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip o ang anumang uri ng kaniyang iniisip. Hindi kaya nababaliw lang ako? Baka kulang ako sa tulog? Teka hindi naman ako kulang sa tulog paanong mangyayari na nawala ang sugat niya ng ganoong kabilis? Hindi ko mawari pero sobrang hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa araw na ito.
“Hindi ba may sugat ka sa palad paanong nawala ‘yon ng sobrang bilis?” naiintriga kong tanong sa kaniya na halos napapangiwi siya dahil sa sinabi ko.
“Six, ayos ka lang?” tinapik-tapik niya ang pisngi ko sabay tumingin ako sa kaniyang mukha.
“May malaking hiwa ka sa palad paanong mawawala ‘yan ng ganun lang kabilis?”
Halos mapataas ang kaniyang kaliwang kilay dahil sa sinabi ko sa kaniya. Maniwala kayo sa akin may malaking hiwa siya sa kaniyang palad na akala ko ang galing sa kabilang building. Ano ba talaga ang nangyayari naguguluhan ako, Nalilito ako nababaliw na yata ako.
“Anong malaking hiwa ang sinasabi mo sa akin Six?” walong halong biro na saad niya sa akin habang napapatingin siya sa kaniyang mga palad at sinasabi nito na wala naman ang naroon.
Sa magaspang niyang palad ay wala talaga akong makita, Naiisip ko na sampalin ko ang aking pisngi upang natitiyak na hindi ito panaginip lamang. Pero pagmulat ng mga mata ko ay wala parin emosyon si Maxine nakaharap siya sa akin habang nagtatanong.
“May malaking hiwa ka sa palad mo paanong mawawala ‘yon ng ganun kadali?” hindi ko mapigilan na tignan siya ng masama.
Iba na talaga ang kutob ko na masamang nangyayari sa kanila may iba talagang nangyayari rito na dapat kong solusyunan. Pero paano saan ako magsisimula at bakit ko ‘yun gagawin?
“Wala akong sugat sa palad,” sagot niya sabay umiling siya at iniisip na kung mayroon ba siyang sugat sa kung saan mang parte ng kaniyang katawan.
“Pero nakita ko may hiwa ka sa palad,” Galit na saad ko sinabunutan ko ang buhok ko sa inis.
“Alam ko may sugat lang ako dito.”
Itinaas niya ang kaniyang manggas at pinakita ang malaking hiwa sa kaniyang braso, dahilan para mag-isip pa ako lalo. Panong napunta ang sugat niya sa braso eh kanina nasa palad niya ‘yon. Magic!
“Bakit may sugat ka d’yan dapat sa palad diba?” reklamo ko sa kaniya
Halos kumunot ang noo niya hindi na maipinta ang kaniyang mukha naghahalong pagtataka o kung ano man ang nababasa ko sa kaniyang mukha.
“Mapadesisyon ka?” iginawad niya ang kaniyang kamay upang tulungan niya akong makatayo pero ako na mismo sa sarili ko ang tumayo ng mag-isa ng walang tulong ng iba.
Hindi ko na lamang sinagot ang tanong niya mas pinagtuunan ko ng pansin ang umiiyak sa tabi si Akirah nakaupo siya ngayon sa isang bench na kanina lamang ay inuupuan ng mga estudyanteng masayang nagkekwentuhan. Agad ko siyang nilapitan na at umupo sa kaniyang tabi. Nakatulala lamang ito at umiiyak ng mag-isa na halos sisihin niya ang sarili niya sa mga nangyayari. Gusto ko siyang kausapin at patatagin ang kaniyang loob pero isang hamak lang naman ako na kaibigan niya. Wala naman akong magagawa dahil ginagalang ko siya pero nasasaktan ako tuwing malungkot siya hindi ko alam pero ang sakit palang makita na ang kaibigan mo ay may dinadalang ganitong problema.
Tumingin ako kay Maxine na nakaupo sa gilid malayo sa kinaroroonan naming dalawa patuloy lamang siya sa pagkulikot ng kaniyang telepono. Hindi parin talaga ako makapaniwala dahil sa nangyari kanina lamang kasama kopa siyang gamutin ng nurse kani-kanilang tapos magalin na ang napaka-lalim niyang sugat? Paano nangyari ang bagay na ‘yon napaka-imposible. Tao pa ba siya sa ganun na kalagayan. Natatakot ako sa kaniya. Gumawi ang tingin ko sa kaibigan kong patuloy parin sap ag-iyak. Hindi ko na makakayanan ito kailangan ko na siyang kausapin para gumaan ang loob niya.
“Akirah,” panimula ko
Hindi siya lumingon sa akin, hindi rin siya sumagot ng ‘bakit’ ano bang inaasahan ko ang sagutin ni Akira hang tanong ko? Ang tanga ko pala sa part na ‘yon.
“Akirah alam kong umiiyak ka sa pagkamatay sa kaklase natin, nandito lang ako kasama mo dadamayan kita,” pagkatapos kong sabihin ‘yon ay may kung anong bagay na nagpakirot sa aking puso.
“Akirah, masaya ako kasi buhay ka. Akala ko ikaw yung babaeng nasa elevator-“ naputol ko ang sinabi ko ng yumakap siya sa akin ng sobrang higpit doon siya humagulgol habang inaalo ko siya.
Nahihirapan siyang huminga habang umiiyak ng sobrang lakas na akala mo ay walang bukas. Alam kong sinisisi siya ng lahat dahil sa nangyari kanina dahil kung tutuusin parang siya na ang itinuturo na salarin sa lahat. Siya ang may pakana ng lahat pwedeng siya biktima hindi ko masasabi pero mabilis akong magtiwala sa taong mahal ko na napapalapit sa buhay ko.
“Namatay ang pamilya niya pati si Lhiezel…namatay narin,” nahihirapan niyang binigkas ang mga ito.
Naawa ako dahil sa kaniya ni hindi ko manlang napalakas ang kaniyang loob o patatagin ito mahina ako. Hindi ako tulad ni Maxine na walang pakialam sa mundo makasarili.
“Paano mo nalaman na namatay ang magulang niya?” kuryosidad kong tanong rito
Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang pendant bago magsalita. Kung ako mabibigyan ng kahilingan gusto ko na maging panaginip lang ang lahat nang pangyayari at magising kami nang umiiyak pero hindi ito tunay na nangyari. Pero hindi eh kahit anupang gawin ko o taboy sa mga nangyari sa amin. Hindi mababago ang lahat ng nangyari sa amin.
“Dumalaw ako sa bahay nila kahapon nadatnan ko ang mga magulang niya na wala nang buhay kaya tumawag ako sa pulis para imbestigahan ang lahat ng nangyari sa kanila,” sarkastikong wika nito
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya bakit siya dadalaw sa bahay nina Lhiezel ni hindi niya ito kaibigan o kakilala man lang. Nalilito ako hindi ko na alam ang sunod na isasagot niya sa mga tanong ko.
“Bakit ka dumalaw sa bahay nila?” seryosong tanong ko sa kaniya
“D-dumalaw ako kasi… para ano…”
“Para saan?”
“Bakit gusto mong malaman?”
Tumingin na siya sa akin ng diretso at hinawi ang luha na nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang asul na mga mata. Kumislap ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.