This is already a continuation...
Third Persons Point of View
“Akirah, masaya ako kasi buhay ka. Akala ko ikaw yung babaeng nasa elevator-“ naputol ko ang sinabi ko ng yumakap siya sa akin ng sobrang higpit doon siya humagulgol habang inaalo ko siya.
Nahihirapan siyang huminga habang umiiyak ng sobrang lakas na akala mo ay walang bukas. Alam kong sinisisi siya ng lahat dahil sa nangyari kanina dahil kung tutuusin parang siya na ang itinuturo na salarin sa lahat. Siya ang may pakana ng lahat pwedeng siya biktima hindi ko masasabi pero mabilis akong magtiwala sa taong mahal ko na napapalapit sa buhay ko.
“Namatay ang pamilya niya pati si Lhiezel…namatay narin,” nahihirapan niyang binigkas ang mga ito.
Naawa ako dahil sa kaniya ni hindi ko manlang napalakas ang kaniyang loob o patatagin ito mahina ako. Hindi ako tulad ni Maxine na walang pakialam sa mundo makasarili.
“Paano mo nalaman na namatay ang magulang niya?” kuryosidad kong tanong rito
Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang pendant bago magsalita. Kung ako mabibigyan ng kahilingan gusto ko na maging panaginip lang ang lahat nang pangyayari at magising kami nang umiiyak pero hindi ito tunay na nangyari. Pero hindi eh kahit anupang gawin ko o taboy sa mga nangyari sa amin. Hindi mababago ang lahat ng nangyari sa amin.
“Dumalaw ako sa bahay nila kahapon nadatnan ko ang mga magulang niya na wala nang buhay kaya tumawag ako sa pulis para imbestigahan ang lahat ng nangyari sa kanila,” sarkastikong wika nito
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya bakit siya dadalaw sa bahay nina Lhiezel ni hindi niya ito kaibigan o kakilala man lang. Nalilito ako hindi ko na alam ang sunod na isasagot niya sa mga tanong ko.
“Bakit ka dumalaw sa bahay nila?” seryosong tanong ko sa kaniya
“D-dumalaw ako kasi… para ano…”
“Para saan?”
“Bakit gusto mong malaman?”
Tumingin na siya sa akin ng diretso at hinawi ang luha na nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang asul na mga mata. Kumislap ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Kasi gusto ko ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko,” sagot ko
Pero tumungo siya at hindi ko natitigan ang maganda niya mga mata. May nakikita ako sa mga mata niya kanina pero hindi ito masyadong tinignan pa baka iba ang isipin niya sa akin. Kakaiba ang mata niya teka naghahalucinate na naman ba ako?
“Dumalaw ako sa kanila para ibigay ang card ni Lhiezel, Ako kasi ang inutusan ni Ma’am para ipaabot sa kaniya ang bagay na dapat ay sa kaniya,” sagot nito kaya tumango na lamang ako alam ko kasing nagsasabi siya ng totoo sa akin kaya papaniwalaan ko ‘yon.
Nagulat kami dahil papalapit sa amin ang mga estudyante na akala mo ay naghahamok ng away dahil sa nangyari kanina lamang. Kasama nila ang pamilya ni Lhiezel habang pasugod sa kinaroroonan namin.
“Ah, Oo pero siguro dapat umalis na tayo dito dahil baka saktan ka nila,” babala ko sa kaniya ng akmang hahatakin ang kaniyang braso pero tumayo siya at hinarap ang mga tao.
“Irah, Ano bang ginagawa mo umalis na tayo,” hinatak ko ang kaniyang braso pero bago ko man humatak ay humarap siya sa akin at ngumiti.
Sinasabi nito na kaya niya ang lahat ng pangabib na mangyayari sa kniyang buhay. Sinasabi nito na kaya niyang harapin ang anumang pagsubok ng walang alinlangan.
“Kung takot ka ay tatakbuhan mo ang problema mo pero hindi ko tatakbuhan ang katotohanan,” salaysay nito
Hindi man niya ito sinabi sa akin habang nakangiti pero ramdam ko ang nakangiti niyang puso na masayang tatanggapin ang inaatang sa kaniyang pagsubok. Halos mapaiyak siya ng sambunutan ang kaniyang buhok ng Lola ni Lhiezel.
“Tama na!” sigaw ko sa mga may balak na saktan siya.
Kahit si Maxine ay inilayo niya si Akirah sa mga ito ayaw niyang mapahamak ang kaibigan niya. Halos manahimik ang pamilya ni Lhiezel pati ang mga estudyante na balak saktan si Akirah.
“HAYOP KA IKAW ANG PUMATAY SA INAANAK KO,” sigaw ng babaeng mahaba ang buhok na na pilit na hinahablot ang buhok ni Akirah.
“Wala po akong ginagawa sa anak niyo at hindi kop o pinatay ang anak ninyo,” magalang na wika niya sa ginang na kulang na lamang ay ilampaso siya sa sobrang galit nito sa kaniya.
“Tumatanggi ka pa anong akala mo sa amin tanga?” galit ng sabi ng ginang
“Pinapalabas mo pa na wala kang kasalanan?” dagdag pa ng ginang
Hindi na nakapagtimpi at sumagot na si Maxine sa ginang. Siya na ang humarap sa mga pagbibintang na hindi naman talaga totoo na sobrang layo sa katotohanan.
“Mawalang galang na po, pero walang proweba na siya ang pumaslang sa anak niyo tyaka aksidente ang lahat na nangyari,” paliwanag nito
Pero itinulak ng ginang si Maxine bago dinuro ito ng sobrang lala na akala mo ay siya rin ang may gawa ng masalimuot na krimen.
“Ikaw ‘wag kang makialam dito,”
Nagulat ako ng sinampal sa pisngi si Maxine na ang gusto lamang ay maipagtanggol ang kaniyang kaibigan. Lumagatik ang pagkakasampal sa kaniyang ginang na kung ako ang nasa kalagayan na ay napaiyak na ako sa sobrang sakit nun. Parang sampal ng totoong asawa sa kaniyang kabit, Naitulak ko ang mga estudyante at mabilis na tumakbo papunta kay Maxine.
“Ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Tumawa lang siya at tumunghay sa ginang. Naku, masama ang naiisip ko ‘wag naman sanang patulan ni Maxine ang ginang. “Ayos lang ako,” nakangiti nitong wika sa kaniya.
“Pasensiya na po pero nakakaintindi ba kayo na aksidente ang lahat?” ngumiti siya sa ginang na walang halong galit rito. “Kung si Akirah ang sisihin ninyong pumatay at nagawa ang krimen na ‘yon ano ang motibo niya para patayin ang inaanak niyo, Hindi sila magkakilala ni Akirah. Eh, ngayon lang namin nakilala ‘yan, Kung papatayin niya si Lhiezel ano ang galit niya inaanak ninyo at ano ang motibo niya sa pagpaslang?” makabuluhang tanong ni Maxine na parang nasa korte ang mga ito.
“Kung kayo ho ang salarin papatay ho ba kayo ng hindi mo kakilala?” sa wakas at nagsalita na ang kanina pang walang kibo. “Dapat ikaw ‘yung namatay hindi ang anak ko,” sigaw niya at lumuhod sa sobrang sakit ng loob nito sa kaniya.
Ang lahat ay hindi natin gusto na mangyari minsan may dahilan ang lahat kung bakit ito nangyayari sa atin. Kaya magpasalamat na lamang tayo sa mga walang kwentang araw na sinasayang ng iba. Sabi nga ng iba ang pinaka walang kwentang araw na darating sa ating buhay ang pinaka masaya sa lahat.