Chapter 35: Worst

1791 Words
  Third Person's Point of View     Tumingin ang salarin kay Akirah habang dahan dahan binubuksan ang pinto malapit sa kaniyang kinaroroonan. Kakatapos niya lang gumawa ng pekeng sinaryo para mapaniwala ang lahat. Sumipol siya bago binago ang kaniyang ekspresyon. Nilapitan niya ang ilan sa mga barkada ni Kitty saka ngumiti ito sa kanila. May balak na ang isang salarin sa isang kaibigan nito na si Kitty.  Bahagya niyang idinikit ang isang camera sa may upuan niola kung saan kuhang kuha ang lahat ng kanilang emosyon sa palabas na ginawa ng salarin. Hindi nila alam na ang lahat ng ginagawa nila ay nakarecord walang cut. Walang pause. Halos pumalakpak siya sa kaniyang isipan ng makita ang itsura nina Six at ni Akirah habang nagbiubukas ng pintuan kung nasaan ngayon ang guro.          “PROFFESOR STANLEY!” mahinang natawa ang salarin sa sigaw ni Akirah na sobrang lakas. Pero umaarte lang ang salarin na parang walang alam sa lahat ng nagyayari sa kanila. Nagpapanggap lang din siya na isang inosente. Marahan siyang tumingin sa kaniyang orasan kung saan nakatutok ang orasan sa 1:24 am. Maayos ang lahat sa plano walang sumisira nito. Dahil pinatay na niya ang lahat ng sumisira sa kaniyang plano.            “AAAAAAAAHHHH!” napasigaw si Akirah dahil sa nakita niya ang pugot na ulo ng guro sa harapan niya nakita pa sa mukha nito ang pagkakatakot. "Anong nagyari Aki-" nanlaki ang mata ng salarin sa kaniyang nakita. Kasama sa kaniyang plano ang umarte na hindi siya ang salarin. Humawak pa siya sa kabilang braso ni Akirah.  Mas lalo pang umayon sa plano ang lahat ng yumakap si Akirah sa kaniya. Kaya umiyak na lamang siya. "Six wala na siya."  Hinawakan  niya ang balikat ni Six na parang sinasabi nito na maniwala siya rito. Inaasar niya ito dahil alam niya ang totoo na Ama niya ang nakikita niya ngayon. Mas lalo pa siyang natuwa dahil sa naging reaksiyon ni Six sa nakikita niya ngayon. Bumilog ang kaniyang kamao habang pumapatak ang kaniyang  mga luha.         Nanginginig ang tuhod niya at napaluhod. Napailing na lamang si Six dahil sa nangyari. Umarte pa ulit siya sa ibang mga kasama sa kwarto. "Sabihin ninyong nanaginip lang ako hindi ito totoo.." lumuha siya na akala mo ay walang katapusan.         “Hindi ito pwede,” umiiling-iling pa si Six bago puntahan si Prof.         “PROF!”       “SABI MO SA AMIN WALANG IWANAN!”       “SABI MO SA AMIN BABAGUHIN MO PA ANG MGA UGALI NAMIN, MATAPOS MO KAMING IPAGTANGGOL KAY PRINCIPAL Z? PROF HINDI ITO TOTOO,” naiiyak na saad ni Six.   “PROFFESOR STANLEY!” pinagtulungan naming awatin si Six dahil sa kaniyang galit.       Nag-iiyakan kaming magkakaklase dahil sa sinapit ng aming guro. Pati ako na estudyante niya rin ay naluha na rin dahil sa pangyayari ang bilis naman sa amin na kunin ang gurong ipinagtanggol pa kami kay Principal Z. Habang umiiyak rin ang salarin na napapangiti sa kaniyang isipan. Pumapalakpak na siya dahil magagaling ang mga aktor na gumaganap. Walang pause o cut totoo ang lahat ng nangyayari dito.       “HINDI PA PATAY SI PAPA,” parehas silang nagulat dahil sa sinabi ni Six. Kahit patuloy parin kami sa pag-iyak. Niyakap na lamang ng salarin si Six pero nagdadrama parin ito.   "Kaya mo yan Six," pagpapalakas ng salarin sa kaniyang loob. Kumawala na ito sa yakap niya habang nakatingin lang ang mga ito sa kanilang dalawa. May gusto kasi ang salarin kay Six yun ang alam ng iba.      “Tama ba ang narinig namin Six, tatay mo si Prof. Stanley,” paniniguradong tanong ni Juaquin. Bumalik ulit sa pag arte ang salarin.   “Oo, Magulang ko siya, tatay ko siya, Kadugo niya ako,” naluluha niyang sabi habang sinasabunutan ang kaniyang sarili.          “Hindi ba ang sabi mo sa akin pulis ang tatay mo? Paano mo siya naging tatay?"  tanong pa ni Akirah. Kaya mas lalong nainis siya kay Akirah dahil sa tanong nito. Pero hindi niya ito sinagot wala na siyang ganang magpaliwanag ng lahat-lahat. Mabilis na kinausap ni Nathan si Akirah kaya napatungo siya at tumingin sa bangkay na guro. Sinabi kay Akirah ang tungkol sa kaniyang tunay na anak. Si Six. Ang salarin rin ang may gawa kung bakit naghiwalay ang mag-ama. Noong bata pa si Six nilalayuan na siya ni Proffesor hindi niya ito tinuring na tunay na anak dahil anak ng demonyo si Six.      “Ang totoo talaga Akirah ang tatay na totoo talaga niya ay si Prof. Stanley at Stepfather niya lamang si General,” salaysay pa ni Nathan bago tumango-tango si Akirah.           Nalulunod na ang mga mata ni Akirah dahil sa luhang akala mo ay gripo.  Napakasakit mawala ng isang ama lalo na sa nagmamahal na anak. Naaawa si Akirah kay Six dahil nawalan siya ng napakabuting ama. Hinagod na  lamang ng salarin  ang  likod ni SIX at pinatahan ito ngunit hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.         “PAPATAYIN KO ANG PUMATAY SA TATAY KO!” malakas niyang sigaw at pinunasan niya ang kaniyang mga luhang patuloy na rumaragasa sa kaniyang pisngi.       Natuon ang kaniyang atensiyon mula sa kanina pang tahimik na si Claire. Sinugod niya ito nang malakas na sakal ang iginawad niya at idinikit sa pader kaya umawat agad sina Nathan at Juaquin dahil babae ang sinasaktan niya.         “Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito kung hindi ko sa plinano ang lahat siguro ligtas ang tatay ko walang nasaksak, walang nasaktan at walang namatay. Sana walang napunta sa Hospital na ito. Kasalanan mo ito!” Sigaw niya rito.       Naiiyak na si Claire dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa kaniya halos hindi na siya makapag-salita dahil sa pagkakasakal nito.   “FRANCIS TAMA NA,” awat ko sa kaniya pero ayaw niya parin magpa-awat ni Six.         “PAPATAYIN KITA,” nilakasan niya pa ang pagsakal sa babae.         “Pre! Tama na maawa ka naman sa babae,”       “Six tama na,” pang-aawat pa ng kaibigan niya       "KAPAG PINATAY MO SIYA WALA KA NA RIN PINAGKA-IBA SA DEMONYONG PUMATAY SA TATAY MO,” sarkastikong saad ni Akirah dito.       Ilang saglit pa at binitawan na ni Six ang pagkakasakal nito sa kay Claire. Si Claire kasi ang nagplano ng lahat dahil silang magkakaibigan at si Juaquin ang nakakita kung paano siya pahirapan ni Principal Z. Sa sobrang lakas ng pagkakasakal kay Claire ay hindi na siya makapagsalita. Kung magsasalita siya ay namamaos pa.         “Sorry, Francis,” namamaos niyang wika rito.   “Sorry? Tang*na mo maibabalik mo ba ang buhay ng tatay ko sa isang sorry mo?” naiiyak na sabi nito sa kaniya at binilog ang kaniyang kamao nag titimpi na siyang huwag nang muling saktan si Claire dahil sa sinabi ko.     “I’m begin’. Please bring back my Dad..” Lumuhod pa siya na halos magmakaawa sa harap ni Claire.   “Six, Kahit pa anong gawin mong dasal o milagro. Hindi natin maibabalik ang oras.”     Ilang minuto pang natahimik ang lahat at paparating na anumang oras ang awtoridad para mag imbestiga sa nangyari dito. Nakita kong papalapit sa amin ang kamukha ni Maxine at nakasuot siya ng pang pasyenteng damit. Mabilis akong tumayo at malakas na sinampal ang impostor na si Maxine. “Bakit mo ako sinampal?” Inosente niyang tanong ni Maxine.   Tumingin si Akirah mula sa kaniyang talampakan pataas . Nakasuot siya ng uniporme namin. Maiksing itim na palda at gray na pang-itaas. Wala siyang peklat tulad ng nakita namin ni Six. "SIGE MAG AWAY KAYO!" bulong ng salarin sa kaniyang isipan. Mas lalo pa siyang natutuwa dahil sa nangyayari. Makailang ulit na napagtingin ang salarin sa kaniyang orasan. Tumingin siya kay Uno na parang sinasabi nito na magpanggap muna siya na walang alam.  Marahan niyang hinawakan ang braso ni Akirah habang nagiging maamo ang mukha nito sa kaniya. Ang mukha ng salarin ay nabaling ang atensyon kay Uno na kanina pa pinagbibintangan na siya nga ang pumatay kahit ang toto naman talagang pumatay ay siya.     "Nakatakas ako, Anong nagyari sa inyo, Nasaktan ka ba?" hinawakan pa niya si Akirah at akala concern talaga ito.       "Lumayo ka sa'kin," nandidiring saad ni Akirah.   Nanlaki ang mata ko namin ng tumayo si Six sa kaniyang kinauupuan at akmang lalakad papunta sa kaniya pero mabilis na humarang si Akirah dahil siya na muna ang magpapataw sa kaniya ng parusa. Natutuwa lamang ang dalawang salarin sa nangyayari. Hindi nila alam na pinaglalaruan lamang sila ng mga ito.         "Let me handle this," sinamaan ni Akirah ng tingin si Six bago siya tumango. Si Akirah na ang magpapataw ng parusa dito.   Nakasunod naman sina Juaquin at Nathan para umawat sa anumang masamang gagawin ng nagbabalat-kayong Maxine. Kanina pa talaga natatawa ang salarin dahil sa nagyayari nababaliw na siya.       "Huh?" naguguluhang tanong ni Maxine sa kaniya. Bago tumingin sa iba na masama ang pagkakatingin sa kaniya.   Akma pa siyang lalapit ng biglang sinampal ni Akirah siya ng sobrang lakas. Nanlaki ang mata ng isang salarin dahil sa ginawa kay Uno. Ibinigay ni Akirah ang lahat ng lakas sa pagkakasampal sa salarin. Bumakat ang sampal niya. Buti nga. Tang*na.  "Uno magaganti ka rin sa kanila h'wag kang mag-aalala.." bulong niya sa kaniyang sarili.       "Bakit mo ako sinampal?" giit niya habang hinahawakan ang kaniyang pisngi. Masakit ba Uno? HAHAHAHA   Nanlaki ang mata ni Aki sa sinabi niya nakita ko si Six na nakatayo na malapit sa akin. Umiiyak parin siya dahil sa pagkamatay ng tatay niya.   "Tinatanong mo ako kung bakit kita sinampal?" natatawang inirapan ni Aki siya.   "Oo," nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.   "Kung bibigyan ka ng parangal baka hakot award ka sa galing mong umarte, Maxine," pumalakpak si Aki sa kaniya.   "Ano bang pinagsasabi mo bessie?" nalilito niyang tanong.       "Huwag mo akong mabessie-bessie d'yan," inirapan ulit.       Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa bago sinabunutan siya dahil hindi na talaga ako makapag-timpi sa sobrang galit ko sa kaniya. Kaya mo pa ba Uno?   "Hayop kang killer ka hindi ka si Maxine!" sigaw ni Aki kaya napataas na lamang ang labi nito rito at malakas siyang pinapunta sa pader para doon iumpog ang kaniyang ulo.         Kahit anong sabunot ko sa kaniya ay hindi siya pumapalag. Bakit ganito ang nangyayari dapat lumalaban siya. Dapat pinapatay niya ako ng matapos na ang lahat pero bakit ganito?           Maraming umawat sa aming dalawa pati sina Claire ay umawat na rin sa amin dahil sa sobrang lakas ng pagkasabunot ko sa kaniya. Hindi ko siya mapapatawad pinatay niya si Prof. Stanley hayop siya masahol pa siya sa demonyo.   "Bessie ako 'to si Maxine," naluluha niyang sabi at inayos ang kaniyang buhok.       Nagulat na lang kami ng sinuntok ni Six ang mukha ni Maxine. Kaya mas lalong nagkagulo ang lahat.       "Ang dami mo pang sinasabi, ikaw ang pumatay sa tatay ko, pinatay mo siya hayop ka!" nagniningas na siya sa galit rito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD