Megan’s Point of View
Tumingin ako sa kaliwa at kanan bago tumawid papunta sa kabilang kanto para bumili ng grocery namin saglit. Wala na kasi kaming storage foods naubos na. Tyaka hindi na kami nag papart-time sa radio broadcast sa University dahil namatay si Sir Khian. Ang manager ng Asg zero point five. Hindi pa kasi namin gusting bumalik doon dahil sa isang issue. Kaya napapaisip ako kung anong part time job ang kukunin naming dalawa ni Akirah. Ubos na rin kasi ang pera naming dalawa. Ang hindi alam ni Akira hang tatay niya ang nagbabayad ng dorm namin. Naawa kasi ako sa tatay ni Aki. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang magalit siya sa Papa niya. Naiisip ko minsan may napatay baa ng Papa niya o may ginawa sigurong kasalanan sa kaniya ito.
Napabuntong hininga na lamang ako bago lumiko ng daan pauwi na ako ng bahay galing sa store. Dapat magkasama kaming bibili ng grocery pero sabi niya hindi niya daw ako masasamahan dahil may gagawin daw siyang importante.
Gabi na kaya nagdala binuksan ko ang ilaw sa cellphone ko. Nakahoodie akong gray ay jogging pants na itim. Nakamask na rin akong itim dahil ayokong pagkaguluhan ng mga tao. Tama kayo ng narinig ayaw kong pagkaguluhan ng tao. Balitang-balita ang lahat na nangyayari sa University namin. Nagulat nga ako kasi pagkapasok ko palang sa store ay puro tsismis na ang naririnig ko. Tungkol sa amin sa nangyari sa aming tatlo. May iba na humahanga may iba din naman na natatakot na huwag pag-aralin ang kanilang anak sa university namin. Edi ‘wag silang mag-aral andami nilang anik-anik. Kaya nahihiya nalang din akong lumabas ng dorm. Lalo pa at madaming nakabantay na ngayon sa aming mga gwardiya. Palihim silang nakamasid sa akin bawat lakad ako sa daan. Sinabi ko kasi sa kanila na kapag sinamahan pa nila akong bumili ay mas lalong malalaman ng mga tao ang ugnayan ko sa mga ito. Masyado kasi silang complete suit parang mga detectives. Nakakairita.
Binilisan ko nalang ang pagbukas ko ng gate. Saka tumingin sa mga gwardiya wala itong reaction hindi sila ngumingiti o nagsasalita. Ang weird.
“Nandito na ako Aki,” nakangiting sambit ko bago ibinaba sa lamesa ang supot na dala ko. Walang sumasagot siguro ay mahimbing na ang tulog niya.
Nakita ko kasi ang I.D niya na palagi niyang iniiwas dito sa gilid ng cabinet. Palagi niya kasing suot ang I. D niya anumang mangyari. Estudyante talaga. Samantalang ako yung I.D ko palagi kong naiiwan. Sinusuot ko naman pero may nalagay na pictures ng mga k-pop. Kaya nasisita ako ng ibang guro kapag makikita ang suot kong ID.
Isa-isa koi tong inawas at inilagay sa refrigerator. Nilagay ko ang cap nuddles sa cabinet at mga delata na easy open can. Bumili din ako ng baboy at manok saka hindi mawawala ang favorite namin kinakain ang ice cream. Bahagya akong napatingin sa malaking oras na nakasabit sa pader kasama ng picture naming tatlo. Si Megan, A kirah at ako. Alas diyes na pala ng gabi kaya nagugutom na ako. Kumuha na lang ako ng cap nuddles sa cabinet at pinili ko ang ramen na maanghang. Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng tubig na mainit sa water refiller.
Pagkatapos kong kumain ng noodles ay itinapon ko na ito sa basurahan ay umakyat na sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa comfort room para magpalit ng damit pantulog.
Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng biglang..
Biglang
May nakita akong nakaitim na damit hanggang baba. Naestatwa ako sa kinatatyuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko may hawak siya na kutsilyo kaya mas lalo pa akong natakot dito. Wala siyang repleksiyon sa salamin pero ako meron. Napaurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko ng biglang..
Biglang umikot ang ulo nito kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng salarin. Nasa harapan ko siya ngayon. Nakangiti ito sa akin. Imposible na makatakas siya. Hindi nakatakas ang salarin sa kulungan. Si Jessica yung salarin na nasa harapan ko.
"Ikaw?"
"Bulaga namiss mo ba ako?" Tinanggal niya ang kaniyang maskara kaya mas lalo akong natakot sa kaniya. Nang dahil doon ay mabilis akong nakatakbo palabas ng comfort room. Bumaba ako para makahingi ng tulong sa mga gwardiya na nasa labas .
Nakita ko si Six na papasok sa pintuan kaya tumakbo ako papunta sa kaniya dahil sa takot ko sa salarin. Hindi siya nakatingin sa akin.
"Papasok na ako-" naputol ang sinabi niya ng hawakan ko siya sa braso.
"Six yung Jessica nasa kwarto." Nakatingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. Napakunot naman ang kaniyang makapal na kilay. "Anong nangyari bakit?" Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin ako ng biglang tumawa ang salarin na nasa itaas.
"Huh si Jessica?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Oo nasa cr yung salarin."
Nahihirapan akong huminga dahil sa takot ko sa salarin. Noong makita ko ang mukha niya may peklat siya sa mukha. Yun ang pumatay kay Stanley at kay Kitty. Naalala ko pa ang panlilisik ng kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Yung mga matang 'yon nagbigay ng takot sa akin. Napatingin ako kay Six na biglang nagbago ang reaksiyon niya at nakita ko ang kaharap ko na ay..
Kaharap ko na si-
Yung mukha niya nagbago..
Nakita ko na lang sa harapan ko ang mukha ng salarin. Kaya nabitawan ko ang hawak kong salamin sa kamay ko.
"Oh bakit gulat na gulat ka?" Nanlaki ang mata saka umupo dahil sa takot.
Marahan siyang humahakbang papalapit sa akin habang mabilis naman akong umaatras. Napaiyak ako ng maglabas siya ng kutsilyo. Nakangiti lamang siya sa akin at ang ngiting yun. Ngiting nakakatakot na ayaw mong makita. Dahil makikita mo sa kaniya ang mukha ng isang demonyo.
"Please nagmamakaawa ako 'wag mo akong papatayin." Gumagapang ako papalayo sa kaniya ayoko mahuli ako ng salarin. Napapikit na lamang ako dahil isang atras ko na lang ay semento na.
"A killer is always a killer." Narinig ko ang pagtawa niya ng sobrang lakas nakakatakot nakakataranta.
Umiisip ako ng bagay na maipanglalaban sa kaniya. Naisip ko ang binigay sa akin ni Maxine na regalo daw sa kaniya ni Supremo. Mas lalong kailangan ko ang bagay ito ngayon. Kinuha ko sa bulsa ko ang bente nuwebe isang kutsilyo. Kaya napatingin ako sa salarin. Saglit siyang napahinto at napangiti sa akin.
"Gusto mo bang makipag saksakan sa akin?" Tanong niya kaya nauna ako na saksakin siya pero nakailag siya. Siya naman ngayon ang naglabas ng kutsilyo.
Puro iwas ang ginawa ko at saksak. Maalam akong gumamit ng kutsilyo dahil tinuruan ako ni Maxine.
"Hindi sa lahat ng oras nandiyan ako para sayo, Kailangan mong lumaban dahil kung aatras ka sa laban mananatili kang talunan.."
Naalala ko ang sinabi niya sa akin bago niya ibigay ang kutsilyo sa akin. Maraming iba't ibang kutsilyo si Maxine dahil may isang koleksiyon siya ng mga ito. Ang sabi niya ay hindi na niya kailangan ng regalo dahil wala na ang nagbigay sa kaniya ng regalong yon kaya ibinigay na lamang niya sa akin ang kutsilyo. Naaalala niya kasi kung gaano siya kasaya nung buhay pa si Supremo. Tuwing nakikita niya ang kutsilyong regalo sa kaniya ni Six ay nadudurog ang puso niya.
Napaupo ang salarin ng mahiwa ko ang kaniyang braso. Narinig ko ang sunod-sunod na palahaw niya at pagmumura. Akma akong tatakbo palabas ng bigla niyang hinawakan ang paa ko saka hinigit kaya nawalan ako ng balanse. Nanlaki ang mata ko ng saksakin niya ang sa likod ng hita ko ng dalang beses. Napasigaw ako ng sobrang lakas na halos mapaihi ako sa sobrang hapdi.
"Tulong!" Sigaw ko na halos magkaawa na ako.
"Tulungan niyo ako.." Pilit kong mawala sa kaniya ng biglang tinusok niya pababa ng lkod ng hita ko gamit ang kutsilyo na labis na naglabas ng likido. Nakagat ko pa ang dila ko dahil sa sobrang sakit.
"Tama na ayoko na!" sigaw ko na halos manghina na ako.
"Pero gusto ko pa ng saksakan," natutuwa ito na parang bata na gustong gusto ang ginagawa niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko walang malay si Six dahil may pinaamoy sa kaniya ang salarin. Nakahiga siya sa sahig habang wala itong malay.Kailangan kong makagawa ng paraan. Para saan pa ang securities kung hindi din ako ililigtas nila mga put*ngina nila.
Gumilid ako para sipain siya ng malakas sa mukha. Kaya siya naman ngayon ang nakahiga. Ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya at may hawak ng kutsilyo. Akma ko siyang sasaksakin ng biglang inagaw sa akin ni Six ang kutsilyo para masaksak ang salarin.
Pero..
Nanlaki ang mata ko ng ako ang sinaksak niya at hindi ako salarin.
"Bakit Six?"
"Bakit ako Six?"
"Ikaw ang pumatay sa tatay ko at hindi si Jessica!" Sigaw niya sa akin kaya naluha ako. Anong sinasabi niya hindi ako ang pumatay kay Stanley. Hindi ko magagawang pumatay.
"Ano bang sinasabi mo Six?"
Bumuga ako ng mainit na hangin ng matapos ang pinapagawa sa amin ni direk. Nakailang kuha na kasi ng eksena para maging totoo ito at maisa pelikula ang nangyayari sa amin. Alam ko naman na hindi papayag si Akirah sa ginagawa ko. May bayad rin kasi. Oo na mukha akong pera. Alam kong magagalitsiya sa akin pero handa naman ako sa anumang parusa. Sayang kasi kung hindi ko tatanggapin malaking pera rin kasi ang makukuha ko kaya aarte pa ba ako? Kasama ko naman si Maxine kaya ligtas ako kami. Pero hindi namin kasama ni Maxine si Six dahil alam namin na hindi siya papayag kaya kami nalang dalawa ang sumali. Ang sabi kasi sa amin ni Ms. Agatha mataas ang makukuha naming grado kapag sumali kami sa pelikula na ito. Hindi na raw namin kailangang mag-aral pa o pumasok sa eskwelahan para maghirap gumawa ng project.
Pinipilit ko na sumali si Akirah at Six dito pero ang sagot nila ay ayaw nila. Alam kong matinding trauma ang natanggap nila pero idaan na lang natin sa limot ang lahat. Dahil ang lahat ay nakatadhana diyos na lang ang gagawa ng lahat para maisakatuparan ito. Tumingin ako sa lahat ng tao na nandito sa eksena. Tinanggap ni Nathan ang pagiging si Six sa eksena. Habang si Maxine naman ang salarin. Nagtatawanan nalang kami lahat pagkatapos ng isang scene. Minsan kasi na oover react ang salarin este si Maxine. Nasasabi na lang niya sa sarili niya na grabe naman yung salarin sa akin. Hindi niya kayang pumatay ng tao. Pero kaya niyang bumugbog ng lalake.
"Megan." tawag ng kung sino kaya napalingon ako sa malayo. Nakita ko agad ang nakasilay na ngiti ni Maxine kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya at yakapin.
Nagyakapan nalang kami pagkatapos ng lahat. Napakasaya ng kaniyang mukha na aakala mo ay may nangyaring kababalaghan sa kaniya.
"Yung ngiti mo Maxine alam ko yan." marahan ko siyang pinisil sa kaniyang pisngi bago kumawala sa kaniyang yakap na sobrang higpit.
"Anong meron sa ngiti ko?" Inosente niya pang tanong sa akin kaya hinila ko sa malapit sa isang couch malapit kay direk Bubam.
Si Direk Bubam ang pinadala ng ibang school para maasikaso ang film na ito. Noong una kasi hindi namin tinaggap ang offer ni Direk nung nalaman namin na kahit hindi kami pumasok sa school ay mataas naman pala ang makukuha naming marka. Kaya kinuha na namin.
"Bukas na lang tayo magshu-shoot sa tagaytay dahil may bagong student at sobrang pogi niya girls." Nagkatinginan kaming dalawa na parang pumupuso ang mga mata. Basta talaga gwapong lalake maganda ang pandinig namin ni Maxine.
"Tall dark and handsome po ba? Not masculated pero six packs pero payat. Umiigting ba ang mga panga?" sunod-sunod na tanong namin kay Direk. Para kaming pusa na nagmamakaawa na ang paningin. Pumikit-pikit pa kami sabay umipod malapit sa upuan ni Direk.
"Hay nako basta mga pogi talaga ang bibilis niyo." umirap pa si direk kaya nagtawanan kami.
"Anong pangalan niya direk." Naglabas na kami ng phone para maisearch namin ang pangalan nung bagong estudyante.
Matik na!
"Hello po.."
Napatingin kami sa likod namin ng may nagsalita na hindi pamilyar ang boses. Heto ba yung sinasabi ni Direk?
"Are you okey you look pale." Hinagisan ako ng