" Bakit ganon sila sa akin?" tanong niya sa akin. Kaya wala na lang akong masabi kundi napatingin na lamang ako sa kaniya.
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya sa kaniyang mukha. Batid ko pagbubuntong hininga niya. Kaya hinawakan ko ang kaniyang braso at tumango-tango.
"Hindi ko alam." Tumungo na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
"Paanong hindi mo alam?" Napahinto ako ng biglang magsalita siya sa akin.
Yung sinabi niya sa akin nakakatakot. Parang may ibig sabihin siya sa sinabi niya. Tumingin na lamang ako sa baba na nagkakagulo dahil sa nangyari sa elevator kanina. Sobrang lakas ng bagsak ng Elevator sabi ng isang estudyante doon sa nung nasa building 50 siya parang inuuga ang classroom nila sa sobrang lakas ng pagbagsak ng elavator. Maraming estudyante ang nasugatan dahil sa nalaglag na elevator may iba kritikal at isinugod sa hospital at alam ko ang susunod na mangyayari. May magsusuicide na naman.
"Sunod-sunod na ang kamalasan sino ba ang susunod na mamatay ako ikaw o sila?" Tumingin ako sa kamay niya at walang pakundangan na hinawakan ko sya sa kaniyang kamay na nakalagay sa tabi niya.
Nanlaki ang mata niya ng biglang hinawakan ko ang kamay niya.
"SIX!" Tawag niya sa pangalan ko kaya natakot ako dahil sa tono niyang makapanindig balahibo.
Hinawakan ko lang naman ang kamay niya bakit ganun siya makareact. Hindi kaya? No way baka may gusto siya sa akin. Pero sana maygusto siya sa akin kasi oo na may gusto ako sa kaniya. Ano bang iniisip mo Six kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Akirah maliwanag.
"Bakit mo hinawakan ang kamay ko?" Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Isang beses kong hinawakan muli ang kaniyang kamay. Kaya ngumiti ulit ako at tinignan ang kaniyang reaksiyon nakakunot ang kaniyang noo. Kaya natawa lang ako ganun ba talaga siya kiligin medyo kakaiba ang reaksiyon parang iiyak siya? Mali yung nagamit ko na term dapat pala hindi lang medyo totoo na nag-iba ang kaniyang reaksiyon.
"Sorry bakit anong masama na hinawakan kita sa kamay mo?" Tanong niya natawa siya sa sinabi ko bago tumingin siya sa akin pero umiiyak na siya sa harapan ko.
"Sorry hindi ko na uulitin hindi na kita hahawakan sa kamay mo promise mamatay man ako ngayong-" Naputol ang sinabi ko ng bigla niya akong yakapin ng higpit.
Nakaramdam ako na parang nagtatakot siya bigla nanginginig ang kaniyang katawan. Nararamdam ko ang kaniyang paghagulgol pero bakit siya umiiyak. Hinawakan ko lang naman ang kamay niya anong big deal doon?
Akirah's Point of View
May nakikita ako sa aking pangitain simula ng mahawakan ko ang kamay ni Six. Isa pang buntong doon ay nakita ko ang lahat parang sumapi ako sa katawan ng isang guro.
Si Professor Stanley.
Nagising ako sa malakas na kantahan sa kabilang unit ko. Ang aga nila mambulahaw ng taong tulog. Napatingin ako sa body clock ko. Malabo ang mata ko kaya hindi ko masyado ito maaninaw. Nalimutan ko palang magsalamin. Marahan kong kinapa ang salamin ko sa ibabaw ng mesa. Napakunot noo ako dahil iba ang nahawakan ko. May nahawakan ako. Bakit malambot ito? Bakit kulay itim at mahaba parang sinulid? Hindi ko siya maaninaw sobrang labo ng mata ko. Bakit may hibla ng mga sinulid na nandito? Hindi naman ako nananahi. Wala akong matandan na nagtatahi ako.
Nag uumpisa na naman na magpatay sindi ang ilaw sa kwarto ko. Nakakainis isang linggo nang ganito ang kwarto ko ang ibig kong sabihin ang ilaw ko. Tumingin ulit ako sa hawak ko nandoon parin ang maitim na bagay sa kamay ko. Nakakapagtaka dahil malambot ito. Ano 'to?
Teka nga lang bakit nawawala ang salamin ko? dito ko lang nilagay ang salamin ko. bakit nawawala? Saan nagpunta yon.
Ano itong nasa kamay ko? Kinusot ko ang mata ko. Sa pangalawang pagkusot ko ay napatalon ako sa gulat. Kasabay ng pagbitaw ko sa maitim na bagay sa kamay ko ay nalaglag ko ang cellphone ko sa sahig. s**t yung cellphone ko. Biglang dumilim ang kwarto ko. Ang buong kwarto ko.
"WHAT THE HELL?" Malutong na mura ko dahil sa gulat.
Mabilis kong hinanap ang phone ko nalaglag. Dahan dahan kong kinapa ang nasa baba. Sa sahig ng dahan-dahan. Sobrang dilim talaga. Kanina pa ako napapamura dahil takot ako sa dilim.
Ang kanina na nagkakantahan sa kanilang unit ay mabilis rin huminto. Nagsigawan sila dahil nag brown-out. Aalis na talaga ako sa unit na ito palagi nalang nag babrown-out. Nagbabayad ng maayos pero ganito? Holy s**t! Narinig ko pa ang pag sigaw ni Ate Rami. Ang kaibigan ko sa unit
" Eh.. eh, kainaman ay wala naman pong kuryente..." Kasunod ng mga salita niyang yon ang malutong na mura niya mas matindi pa sa kulog. Natawa na lang ako dahil may tono ang kaniyang pananalita.
Narinig ko pa ang sunod niyang salita na parang minumura ang katabi naming unit. Mas lalo akong natawa dahil sa punto ng kaniyang pananalita.
"Ke aga-aga ang boses ay kainaman Iyah, magpatulog kayo haney! Sintunadong tarantado buti na lamang kung kayo'y singer. Nambubulahaw ng tulog!" Sigaw niya sa galit pero hindi mo talaga makikita na galit siya sa punto na yan huh.
Natatawa na lang tuloy ako.
"Darn it, where's my phone?" Napahinto ako habang nanlalaki ang mga mata dahil may kung ano humawak sa paa ko.
May humawak sa paa ko.
Nakaramdam ako na parang humigpit ang paghawak niya sa paa ko. Pahigpit ng higpit. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o titignan ko kung sino ang humahawak sa paa ko. Naestatwa ako. Sa takot ko ay nakaihi ako sa pantalon ko. Napaka lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Palakas ito ng palakas nakakabingi.
Dahan-dahan akong napatingala at dahan-dahan akong yumuko. Suminghap pa ako ng sariwang hangin. Napakatahimik ng lahat walang nasasalita. Walang may balak na magsalita. Kasunod pa noon ang pagtawag sa pangalan ko. Malagom na boses yun parang demonyo. Nagsitaasan naman ang buhok ko sa braso. Tinatawag niya ang pangalan ko nagmamakaawa siya sa akin.
"Papa tulungan mo ako." Bulong ko ng malagom na boses ng kung sino.
Lalo pang nagtaasan ang balahibo ko sa braso pati narin sa buong katawan ko. Natatakot ako. Tinatagan ko lamang ang loob ko para makapag-salita.
PAPA? Tinawag niya akong Papa?
Lumunok ako ng laway at dahan-dahan tumingin sa baba kung saan nakahawak ang kung sino. Pero hindi ko natuloy ang pagtingin sa baba dahil may narinig ako na kaluskos sa kung saan. Sinampal ko pa ang aking pisngi para masabing gising nga talaga ako. Bumagsak na lamang ang balikat ko dahil totoo ang pangyayari na ito at hindi panaginip lang. Kinapa ko pa sa lamesa ang salamin ko. Hanggang sa makarinig muli ako ng tumatawag sa pangalan ko.
"Papa tulungan mo ako!" Matapos ang salita na 'yon ay nadampot ko na ang salamin ko.
Mabilis ko itong sinuot kaya naging malinaw na sa akin ang lahat. Patuloy parin ang pagkabog ng dibdib ko. Napaka-lakas palakas ng palakas ito. Nakaramdam agad ako ng malamig na simoy ng hangin.
Dahan-dahan akong yumuko upang tingnan kung sino ang humahawak sa paa ko sa huling pagkakataon.
Kaya mo'to
Isa...
Dalawa..
Tatlo...
Naistatwa ako ng kasabay non ang pagbukas ng ilaw kaya nagingmaliwanag sa akin ang lahat. Nakikita ko ang lahat.
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.
Napaka-baboy ng gumawa nito.
Pugot ang ulo ng babaeng estudyante na halos hindi ko mamukhaan ang kaniyang mukha nakatingin ang pugot na ulo sa akin na parang takot na takot. Butas ang kanangmata nito ang isa naman ay nakalawit at patuloy ang pag agos ng napakaraming dugo.
Wakwak ang tiyan nito habang nakikita ang lamang loob ng babae. Labas ang bituka nito at atay na parang kinain ng kung sino. Putol ang kaniyang kaliwang kamay nito at putol ang kaliwang hita niya. Tinadtad ng saksak ang hita niya. Ang isa namang hita niya ay binalatan. Halos masuka ako dahil sa brutal na gumawa nito sa kaniya.
Nagulat ako sa sumunod na pangyayari...
Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong nakatayo sa harapan ko...
May hawak siya na kutsilyo.
Nakakatakot ang ngiti niya. Ang maskara nitong itim na may malungkot ang mukha.
Nagulat ako sa sumunod na paangyayari mabilis siya lumapit at punta sa harapan ko. Tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg ko. Naestatwa lalo ako sa kinatatayuan ko. tumawa ito sakin habang ako naman ay todo lunok ng laway. Hindi ako makapagsalita. Sa sobrang takot ko ay nakatingin lamang ako sa kaniya at patuloy ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Kilala mo ba kung sino ang pinatay ko?" Nangisi niyang sambit bago ibinaba ang kutsilyo at tinutukan ako ng b***l sa noo.
"IKAW!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napatingin sa estudyanteng babae pero wala na ang estudyante na nakahawak sa paa ko.
KUN'DI AKO NA ANG NAKAHANDUSAY DOON.
Bakit may malamig na tubig sa mukha ko? Minulat ko ang mata ko at tanging puting kisame lamang ang nakikita ko. Pinagmamasdan ko lamang ito at iniisip kung patay na ba ako? Nanlaki ang mata ko ng biglang may kumagat sa kamay ko kaya napasigaw ako sa sakit. Napatingin ako sa mukha ni Nami ang co-teacher ko building six. Ang Fiance ko.
"Naglulucifer dream kana naman ba mahal?" Nami asked me.
Dreaming of the devil is sometimes unpleasant, for a few it turns into nightmares, and his presence in dreams can represent negative feelings: hatred, betrayals, confrontations, fear of something or someone; but it could also represent your inner self, your fears, or the negative side of your spirit that you just end ...
Ang ibig sabihin ay ikaw ang may kontrol ng panaginip mo. Ikaw ang gumagawa ng panaginip mo pero bakit nagkaganito? Parang totoo talaga yung napanaginipan. Bumuntong hininga pa ako saka nagnakaw ng halik kay Nami.
Namula naman agad ang kaniyang pisngi dahil sa ginawa ko. Mahal ko siya at tanggap niya ako ang nakaraan ko. May asawa ako dati pero maaga siyang nawala sa akin. Nagka-anak naman ako tatlo yon pero hindi pa ako ready para ikwento sa inyo. Masakit pa para sa akin. Ang lahat-lahat.
Pangalawang asawa ko na si Nami. Mali pala ang paggamit ko ng term na 'asawa' dapat soon to be my wife. She is my first wife. Hinihintay pa naming dalawa ang limang taon para sa kasal. Kulang kasi ang pera namin para sa kasal kaya balak namin mag-ipon muna bago ang kasalan.
"Hindi naman ako nag lulucifer dream, Mahal." Inaabot niya sa akin ang isang basong tubig.
Inaamin ko madalas naglulucifer dream ako pero hetong napanaginipan ko? Totoong panaginip yon.
"Ah siya nga pala may ipinapaabot sa akin yung guard ng school ibinigay ko daw ito sa'yo napulot lang daw niya yan sa labas ng classroom mo ng gabi," wika ni Nami.
Nagkibit balikat na lamang ako at humalukipkip. Ano kaya yung laman ng puting box?
Iniabot niya sa akin ang puting box magaan ito at hindi pa naman nabubuksan ng kung sino. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilabutan. Nagtatayuan ang buhok ko sa buong katawan natatakot ako nabuksan ito. Umiling na lamang ako at dahan-dahang binuksan ang kahon.
Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang box sa sahig...
Ito yung..
ITO YUNG NASA PANAGINIP KO YUNG MAITIM NA BAGAY NA MALAMBOT YUNG BUHOK NUNG ESTUDYANTE!!!
BAKIT AKO NANAGINIP KAY PROFESSOR STANLEY ANONG KONEKSIYON NIYA KAY SIX? NAGUGULUHAN AKO.
End Chapter 46