Akirah's POV
Isa-isa akong napatingin sa mga larawan ng mga kaklase ko na nakadikit sa malawak na pader. May nakasulat sa bawat litrato na hindi ko maintindihan iba ang lenggwahe nito nakakasiguro ako. Mamaya ay bigla akong napatingin sa pamilyar na mukha sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng biglang tumingin ako sa mga litrato na nakasabit sa kung saan. Binaboy na ang nakasulat doon at hindi na makilala ang mukha sa kanilang litrato pero nasisiguro ko na isa na doon ang aming guro nung dati.
Nakita ko ang litrato ni Professor Stanley na halos hindi makita ang mata dahil binutas ito sa larawan at may kung anong hiwa ito sa leeg. Pinapakita sa larawan kung paano patayin ng salarin ang kaniyang biktima. Nakita ko pa ang larawan ni Kitty na nakangiti pero tanggal ang kaniyang bibig nabura sa kaniyang mukha ang ngiti at luluha ito ng dugo gamit ang pulang pentlepen. Nakasulat din doon ang malaking x. Ibig sabihin patay na sila.
Nahihirapan akong tumingin ng tuwid sa susunod na litrato.
Litrato ito ng mga namatay na. Pinag-isipan ang mga ito pero hindi ko alam kung sino ang pumapatay sa amin.
Pero iaangat ko sana para tignan ang isang litrato ng biglang napatingi ako sa isang litrato ng kung sino at hablutin ko na lamang ito ng walang pakundangan.
Nahihilo ako dahil sa hindi ko alam na dahilan. Ano ba itong nangyayari sa akin bakit ko hawak ang litrato ni Yvonne. Ang kaibigan ko.
Bigla kong natapon ang litrato niya sa sahig at bumagsak ako sa sahig dahil sa sobrang pagkalula..
TINAKBO ko ang kasagsagan ng dilim papunta sa taas ng Roof Top. Bibigyan ko ng hustisiya ang pagkamatay ng aking kaibigan. Pagbabayaran niya ang pagkamatay ng kaibigan ko. Napaka demonyo ng ginawa niya sa kaibigan ko, Wala siyang awa! Pagbabayaran niya ang ginawa niya at ako mismo ang maghahatol ng bagay na yon na nararapat para sa kaniya. Alam kong hindi ako diyos ngunit minsan na akong nawalan ng mahal sa buhay ayoko nang muling gawin pa niya ito sa iba.
Anong motibo niya para patayin ang kaibigan ko? Sino ba siya para parusahan ang kaibigan ko?
Patay-sindi ang mga ilaw sa daan ngunit hindi ako natatakot mas natatakot ako sa pagkamatay ng kaibigan ko. Dahil wala akong magawa para iligtas siya mula sa masamang tao na 'yon. Napukaw ang atens'yon ko sa isang bagay na nasa sahig na matagal ko nang hindi ginagamit. Dinampot ko ang isang baseball bat na nasa sahig at nabuo ang plano ko sa bagay na ito.
"Nasa'n ka magpakita ka?" matapang na paghahamon ko rito.
Napahinto ako sandali tumingin ako sa kaliwa't kanan bago tingnan ang malaking kabuuan ng Roof Top. Napansin kong may bakas ng dugo sa may puting sirang upuan. May malaking flywood sa tabi at semento nasisiguro ko na under construction ang building na ito.
"Harapin mo ako," sigaw ko
Naisip ko ang aking kaibigan na maamong nakangiti sa akin.
Para sa akin isa siyang anghel na mabilis rin' kinuha sa akin.
Si Yvonne lang ang nagparanas sa'kin ang salitang 'kaibigan' siya lamang ang nagpadama na siya ang tunay kong kaibigan. Siya yung taong hindi tiningnan ang pagkukulang ko.
Siya ang kaibigan kong tinuring kong parang kapatid siya si Yvonne Falcon ang kaibigan ko.
"Alam kong nandito ka pa, lumabas ka harapin mo ako," galit na hinampas sa hangin ang baseball bat.
Napahinto ako sa kawalan ng umihip ang napakalakas na hangin. Alam kong kahit anong tapang ko ay mawawala ito kapag nakita ko-
"Hey, Did you miss me?"
Nakangisi siya habang pinagmamasdan ang hawak kong Baseball bat. Akma siyang lalapit sa'kin pero napaatras ako ng dahan-daban sabay hinigpitan ang pagkahawak kosa baseball bat.
"Lumayo ka! Hahampasin kita ng Baseball bat kapag lumapit ka!" pananakot ko sabay nilaksan kunwari ng hawi sa baseball bat.
"You don't even know one shot one tasty blood?" kinalabutan agad ako ng sabihin niya ang salitang 'yon.
Tasty blood?
Napahinto ako ng ang huling hahakbangan ko ay isang?
"One wrong step you will die-" hindi ko na siya pinatapos ng pasasalita at tinuro ko sa kaniya ang baseball bat.
"H'wag kang lalapit papatayin talaga kita," hamon ko rito
"I want tasty blood, so I'm gonna f*cking kill you now. Isusunod na kita sa kaibigan mo," sarkastikong saad niya.
Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako papunta sa kaniya. Napakalakas niya hindi ko kaya, Pero kakayanin ko para sa'yo Yvonne bibigyan kita ng hustisiya. Pabigat ng pabigat ang pag hinga ko dahil sa takot. Pilit na inagaw ng salarin ang aking baseball bat pero patuloy parin ako sa pagkapit nito para hindi maagaw. Alam kong kapag naagaw niya ay ihahampas niya ito sa kung saang parte ng aking katawan.
"Ibigay mo sa'kin,"
"No way just please give it back too me,"
"You bit*h,"
"Akin na nga sabi e,"
Sinipa ko ng malakas ang kaniyang maselang bahagi kaya namilimit siya sa sakit at nabitawan ang hawak na Baseball bat. Akma kong kukunin ang Bat pero nahila niya ang paa ko kaya napahiga ulit ako sa sahig. Pilit ko mang makawala sa maghigpit niyang hawak sa binti ko ay hindi ko magawa.
Kailangan kong maabot..
Kailangan kong abutin...
Kailangan kong-
Pilit kong inaabot ang baseball bat gamit ang kanang kamay ko ngunit hawak ng salarin ang paa ko. Anong gagawin ko?
May naiisip akong paraan pero parang hindi ito tatalab pero wala akong pagpipilian kun'di ang naisip ko.
Sa sobrang tuwa ko ay halos magtatalon akong parang bata sa tuwa dahil nakuha ko ang baseball bat . Hindi pa ako nakuntento at bumelat pa ako rito.
Pero naputol ang lahat ng aking saya ng napatingin ako sa kaniya. Halos mawalan na ako ng kontrol habang tinitignan siya. Naisip ko agad ang sinapit ng aking matalik na kaibigan na nangyari kanina lamang. Mahigpit kong hinawakan ang aking pamalo at masamang tumingin sa kaniya.
"Kinuha mo ang taong tinuring kong parang kapatid," sigaw ko sa kawalan.
"Mabilis mong kinuha ang kaibigan ko,"
Nag init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa sobrang lungkot na pagkawala ng aking kaibigan.
"Wala kang awa,"
"Lahat ng ito ay kagustuhan ni Uno Bente Kwatro, kaya kung ako sayo mag tago kana sa lungga mo," ngumisi siya na parang demonyo.
Naging tengang kawali na lamang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya mapapatawad siya ang pumatay sa kaibigan ko. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa Baseball bat upang ihampas sa taong pumatay sa kaibigan ko.
Sino ang sinasabi niyang uno bente kwatro?
Malakas kong hinampas ang kaniyang likod ng buong lakas at saka pumikit.
"Para sa kaibigan ko," malungkot na wika ko.
Umubo siya sa sobrang lakas ng paghagupit ko sa kaniyang likod at sumuka ng dugo. Tumawa lamang siya bago tiningnan ako sa mata.
"Hindi mo talaga ako naiintindihan paparating na siya at papatayin kaniya,"
"Wala akong pake," wika ko
"Hindi mo siya kilala, mabagsik siya sa p*****n walang sinasanto at ngayon nahanap ka niya, Hindi ka niya papakawalan hahanapin ka niya kahit saan ka magtago," humagikgik ito pagkatapos niyang magsalita.
"Sabihin mo sa'kin sino si Uno Bente Kwatro!"
Hindi siya umimik kaya mas lalo pa akong nagalit. Sino ba kasi ang taong sinasabi niyang si Uno bente Kwatro?
"SUMAGOT KA!"
Sa galit ko ay napaiyak ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ng kaibigan ko.
"Patayin mo na lang ako kung 'yan ang itatanong mo," nakangisi niya saad.
Dahil sa galit ko ay akma kong hahampasin ng baseball bat ang salarin, ngunit nabitawan ko ang baseball bat sa sahig nang may nagpapaputok ng b***l.
Nalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig at hinawakan ko ang parteng inaagusan ng maraming dugo ang aking dibdib.
Kapalaran..
Kapalaran ko na sigurong mamatay magkakasama na tayo Yvonne.
"P-paalam,"