Chapter 48

1902 Words
Akirah Point of View Humalukipkip ako bago tumingin sa kung saan. Hindi ako mapakali dahil iba ang nakita sa pangitain ko hindi ko nakita kung paano mamatay si Six. Ang nakita ko lang ay si Professor Stanley tapos yung itim na buhok na binabanggit sa akin ni Megan at nabanggit rin sa akin ni Six. Heto pa ang isa sa malinaw na nakita ko kung saan si Yvonne unti-unti na ko nang nalalaman kung sino talaga si Uno.  Lumuhod pa ako bago umiyak hawak ko parin ang picture niya sa basang kamay ko. Mabilis ko itong sinapo at pinahid ang luha na pumapatak sa pisngi ko. Makikilala ko na rin kung sino ang nasa likod nito. Alam kong hindi sila nanahimik napakarami nila at yon ang aalamin ko yon.  Marahan pa akong tumayo at tinignan muli ang larawan na nasa itaas. Ang larawan na yon bago ng masamang nangyari sa amin. Tinanggal ko ito sa pagkakapin bago hinawakan ng mariin bago pumikit. Flashback   Namutawi ang katahimikan sa amin.  Nagkakatinginan kami bago sa bawat isa. Sa mukha ng isa't isa. Nakaramdam agad ako ng takot ng dampian niya ng kamay ang braso ko. Si Maxine.  Naramdaman  ko na lamang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ay tumayo. Mas lalo pang nagpadagdag ng kaba ko ang mga sumunod na pangyayari—Napatingin ako sa tinuturo ni Megan, medyo nag-iba ang kaniyang mukha kaya napatingin ako sa kaniyang tinuturo. Kung totoo ang nakikita ko please lang ayokong pang mamatay. Mahal ko pa ang buhay ko.   Ano yung hawak niya sa kaliwang kamay niya?   Ano yung hawak nung tao?  Bakit kumikinang?   Kahit si Maxine ay nakatingin rin sa tinitingnan ko. Gaya ko ay nakakunot siya habang pinagmamasdan kung sino ang naroon. Ano yung nakikita ko?     Ano yun?   Bakit may? Nalilito ako....   Guni-guni ko lang pala..   ....   Napakunot ang noo ko ng may naamoy akong hindi kaaya-ayang amoy. Hindi ko mawari kung anong amoy ang aking naamoy. Sobrang sangsang na amoy parang amoy ng nabubulok na bangkay na tinapon sa damuhan malapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung patay na daga ba ang naamoy ko o patay na tao? Tang*na patay na tao talaga?   Hindi ko maipaliwanag pero sobrang baho talaga nakakahilo... nasusuka ako.   "Max, may naamoy ka?" Tanong ko.   "Wala naman ah," sagot ni Maxine. Nakita kong lumanghap ang hangin si Maxine makikita sa kaniyang reaksiyon na parang dinaramdam niya ang kaniyang naamoy. Kapag  talaga naamoy Maxine ang naamoy ko , sinasabi ko talaga sa inyo mabaho talaga ang naamoy ko. Napansin ko naman si Megan na nakikiamoy rin sa naamoy naming dalawa. Nakita ko naman si Maxine na napatakip siya sa kaniyang ilong. Habang si Megan naman ay todo singhot sa mabahong amoy. PUTANG*NA? Anong singhot ng mga 'to? ay baka utot ni Maxine. Joke lang.   "Kingina ang baho!" Sigaw niya sabay takip ng ilong. Nag iba rin ang itsura niya dahil sa naamoy niya.   "Hindi ko talaga maamoy, ano ba kasing amoy 'yun!" Protesta niya.   Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya alam kong medyo slow talaga siya sa ganitong bagay-si Megan. Hindi ko na kaya madidigwa na talaga ako sa kaka- amoy ng mabahong amoy na ito. Hindi ko na kaya susuka na ako.   "May sipon kaba?" Tanong ni Max.   Sumulyap ako ng kaunti sa kaniyang dahil naduduwal ako. Sobrang baho talaga rito ano ba kasing mayroon dito sa damuhan? Bakit sobrang baho?   "W-wala naman akong sipon." Mabilis na umiling siya.   "Bakit hindi ka makaamoy?" Maang na tanong ko.   Hahawakan ang kaniyang noo at tiningnan kung mayroon ba siyang lagnat.   Hindi ko namalayan tumaas na ang kilay ko sa sagot niya. Normal pa ba si Megan? Oh sadyang slow na talaga? Pinunasan ko ang aking bibig ng panyo dahil sumuka ako. Nahihilo talaga ako parang mamatay ako sa baho ng amoy dito sa damuhan.   "Amoy patay putcha!" Umupo ako para sumuka ulit.   Isa kasi akong taong mabilis magalit o mainis. Nakakainis kasi si Megan maiinis kana lang talaga sa kaniya kahit kaibigan mo siya. Sumeryoso ang mukha ko saka tumingin sa kaniya.   "O-oo nga amoy patay nga eh," nakangiwing niyang saad nito.   "Napaka slow mo talaga Megan." Kinaltukan ko siya..   Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang babaeng ito baka maaga ko na siyang sinapak. We are friend ever since elementary pa kami magkakaibigan talaga kami. Sabihin na natin pati baho ko alam nila at walang malisya roon para na nga kaming magkakapatid kung titignan kami.   Namangha ako kay Maxine dahil sa tibay ng kaniyang sikmura ni hindi manlang siya sumuka katulad sa'kin dahil sa sobrang baho ng amoy.  Pagkarating na pagkarating ko talaga sa bahay ay ay iinom talaga ako ng gamot. Sumasakit na yung tiyan ko tyaka hindi pa ako kumakain ng almusal nagugutom na talaga.  Dahil sa pambihirang Thesis na dahil sa kakagawan ng aming demonyitang lider namin—si Claire.   Napatingin ako kay Megan na kanina pa nakatahimik sa tabi. Nakatingin siya sa malayo at hindi iniinda ang mabahong hangin nalalanghap namin ni Maxine. Hindi kaya?   Hindi kaya?  Siya?  No way?   "Em-em Kingina h'wag munang ipaamoy sa amin." Pagmamakaawa ni Maxine. "Luh?"   "Ano bang pinapa-amoy ko sa'yo?" Inosenteng tanong niya.   "Tumae kana sa damuhan, pina-aamoy mo pa sa amin eh," asar niya rito kaya agad na nagulat si Megan sa sinabi niya.   "Hoy Maxine hindi ako ang umutot huh, hindi rin ako natatatae," depensa niya pa sa kaniyang sarili.   "Porque umutot ako na agad?" Dagdag niya pa.   "Bakit Em-em sinabi ko ba na ikaw yung mabaho este umutot?" Tanong niya ulit   "H-hindi."   "Hindi pala eh, edi h'wag ka mag react," sagot ni Max.   "Eh sino ba yung sinasabihan mo?" Tanong niya.   "Ako o Ako?"   "Wala naman pagpipilian eh." Umirap pa siya.   "Sagutin mo tanong ko," nanlaki ang mata ni Megan kaya natawa si Maxine.   "Anong isasagot ko?" Pilosopong tanong niya.   "Teka, wala pa akong tanong." Tinulak niya ang mukha ni Maxine.   Nagtawanan kaming dalawa sa ginawa ni Megan alam kong inis na inis na si Max kaya mas lalo niya pa itong pagbubutihin para matalo niya ito. Dahil sa kanilang away ay hindi pa natatalo si Maxine kaya pagkakataon na niya ito para matalo si Max. Umubo siya sabay pitik sa pisngi ni Maxine kahit kailan talaga si Megan isip bata!   "Aray!" Hinawakan niya pa ang noo na namumula.   "Aray makatulak ng wagas huh, mamaya ka sakin mag susuntukan tayo sa bahay." Banta pa niya.   "Sino ba kasi ang sinasabihan mo?" Pang iiba ng usapan niya.   "Bakit mo iniiba yung usapan?" Tanong ulit ni Max at tumaas ang kilay.   "Nagpaparinig lang ako bakit may angal ka?" Dagdag niya pa sabay tawa.   "Wala bakit may angal ka rin?" Tanong niya pabalik kay Em-em.   Nararamdaman ko na parang nag uusok ang tenga ni Megan dahil nagtatalo na naman sila. Ewan ko ba bakit ko sila naging kaibigan palagi nalang silang nag aaway ng walang dahilan. Kahit sa maliit na bagay ay hindi nila pinapalagpas basta sa maliit na away. Ganito pa ang gagawin nilang dalawa pipikonin nila ang bawat isa bago sumuko ang isa.   "Shss, ano ba kayo away kayo ng away mamaya na kayo magsabunutan sa bahay." Umirap ako.   Nagtawanan lamang silang dalawa sa sinasabi ko kaya kiniliti ko silang dalawa kahit kailan talaga kapag talaga kaibigan ko ang kumulit sa akin, wala na finish na.   "Manahimik ka mukha kang kambing em-em-em-em." Ginaya niya pa ang tunog ng kambing.   Ang seryosong em-em (Megan) ay biglang napatawa.  Kaya nagtawanan rin kami ni Max dahil tumulo ang sipon niya sa ilong.   "Tarantado yung sipon mo mapanakit," pang aasar pa ni Maxine kaya mas lalo kaming nagtawanan suminghot singkot na lamang siya sabay tawa.   Napanganga na lamang siya sa sinabi ni Maxine kahit ano talagang laban niya rito ay mababara siya ni Maxine.   Inirapan niya kami sabay tingin sa malayo at hindi kami pinapansin masyado kasi siyang napahiya sa asaran.   "Well ako na naman ang nanalo give some clause." Tuwang-tuwang sabi niya.   Kahit kailan talaga si Maxine napaka-hambog. Napairap narin ako dahil sa hinding makataong gawa niya kay Megan.   Nakita kong nakasimangot si Megan maryusep! Nagtatampo na naman talaga ang bata, isip bata talaga. Narinig na lang namin siyang umiiyak ng walang dahilan at tumingin sa malayo sabay punas ng napakaraming mga luha sa kaniyang pisngi.   Huminto siya at may itinuro na naman sa malayo. Kaya nagtawanan ulit kami ni Maxine.   "Tingnan niyo." Itinuro niya ulit ang nasa malayo.   Nagtawanan ulit kami at mahinang pinalo siya sa kaniyang likod. Kaya mabilis niya kaming inirapan at ininda ang sakit sabay tawa.   "Ano na naman ba ang tinira mo ah nag aadik ka na naman ba?" Tanong ni Maxine.   "Wala akong tinitira hindi ako nag aadik." Umirap ulit siya.   Alam kong naiinis na siya sa pang aasar niya rito nakakainis lang kasi parehas silang isip bata.   Napahinto ako ng mahawakan ko ang lupa nararamdaman kong may panganib sa paligid. Teka ano ang nakikita ko sa aking mga mata? Bakit parang? Heto na naman ang aking kapangyarihan makakita ng hinaharap at mangyayari pa lamang.   "Anong nangyayari sa 'yo ‘Kirah?" Nag-aalang tanong ni Em-em,   Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at niyakap ako. Alam kong walang makakapigil sa'kin sa anumang nakikita ko.   May nakikita ako may isang mahabang nakarobang itim na may hawak na malaking itak malapit sa aming kinatatayuan. Papalapit siya dito sa amin. Mabilis na nagbalik ang aking ulirat at nagbalik sa normal ang lahat.   "Boosh, ano bang nangyari sa'yo?" Tanong nilang dalawa.   Mabilis akong umiling sabay ngumiti sa kanilang dalawa at sinabi sa kanilang—  "Ayos lang ako, h'wag kayong mag-alala sumakit lang ang ulo ko," pagsisinungaling ko sa kanila.   Nakita ko naman ang reaksiyon ni Max na nakatas ang kaliwang kilay na para bang hindi kumpyansa sa aking sagot. Nakikita ko rin na may pag aalinlangan siya sa akin. Pero mabilis niya itong pinalitan ng tawa. Ang OA talaga niya napairap na lamang ako.   No, Akirah you should be quiet, masyadong delikado kung sasabihin mo sa kanila ang buo mong pagkatao. Mas mabuti na lamang siguro Akirah na manahimik kana lang at h'wag nang magsalita. I know kahit kaibigan mo sila hindi mo parin sila makakapag-katiwalaan. There's no difference between people and devil. "May kasama pang tirik mata," dagdag niya sabay hinampas si Megan.   Tama lamang ito na huwag kong sabihin sa kanila ang aking tinatagong sikreto. Ikakabuti ko ito at ikakabuti rin nila. Para sa ikakabuti ng lahat mas mainam na maging tahimik na lamang ako kaysa ipagsabi ko ang totoong pagkatao ko sa kanila. Dahil isa akong taong nakakakita ng hinaharap nakikita ko ang mangyayari pa lamang sa mundo. Pero wala akong kapangyarihan na pigilan ang masamang mangyayari sa mundong ito.   Nakakabingi ang pagtahimik ng paligid may nagbabadya talagang panganib kaya dapat ko silang babalaan.   "T-teka shss, h'wag kayo maingay," babala ko sa kanila.   Nakita ko naman sumeryoso ang mukha nila mas lalo na si Megan na nanlalaki ang mata dahil sa nakikita niya sa likod ko.   “Huwag kang gagalaw Akirah binabalaan kita,” mahinang babala ni Megan sa'kin.   Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo pa akong nagulat ng may mahinang humampas sa kaliwang balikat ko. Sino yung humampas sa balikat ko? Bakit niya ako hinampas?   Hindi kaya?   What the F?   MAY TAO SA LIKOD KO?   SINO?   "AKIRAH ILAG," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya mabilis kong sinunod ang kaniyang inuutos at umilag ako.   Bakit ako iilag, sino ang iilagan ko? Anong meron sa likod ko?   "Huh?"                                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD