Sabina NASA HOTEL na kami ngayon ni Kuya. Matapos paalisin at pagbantaan nito ang buhay ni Hades ay umalis kami ng apartment. Nag-iwan siya ng pera na makikita ng landlord ko bukas. Hindi ito hotel na pagmamay-ari ng sa mga De Laurentis. Halatang ayaw ni Kuya na tumuloy sa pag-aari ng pamilyang konektado sa mga Salvatore. “Hindi ba ninyo maaaring pag-usapan kung anong hindi ninyo pagkakaintindihan?” Iyon ang sinabi ko kay Kuya. Bukod sa hindi ko makayanan ang silent treatment na ibinibigay niya sa akin, ang daming gumugulo sa isipan ko. Duguan si Hades kanina at hindi siya lumaban hindi dahil hindi niya kaya, hindi niya nilabanan si Kuya dahil sa akin. I’m sure he knows that I’ll be hurt if he hit my brother, and he doesn’t want to do it in front of me. Kahit ang kapalit nito ay kapaha

