Sabina AKALA MO ay tumigil ang oras ko matapos ang sinabi ni Hades. “Anong sinabi mo?” Gusto kong sabihin sa aking sarili na mali lamang ang pagkakaintindi ko. Hanggang ngayon ay umaasa ako na mali ako. Tuluyan nang itinago ni Hades ang kanyang emosyon. Blangko lamang ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Panay ang pagbuhos ng luha ko at hindi ko na siya makita dahil sa panunubig ng mga ito. Huminga nang malalim si Hades bago muling magsalita. “Ginamit kita, Sabina. Iyon ang dahilan bakit kita nilapitan noong una.” Kumawala ang hikbi mula sa akin. Kinailangan kong takpan ang aking bibig para lamang pigilan iyon. Muntikan na akong matumba dahil sa panghihina dala ng pagkumpirma ni Hades sa mga sinabi ni Kuya sa akin. He said it. He used me. Ginamit niya ako dahil galit siy

