"Ate nandito na tayo," Sari-saring emosyon ang naramdaman ni Lian sa nabanggit ni Shana. Narito na sila sa Restaurant. "Pwede bang ikaw ang mag-abot nito sa kuya mo," inabot ni Lian ang plastic bag kay Shana. "Hindi ko kayang labanan ang kaba at hiyang nararamdaman ko." "Ate, ngayon ka pa ba kakabahan? Nandito na tayo. Halika na." si Shana na ang nag-alalay kay Lian papasok sa loob ng Restaurant. Mabuti kaunti lang ang tao kahit pa lunch time na. Hindi pa dinadagsa ng mga tao ang lugar. Nahagip agad ng mata ni Lian si Shaun. Nakikipagtawanan ito sa kapwa trabahador habang nasa Cashier. "Kuya!" tawag ni Shana sa nakatatandang kapatid. Bakas ang Inis sa mukha nito ngunit bakit naman? Naguguluhang isip ni Lian. "Shana," mabilis na tumugon si Shaun at dumalo sa aming kinatatayuan. "Ma

