"I want to meet this guy. He's incredible!" Sobrang mangha si Nicholai kay Stephen noong ikuwento ko ito sa kaniya. Naikuwento ko kasi ang nangyari kagabi at si bruha may bagong gusto para sa akin. Lahat na lang yata ng lalaki ay gusto ni Lhai para sa akin. "Ang sweet niya naman sa iyo." "Di ba ayaw mo kay Rigor? Feels like he's doing the same thing on me." "Pero 'di ba sinabi niya naman sa iyo na sincere siya sa nararamdaman niya? At saka gusto ka pa lang naman niya kilalanin. Give him a chance, malay mo naman nasa kaniya na ang forever mo. Kung ayaw mo kay Top, then dito ka kay hottie businessman." Natawa ako sa huli niyang sinabi. Talagang hottie businessman ang tinawag niya kay Stephen, pinanindigan niya na yon. Haha. "Huwag na muna nating isipin iyan. Ang problemahin natin ay

